Lunes, Disyembre 12, 2011

"Usapang AZKALS"

  Kung maiisip n'yo ba ang salitang "askal" ano ang papasok sa kokote ninyo? Asong ulol na naglalaway at sabik na sabik mangagat ng kung sino mang tao ang makita n'ya? Mali kayo.Sigurado akong kapag ang salitang "askal" ang naiisip ninyo tumutukoy 'yun sa ating pambansang kupunan natin sa football na "Philippine Azkals".Nagsimulang sumikat itong "Philippine Azkals" noong tinalo nila ang Sri Lanka sa score na at umusbong sa 2nd round ng "World Cup".Sinasabi ng iba na ang "Philippine Azkals" ang dahilan kung bakit umuusbong at sumisikat ang larong football sa bansa.Noong kapanahunan din na 'yun umuusbong din at gumagawa ng pangalan ang "Dragon Boat Team"(matagal nang sumusungkit ng gintong medalya tong grupo na'to).Kung tutuusin matagal nang isang malaking pangalan ang "Dragon Boat Team" sa larangan nila.Marami nang na-break na records ang grupo na ito at higit sa lahat, madaming ginto na ang nauwi ng samahan na ito.Teka bakit ba ako napunta sa Dragon Boat Team?Balik tayo sa "Philippine Azkals".
  Naging isang malaking "Media Hype" ang pagkapanalo ng mga Azkals laban sa mga Sri Lanka.Makikita mo kahit saang channel at usap-usapan ng mga tambay sa kanto ang kanilang achievement na ito.Nagkaroon sila ng sangkatutak na mga endorsements at advertisements dahil doon.Hindi ako sigurado kung dahil ba 'yun sa pagkapanalo nila o talagang pogi ang mga players ng Philippines Azkals.Kalahati kasi sa mga miyembro ng kupunan na ito, kalahating banyaga kalahating pinoy.Pero sa kapanahunan din na 'yun nagkaroon din naman ng achievement ang "Philippine Dragon Boat Team" pero nagtataka talaga ako kung bakit ni isang endorsement o advertisement walang nag-offer sa kanila.Ang masakit pa napabalitang nanghiram pa ng sagwan ang "Philippine Dragon Boat Team" sa kalabang kupunan para makapag-compete sa kompetisyon.Kahit na hindi nag-qualify ang "Philippine Azkals sa "World Cup" nakatatamasa parin sila ng malaking atensyon hindi tulad ng "Philippine Dragon Boat Team" na kahit nanalo sa isang prestihiyosong kompetisyon nakalimutan na lamang.Siguro hindi lang talaga sila gwapo.Ewan ko ba napapa-isip talaga ako kung talaga bang ang mga pinoy sadyang magaling lang mang-stereotype o binabase sa panlabas na anyo ang paghusga sa tao.Oo alam kong walang kinalaman ang ginuhit ko sa sinusulat ko ngayon pero ano magagawa ninyo 'yan ang pumapasok sa isipan ko tuwing napapag-usapan naming magkakatropa ang Philippine Azkals. Teka bakit ba napunta na naman ako sa isyu ng Dragon Boat-Azkals? Balik tayo sa Philippine Azkals.
   Kung pagtutuunan natin ng pansin ang kakayahan ng "Philippine Azkals" laban sa mga bigating mga kupunan ng ibang bansa, masyado pang "bata" ang team natin.Madami pang kakaining bigas ang mga Azkals bago nila mapantayan ang mga bigating team tulad ng Brazil, Argentina, Italy at Spain na kasalukuyang kampeon sa "World Cup".Pero malaking improvement na ito sa kasalukuyang estado ng Azkals sa larangan ng football.Pero mas maganda talaga kung purong pinoy ang nasa hanay ng national team natin para matawag natin talagang "Pinoy Pride".Nanonood lang kasi ang mga chikas hindi dahil sa "pinoy pride" kung hindi dahil sa gwapo lang talaga ang naglalaro.Kung gayun lang din naman mas mabuting matulog na lang kayo baka mapanaginipan nyo pa si Papa Piolo...
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento