Kung meron kang nilabag na batas, dapat mong pagbayaran.Nabalitaan na naman natin kamakailan lang na meron na naman daw bibitayin na mga pinoy sa Tsina dahil sa kasong "Drug Trafficking".Ayon sa nakalap kong impormasyon, tinatayang merong mahigit 220 na pinoy sa Tsina na nahaharap sa ganitong sitwasyon.Ang mas masaklap pa, karamihan dito ay mga babae, edad 20 hanggang 40, na naghahangad lang na makapagtrabaho sa ibang bansa para sa kani-kanilang mga pamilya.Masaklap na kapalaran dahil sa katarantaduhan ng iba.Ginagawang "courier" ng mga sindikato ang mga pinoy na nabibiktima ng illegal recruiters dito sa ating bansa.Kung tutuusin naman talaga, dito pa lang mismo sa ating bansa nagsisimula na ang problema.Ang iba kasi, atat na atat na makapagtrabaho sa ibang bansa na hindi nagsasaliksik ng maigi kung anung klaseng "Agency" ang kanilang pinapasukan.Nakakalungkot mang isipin, kasalanan din naman ng kapwa natin pinoy kung bakit nahuhulog sila sa ganitong patibong.
Sa akin lang naman, hindi na dapat nagpapadala ng sugo o kinatawan ang ating gobyerno para magmakaawa o umapela na ibaba na lamang ang sentensya ng mga pinoy na nahaharap sa death penalty sa Tsina.Hassle na kasi kung gagawin natin 'yan.Bakit? Ito ang mga rason ko...
1.Una, gagasta na naman ang pamahalaan ng pamasahe para papuntahin ang kinatawan sa Tsina.Pera ng bayan iyan iho hindi pera ng kung sino man 'yan.Imbes na gumasta ng pamasahe para magpadala ng kinatawan sa Tsina, gumawa na lamang ng isang malaking proyekto ang gobyerno na may malaking kickback.
2.Halatang nagpapabango si pareng Jejomar Binay.Pwede namang hindi na s'ya ang pumunta doon mismo para magmakaawa o umapela sa gobyerno ng Tsina (hindi ko matanto kung bakit s'ya ang nagrerepresenta mismo na umapela kapag merong mabibitay sa ibang bansa).Matanong ko lang, ano pala ang silbi ng Consul doon natin sa Tsina? Sitting pretty lang?Tatakbo ata sa susunod na eleksyon si parekoy.
3.Hindi sa wala tayong pakialam pero alam naman ng mga pinoy na nahaharap sa Death Penalty sa Tsina ang mga "risk" kung gagawin nila ang ganyan o ganito.At isa pa, dapat nating respetuhin ang batas ng ibang bansa.Magkaiba ang demokrasya(Pilipinas) sa komunismo(Tsina).Ang tanging maitutulong na lamang ng gobyerno natin sa mga pinoy na death convict sa Tsina eh siguraduhin na magkakaroon ng magandang buhay ang mga naiwang pamilya ng mga naturang pinoy tulad ng pagbibigay ng house and lot, scholarship, kotse, mamahaling iPad/iPod,buwanang-sustento pang-DOTA, ETC.Doon pa lamang, makakahinga na ng maluwag ang mga kapwa natin pinoy na nahaharap sa Death Penalty dahil sa assurance ng gobyerno sa kanila.
4.Marami pang mga bagay na dapat mas tuunan ng pansin ng ating pangulo.Isa na dito ang sinasabi n'yang "tuwid na daan".Ewan ko ba parang applicable lang ito sa ordinaryong mamamayan ng ating bansa at hindi sa mga matataas na opisyal ng ating gobyerno.Basta kwento ko na lang sa inyo sa susunod ang tungkol sa "KKK" sa administrasyon ni PNoy...
Bottomline, ang batas ay batas.Dapat tayong sumunod dito para magkaroon ng kaayusan sa isang bansa (maliban na lang kung tinatarantado na tayo).Ang batas ay nagsisilbing "matibay na haligi" o "pundasyon" para sa kabutihan ng nakakarami.Kaya 'wag na makulet mga bata.'Wag na sanang sumawsaw ang mga makakaliwa dito dahil lalong gumugulo ang sitwasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento