Biyernes, Hunyo 15, 2012

Sylk's Words of wisdom: Fathers Day



Nagsimula ito kahapon.....

Actually nagsimula talaga ito ng sumakit ang aking tiyan habang nanonood ako ng mga palabas sa T.V. dahil sa kinain  kong panis na kanin. Nagfe-feature at nagre-reward sila sa mga tatay na malaki ang naitulong sa kani-kanilang mga pamilya. 'Yung mga ama na masasabi nating mga responsable at gagawin ang lahat para lang masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Maraming klase ng ama, tatay, papa, paping o kung anu-anong mang endearment n'yo sa haligi ng tahanan n'yo. Kapag marami, natural iba-iba 'yung ugali at pagkatao.' Yung iba mabait. 'Yung iba naman kulang na lang gawin kang human punching bag. Ang iba binibigay lahat ng gusto mo na umaabot sa punto na nagiging spoiled ka. Ang iba naman, kuripot pa sa mga tindera sa palengke. Tulad nga ng sinabi ko iba-iba.

Pero ito ang point ko, pareho silang ama na tinatanggap ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Sa totoo lang mga babs iilan lang 'yung may yagbols na tanggapin ang ganyang responsibilidad. Nabibilang lang din sa daliri 'yung mga kabataan na kapag naka-aksidenteng nakabuntis ng isang chikas eh tinatanggap ang ganyang kapalaran. Na nagiging instant daddy sila dahil sa mataas na lebel ng curiosity dahil na rin sa kakanood ng porn.

Ang tatay natin ang nagsisilbing haligi ng bahay (hindi 'yung poste wag tanga). Siya ang gumagabay sa atin para hindi tayo maging tanga paglaki natin. Parati silang nandyan para alalayan tayo kung meron man tayong kamalian na gagawin. Kung hindi man natin sila nakakasama araw-araw dahil masyado silang busy sa kanilang trabaho, hahanap sila ng paraan para kahit papaano mabigyan nila kayo ng pagkakataong magkasama kahit sa konting oras lang.

Kung hindi n'yo man feel na mahal n'ya kayo, huwag ng magtaka. Alam n'yo mga babs lalake 'yang mga tatay n'yo. Hindi nature sa kanila 'yung kina-cuddle nila kayo o kung anu-anong mga kabaduyan na ginagawa ng mga nanay n'yo sa inyo. Tulad ng sinabi ko, magkakaiba sila at meron silang kanya-kanyang paraan para ipakita sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa kanya. May kanya-kanyang estilo at da moves. Parang T.V. commercials ng mga pulitiko na pinapamukha sa atin kung ano ang mga achievements na ginagawa nila habang nasa katungkulan sila. Magkakaiba pero iisa ang layunin.

Maswerte 'yung mga kabataan na meron pang mga tatay. Minsan n'yo na bang naisip papaano kung wala kayong tatay? Siguro hindi tayo makakakita ng mga successful na mga tao sa kapanahunan natin. Mga taong masasabi natin na nasa pinakamataas na potential nila ngayon.

Ano ba ang punto ko dito?

Wala naman. Noong una ko ding naisip ito eh siguro epekto na ito ng sumakit ang aking tyan dahil sa panis na kanin na kinain ko noong nakaraang araw. Sa totoo lang trip ko lang gumawa ng post para sa kanila dahil bukas na ang Fathers Day. Hindi ako nakiki-uso mga babs. Gusto ko ding  ipamukha sa inyo kung bakit ba mahalaga ang ating tatay sa buhay natin. Ayaw kong magmukha kayong tanga dahil sa hindi n'yo na realize kung gaano sila kaimportante sa buhay natin. Malay n'yo baka mamatay ang tatay n'yo bukas edi sayang. Kaya kung ako sa inyo, kahit bukas lang eh ipadama n'yo sa kanya na mahalaga s'ya sa inyo. Makipag-bonding. Bilhan ng music videos ni Justin Bieber o hindi kaya bigyan n'yo sila FHM magazine latest issue. Kahit na anong means na magpapasaya sa kanila.

Note: Hindi ako ang nag-drawing ng larawan sa taas. Galing 'yan dito.

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Sylk's Words of wisdom: INDEPENDENCE DAY


Alam kong late na ito eh pero sige ihahabol ko ito. Tutal araw-araw naman nating pinapakinabangan ang ginhawang dulot ng pagiging 'independent' natin kuno sa mga dayuhan. 

Ipinagdiriwang ang "INDEPENDENCE DAY" sa ating bansa tuwing June 12 at taon-taon na itong pinagdiriwang sa ating bansa tanda na rin ng ating pagiging malaya sa mga bansang minsang sumakop sa atin. Sa ilang taon na hinawakan tayo sa bayag ng mga dayuhan. Sa totoo lang mga babs eh ang iba sa ating mga kababayan eh hindi alam kung gaano ba kahalaga ang araw na ito. Naaalala lamang nila ang araw na ito sa kadahilanang walang klase o hindi kaya may double pay sa sahod ng mga manggagawa sa araw na ito. 'Yung iba inaalala ng araw na ito dahil alam nilang makakapaglaro sila ng DOTA buong araw at meron silang excuse para hindi tumulong sa mga gawain sa bahay. 

Ang "INDEPENDENCE DAY" eh importante sa ating mga buhay. Naisip n'yo ba kung saan tayo ngayon kung wala ang araw na ito? 

At dahil lab ko kayo mga babs gumawa ako ng konting listahan kung bakit kinakailangan tayong magpasalamat sa mga bayaning nagpakamatay para maging malaya tayo aside sa mga binigay kong mga naunang rason sa taas. Eto ang mga sumusunod....

1. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang alila at muchacha tayo ng mga amerikanong may mahahabang *tuuut* *tuuut*. 
2. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi kayo makakapag-facebook dahil malamang alila tayo ng mga amerikanong may mahahabang *tuuut* *tuuut* at ipagkakait nila sa atin ito.
3. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi ka nakaka-ihi kung saan-saan, nakakatapon ng basura kung saan-saan, hindi ka makakatae sa estero, at kung anu-anong mga kagag*han na pwedeng maisip ng isang tao na alam na hindi siya mapaparusahan sa kagag*hang ginawa niya na labag sa batas.
4. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang hindi tayo nakakapanood ng mga koreanovela at telenovelang pa-ulit-ulit ang takbo ng story.
5. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi tayo makakapanood ng mga pelikulang pinoy na may temang lovestory na paulit-ulit din ang kwento.
6. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang walang Papa Piolo, walang Papa Jericho at walang Papa Coco na pagjajakulan ng mga bakla sa kanto.
7. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", wala tayong makikitang mga pulitikong may malalaking tiyan.
8. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi makakakurakot ng limpak-limpak na salapi ang mga pulitikong may bilog na tiyan. Malamang din hindi natin makikita ang gwapo nilang mga mukha sa malalaking streamers at karatula na pinopondohan ng pera ng taumbayan.
9. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", walang Mang Kanor video scandal. Walang Hayden Kho 'dancing' video scandal at walang lalabas na mga video scandals na nagkakaroon ng nationwide attention dahil sa media.
10. At ang huli, kung walang "INDEPENDENCE DAY" hindi ko sa inyo mashi-share ang ginhawang dulot ng araw na ito para sa ating lahat.

Importanteng isadiwa natin ang araw na ito hindi dahil sa binigay kong mga dahilan sa taas kung hindi dahil sa naging malaya tayo. 'Yan naman ang bottomline eh. Eh wala naman sigurong tao na hindi naghahangad na maging malaya hindi ba?

Lunes, Hunyo 11, 2012

Sketches

Matagal na 'tong drawing na ito siguro mga tatlo hanggang apat na linggo na ang nakakaraan. Epekto ng walang magawa sa bahay. Basta-basta na lang itong pumasok sa utak ko. Ito 'yung mga panahon na nagde-daydream ako habang dilat ang mata ko. 'Yung mga pagkakataon na nagtitiis ako sa isang tasang kape as breakfast at lunch. 

Kung tatanungin n'yo ako ano ba ang story ng sketch na ito eh na-inspire kasi ako pagkakaibigan at "walang iwanan motto" na napapanood ko sa mga anime. Dyan sa drawing matalik sila na magkaibigan. 'Yung isa na sumusunod at ang isa na gumagabay. Matagal na akong nagpaplanong gumawa ng komiks pero parang wala ako sa mood para gumawa. Maraming nagsu-suggest sa akin pero hindi ko kinakagat. Nakukuntento na ako sa paggawa ng sarili kong mga characters. Mga tauhan sa komiks na walang story at tanging utak ko lang ang nakaka-intindi. Nakakatawa nga eh. Para akong tangang naniniwala na merong Santa Claus o umaasang magpapakalbo na ang ating pangulo.

"Kontraktwalisasyon"


Nakakalungkot mang isipin pero ang drawing sa taas eh pinapakita kung ano ba ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa dito sa ating bansa. Bukod sa pagtitiis na mapasailalim sa pagiging kontrakwal na manggagawa tinitiis din nila ang hindi makatarungang pagbibigay ng sahod. Kung tutuusin ang mga kumpanya na nagbibigay sa kanila ng trabaho ay may kakayahang magbigay ng naaayon na sahod sa kanilang mga manggagawa pero hindi nila ito ginagawa. Mas trip nilang kumita ng malaki. Masasabing tanda ng panlalamang sa kapwa.

Hindi na uso ang ganitong isyu dito sa bansa. Nagsimula ito ng hinayaan ng gobyerno na ipatupad ang 'kontraktwalisasyon' dito sa Pilipinas long long time ago. Maraming binibigay na ginhawa at benifits sa mga employers ang pagiging kontraktwal ng mga manggagawa sa kanilang kumpanya. Eto ang sumusunod....

1. Maiiwasan ang pagsasagawa ng mga unyon o samahan at mga strikes dahil hindi sila lehitimong mangagawa ng kumpanya.
2. Mapapalitan din ng mga kontrakwal na manggagawa ng panandalian ang mga regular workers na na-retrenched o makatipid sa pagbibigay ng mga benipisyo o sa sahod mismo.
3. Kadalasan, hindi nabibigyan ng naaayon na benipisyo ang mga contractual workers tulad ng PhilHealth at SSS.
4. Ang mga contractual workers eh hindi nakakakuha ng sapat ng sahod. Bukod pa dito, alam n'yo bang pagkatapos ng kanilang kontrata nila sa kumpanya eh kukuha sila ulit ng mga requirements depende sa anong kinakailangan na requirements sa bagong inaaplayan?
5. Ang mga contractual workers eh hindi hindi nakakatanggi kung pinapatrabaho sila ng kanilang employers ng overtime kahit na labag ito sa batas.
6. Kadalasan, mababa ang tingin ng mga lehitimong manggagawa sa kumpanya sa mga contractual workers. Ang masaklap pa eh parang normal na kalakaran na ito sa mga manggagawang mapapasailalim sa ganitong sistema.

Ang nakakalungkot lang sa ganitong sistema ay parang walang choice ang mga tao kung hindi yakapin ang hindi cute na sistemang ito. Sa totoo lang minsan na din akong naging contractual worker ng higit sa tatlong taon. Isa lang ang masasabi ko, MAHIRAP talaga. Tinitiis mo 'yung hindi magandang treatment sayo ng mga boss mo. Minumura ka na parang wala kang pinag-aralan at kung minsan tinatakot ka na tanggalin ka sa trabaho. Pinagtratrabaho ka din ng higit sa binigay na oras sa'yo o overtime. Sigurado din akong nararanasan din ito ng mga kababayan natin na nasa ilalim ng kontraktwalisasyon. Bukod sa hindi makatarungang tingin sayo eh nababahala ka na pagkatapos ng lima o anim na buwan eh wala ka na namang trabaho. Mas masaklap ito kung meron kang binubuhay o meron kang pamilyang umaasa sayo.

Walang kasiguruhan.

Ang nakakabadtrip lang eh hinahayaan ng gobyerno ang ganito. Na magtiis ang mga pilipino sa ganitong sistema. Ngayon sa kasalukuyang administrasyon ni Aquino na nangangako ng "tuwid na daan", parang ang sarap batuhin ng talong at kamatis ang shiny na bumbunan ng pangulo. Kung gusto talaga ng ating pangulo na umangat ang kabuhayan ng mga pilipino, mas magandang tutukan n'ya ang problemang ito. Hind 'yung nagpopokus lang s'ya kay Grace Lee o kung sino man 'yang mga chika babes n'ya o pagganti sa dating pangulo at kanyang mga minions. Later na 'yan tangina naman oh!

May link ako dito ng mas malalimang pag-intindi sa kontraktwalisasyon dito sa bansa. Click mo lang dito.

Linggo, Hunyo 10, 2012

Corruption: More fun in the Philippines




Hindi na luma sa sistema ng gobyerno dito sa bansa ang kurapsyon. Parang requirement na ata sa mga pulitiko dito sa ating bansa ang mangurakot ng at least 10,000 pesos sa kaban ng bayan depende sa anong katungkulan ang hinahawakan ng pulitiko sa pamahalaan. Dito din sa bansa natin parang normal na lang na makakarinig tayo ng mga isyu ng mga matataas na opisyal ng kumukurakot ng limpak-limpak na salapi galing sa bulsa ng mga mamamayan.

Nakaka-badtrip hindi ba?

Kung pwede pa lang na hindi tayo na magbayad ng tax eh baka ginawa na natin. Alam natin na gagamitin lang ito ng mga pulitiko sa kanilang pansariling interes. Mga sasakyan na may label na "for government use only" na ginagamit bilang panghatid-sundo sa kanilang mga anak sa eskwelahan. Mga relief goods na may nakalagay na pangalan ng mga pulitiko bilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad at bagyo. Mga basketball court na may nakasulat na "through initiative" ng kung sinu-sinong mga pulitiko. Mga business trips  na ang perang gamit eh galing sa kaban ng bayan. Pati ang americana at brip na gamit nila at marami pang iba.

Siguro isa ito sa mga rason kung bakit maraming nag-aasam na maging pulitiko at makahawak ng katungkulan sa pamahalaan. Para isang talent search ang pagtakbo sa pulitika. Una, magpapa-impress ka sa madla kung ano ba ang ibubuga mo. Pangalawa, kukumbinsihin mo sila na iboto ka nila through text. At last, kung palarin man na manalo ka eh ito na ang oppurtunity para sumikat. Parehas din yan sa pulitika. Una mangangampanya ka at ilalatag mo ang mga  "plataporma jokes" mo at gagawin mong pagbabago sa gobyerno kung ihahalal ka nila (na kadalasan hindi naman natutupad). Pangalawa, kung meron kang pera, magpapa-commercial ka sa TV ng sa gayun eh mapansin ka nila. Pwede kang gumawa ng dance number sa campaign ad o hindi kaya ipagyayabang mo na marami kang natulungan. At pangatlo at ang huli, kung mauto mo sila eh mababago mo ang buhay mo.

Mas masakit malaman na habang nagpapakasasa sa pera ng mamamayan ang mga pulitiko eh maraming pamilya ang umaasa sa kanila na sana mabigyan man sila ng konting kaginhawaan sa kanilang buhay. Habang nagche-check in sila sa isang 5 star hotel eh maraming kababayan natin ang walang sarili nilang lupa at bahay at nagtitiis na matawag na 'eskwater'. Habang ginagamit ng nila ang "government vehicles" bilang personal vehicle eh maraming kabataan na tinitiis na maglakad ng ilang kilometro para lang makapasok sa paaralan. Habang kumakain sila isang pangmayaman na restaurant eh ang iba eh walang perang pambili ng kanilang hapunan.

Hindi natin masisisi ang iba sa ating mga kababayan kung bakit kapag pulitiko ang pinag-uusapan nagiging negative ang sinasabi nila. Huwag na tayong umasa pa na mababago pa ang sistema dito sa bansa unless kung gagawa ng paraan ang kasalukuyang administrasyon na matigil na ito (na halata namang hindi). Hindi ko naman sinasabi na wala nang pag-asa ang pulitika dito sa bansa. Ang sinasabi ko eh mababago lang ito kung willing sila na mabago talaga ito.

Lunes, Hunyo 4, 2012

Same old blues: Edukesyun sistem in da Pelipins


Bawat isa sa atin ay may karapatang magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral. Nakasaad ito sa batas at walang sino man ang dapat na magkait sa atin ng karapatang ito.

Ang edukasyon ay isang karapatan.

Pero masasabi mo parin ba ito kung ang sinasabi kong karapatan na ito ay animoy parang isa pang dagdag pahirap sa atin?

Kamakailan lang eh ipinatupad ng gobyerno ang "K-to-12 Program" na naglalayon na dagdagan ng dalawang school year ang education system sa ating bansa upang mapataas ang antas ng edukasyon dito sa bansa. Naglalayon din ito na bukod sa pagpapataas ng antas ng edukasyon dito sa bansa eh layon din nito na maihanay ang ating bansa sa itinakdang 'Global Standards' ng pagbibigay ng edukasyon sa bawat isa sa atin. 

Maganda ang layunin ng programang ito kahit na saang anggulo man natin ito tingnan. Siguro nga masasabi natin na isa ito sa 'solusyon' na hinahanap ng ating gobyerno sa naghihingalong kalagayan ng edukasyon sa ating bansa. Isang solusyon na permanente at pangmatagalan. Solusyon na tatapos sa kawalan ng 'quality'
at 'quantity' sa sistema ng edukasyon ng bansa. 

Pero ang tanong eh kaya ba ng Pilipinas na ipatupad ito?

Hindi lingid sa atin na isang malaking problema ang sistema ng edukasyon dito sa bansa. Hindi ito dahil sa kulang ang lebel o school year na dinadaan ng mag-aaral kaya maraming grumagradweyt na 'kulang' ang kakahayan kung hindi dahil ito sa budget na nakalaan ng gobyerno para sa edukasyon dito sa bansa. Nadagdagan pa ito ng kamakailan lang eh tinapyasan ng ating gobyerno ang nakalaang budget para sa dito at dinagdagan ang budget para sa pagpapa-unlad ng mga kagamitan ng Militar dito sa bansa. 

Parang nakakawala ng trip ang trip ng gobyerno sa pagpapatupad ng programang ito. Alam naman nilang hindi pa natutugunan ang ilang taon nang problema ng kung anu-anong kakulangan na kaugnay sa edukasyon dito sa bansa. Sa totoo lang hindi naman ang gobyerno ang unang maproproblema kung maipatupad na ito kung hindi ang ating mga magulang. Ang dalawang school year na idinagdag sa bisa ng programang gustong ipatupad ng gobyerno eh nangangahulugan ng dagdag gastos para sa mga magulang kaya hindi ko masisisi ang maraming progresibong grupo na magprotesta ukol dito ay dahil alam nilang ganito ang mangyayari. Na dagdag paghihirap na naman ito. Mas maganda sana na bago nila ito ipatupad eh pinag-aralan nila ang posibleng epekto at resulta ng programang ito. Hindi lang ilang buwan ang igugol dito kung hindi dapat ilang taon na pag-aaral ng sa gayun eh masigurong hindi ito isang malaking 'katangahan' sa parte ng gobyerno.  Sa tingin ko kasi minadali lang ito ng gobyerno ng sa gayun eh makasabay tayo kuno sa education system ng ibang bansa. Tatanungin ko kayo, aanhin ba ang paggawa ng programa kung hindi mo naman kayang suportahan ang pangangailangan nito? 

Ang edukasyon ay karapatan sa bawat isa sa atin. Hindi dapat ito nangangahulugan ng paghihirap at dagdag utang sa kapitbahay o lending company o kung anu man yang mga pautang dyan sa tabi-tabi.