Masyadong mabilis ang mga pangyayari at ito na ngayon ang kasalukuyang kalagayan ng dating pangulo na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.Nakapiit sa malamig, de-aircon at puno ng mga alalay sa hospital.Ayon sa balita, masyado daw malubha ang kalagayan ng dating pangulo para ipiit ito sa kulungan.Sa totoo lang mga pare, wala pa talaga akong nakikitang matataas na opisyal ng ating pamahalaan na nagkasala at nakulong kasama ng mga sangganong kriminal sa isang selda.Kadalasan, naka-house arrest ang mga ito o hindi kaya naka-hospital arrest kung merong sakit o nagsasakit-sakitan.Masyado daw napakabilis ng pangyayari ayon sa kampo ng dating pangulo.Ayon sa aking pananaliksik, aabutin ng tatlong buwan ang isang kaso para mabigyan ng isang Judge ang kanyang hatol sa isang kaso(gusto ko pa sanang manaliksik para lubos na maintindihan ang pagproproseso ng isang kaso kaya lang tinamad ako).Sa kaso ni CGMA, inabot lamang ng dalawang araw ang pagproproseso para makapagpalabas ng warrant of arrest para maikulong ang dating pangulo.Mali na mali at hindi patas na pamamaraan.Ayon din daw sa kanila, masyado daw pini-personal ng gobyerno ang kampanya nila laban sa dating pangulo.Na sa darating na pasko o mas maaga pa, hinihimas na ni CGMA ang malamig na rehas.Kung tutuusin, nagsimula talaga itong lumala ng binalak ni CGMA na magpagamot sa ibang bansa.Isa kasi sa mga pwedeng mangyari kung matuloy mang makalabas ng bansa ang dating pangulo ay hindi na ito mapapanagot sa kanyang mga katarantaduhan na ginawa sa mga pilipino.Gusto n'yo ng sampol? Isa na dito ang "Fertilzer Fund Scam",ZTE-Broadband deal, "Hello Garci Controversy", Blah Blah Blah kunwari nakikinig kayo at kunwari dumadaldal ako.Basta madami.Wag na kayong mangulet.
Sa totoo lang, ayos na ayos para sa inyong pugee na author ang mga nangyayari sa kaso ni CGMA.Ayos dahil dapat managot ang may sala.Na dapat lahat tayo ay kayang papanagutin sa pambabadtrip o paggawa ng katarantaduhan sa kapwa.Na kahit na makapangyarihan ang nasasakdal kaya paring kilitiin ng kamay ng batas.Kiliti lang kasi hindi talaga napapagbayaran lahat-lahat ng nasasakdal ang kanyang kasalanan.Natural kasi sa ating mga pinoy na madaling makalimot sa mga atraso ng isang tao kung hindi man ito personal at kinalaunan pinapatawad.Pustahan hindi aabutin ng limang taon yang si CGMA sa kulungan at mabibigyan na yan ng "Pardon" ni Pnoy o hindi kaya 'yung susunod na magiging pangulo ng ating bansa.Basta subaybayan n'yo na lang ang adventures ng ale na to.
ITUTULOY.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento