Sabado, Disyembre 31, 2011

HAPPY NEW YEAR!!!


  Isang bagong taon na naman.Panibagong simulain at bagong pag-asa.Kaugalian na ng mga pinoy na dapat gawing "enggrande" ang bawat pagsalubong sa dadating na taon.Present dyan ang kung masasarap na putahe ng pagkain tulad ng lechon, adobong baboy/manok, sinigang, tinola at mga desserts tulad ng bibingka, "biko", mango float,ETC. at kung anu-ano pang mga pagkain na makakapagpataas ng cholesterol level ng isang tao.At kapag nasobrahan magsasanhi  kung anu-anong mga sakit na related sa ma-kolesterol na pagkain.Present din ang mga taong matitigas ang kokote na walang sawang magpapaputok para daw mawala ang malas (na kadalasan sila pa ang minamalas dahil sa naputukan) at mga lasenggong may dala-dalang baril para barilin kung sino mang pipigil sa kanyang pag-aamok.Present din ang mga "new year's resolution" na kinalaunan hindi naman matutupad dahil sa kung anu-anong mga rason.At ang huli, ubos lahat ng naipon ng buong taon dahil sa walang habas na paggasta para sa panghanda at mga regalo na ipamimigay sa mga inaanak na bigla na lang susulpot kapag bagong taon.Ang 2011 ay isang masalimuot na taon at sa iba maganda at masaganang taon.Maraming kalamidad ang tumama sa ating bansa pero nandito parin tayo nilalabanan ang agos ng buhay.
   Sana naman sa susunod na taon, magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas.Pero bago 'yan, dapat magsimula mismo sa mga pinoy.Sabi nila magugunaw daw ang mundo kaya gawing motivation 'yang kalokohan na 'yan para magbago.At para naman sa mga militanteng grupo at NPA, andami 'nyong shit ngayong taon.Kung nararamdaman nyo talaga ang paghihirap ng masa, imbes na magprotesta at gumawa ng katarantaduhan tulungan nyo ang mga mahihirap tulad ng pagsasagawa ng proyekto para ikabubuti ng nakakarami tulad ng feeding programs at kung anu-ano pang mga proyekto na mag-i-empower sa esteem ng mamamayan.Gusto n'yo ng pagbabago? 'wag gumawa ng shit ngayong taon at 'wag gamitin ang paghihirap ng iba para isulong ang kalokohang paniniwala ninyo.At para sa kapwa ko manggagawa, (kung tutuusin estudyante pa talaga ako) magsikap tayo mga pare.Ika nga sa isang blog na nabasa ko, hanggat may oportunidad, may pag-asa.Tulad ng iba marami din akong plano sa taon na ito.Ngayong taon wala akong "new year's resolution" tulad ng iba.Simple lang naman ang gusto ko eh hindi na kinakailangan maglista-lista para kuno isakatuparan ang resolutions na nilista sa kapiraso ng papel.Na sana maging mapayapa ang taon na ito para sa iba at mga taong malalapit sa akin.Basta mga parekoy HAPPY NEW YEAR!

Linggo, Disyembre 25, 2011

"Malungkot na pamasko"

  Isang pangit at masamang pamasko ang mga nangyari sa Cagayan De Oro at Iligan City ngayong taon.Kamakailan lang nanalasa ang bagyong "Sendong" na kumitil ng libu-libong buhay at nagdulot ng milyon-milyong pinsala.Pero tulad ng dati ko nang mga na-feature na mga isyu, (hindi naman talaga isyu ito eh mas angkop ang kalamidad) tingnan natin ang positibong bagay dahil sa pangyayaring ito at pati na rin ang negatibo.Meron akong ginawang mga listahan kaya natagalan akong nakapagpasya na i-post ito sa blog ko.Jowk lang busy talaga ako.Eto ang mga sumusunod...

 1.Dahil sa bagyo, naging "aware" kuno ang mga tangang opisyal ng mga pamahalaan na ganito ang mangyayari sa kanilang katarantaduhan.Matagal nang problema  ito eh kaso parang nagbubulag-bulagan lang ang mga nasa gobyerno.Hindi ko mawari kung bakit hindi nila ito mabigyan ng lunas.Baka tinamad lang sila.Busy ata sa pangungurakot.
2.Mas nakita ang "bayanihan" nating mga pilipino.Marami ang nagpaabot ng tulong mapa-pagkain man o mapadamit.Lahat ng pwedeng i-imagine ninyong pwedeng itulong sa mga nasalanta nandoon na.Magandang senyales ito na meron paring pag-asa ang bayan natin.Na kapag merong nangangailangan handa tayo para magpaabot ng konting tulong.Hindi kasali 'yung mga pumupunta ng McDonalds at nagla-latte sa mga pangmayamang kapehan at walang pake sa mga namatayan.
3.Dahil sa kalamidad, nakita ang masamang epekto ng patuloy na pagputol ng daan-daang puno sa kagubatan at pagka-kalbo ng kabundukan at malawakang pagmimina sa mga matinding nasalanta na lugar.Matagal ng na-lecture ng ating mga guro sa elementarya na kapag walang puno, walang sisipsip sa tubig-ulan na nagdudulot ng pagbaha.Pero sa totoo lang hindi naman talaga natin masisisi yan na "kalbo" na ang pangulo este kabundukan.Sabihin na lang natin isa ito sa epekto ng "Global Warming".Hindi naman kasi normal 'yang bagyo na magbubuhos  ng pang-isang buwan na ulan.
4.Matagal nang nag-warning ang lokal na gobyerno na hindi angkop tirahan ang mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo.Sinasabi kasi nila na "flood prone area" daw talaga 'yung mga nabanggit na lugar pero dahil sa matigas ang  kokote ng iba, maraming namatay.Hindi sa sinasabi ko na sila ang may kasalanan pero kung na-warningan na sila tungkol doon bakit pa ba nila ibubuwis ang kanilang buhay para tumira sa delikadong lugar na 'yun? Matigas lang talaga ang ulo nila at marami silang natutunan dahil sa kalamidad.
5.Nakita din dito kung gaano tinamad ang gobyerno na paghandaan ang mga kalamidad na tulad nito.Busy ata sa pag-aasikaso sa kaso ng mga Arroyo.Ilang buhay pa ba ang kailangan para gumalaw sila?

   Sa akin lang naman, hindi natin maituturo kung sino ba talaga ang may kasalanan.Tanggapin natin na both parties eh merong kasalanan.Sa parte ng mga namatayan, hindi kasi sila sumunod sa warning ng local government na malapit sa aksidente ang kanilang tinitirhan.Kung titingnan ang heograpiya ng lugar na kung saan tumama ang bagyong "Sendong", makikita talaga na delikado itong tirahan dahil malapit sila sa mga ilog.At sa parte ng gobyerno, Pu!@#4%$^ nila bakit nila hinigpitan ang pagpapatupad ng "total log ban" at hinayaan nila na magkaroon ng minahan sa mga nasabing lugar.Konting pakain sa mga utak, walang mapapalang maganda ang gobyerno at mga mamamayan (except na ang nabigyan ng trabaho) sa pagmimina.Bakit? Sa pagmimina, ang binabayaran lang ng mga kompanyang mga yan ang buwis-permiso at iba pang chechebureche sa tax.Sa mga namimina mismo tulad ng ginto, pilak, ETC. walang napapataw na buwis kaya parang lugi na sa parte ng gobyerno.Milyon-milyong industriya yang pagmimina parekoy kaya kung papayagan man nila ang pagmimina sa specific na lugar, dapat higpitan pa nila at syempre magpataw sila ng naaangkop na "kabayaran".Pero higit sa lahat, kahit maraming namatay, masayang ipinagdiwang ng iba sa Cagayan De Oro at Iligan City ang pasko kahit kakarampot na canned goods at konting rasyon na pagkain lang ang kanilang pinagsaluhan sa kabila ng masaklap na pangyayaring 'yun.Ang pasko naman talaga ang nangangahulugan ng pagbibigayan sa kapwa at masaya sa parte ko na makitang kahit naghihirap sila, ipinagdiwang parin nila ang pasko at naniniwala parin sila sa Panginoon na nasa "itaas".Hindi sa kisame 'wag tanga...

  

Linggo, Disyembre 18, 2011

Relationship status: "Desaparecidos"

   Oo alam kong hindi ito facebook relationship status pero hayaan n'yong i-tackle ko ang isyu na 'to.Kung ganado kang magresearch kung ano itong sinasabi ko na "Desaparecidos" ito 'yung mga tao na biktima ng sneaky na pag-abduct sa kanila ng isang political organization o estado.Kadalasan ginagawa nila ito para hindi na masasaklaw ng mga biktima ang karapatang-pantao na dapat tinatamasa nila o hindi  mayari ang mga suspect sa batas.Ayon sa  Rome Statute of the International Criminal Court, maikokonsedera na itong "crimes againts humanity" at walang pyansa o pampalubag-loob ang kalokohang ito.Kadalasan ang mga biktima nito ay mga aktibista na lumalaban at naninindigan sa katotohanan.
   Tulad ng pagluto ng itlog na may mga procedures, meron ding mga sinusunod na procedures ang mga tarantadong suspect na guilty sa kawalang-hiyaan na ito.Ito ang mga sumusunod...
1.Una, magtitipon-tipon na muna ang mga suspect para makapagplano sila kung papaano nila gagawin ang operasyon.Kadalasan venue nito eh 'yung mga lugar na wala masyadong tao.Kabobohan kung ang venue nyo ay fast-food chains, parke, o palengke.
2.Kung meron nang napagkasunduan at plano, kukuha ng resources at gagamitin syempre.Hindi problema yan kasi nga under sila ng isang malaking political organization o gobyerno.
3.Susundan ng ilang linggo o buwan ang napiling target.Kinakailangan dito na maging ninja ka mismo.
4.At ang huli susulpot bigla sa harapan ng mga biktima ang rumaragasang sasakyan na magsisilbing huling "joy ride" n'ya kasama ang mga bagong esprens.Mabilis lang ito nangyayari hindi inaabot ng ilang minuto.
    Kadalasan inaabot ng mga biktima ang walang katapusang pagpapahirap o torture.Ginagawa nila ito para makapaghiganti o kung meron silang gustong pigain na konting impormasyon sa biktima.At ang last step, papatayin at ililibing sa isang malayong lugar para walang ebidensya.Ang mga pinaghihinalaan na gumawa ng kalokohan eh may "deniability" o pagtanggi sa pagpatay kasi nga walang ebidensyang nakita.Kung tutuusin isa itong malaking problema sa ating bansa na dapat hindi binabalewala lang ng gobyerno.Kung seryoso talaga ang kalbo este gobyerno na magkaroon ng "tuwid na daan" ang bansa na ito dapat isa ito sa dapat n'yang pinaglalaanan ng pansin.Rampant kasi ito noon sa dating administrasyon ni Aleng Gloria.Nagbubulag-bulag lang ang ale dahil pabor din yan sa parte nila o baka nga sila pa mismo ang nag-uutos na gawin ito.Hindi sana maulit ito sa administrasyon ni P-Noy.Malaking kahihiyan kasi ito sa umiiral kuno na "demokrasya" sa ating bansa.

Martes, Disyembre 13, 2011

"Medical Adventures of Rep.Gloria Macapagal Arroyo" version 3

   Marami na akong nilaktawan na mga pangyayari sa buhay ni Aleng Gloria naging busy ako nitong nakaraan eh.Busy ang linya.Pero babawi ako ngayon kaso nga lang hindi si "Ale" ang nakahain sa ating topic ngayon.Mag-pokus tayo sa kanyang tuta na si Chief Justice Renato Corona.Bakit tuta?Kung titingnan natin ang buong kasaysayan ng mama na ito eh baka ma-gets n'yo na ang ibig kong sabihin.Malapit kasi 'tong si parekoy Corona kay CGMA at sa katunayan bago bumaba sa katungkulan si CGMA bilang pangulo, inapoint n'ya itong si  Renato Corona na dating Presidential Chief of Staff under n'ya bilang bagong Chief Justice noong Mayo 12,2010 na binansagan ng mga kritiko ni Arroyo na "Midnight Appointee".Kung malikot ang isipan mo at purong kabalbalan ang alam mo eh maiisip mo talaga na "kaya nilagay ng walang hiyang Gloria na yan si Corona dahil naghahanda yang walang hiya na yan baka makasuhan sya sa hinaharap".At hindi nga kayo nagkamali.
   Kung maggo-google kayo o magre-research ng kung anu-anong tungkol kay parekoy Corona sa mga desisyon n'ya nang Chief Justice pa s'ya eh ang record na mismo ang magsasabi sa inyo.Kung hahalungkatin n'yo kasi ang mga desisyon/records n'ya na related kay aleng Gloria eh lahat pumapabor sa ale.Mula sa mga kung anu-anong kasong sinampa sa kanya hanggang sa pagpabor nito na makalabas ng bansa para makapagpagamot ang ale.Walang palya at walang paltos, sumakay pa kayo.Dahil sa "bias" na mga desisyon na ito, maraming kumuwestiyon sa kakayahan ng Supreme Court na maging patas sa lahat ng bagay.Pati nga ako mismo parang napailing dahil sa katarantaduhan nitong mama na'to.Sige na nga hindi na katarantaduhan, kalokohan na lang para magmukhang inosente parin.
   Nasa headlines ngayon sa mga pahayagan  na nahaharap na 'tong si parekoy Corona sa  "Impeachment complaint" na inihain ng mga haters ni Gloria na nilagdaan ng mahigit 188 na kongresista i-add pa natin ang basbas ng kalbo este palasyo.Ayon nga ng iba, mas mabilis pa sa pagprito ng itlog o mabilis pa sa alas-kwatro ang paghain ng complaint na ito at halatang minadali.Kapag merong basbas ng kalbo este palasyo mabilis talaga.Natatandaan n'yo ang nangyari kay aleng Gloria ng gumalaw ang kalbo este palasyo at gumawa ng paraan? Kung hindi n'yo naaalala bahala kayo.Problema n'yo na yun wag n'yo na akong isali.
    Sa akin lang naman, kaya naman pala ng ating gobyerno na gumawa ng sapilitang hakbang para maisagawa ang mga bagay ng walang kahirap-hirap."Thumbs up" ako tungkol sa pagpapakulong sa mga Arroyo at pagsupil sa mga kaanib nito pero sana walang bastusan sa batas.Mas maganda sana kung ginamit nila ito para matugunan ang lumalalang problema ng ating bayan.Gumawa na kasi ng hakbang para sa ating mga kababayan tulad ng paglulunsad ng mga proyekto para matugunan ang kagutuman,edukasyon, ETC.Lecheng paghihiganti 'yan mas mabuti sana kung nagladlad na lang si Papa Piolo o hindi kaya itong si Atty. Midas Marquez para everybody happy.Kung wala talagang ladladan mas mabuti pang manood na lang kayo ng Carebears.Sige na nga wala na palang Carebears BATIBOT na lang huling tawad....
  

Lunes, Disyembre 12, 2011

"Usapang AZKALS"

  Kung maiisip n'yo ba ang salitang "askal" ano ang papasok sa kokote ninyo? Asong ulol na naglalaway at sabik na sabik mangagat ng kung sino mang tao ang makita n'ya? Mali kayo.Sigurado akong kapag ang salitang "askal" ang naiisip ninyo tumutukoy 'yun sa ating pambansang kupunan natin sa football na "Philippine Azkals".Nagsimulang sumikat itong "Philippine Azkals" noong tinalo nila ang Sri Lanka sa score na at umusbong sa 2nd round ng "World Cup".Sinasabi ng iba na ang "Philippine Azkals" ang dahilan kung bakit umuusbong at sumisikat ang larong football sa bansa.Noong kapanahunan din na 'yun umuusbong din at gumagawa ng pangalan ang "Dragon Boat Team"(matagal nang sumusungkit ng gintong medalya tong grupo na'to).Kung tutuusin matagal nang isang malaking pangalan ang "Dragon Boat Team" sa larangan nila.Marami nang na-break na records ang grupo na ito at higit sa lahat, madaming ginto na ang nauwi ng samahan na ito.Teka bakit ba ako napunta sa Dragon Boat Team?Balik tayo sa "Philippine Azkals".
  Naging isang malaking "Media Hype" ang pagkapanalo ng mga Azkals laban sa mga Sri Lanka.Makikita mo kahit saang channel at usap-usapan ng mga tambay sa kanto ang kanilang achievement na ito.Nagkaroon sila ng sangkatutak na mga endorsements at advertisements dahil doon.Hindi ako sigurado kung dahil ba 'yun sa pagkapanalo nila o talagang pogi ang mga players ng Philippines Azkals.Kalahati kasi sa mga miyembro ng kupunan na ito, kalahating banyaga kalahating pinoy.Pero sa kapanahunan din na 'yun nagkaroon din naman ng achievement ang "Philippine Dragon Boat Team" pero nagtataka talaga ako kung bakit ni isang endorsement o advertisement walang nag-offer sa kanila.Ang masakit pa napabalitang nanghiram pa ng sagwan ang "Philippine Dragon Boat Team" sa kalabang kupunan para makapag-compete sa kompetisyon.Kahit na hindi nag-qualify ang "Philippine Azkals sa "World Cup" nakatatamasa parin sila ng malaking atensyon hindi tulad ng "Philippine Dragon Boat Team" na kahit nanalo sa isang prestihiyosong kompetisyon nakalimutan na lamang.Siguro hindi lang talaga sila gwapo.Ewan ko ba napapa-isip talaga ako kung talaga bang ang mga pinoy sadyang magaling lang mang-stereotype o binabase sa panlabas na anyo ang paghusga sa tao.Oo alam kong walang kinalaman ang ginuhit ko sa sinusulat ko ngayon pero ano magagawa ninyo 'yan ang pumapasok sa isipan ko tuwing napapag-usapan naming magkakatropa ang Philippine Azkals. Teka bakit ba napunta na naman ako sa isyu ng Dragon Boat-Azkals? Balik tayo sa Philippine Azkals.
   Kung pagtutuunan natin ng pansin ang kakayahan ng "Philippine Azkals" laban sa mga bigating mga kupunan ng ibang bansa, masyado pang "bata" ang team natin.Madami pang kakaining bigas ang mga Azkals bago nila mapantayan ang mga bigating team tulad ng Brazil, Argentina, Italy at Spain na kasalukuyang kampeon sa "World Cup".Pero malaking improvement na ito sa kasalukuyang estado ng Azkals sa larangan ng football.Pero mas maganda talaga kung purong pinoy ang nasa hanay ng national team natin para matawag natin talagang "Pinoy Pride".Nanonood lang kasi ang mga chikas hindi dahil sa "pinoy pride" kung hindi dahil sa gwapo lang talaga ang naglalaro.Kung gayun lang din naman mas mabuting matulog na lang kayo baka mapanaginipan nyo pa si Papa Piolo...
 

Martes, Disyembre 6, 2011

Kuro-kuro ni SYLK: Episode 2


Pangalawang episode ng "Kuro-kuro ni Sylk" featuring "Hayecent"...

Sabado, Disyembre 3, 2011

"THE GREAT LAW OF CHINA"

  Kung meron kang nilabag na batas, dapat mong pagbayaran.Nabalitaan na naman natin kamakailan lang na meron na naman daw bibitayin na mga pinoy sa Tsina dahil sa kasong "Drug Trafficking".Ayon sa nakalap kong impormasyon, tinatayang merong mahigit 220 na pinoy sa Tsina na nahaharap sa ganitong sitwasyon.Ang mas masaklap pa, karamihan dito ay mga babae, edad 20 hanggang 40, na naghahangad lang na makapagtrabaho sa ibang bansa para sa kani-kanilang mga pamilya.Masaklap na kapalaran dahil sa katarantaduhan ng iba.Ginagawang "courier" ng mga sindikato ang mga pinoy na nabibiktima ng illegal recruiters dito sa ating bansa.Kung tutuusin naman talaga, dito pa lang mismo sa ating bansa nagsisimula na ang problema.Ang iba kasi, atat na atat na makapagtrabaho sa ibang bansa na hindi nagsasaliksik ng maigi kung anung klaseng "Agency" ang kanilang pinapasukan.Nakakalungkot mang isipin, kasalanan din naman ng kapwa natin pinoy kung bakit nahuhulog sila sa ganitong patibong.
   Sa akin lang naman, hindi na dapat nagpapadala ng sugo o kinatawan ang ating gobyerno para magmakaawa o umapela na ibaba na lamang ang sentensya ng mga pinoy na nahaharap sa death penalty sa Tsina.Hassle na kasi kung gagawin natin 'yan.Bakit? Ito ang mga rason ko...

1.Una, gagasta na naman ang pamahalaan ng pamasahe para papuntahin ang kinatawan sa Tsina.Pera ng bayan iyan iho hindi pera ng kung sino man 'yan.Imbes na gumasta ng pamasahe para magpadala ng kinatawan sa Tsina, gumawa na lamang ng isang malaking proyekto ang gobyerno na may malaking kickback.
2.Halatang nagpapabango si pareng Jejomar Binay.Pwede namang hindi na s'ya ang pumunta doon mismo para magmakaawa o umapela sa gobyerno ng Tsina (hindi ko matanto kung bakit s'ya ang nagrerepresenta mismo na umapela kapag merong mabibitay sa ibang bansa).Matanong ko lang, ano pala ang silbi ng Consul doon natin sa Tsina? Sitting pretty lang?Tatakbo ata sa susunod na eleksyon si parekoy.
3.Hindi sa wala tayong pakialam pero alam naman ng mga pinoy na nahaharap sa Death Penalty sa Tsina ang mga "risk" kung gagawin nila ang ganyan o ganito.At isa pa, dapat nating respetuhin ang batas ng ibang bansa.Magkaiba ang demokrasya(Pilipinas) sa komunismo(Tsina).Ang tanging maitutulong na lamang ng gobyerno natin sa mga pinoy na death convict sa Tsina eh siguraduhin na magkakaroon ng magandang buhay ang mga naiwang pamilya ng mga naturang pinoy tulad ng pagbibigay ng house and lot, scholarship, kotse, mamahaling iPad/iPod,buwanang-sustento pang-DOTA, ETC.Doon pa lamang, makakahinga na ng maluwag ang mga kapwa natin pinoy na nahaharap sa Death Penalty dahil sa assurance ng gobyerno sa kanila.
4.Marami pang mga bagay na dapat mas tuunan ng pansin ng ating pangulo.Isa na dito ang sinasabi n'yang "tuwid na daan".Ewan ko ba parang applicable lang ito sa ordinaryong mamamayan ng ating bansa at hindi sa mga matataas na opisyal ng ating gobyerno.Basta kwento ko na lang sa inyo sa susunod ang tungkol sa "KKK" sa administrasyon ni PNoy...

  Bottomline, ang batas ay batas.Dapat tayong sumunod dito para magkaroon ng kaayusan sa isang bansa (maliban na lang kung tinatarantado na tayo).Ang batas ay nagsisilbing "matibay na haligi" o "pundasyon" para sa kabutihan ng nakakarami.Kaya 'wag na makulet mga bata.'Wag na sanang sumawsaw ang mga makakaliwa dito dahil lalong gumugulo ang sitwasyon.

 

Huwebes, Disyembre 1, 2011

Coverpage: "SILVER"


Sa wakas na scan ko na din 'yung coverpage at ilang mga pahina ng ginagawa kong komiks.Ang iba sa susunod ko na lamang ii-scan hindi ko pa kasi natapos tintaan.Gusto n'yo ng sampol?Sige eto ang ilan..


PAGE 1


PAGE 2

PAGE 3

Maiba ako, baka aabutin pa ng ilang araw ang pagpo-post ko ulit ng mga "political cartoon".Meron pa kasi akong inaasikaso.Baka sa susunod na lang.Busy ang linya....

Martes, Nobyembre 29, 2011

Anime character of the Day: Zeekat Alvarez (Non-Celeb)

  Oo alam ko luma na'to pero wala kayong magagawa.Sa mga friend ko sa Facebook parang nauumay na kayo dito.Post ko na lang din tong mga luma kong gawa kaysa sa wala.Maiba ako, s'ya nga pala si "ZeeKat Alvarez".Isa sa mga "Conquistadores" ng hindi matapos-tapos kong komiks(wala talaga akong oras tapusin 'yun, busy ako eh).Hayaan n'yo babawi ako sa mga darating na araw.Basta 'wag na mangulet....

Lunes, Nobyembre 28, 2011

"Golden Moves" para sa mga taong nabu-bully..

  Kahit na sa palaruan ka ng mga bata, sa paaralan o hindi kaya sa trabaho natatagpuan mo na lang ang sarili mo na nagiging target ng mga ungas na tinatawag nating mga "Bully".Isa itong pandaigdigang problema na mapahanggang sa ngayon, walang lunas.Alam n'yo mga pare, hindi lang yan problema ng mga weirdo at mga nerds kung hindi problema din yang mga taong sabihin na lang natin na "hindi normal" sa paningin nating mga malulusog at ordinaryong tao.Kadalasan, ang mga taong mahihina ang loob at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili ang peborit target ng mga bully.Kahit na ang pogi n'yong author naranasan na ang ganyang pambabanas noong bata pa ako at dumidede pa sa nanay.Basta mahaba at masalimuot na kwento wag n'yo nang ungkatin.Sigurado ako na kahit ang lolo ng lolo ng lolo ng lolo n'yo sa gilagid naranasan na 'yan.Kahit na ang mga katutubong friends natin sa kabundukan na-bully na din at biktima nito.Mabuti na lang at nandito ako at mapapahuyan ko kayo ng mga nararapat na mga hakbang para ma-counter ang ganitong katarantaduhan.
Sundan lang ang mga epektib at "golden moves" ng hindi ka ulit ma-bully o bubulihin o vice-versa....

1.Una, 'wag pansinin ang pambabanas ng mga bully.Gusto lang kasi ng mga yan na mag-react ka kaya wag na patusin.Kumbaga KSP lang ang mga yan.Inererekomenda ko na mag-aral ng pag-arte para magmukhang kapani-paniwala ang pang-iisnab sa mga bully.

2.Pangalawa, wag magpapa-uto sa katarantaduhan ng mga bully tulad ng hithitin mo ang utot ko, dilaan mo ang kanyang pwet, buhatin mo ang limang bloke ng semento ETC.Kung susundin mo kasi sila, magtri-trigger lang yan sa mga utak nila na kaya ka nilang utus-utusan.Kinakailangan mo na magmatapang at magpakaepal kung gaganituhin ka ng mga bully.Kadalasan kasi 'yung mga taong walang lakas ng loob at walang abs ang biktima ng bully.

3.Maituturing ding bully ang mga lasenggo sa kanto.Kadalasan, pinipilit kang papainumin ng serbesa at tanduay na gamit ang mga nilawayan nilang baso.Mahirap na baka mahawa ka ng TB, Hepatitis Z ng dahil sa basong iyan.Dapat magbaon ng patalim o ice pick kung hindi talaga maiiwasan.Nagsisilbing mabisang panakot sa mga lokong lasenggo ang matutulis na bagay.Kung wala namang sharp objects, dumampot ng kahit anong uri ng pamalo na malapit sayo pang selp depens.

4.Dapat mabilis kang tumakbo.Epektib yan kung merong mas malakas na sandata ang mga lasenggo tulad ng baril, granada, masingan, AK-47 ETC.Walang laban ang ice pick o patalim dyan (pati na ang pamalo).Maituturing parin na advantage ang pagiging lasing ng mga yan.Dagdag evasion para hindi ka matamaan.Pagdasal mo na lang boy..

5.'Wag na 'wag gaganti sa mga pambabanas ng mga bully tulad ng paninipa ng bayag, pagsigaw o pagmumura, pagtalon sa building, ETC.Tandaan na ang hinahangad ng mga bully ay mag-react ka sa pambabanas nila at dahil doon masa-satisfy mo ang mga ungas.Mas mabuti na sumama sa mga matatanda o hindi kaya magsama ng katropa para meron kang pangresbak kung eepal man sila.

6.Huwag magpakita ng emosyon sa isang bully na para ka nang bato.Kahit kilitiin ka man nila o sampalin dapat walang reaksyon na nanggagaling sa iyong mukha.Wala as in walang wala.Ang pagpapakita kasi ng emosyon sa isang bully ang nangangahulugang ineenjoy mo ang mga sandali na kapiling mo sila.Dapat ding mag-busy-busihan kunware para akalain nila na wala ka talagang pake sa kanila.

7.Ang huli, dapat meron kang taong masasabihan ng sama ng loob mo na na-bully ka o pinatripan ka tulad ni nanay, tatay, ate, kuya, bunso, si Pedrong mangtataho, si Aleng Gloria na naka-house arrest, ETC.Basta meron kang mapagkwekwentuhan na ginanito ka ni ganyan tapos ganyan ka ni ganito.Nakakatulong kasi sa isang tao na meron syang taong "labasan" ng kanyang sama ng loob at para pahuyan din sya ng mga "golden moves".Kung sa trabaho ka binubully, magpasipsip sa manager/supervisor na binubully ka.Kung sa paaralan naman, pinapayuhan ko kayo na magsumbong kay manong guard o sa titser para maparusahan.Bottomline, magsumbong sa nakatataas at ipagdasal ang kaluluwa nila....

   Alam ninyo, kung hindi nyo pa alam ang alam ko, malalaman n'yo dahil sasabihin ko sa inyo ang "sekretong moves" talaga dyan.Nasa mindset kasi yan mismo.Kung hahayaan mo na lang na aapakan ka ng ibang tao wala talagang mangyayari sayo.Na-bully ako makailanga ulit na pero alam n'yo ginawa ko(hindi kasali ang hindi nagtatanong, dapat talaga magtanong)? Inisip ko na may mapapala ako dahil sa binubully nila ako.Na dahil sa nabubully ako ngayon, mas lalo akong tatatag sa hinaharap at magagamit ko ito para payuhan ang mga taong nahaharap sa ganitong problema.At dahil dito matututo akong lumaban kahit na malaking tao man yan o maliit.Basta sundin na lang ang mga "Golden Moves" para hindi maligaw....

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Mabuhay mga magsasaka!

  Sa dinami-dami ng mga pambabadtrip at masasamang balita na naririnig natin sa telebisyon (sige na nga napapanood na din) ay meron ding mga magagandang balita na sumusulpot bigla na dapat nating ikasiya.Napabalita kasi kamakailan na nagdesisyon ang Supreme Court na ipamahagi sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang ekta-ektaryang lupa na pagmamay-ari ng mga Cojuangco sa boto na 14 para sa "Oo" at itlog para sa hindi na pumapabor sa mga magsasaka.Ilang dekada na ipinaglalaban ng mga magsasakang ito ang kanilang karapatan upang maangkin ang lupa sa bisa ng batas na tinatawag natin na "Comprehensive Agrarian Reform Program of 1988" na nagtatakda sa karapatan ng mga magsasaka sa kanilang sinasaka na lupa.
   Pero tingnan natin ang positibo at negatibong epekto ng desisyon na ito.Isa sa mga positibong epekto nito ay ang pagmamay-ari sa lupa mismo na kanilang pinaglalaban.Given na yan kaya nga nagbubunyi 'wag tanga.Ang masamang epekto naman nito ay ang paghahati.Tinataya lamang kasi na 3/4 sa mahigit 6200 magsasaka ang makakatanggap ng lupa.Mahigit isang libo dito ang maiichapwera at hindi mabibigyan ng lupa at syempre mawawalan ng pangkabuhayan.Ewan ko ba napaisip ako bigla kung dapat bang ikasaya o ikalungkot ng pogi nyong author ang pangyayaring ito.Para kasing babalik sa dating gawi ang mga hindi nabigyan ng lupa sa kanilang paghihirap na dinanas noon.Maswerte ang pangyayaring ito para sa mga nabigyan ng lupa pero sa mga hindi parang pinagsakluban sila ng langit at lupa dahil dito.Maaring "option" ng mga kawawang magsasaka ang magtrabaho ulit sa mga Cojuangco na may hindi makatarungan sahod o hindi kaya magtrabaho sa mga bagong may-ari ng lupa.Pero ang mas masaklap, malapit nang maubos ang mga signpens na gamit ko sa pagguhit....

"Medical Adventures of Rep.Gloria Macapagal-Arroyo" version 2

  Masyadong mabilis ang mga pangyayari at ito na ngayon ang kasalukuyang kalagayan ng dating pangulo na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.Nakapiit sa malamig, de-aircon at puno ng mga alalay sa hospital.Ayon sa balita, masyado daw malubha ang kalagayan ng dating pangulo para ipiit ito sa kulungan.Sa totoo lang mga pare, wala pa talaga akong nakikitang matataas na opisyal ng ating pamahalaan na nagkasala at nakulong kasama ng mga sangganong kriminal sa isang selda.Kadalasan, naka-house arrest ang mga ito o hindi kaya naka-hospital arrest kung merong sakit o nagsasakit-sakitan.Masyado daw napakabilis ng pangyayari ayon sa kampo ng dating pangulo.Ayon sa aking pananaliksik, aabutin ng tatlong buwan ang isang kaso para mabigyan ng isang Judge ang kanyang hatol sa isang kaso(gusto ko pa sanang manaliksik para lubos na maintindihan ang pagproproseso ng isang kaso kaya lang tinamad ako).Sa kaso ni CGMA, inabot lamang ng dalawang araw ang pagproproseso para makapagpalabas ng warrant of arrest para maikulong ang dating pangulo.Mali na mali at hindi patas na pamamaraan.Ayon din daw sa kanila, masyado daw pini-personal ng gobyerno ang kampanya nila laban sa dating pangulo.Na sa darating na pasko o mas maaga pa, hinihimas na ni CGMA ang malamig na rehas.Kung tutuusin, nagsimula talaga itong lumala ng binalak ni CGMA na magpagamot sa ibang bansa.Isa kasi sa mga pwedeng mangyari kung matuloy mang makalabas ng bansa ang dating pangulo ay hindi na ito mapapanagot sa kanyang mga katarantaduhan na ginawa sa mga pilipino.Gusto n'yo ng sampol? Isa na dito ang "Fertilzer Fund Scam",ZTE-Broadband deal, "Hello Garci Controversy", Blah Blah Blah kunwari nakikinig kayo at kunwari dumadaldal ako.Basta madami.Wag na kayong mangulet.
    Sa totoo lang, ayos na ayos para sa inyong pugee na author ang mga nangyayari sa kaso ni CGMA.Ayos dahil dapat managot ang may sala.Na dapat lahat tayo ay kayang papanagutin sa pambabadtrip o paggawa ng katarantaduhan sa kapwa.Na kahit na makapangyarihan ang nasasakdal kaya paring kilitiin ng kamay ng batas.Kiliti lang kasi hindi talaga napapagbayaran lahat-lahat ng nasasakdal ang kanyang kasalanan.Natural kasi sa ating mga pinoy na madaling makalimot sa mga atraso ng isang tao kung hindi man ito personal at kinalaunan pinapatawad.Pustahan hindi aabutin ng limang taon yang si CGMA sa kulungan at mabibigyan na yan ng "Pardon" ni Pnoy o hindi kaya 'yung susunod na magiging pangulo ng ating bansa.Basta subaybayan n'yo na lang ang adventures ng ale na to.

ITUTULOY.....

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Gusto n'yo ng wallpaper?

   Gusto n'yo ng wallpaper?Naalala ko pa 'tong gawa ko na to mga ilang taon na ang nakakaraan na ginawa ko sa cover ng notebook ko.Ito sana ang balak kong gawing coverpage ng ginagawa kong komiks.Kaso habang dumadaan ang mga araw, hindi ko na  na-develop ang mga character na nasa larawan.'Yung natira na lang ay tong nasa gitna na bida sa komiks ko, si "Knight Zaparto".
  Pasensya na at wala pa akong ma-post na matino dito sa blog na tungkol sa mga nangyayari sa pulitika.Isipin nyo na lang na busy ang pogi nyong author at may inihahandang mga "likha" sa dadating na araw.Basta subaybayan nyo na lang ang mga mumunti kong blog para sa karagdagang updates...

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

Kuro-kuro ni Sylk: Episode 1


 Unang bagsakan ng "Kuro-kuro ni Sylk".
Ipagpapatuloy.....

Miyerkules, Nobyembre 16, 2011

Epal ba kayo?

  Sa lahat ng taong nagpapadala at nagpapakalat sa epal na chart na ito, kayo na ang magaling! Kayo na din maging mga Judge sa kaso.Kayo na din ang maging mga witness sa kaso ng mga kalokohan ni Rep.Arroyo.Kayo na din ang maging lahat!
  Bottomline, may nasampa na bang "malakas na kaso" kay Gloria?Aanhin n'yo ba itong cute na chart na ito kung kayo mismo magpapadala dito?Sa totoo lang walang silbi itong kumakalat na larawan na ito kung kayo mismo dito lang makikiprotesta.Kung desedido talaga ang mga haters ni Rep.Arroyo edi sana nagsampa na lang sila ng kaso sa Supreme Court.Syempre dapat "credible" ang mga nakahain na ebidensya na sa gayon hindi mabasura.At sa mga nagpapakalat ng ganitong katangahan, sana inisip ninyo na hindi lahat ng emosyon ng galit nakakabuti.Kadalasan nagmumukha ka lang tanga.

"Medical Adventures of Rep.Gloria Macapagal-Arroyo" version 1

  Hindi na bago sa ating pandinig ang kaliwa't-kanang kaso na isinasampa sa dating pangulo at ngayong kongreswoman na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.Makailang ulit na din tinangka ng mga kritiko at haters nitong ale na to na ipa-impeach s'ya dahil sa kanyang mga kalokohan noong siya pa ang ating pangulo.Isa na dito ang maalamat na "Fertilizer Fund Scam" na naging daan para mapondohan ang pagtakbo ulit nitong ale na to sa sumunod na eleksyon.Pero dahil din sa kanyang mga kalokohan, ito ang naging isa sa mga naging balakid kung bakit hindi n'ya magawang makalabas ng bansa para makapagpagamot  sa kanyang karamdaman sa likod(joke-joke n'ya lang ata 'yun).
  Sa totoo lang mga kumare at kumpadre, ayon sa aking pananaliksik wala talagang karapatan na pigilan ng kung sino man 'yan na magpagamot si  Rep.Gloria Macapagal-Arroyo mapa-presidente ka man ng bansa o taong tambay sa kanto.Hayaan n'yong magpaliwanag ako ukol dito.Nasasaad sa Artikulo 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas Section 6  na walang sinumang kayang pumigil sa isang pilipino na maglakbay maliban na lang kung...

1. Banta siya sa seguridad ng ating bansa.
2.Meron s'yang nakakahawang sakit(sa kaso ni  Rep.Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nakakahawa ang kanyang karamdaman).
3.Meron s'yang nakabinbin na kaso sa Supreme Court(tungkol nga pala sa kaso n'ya sa Department of Justice, hindi ito opisyal at madedeklara lamang na isang "charge" sa naturang tao.Kinakailangan na isang "Judge" ang humawak sa kaso para mapasama s'ya dito o sa madaling salita dapat ang Supreme Court ang humawak ng kaso.Ang DOJ ay kinabibilangan lamang ng mga Prosecutors).
4.Banta sa kapakanan ng mga taong nakatira sa bansa.
   
   Hindi kanais-nais sa mata ng mga pilipino na mismo ang pangulo ng ating bansa and friends ang lumalabag dito.Ganito lang yan kasimple.Huwag na huwag ninyo isisiksik ang kagustuhang mapanagot ang isang tao sa kanyang kasalanan kapalit ang paglabag sa batas.Isang napakalaking kalapastangan sa itinakdang batas ng ating bansa ang mga kalokohan ng ating pangulo.Papaano kung nangyari ito sa isang ordinaryong mamamayan ng ating bansa?Hindi naman sa kinakampihan ko ang kagaguhan ng dating pangulo bagkus isa ako sa maituturing na kritiko n'ya ngunit papaano ba magkakaroon ng kaayusan kung mismo ang mga taong nakatira sa bansa ay nagpapadala sa emosyon at galit?Maraming paraan para mapigilan ang natatakdang pag-alis ng dating pangulo.Hindi sa nagmamarunong ako tungkol sa batas ngunit impleng "common sense" lang naman ang kinakailangan.Kung tatanungin n'yo naman ako kung ano 'yun.Secret......


Pacquiao vs. Marquez on controversy III..

   Sa lahat ng laban ng ating "Pambansang Kamao" na si Rep.Manny Pacquiao, ito ang pinakakontrobersyal dahil sa resulta.Marami kasi ang naniniwala na natalo daw talaga si Manny Pacquiao doon laban nila Juan Manuel Marquez.Marami ding mga boxing analyst,mga propesyonal na boksingero, mga Boxing Hall of Famer at maging ang kampo ni Manny Pacquiao aminado na naging dominante ang kanyang katunggali sa laban na 'yun.Kung ako lang naman ang huhusga sa laban (hindi talaga ako nakapanood,nakibalita lang ako) hindi talaga kaaya-aya ang naging "performance" ni Manny Pacquiao.Sa lahat ng nakalaban kasi n'ya,dito sya nahirapan ng husto.Kilala si Marquez bilang "El dinamita" hindi dahil sa pag-inom n'ya ng kanyang sariling ihi o dahil sa amoy ng kanyang kili-kili (kadalasan lang naman).Ito ay dahil sa bihasa s'yang "counter-puncher" at may 53 panalo(39 dito knock-out),6 talo, isang draw at kasalukuyang ika-limang "pound for pound boxer in the world"  ng Ring Magazine..Bagamat maraming hindi nagustuhan ang resulta ng laban, tumataliwas ito sa kung paano hinusgahan ng mga hurado ang laban.At kung pagbabasehan lang din naman ang "Compubox" lumalabas na lamang talaga sa lahat ng aspekto si Pacquiao kay Marquez.Mula sa mga suntok na dumapo sa  mukha hanggang sa mga suntok na daplis lang.
   Mensahe ko lang sa mga hindi nagustuhan ang resulta ng laban, alam ninyo hindi lahat ng laban ng isang tao ay nagiging dominante o malakas s'ya.Meron talagang pagkakataon na paminsan-minsan hindi talaga natin kaya ito at humahanap na lang tayo ng ibang paraan para solusyunan ito.Sa kaso ni Rep.Manny Pacquiao, dinaan n'ya ito sa score at hindi sa pagiging dominante.Kung tutuusin talaga para sa gwapo nyong author panalo talaga s'ya sa kahit anong laban n'ya.Kung tutuusin at iisipin natin, nagkaroon lang tayo ng "maliit" na espasyo sa mundo ng boxing dahil sa kanya.At habang dumadaan ang mga taon, lalo n'ya itong pinapalaki ito sa pamamagitan ng pagpapanalo sa kanyang mga laban.Isa s'yang magandang halimbawa na dapat nating tularan.Isang simpleng probinsyano na nangarap ng konting kaginhawaan sa buhay na naging isang malaking "icon" sa mundo ng boxing.At kung makulit talaga kayong mga pinoy na haters, sana 'wag n'yong ipagmalaki ang sarili n'yo sa ibang lahi na kababayan n'yo si Manny Pacquiao.At sana 'wag kayong magpaka-epal na mas alam n'yo ang lahat ng aspekto sa boxing na nasabi n'yong natalo s'ya.

Biyernes, Nobyembre 11, 2011

Anime character of the day- Ra Amun (Non-celeb)

  Mga kakosa na taga-sunod at sa mga napadaan lang sa blog na ito, ngayong linggo hindi na muna ako magpo-post ng mga "likha" na may kinalaman sa isyung pangpolitikal na nababalitaan natin sa ating bansa.Busy pa kasi ako at meron pa akong tinatapos na isang proyekto para sa blog na ito.Hayaan n'yo at babalitaan ko kayo sa mga updates tungkol sa sinasabi kong proyekto.
   Maiba ako, hayaan n'yo akong ipakilala sa inyo ang isa sa nilikha kong anime character.Matagal ko nang nagawa ito kaso nga lang ngayon ko lang ipuputok.Siya nga pala si RA AMUN.Sa totoo lang mga pare wala pa talaga akong maisip kung ano ang kapangyarihan n'ya at ano ang ginagampanan niya sa ginagawa kong komiks.Tulad ng mga nauna kong statements sa mga fini-feature kong anime character na sarili kong likha, update ko na lang kayo....


Martes, Nobyembre 8, 2011

"PUERTO PRINSESA UNDERGROUND RIVER"

   Malaki ang mapapala natin kung magiging isa sa "7 wonders of nature" ang Puerto Princesa Underground River.Isipin ninyo maraming taga-ibang bansa ang pupunta dito para lang makita ang ilog na to at syempre ang pinaka-importante madaming chikas na cute na mala-poselana ang balat na sisilip dito.Minsan akong nag-imagine na lumalangoy ako sa ilog na yan.Ginawa kong pulutan ang mga paniking naninirahan d'yan kasabay ang pag-inom sa isang bote ng Emperador Light na may piktyur ni  Marian Rivera.Swabe kong nilulunok ang bawat patak ng alak na ini-endorso ni Marian Rivera(Oo na die hard fan ako ni Marian Rivera.Sana syota ko na lang siya)habang pasimpleng nakahiga sa isang madamong parte ng ilog.At pagkatapos, nanghunting ako ng mga bayawak sa malapit dahil kulang ang mga paniki kong nakain ng naka-underwear lang.Dahil sa naka-underwear lang ako, pinagbabato ako ng mga taga-doon dahil isa daw akong magandang halimbawa ng kagwapuhan.Oo na conceited ako minsan kaya hayaan n'yo na .Paminsan-minsan lang naman eh.

Makakaboto parin kayo, hanggang November 10 matatapos ang botohan.Simpleng i-text sa inyong mga cellphone:

PPUR to 2861
Or go to www.new7wonders.com

  Hindi ninyo ikakamatay ang isang pisong text na 'yan kaya no worries.Hindi ko din kayo inoobliga na bomoto.Simple lang man ang layunin ko eh.Hinahangad ko na sana tayong mga pilipino magtulungan kahit lang sa bagay na ito.Kalimutan na muna ang awayan at murahan.Magkaisa na muna...

Anime character of the day: Jet Zoldyeck (Non-Celeb)

   Makailang ulit ko nang nabanggit sa mga tagahanga ko at pati sa mga katropa ko na gagawa ako ng isang komiks na magkahawig sa komiks na katulad sa mga komiks sa Japan.Kaya dito sa aking blog, fini-feature ko isa-isa ang mga tauhan sa niluluto kong proyekto.Sa totoo lang mga kakosa hindi pa talaga malinaw kung ano ba talaga ang gusto kong buod sa komiks ko.Meron akong kaibigan na tinimbrehan ako na lagyan ko daw ng mga "love stories" ang komiks ko na 'yun para daw astig.Meron ding nag-tip na haluan ko daw 'yun ng "horror" para daw cute.Sa totoo lang hindi naman talaga "cute" ang mga aswang, kapre, at tyanak kung tutuusin eh pero pinatos ko na din ang kanyang request.Pumasok din sa isipan ko na lagyan ng mga aliens na EMO ang komiks ko para maka-relate ang mga EMO pero of course walang ulan.Baka nga naman ma-erase ang kanilang mga make-up kung magsimulang magbakbakan ang mga aliens na EMO sa lahi ng mga aswang.Naguguluhan pa talaga ako kung ano ba talaga ang gagawin ko (mga isang taon na kong naguguluhan tungkol sa komiks ko) doon.Kung plano n'yo naman akong timbrehan o concern kayo dahil under state of depression ang pogi n'yong author, libre n'yo na lang ako ng isang bote ng cobra o hindi kaya isang "Chippy" sa kanto na may bubble gum flavor.Tumatanggap din ako ng libreng hug...
  Oo nga pala,napahaba ang usapan ha.Hayaan n'yong ipakilala ko sa inyo ang isa sa mga tauhan ng on-going komiks ko na si JET ZOLDYECK.Kung susumbatan n'yo na naman ako kung bakit meron siyang kahawig na character sa Bleach eh problema n'yo na 'yun.Basta dyan na lang muna, hindi na muna ako magdadaldal kung anong meron sa kanya o kung sino ba talaga siya para hindi mawala ang pagka-curious ninyo at mangulet kayo ng mangulet sakin.

Lunes, Nobyembre 7, 2011

"BARANGGAY FACEBOOK"!

  Hindi makakaila na tayong mga pinoy mapa-bata man o matanda, tibo o bakla, may bigote man o wala ay nahuhumaling sa pinakausong "social site" ngayon, ang Facebook.Kahit na siguro ang mga mangtataho sa kanto at pati mga tindera ng ulam sa karenderya eh meron din Facebook Account.Kasi tayong mga pinoy mahilig makiuso at kung ano ang bago, pinapatos.May negative at positive effects ang pagkahumaling natin sa "social site" na ito.
   Unahin natin ang negatibong bagay para astig.Ang negatibo ay hindi tayo makakapag-focus sa dapat nating gawin.Kung meron ka kasing Facebook account pagkatapos nakikipag-chat ka sa crush mo o kung sino man 'yang "friend" mo sa Facebook at gumagawa ka ng research tungkol sa assignments n'yo, natural na hindi mo matatapos 'yun kasi nga sa pangungulet ng ka-chat mo.Pangalawa, dahil sa mga walang kwentang applications na featured sa Facebook.Isa na dito ang FARMVILLE na walang ginawa kung hindi magtanim ng magtanim.OK lang sana magtanim kaso hindi mo din kasi makakain ang tinatanim mo dyan at higit sa lahat walang educational value na mapapala sa kakalaro mo n'yan.Isang halimbawa lang ang FARMVILLE na masasabi kong walang kwentang applications sa Facebook.At ang huli, nagca-cause din ng depression ang Facebook.Sa anong paraan? Simple lang sa pamamagitan ng panunuksong "pangit" ng profile picture mo at kung matatalo ka sa Tetris Battle na application sa Facebook.Kung sa tingin n'yo mababaw na depression lang ang mga binanggit ko, pwes hindi ko tinatanong.
   Sa positibong epekto naman, makaka-chat mo ang mga crush mo sa eskwelahan o hindi kaya sa trabaho.Isang tip lang mga pare kung makikipag-chat, banatan n'yo ng mga "pick-up lines" para mauto n'yo ang mga chikas na trip n'yo.Kahit na siguro magunaw na ang buong mundo o hindi kaya nasusunog na ang sinaing ninyo wala kayong pakialam basta maka-chat lang si "CRUSH".Pangalawa,  updated ka sa mga walang kwentang post(sabihin na nating  may kwenta na rin) ng mga "friends" mo sa Facebook.Sa totoo lang, ang Facebook ay isang mabisang paraan para magpahayag ng iyong saloobin.Mapanegatibo man yan o positibo.At sa huli, malalayo ka sa tinatawag na "depression"(parang inulit ko lang ha).Nakakapagpasaya kasi ang mga "social sites" at matatawag na din nating stress-reliever dahil sa pakikipag-chat.Meron kasi tayong mga bagay na hindi natin masabi ng personal kaya minsan dinadaan natin sa sulat o "message".
   Kayo na ang humusga kung maganda ba ang dulot ng Facebook o hindi.Kayo ang may hawak ng manibelang hugis-talong ng buhay n'yo.Kumbaga, kayo ang "master" ng sarili ninyong kapalaran.Kung nagtataka kayo kung bakit "hugis-talong" na manibela ang ginamit kong termino...No comment....

Note:Sir Macky, salamat sa pagtimbre este request ha.Tinatapos ko na po 'yung isa mo pa pong request sa blog mo....

ANTI-EPAL BILL?


   Hindi kami sigurado kung si Senator Miriam Defensor-Santiago mismo ang nag-isip ng pangalan para sa bill na yan o binigyan lang ng "nickname" ng mga tao. Sa bill na yan, ipagbabawal na yung pagpapabida ng mga public officials sa mga projects na ginagawa nila. Sa madaling salita, bawal na magbalandra ng profile pic nila sa bawat pinagawa nilang kalsada, sa mga dino-donate nilang tanod-mobile, sa mga pinatayo nilang bus stops at kung ano-ano pang proyekto na ginagawa nila para maging pogi sila sa mata ng mga tao. Sabi nga ni Miriam, hindi nila dapat angkinin ang papuri sa bagay na galing naman sa tax na binayad ng mga Pilipino.

    Pag naaprubahan yang "Anti-Epal bill", may positive, pero may negative din na epekto yan. Positive dahil hindi na magkakaron ng free "advance campaign sign" ang mga politiko. Yung iba kasi, ginagawa lang yang mga projects na yan para nga mapromote ang sariling pangalan nila, para pag dating ng next election familiar sa tao ang muka at pangalan nila. Sa negative side naman, kokonti ang projects na uumpisahan, itutuloy, at matatapos. Mas hindi kikilos ang ibang politiko dahil nga hindi naman sila mas sisikat o mas babango. 


Para sa amin, sa opinion lang namin, mas negative ang bill na yan kesa positive. Dahil nga mas mawawalan ng gana gumawa ng projects yung mga public officials. 'E kahit naman hindi gumawa ng projects yang mga yan, mangungurakot parin yan. Mabuti nang may mapala tayo kahit papano sa tax na binabayad natin, kung ang kapalit lang naman ay mairita tayo sa pagpapabida nila.Ganito na lang... Wag nang ipagbawal yung paglalagay nila ng pangalan at pictures nila sa mga proyekto. Basta wag ding ipagbawal sa mga tao ang pag-vandalize sa mga signs nila. Sa bawat sign board ng muka nila dapat may nakakabit na pentel pen, para anytime pwedeng lagyan yung picture nila ng mga paboritong pang-vandal ng mga Pilipino, tulad ng bigote, itim na ngipin, pimples, salamin, at syempre sungay.

Note: Hinugot ko lang yan sa post ng mga idol ko.Salamat mga authors ng mgaepal.com at pinayagan nyo akong mahiram ang post na'to.Syempre akin ang drawing at kanila ang artikulo.Salamat talaga at sana timbrehan n'yo ko sa niluluto ninyong proyekto sa susunod....

Lunes, Oktubre 31, 2011

Torture...

  Ang pagto-torture sa isang tao ay isang "makahayop" na paraan ng sapilitang pagkuha ng impormasyon sa taong 'yun o hindi kaya isang uri ng pagtritrip para makaganti.Pero mga kakosa, kung nirerespeto n'yo talaga ang buhay, hindi n'yo na pahihirapan bago mamamatay ang iyong kalaban.Makikita sa larawan kung papaano "kinukulam" ng militar ang mga kapatid nating NPA.
  Oo nga pala, MASAYANG PAGGUNITA SA ARAW NG MGA KALULUWA sa inyong lahat!

Note: Salamat sa pagtimbre kapatid na Gem Karlos Aramil, timbrehan mo ulit ako sa susunod kapag may oras ka.Kung gusto nyo talagang makita ang kahayupan ng AFP, i-click lang dito.Una sa lahat, wala akong galit sa AFP o kung kanino mang may konekta sa kanila.Hayop lang talaga ang gumawa kaya napagtripan ko...

Lunes, Oktubre 24, 2011

Hindi nadadaan ang lahat sa init ng ulo....

   Bumandera sa mga pahayagan at mga telebisyon na hindi ititigil ng pamahalaan ang on-going Peace Talks sa pagitan ng MILF at pamahalaan dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng mga MILF.Ayon sa ating pangulo, hindi nadadaan ang lahat ng bagay sa init ng ulo.Pero kung titingnan ang istatistika ng pinsala ng digmaan natin sa MILF sa mga nagdaang taon, makikita na malaki na ang nawala sa pamahalaan simula noong sumiklab ang hindi pagkakasunduan ng MILF at pamahalaan.Harapin natin ang katotohanan na kung magpapatuloy pa ang pambabadtrip ng mga MILF sa mga kapatid natin sa Mindanao, higit na mawawalan ang bansa natin.Kinakailangan na magpakita ng "pangil" at lakas ang ating pamahalaan para irespeto at katakutan tayo ng MILF.Hindi 'yung tipong pa senti-senti lang at peace-loving anthem na lang lagi tayo.Minsan kinakailangan talagang sumugal ng malaki para sa ikakabuti ng marami.

Linggo, Oktubre 23, 2011

"Juvenile Justice Law"


  Kung tumataas ang mga bilihin natin tuwing taon-taon tulad ng shampoo,toothpaste at vetsin, hindi din pahuhuli ang mga menor de edad na gumagawa ng kalokohan sa ating mga komunidad na humahantong pa sa patayan kapag hindi napagbigyan.Lumaki ang mga ulo nitong mga batang ito dahil sa  batas na tinatawag natin ngayon na "Juvenile Justice Law" na promoprotekta sa mga menor de edad sa kahit ano mang pananagutan sa batas.Ayon sa sanaysay ng senador na nagpasa sa batas na ito, maganda naman talaga ang intensyon ng batas na ito kaso nga lang maraming mga "butas" na kinakailangan mabago ayon din sa mga kakosa ng nasabing senador.Kung ako lang naman ang hihingan ng opinyon ukol sa batas na ito, kalokohan talaga itong batas na ito dahil nga sa hindi na katulad ang mga kabataan noon at ngayon at sa isang banda naiintindihan ko ang gustong sabihin at layunin ng batas na ito.Kailangang baguhin ito dahil maraming mga buhay ang nawawala at nasasayang dahil sa pagkanlong ng batas na ito sa mga "batang kriminal".

Biyernes, Oktubre 21, 2011

Isang "medalya" para sa sakripisyo...

   Nakakalungkot isipin na madaming mga inosenteng buhay ang nasasakripisyo sa walang kwentang bakbakan ng AFP at MILF sa Mindanao.Namamatay dahil sa mga walang kwentang ideolohiyang inaapi sila.Na dapat ilagay sa kanilang sariling mga kamay ang batas.Noong una't sapul ang gusto lang naman ng mga MILF ang mabigyan sila ng sarili nilang "estado" para doon sila bumuo ng sarili pamahalaan.Kung tutuusin walang kwentang ideolohiya na pinaiiral ng kagustuhang mamuno.Pero kumambyo na muna tayo sa usapin na 'yan.Nakakabadtrip lang 'yang usapin na 'yan.Pumunta naman tayo sa mga sundalong nagsakripisyo at namamatay dahil sa mga walang kwentang labanan na 'yan.Nakakalungkot nga lang at nag-aral pa ang mga kapatid nating mga sundalo para mamatay lang sa kapwa nila pilipino.Kung sa akin lang naman, hindi sapat na gawaran na lamang ng "medalya" ang mga nasawi sa bakbakan.Bagamat may benepisyo ang mga pamilyang naiwan, nakakadismaya parin para sa akin.Kaya kung meron kayong makasalubong na mga sundalo (hindi applicable sa mga tarantadong sundalo) respetuhin at saluduhan.Kung kinakailangan hangaan na rin para kumpleto.

Respeto lang naman ang kailangan....

  Ano pa pala ang silbi ng on-going Peace Talks sa mga rebeldeng MILF kung hindi naman sinusunod ng mga ito ang tigil-putukan?Malaking kalapastanganan ang nangyari noong Martes sa Basilan dahil sa pagkamatay ng tinatayang 19 na sundalo ng AFP.Sinundan pa ito ng magkakasunod na pag-atake sa Zamboanga Zibugay na kumitil ng hindi bababa sa 5 sundalo.Ayon sa pinakabagong balita hindi daw ititigil ng pamahalaang Aquino ang Peace Talks dahil sa pangyayaring ito.Kung ako lang naman ang hihingan ng opinyon dito sa usapin na ito, hindi naman kasi nadadaan ang lahat sa hinahon at pagpapakumbaba ang ganitong mga pangyayari dahil sa merong mga buhay ang nawala.Kailangan ng "aksyon" para irespeto ng mga rebeldeng 'yun  ang Peace Talks.Mahirap magbulag-bulagan kung madaming buhay ang nasasakripisyo.Kung tutuusin sila lang din naman ang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang Mindanao.Ang lalaki nilang hangal na sinisisi nila ang gobyerno sa kanilang mga kamalasan sa buhay.

Martes, Oktubre 18, 2011

Dahil sa mga hindi pinag-iisipang mga batas....

   Kaya gumugulo ang bansang ito ay dahil sa mga hindi pinag-iisipang mga batas.Parang tinitingnan na lamang ng mga mambabatas ang aspeto na "mali" kaysa sa "praktikal".Kahit na sabihin nating "mali" ang isang bagay ay hindi basta-basta na lamang tayo magpapanukala ng batas para makontra ang masamang gawain na ito.Hayaan n'yo akong magbigay ng halimbawa.Isang magandang halimbawa ang pagpapanukala ng "Anti-Planking Law" na trip gawing batas ni Rep.Winnie Castelo.Rason ng cute na kongresista na ito ay masyado daw delikado ang pagsasagawa  ng "Planking" o ang pagdapa ng banayad sa isang lugar na trip mo.Eh pano kung gumawa naman ng ibang trip ang mga kabataan?Gagawan ba ulit ng batas?Ang isyu na ito ay hinalintulad ko sa "Stone Age" na kung saan hindi pa masyadong ganap ang pag-iisip ng mga tao at syempre ang mumunting mensahe ko sa kanila.....


Linggo, Oktubre 16, 2011

CHARTER CHANGE?!

   Teka nga muna, ano ba talaga ang mapapala ng taumbayan dito sa CHARTER CHANGE?Minsan nang napagtripan ng dating administrasyon na isulong ito.Ayon sa mga nasagap kong balita kung mapapatupad daw itong trip ng mga kongresista at mga senador, mapapalawig daw ng mga nasa pwesto sa pamahalaan ang kanilang termino ayon sa kanilang gusto.Kung ako lang din naman ang tatanungin ukol dyan, mas maganda kung ipapaalam sa madla kung ano ba talaga ang "CHACHA" nang lubusang maintindihan ang dala nito sa bansa.Ibinase ko ang isyu na ito sa kwento tungkol sa maalamat na lungsod ng Troy .

Biyernes, Oktubre 7, 2011

DAANAN NG KAMALASAN..

   Ang bansa natin ay daan ng mga bagyo.Given na 'yun at hindi na natin mababago 'yan pero pwede naman tayong maghanda.Hindi na sana aabot sa punto na madaming mamatay bago pa umaksyon ang pamahalaan.Hindi naman sa sinisisi ko ang gobyerno kung bakit maraming namamatay taon-taon dahil sa mga bagyo kung hindi dahil sila lang ang may kapangyarihan na gumawa ng malalaking "hakbang" para protektahan ang mga mahihina at 'yung mga walang wala sa buhay.Sana matanto nila na gumawa sila ng malaking investment sa isang proyekto para maiubsan ang pinsala na naidudulot ng mga bagyo.Kung titingnan kasi ang istatistika ng pinsala ng mga bagyo taon-taon pwede na sana 'yung gamitin para gumawa ng isang proyekto na pipigil sa mga bagyo na kumitil ng inosenteng buhay at pagpinsala ng maraming ari-arian.


Linggo, Oktubre 2, 2011

Anime character of the day- MAGNUS (Non-celeb)

   Tulad nga ng sinabi ko nung huli akong nag-post dito sa blog ko, hindi na muna ako magtatampok ng mga paksang pang-politikal kasi may kalamidad pa doon sa hilagang bahagi ng ating bansa.Meron  na akong mga "bala" dito kaso sa susunod na mga araw ko na lamang ipo-post.Nagsasaliksik pa kasi ako doon sa paksa na iyun para walang sablay.
   Pinakikilala ko nga pala sa inyo, siya nga pala si MAGNUS.Lilinawin ko lang hindi s'ya 'yung napapanood n'yo sa IMMORTAL ha kung hindi sariling bersyon ko.Magkatukayo lang 'wag makulet.Isa sa mga "Conquistadores" ng sarili kong komiks.Kung nagtataka kayo kung ano itong tinutukoy ko na "conquistadores" ay isa silang grupo ng malalakas na indibidwal.Equivalent ito sa "13 captains" ng Bleach.Kaso nga lang sampu lang sila.Isa siyang "Alchemist".Basta sa susunod na lang ang ibang detalye busy ako eh.
  

Sabado, Oktubre 1, 2011

Anime character of the day-Maria Fritz (Non-celeb)

   Teka preno muna tayo sa pambabatikos ng mga tiwali at gahaman.Kamalian at katarantaduhan at lumingat saglit dito sa ginawa kong anime character.Na-inspire ako dahil sa nabalitaan ko na ipapalabas na ang ikatlong kabanata ng Shakugan no Shana na nagpaalab ng kagustuhan kong pagbutihin at magpakadalubhasa sa pagguhit.Huling kabanata na ito kaya aabangan ko ito.Kung gusto n'yo talagang malaman kung sino ito, pinapakilala ko sa inyo si Marria Fritz.Isa sa mga "conquistadores" ng binubuo kong komiks.Tungkol sa kaya nyang gawin, ewan undecided pa.Kung ano ang kapangyarihan n'ya undecided pa rin.Pero hayaan nyong bigyan ko kayo ng hint.Magkaugali sila ng bida ng Shakugan no Shana pero may konting lambing-effect.Basta 'wag na mangulet.
  At tsaka nga pala, kung gagawa ako ng isang komiks, iaalay ko ang malilikom na pondo sa pagbebenta nito sa pagtulong sa mga kapatid natin.Kumbaga parang fund-raising.Pagplaplanuhan pa namin ng mga katropa ko dito kung papaano namin isasagawa iyun.

"DAVAO DEATH SQUAD"

  Ang lungsod ng Davao ay isa sa mga pinaka-mauunlad na lungsod dito sa bansa.Taga-Davao ako at pinagmamalaki ko 'yun.Kaso nga lang sa bawat magandang bahagi ng isang bagay o lugar ay meron ding kaakibat na pangit at masamang bahagi.Isa na dito ang extra-judicial killings sa Davao City.Kapag natimbre ka na drug addict ka sa lungsod na 'yan at hindi mo tinitigil ang kalokohang 'yan, binibilang na lang ang araw mo.Dahil sa grupong ito lubos na bumaba ang natatalang kriminalidad sa Davao hindi gaya noon na masyadong talamak ang krimen.At ang masaklap walang ginagawang aksyon ang mga kinauukulan dito.Ang masama pa parang natural na lang sa mga tao dito na meron silang naririnig na pinatay ng mga naka-motosiklong vigilante.Sa aking opinyon, bagaman mali ang ganitong sistema mas nakakabuti ito sa nakakarami.Kung hindi ka drug addict, hindi ka matatakot na barilin o saksakin na lang bigla ng mga vigilanteng iyan.

Note:Hinango ko ang ginuhit ko sa "Shinigami" o "Death God" sa paniniwalang hapon na may halong kanluranin dahil sa maskara.

Sabado, Setyembre 24, 2011

"Sabwatang Sawndtsek at Sylk" Episode 2 - "Anti-Planking Law"

   Second episode ng "Sabwatang Sawndtsek at Sylk" featuring bagong kakosa na si "Totoy Bato".Ang topic na'to ay tungkol sa usapin sa "Anti-Planking Law".Kung ako lang naman ang papapasyahin tungkol dyan sa panukala ni Rep.Winston "Winnie" Castelo, walang kwentang batas 'yan.At walang matinong tao na gustong tawagin sya sa palayaw na "Winnie".Parang nalito ako sa kasarian ng kongresman na yan.Anyway, malaking katarantaduhan 'yan kapag napasa 'yang batas na 'yan.Sa totoo lang mga 'dre, hobby lang yang "Planking" ng mga kakosa natin.Pati ba yang libangan na 'yan ipagbabawal pa?

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Dear Hacienda Luisita...

   Sa totoo lang mga kakosa, wala talaga akong alam tungkol sa usapin na ito.Pero dahil sa apela ng mga kapwa ko kakosa na itampok ito sa mumunting blog ko kaya kinagat ko na.Ang "Hacienda Lusita" ay isang magandang halimbawa ng malaking pagkakaiba ng mahihirap sa mayayaman sa lipunan natin.Ang mahihirap at  ang mga walang kapangyarihan ay parating natatapakan at ang makakapangyarihan na pamilya ang tumatapak sa mga kawawang mga katropa natin.Ang mumunting hiling lang naman ng mga magsasaka na ito na ipamahagi na ang kakarampot na lupa para makapagsimula sila sa kani-kanilang mga buhay.Hindi ko talaga maisip bakit ba humantong na meron pang mamatay para pakialam ng gobyerno ang usapin na ito.Sana naman pagbigyan sila at huwag nang magpakaganid.

NOTE: Wala talaga akong planong itampok ito dahil walang talaga akong planong talakayin ang sensitibong usapin na ito.Ayaw kong magpa-cute na ipagsigawan na ang katarantaduhan ng mga nagmamay-ari ng Hacienda Luisita.Sabihin na lang natin na "mali" ito kaya napag-tripan kong i-post.
  

"WIKANG BANYAGA SA UTAK-KOLONYAL NA BANSA"


   Ang bansa natin ay hitik sa ibat-ibang wika.Hindi na nakakapagtaka ito dahil nga sa pagkawatak-watak ng mga isla sa bayan na ito.Pero natanong n'yo ba sa mga sarili ninyo bakit sa tuwing nakakrining tayo ng mga pilipino na magaling mag-ingles bakit parang ang tingin natin sa taong iyon ay napakatalino niya?Sa bansa na ito isa nang "simbolo" ang wikang ingles sa pagiging matalino.Sa isang bansa na makailang ulit nang sinakop ng mga banyaga hindi na nakakapagtak ang mga ganitong pag-iisip.Tingin kasi ng mga kapatid natin na kapag nakakapag-ingles ka, matalino ka.Kapag nagbi-bisaya ka sa isang lugar na walang gumagamit ng wika na ito, nagpapatawa ka dahil nga sa kakaibang tono ng pananalita kapag ginamit mo ang wikang bisaya.At kung nagta-tagalog ka, parang ang bobo mo at tanga.
   Balikan natin ang kasaysayan.Sinakop tayo ng mga kastila ng mahigit 300 taon.Kapag hindi ka nakakapag-espanyol sa mga panahon na iyun, alila ang tingin sayo.Walang kahihinatnan ang buhay mo at kadalasan sasali ka sa pagkakabibo ng mga ninuno ng mga "New People's Army" na KKK na kung saan miyembro ang mga dakilang bayani natin.Ang sumunod ay ang mga hapones at ang huli mga amerikano na magpakasa-hanggang ngayon, hawak parin tayo sa bayag.Sabi nga ni Dr.Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas malansa pa sa mabahong isda".Pero sa panahon na ito, hindi na applicable ang ganitong salawikain.Ang bersyon ng mga pinoy sa panahon na ito, "Ang hindi magmahal sa sariling wika, aasenso sa buhay at hindi magmumukhang tanga".Pero hayan nating tingnan sa malawak na pananaw at aspeto ang usapin na ito.Bakit pal hindi umaasenso ang bansa natin?Hindi dahil sa hindi tayo marunong mag-ingles.Dahil ito sa wala tayong bilib at paniniwala sa sariling wika natin.Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagkakaisa ang magkaka-ibang grupo  ay dahil sa wika.Huwag na nating isali ang mga rebeldeng NPA at MILF dahil sadyang malalabong kausap ang mga 'yun.Mahilig magpa-cute at magpapansin.Isa-isip natin sa ating mga sarili na ang ating wika ay isa sa mga susi para umasenso ang bansa natin.
    Kaya sa susunod na may magpakabibo na kaibigan mo na mag-iingles, sabihin nang harapan na huwag mag-iingles at ipagmalaki na gamitin ang sariling wika.Murahin kung kinakailangan at kung hindi madala sa santong dasalan, Yayain na lang na manood ng Care Bears o hindi kaya Barney and friends.

"FREQUENTLY ASKED QUESTIONS" tungkol sa akin....


(SA ISANG KARENDERYA MALAPIT SA PALENGKE, ALAS-TRES NG HAPON)


Popoy:: Matanong ko lang bakit "Sylk" ang napili mong palayaw?
Sylk: Teka nga muna sino ka ba?!
Popoy:: Ako nga pala si Popoy da boy wander.Nakaka-agaw pansin kasi ang mga ginuguhit mo sa blog mo eh.Sapul na sapul mo ang mga paksa dito sa lipunan natin.
Sylk: Ano?Sapul na sapul?
Popoy: Oo.Napapansin ko kasi na kadalasan sa mga ginuguhit mo patama lahat sa gobyerno o sa mga masasamang kaugalian ng pinoy.
Sylk: Ehem! Sa totoo lang wala naman talaga akong pinapatamaan.Nabasa ko lang lahat yan sa aklat tungkol sa mga fairy tales.Paborito ko 'yung Handsome and Grated.
Popoy: Ha?! Wala namang ganyan na fairy tale.Niloloko mo lang ata ako eh.Baka Hansel and Gretel.
Sylk: Alin? 'Yung biskwit? Skyflakes paborito ko eh.
Popoy: Teka! Ang gulo mo ha!
Sylk: Gulo ba ako? Hindi naman ha!Tao ako.
Popoy: Grrrrhhh!! Sagutin mo na lang ang tinatanong ko.
Sylk: Saan doon?Tungkol sa Skyflakes?
Popoy:: Hindi! 'Yung tungkol sa mga ginuguhit mo.
Sylk: Ah.Natural.Mas maganda kasi na patamaan mo sila kung saan ka magaling.Ang ibig kong sabihin ay magaling ako sa pagguhit kaya ginagamit ko 'yun para mamulat sila sa katotohanan.
Popoy: Tama ka nga naman.Tungkol naman sa unang tanong.Bakit "Sylk" ang napili mong pangalan?
Sylk: Bakit pala?Pangit bang pakinggan?
Popoy: Sa totoo lang, para kasing pang-babae ang palayaw na napili mo.Chiks ka ba?
Sylk: Gusto mong masapak?
Popoy: Sige nga!!
Sylk: Pasalamat ka may injury ako.
Popoy: Wala ka namang injury!
Sylk: Sa totoo lang kapatid, hinango ko lang ang salitang "Sylk" sa paborito kong kulay.
Popoy: Ha?
Sylk: Silver kasi ang paborito kong kulay.Pinaliit ko na lang sa "Sil" at pinalitan ko ng letrang "Y" ang "I" para astig pakinggan at may artsy-fartsy.Dinagdagan ko na lang ng letrang "K" sa dulo para maguluhan sila sa kasarian ko.Para maintriga sila at mamatay sa panghuhula.
Popoy: Waw! Ang lalim.Teka bakit kulay pilak ang paborito mong kulay?
Sylk: 'Yan kasi ang malapit-lapit na kulay sa itim.Ang advantage nga lang ng kulay silver sa kulay black ay mas madaming titik ang silver sa black.Bukod pa ito sa shiny ang kulay na ito.Basta mahabang kwento.
Popoy: Sabi nila mahilig ka daw sa walnuts at cheesecake?
Sylk: Teka nga muna saan mo ba napupulot 'yang mga tanong na yan?!
Popoy: Seryoso ako.Totoo ba?
Sylk: Next question....
Popoy: Hoy sagutin mo muna.
Sylk: Hmmmm...Pang-mayaman yang mga pagkain na 'yan.Isa lang akong mangguguhit na bisyo ang umibig.
Popoy: Alam mo wala sa pagmumukha mo ang magseseryoso sa buhay.Next question.Mahilig ka daw manood ng Care Bears?Totoo ba 'yun?
Sylk: Paminsan-minsan kung wala talagang magawa pero kadalasan nanonood at  adik talaga ako sa "Barney and Friends".
Popoy: Hindi ka ba naaasiwa sa mga pinapanood mo?
Sylk: Ewan.'Yun na kasi ang kinagisnan kong mga palabas.
Popoy: Meron ka bang gustong batiin?
Sylk: Ang nanay mo na nagkamaling isilang ka sa mundo.At tsaka mga kaibigan mo na sobrang supportive sayo.
Popoy: Ano ang talent mo?
Sylk: Kuya Willie kaw ba yan? Aalis na ako.Pinagloloko mo lang ako eh.
Popoy: Sige last na to Sylk.Kung sakali mang gustong magpagawa ng mga dakila mong fans ng mga drawings san ka pwedeng ma-kontak?
Sylk: Mag-send na lang kayo dito sa likhangsiningnisylk@yahoo.com.Hayaan n'yo at pagsisikapan ko na isingit sa skedyul ko ang mga request n'yo.Bisyo ko din kasi ang gumuhit kaya OK lang.Wala yang bayad huwag mag-alala.
Popoy: Salamat sa pagpayag mo na magpa-interview Sylk.Pwedeng pa-kiss?
Sylk: Tara, manood na lang tayo ng Care Bears..
Popoy: DIGS!! Tara!!