Linggo, Disyembre 18, 2011

Relationship status: "Desaparecidos"

   Oo alam kong hindi ito facebook relationship status pero hayaan n'yong i-tackle ko ang isyu na 'to.Kung ganado kang magresearch kung ano itong sinasabi ko na "Desaparecidos" ito 'yung mga tao na biktima ng sneaky na pag-abduct sa kanila ng isang political organization o estado.Kadalasan ginagawa nila ito para hindi na masasaklaw ng mga biktima ang karapatang-pantao na dapat tinatamasa nila o hindi  mayari ang mga suspect sa batas.Ayon sa  Rome Statute of the International Criminal Court, maikokonsedera na itong "crimes againts humanity" at walang pyansa o pampalubag-loob ang kalokohang ito.Kadalasan ang mga biktima nito ay mga aktibista na lumalaban at naninindigan sa katotohanan.
   Tulad ng pagluto ng itlog na may mga procedures, meron ding mga sinusunod na procedures ang mga tarantadong suspect na guilty sa kawalang-hiyaan na ito.Ito ang mga sumusunod...
1.Una, magtitipon-tipon na muna ang mga suspect para makapagplano sila kung papaano nila gagawin ang operasyon.Kadalasan venue nito eh 'yung mga lugar na wala masyadong tao.Kabobohan kung ang venue nyo ay fast-food chains, parke, o palengke.
2.Kung meron nang napagkasunduan at plano, kukuha ng resources at gagamitin syempre.Hindi problema yan kasi nga under sila ng isang malaking political organization o gobyerno.
3.Susundan ng ilang linggo o buwan ang napiling target.Kinakailangan dito na maging ninja ka mismo.
4.At ang huli susulpot bigla sa harapan ng mga biktima ang rumaragasang sasakyan na magsisilbing huling "joy ride" n'ya kasama ang mga bagong esprens.Mabilis lang ito nangyayari hindi inaabot ng ilang minuto.
    Kadalasan inaabot ng mga biktima ang walang katapusang pagpapahirap o torture.Ginagawa nila ito para makapaghiganti o kung meron silang gustong pigain na konting impormasyon sa biktima.At ang last step, papatayin at ililibing sa isang malayong lugar para walang ebidensya.Ang mga pinaghihinalaan na gumawa ng kalokohan eh may "deniability" o pagtanggi sa pagpatay kasi nga walang ebidensyang nakita.Kung tutuusin isa itong malaking problema sa ating bansa na dapat hindi binabalewala lang ng gobyerno.Kung seryoso talaga ang kalbo este gobyerno na magkaroon ng "tuwid na daan" ang bansa na ito dapat isa ito sa dapat n'yang pinaglalaanan ng pansin.Rampant kasi ito noon sa dating administrasyon ni Aleng Gloria.Nagbubulag-bulag lang ang ale dahil pabor din yan sa parte nila o baka nga sila pa mismo ang nag-uutos na gawin ito.Hindi sana maulit ito sa administrasyon ni P-Noy.Malaking kahihiyan kasi ito sa umiiral kuno na "demokrasya" sa ating bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento