Hindi kami sigurado kung si Senator Miriam Defensor-Santiago mismo ang nag-isip ng pangalan para sa bill na yan o binigyan lang ng "nickname" ng mga tao. Sa bill na yan, ipagbabawal na yung pagpapabida ng mga public officials sa mga projects na ginagawa nila. Sa madaling salita, bawal na magbalandra ng profile pic nila sa bawat pinagawa nilang kalsada, sa mga dino-donate nilang tanod-mobile, sa mga pinatayo nilang bus stops at kung ano-ano pang proyekto na ginagawa nila para maging pogi sila sa mata ng mga tao. Sabi nga ni Miriam, hindi nila dapat angkinin ang papuri sa bagay na galing naman sa tax na binayad ng mga Pilipino.
Pag naaprubahan yang "Anti-Epal bill", may positive, pero may negative din na epekto yan. Positive dahil hindi na magkakaron ng free "advance campaign sign" ang mga politiko. Yung iba kasi, ginagawa lang yang mga projects na yan para nga mapromote ang sariling pangalan nila, para pag dating ng next election familiar sa tao ang muka at pangalan nila. Sa negative side naman, kokonti ang projects na uumpisahan, itutuloy, at matatapos. Mas hindi kikilos ang ibang politiko dahil nga hindi naman sila mas sisikat o mas babango.
Note: Hinugot ko lang yan sa post ng mga idol ko.Salamat mga authors ng mgaepal.com at pinayagan nyo akong mahiram ang post na'to.Syempre akin ang drawing at kanila ang artikulo.Salamat talaga at sana timbrehan n'yo ko sa niluluto ninyong proyekto sa susunod....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento