Hindi makakaila na tayong mga pinoy mapa-bata man o matanda, tibo o bakla, may bigote man o wala ay nahuhumaling sa pinakausong "social site" ngayon, ang Facebook.Kahit na siguro ang mga mangtataho sa kanto at pati mga tindera ng ulam sa karenderya eh meron din Facebook Account.Kasi tayong mga pinoy mahilig makiuso at kung ano ang bago, pinapatos.May negative at positive effects ang pagkahumaling natin sa "social site" na ito.
Unahin natin ang negatibong bagay para astig.Ang negatibo ay hindi tayo makakapag-focus sa dapat nating gawin.Kung meron ka kasing Facebook account pagkatapos nakikipag-chat ka sa crush mo o kung sino man 'yang "friend" mo sa Facebook at gumagawa ka ng research tungkol sa assignments n'yo, natural na hindi mo matatapos 'yun kasi nga sa pangungulet ng ka-chat mo.Pangalawa, dahil sa mga walang kwentang applications na featured sa Facebook.Isa na dito ang FARMVILLE na walang ginawa kung hindi magtanim ng magtanim.OK lang sana magtanim kaso hindi mo din kasi makakain ang tinatanim mo dyan at higit sa lahat walang educational value na mapapala sa kakalaro mo n'yan.Isang halimbawa lang ang FARMVILLE na masasabi kong walang kwentang applications sa Facebook.At ang huli, nagca-cause din ng depression ang Facebook.Sa anong paraan? Simple lang sa pamamagitan ng panunuksong "pangit" ng profile picture mo at kung matatalo ka sa Tetris Battle na application sa Facebook.Kung sa tingin n'yo mababaw na depression lang ang mga binanggit ko, pwes hindi ko tinatanong.
Sa positibong epekto naman, makaka-chat mo ang mga crush mo sa eskwelahan o hindi kaya sa trabaho.Isang tip lang mga pare kung makikipag-chat, banatan n'yo ng mga "pick-up lines" para mauto n'yo ang mga chikas na trip n'yo.Kahit na siguro magunaw na ang buong mundo o hindi kaya nasusunog na ang sinaing ninyo wala kayong pakialam basta maka-chat lang si "CRUSH".Pangalawa, updated ka sa mga walang kwentang post(sabihin na nating may kwenta na rin) ng mga "friends" mo sa Facebook.Sa totoo lang, ang Facebook ay isang mabisang paraan para magpahayag ng iyong saloobin.Mapanegatibo man yan o positibo.At sa huli, malalayo ka sa tinatawag na "depression"(parang inulit ko lang ha).Nakakapagpasaya kasi ang mga "social sites" at matatawag na din nating stress-reliever dahil sa pakikipag-chat.Meron kasi tayong mga bagay na hindi natin masabi ng personal kaya minsan dinadaan natin sa sulat o "message".
Kayo na ang humusga kung maganda ba ang dulot ng Facebook o hindi.Kayo ang may hawak ng manibelang hugis-talong ng buhay n'yo.Kumbaga, kayo ang "master" ng sarili ninyong kapalaran.Kung nagtataka kayo kung bakit "hugis-talong" na manibela ang ginamit kong termino...No comment....
Note:Sir Macky, salamat sa pagtimbre este request ha.Tinatapos ko na po 'yung isa mo pa pong request sa blog mo....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento