Sa dinami-dami ng mga pambabadtrip at masasamang balita na naririnig natin sa telebisyon (sige na nga napapanood na din) ay meron ding mga magagandang balita na sumusulpot bigla na dapat nating ikasiya.Napabalita kasi kamakailan na nagdesisyon ang Supreme Court na ipamahagi sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang ekta-ektaryang lupa na pagmamay-ari ng mga Cojuangco sa boto na 14 para sa "Oo" at itlog para sa hindi na pumapabor sa mga magsasaka.Ilang dekada na ipinaglalaban ng mga magsasakang ito ang kanilang karapatan upang maangkin ang lupa sa bisa ng batas na tinatawag natin na "Comprehensive Agrarian Reform Program of 1988" na nagtatakda sa karapatan ng mga magsasaka sa kanilang sinasaka na lupa.
Pero tingnan natin ang positibo at negatibong epekto ng desisyon na ito.Isa sa mga positibong epekto nito ay ang pagmamay-ari sa lupa mismo na kanilang pinaglalaban.Given na yan kaya nga nagbubunyi 'wag tanga.Ang masamang epekto naman nito ay ang paghahati.Tinataya lamang kasi na 3/4 sa mahigit 6200 magsasaka ang makakatanggap ng lupa.Mahigit isang libo dito ang maiichapwera at hindi mabibigyan ng lupa at syempre mawawalan ng pangkabuhayan.Ewan ko ba napaisip ako bigla kung dapat bang ikasaya o ikalungkot ng pogi nyong author ang pangyayaring ito.Para kasing babalik sa dating gawi ang mga hindi nabigyan ng lupa sa kanilang paghihirap na dinanas noon.Maswerte ang pangyayaring ito para sa mga nabigyan ng lupa pero sa mga hindi parang pinagsakluban sila ng langit at lupa dahil dito.Maaring "option" ng mga kawawang magsasaka ang magtrabaho ulit sa mga Cojuangco na may hindi makatarungan sahod o hindi kaya magtrabaho sa mga bagong may-ari ng lupa.Pero ang mas masaklap, malapit nang maubos ang mga signpens na gamit ko sa pagguhit....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento