Kung tumataas ang mga bilihin natin tuwing taon-taon tulad ng shampoo,toothpaste at vetsin, hindi din pahuhuli ang mga menor de edad na gumagawa ng kalokohan sa ating mga komunidad na humahantong pa sa patayan kapag hindi napagbigyan.Lumaki ang mga ulo nitong mga batang ito dahil sa batas na tinatawag natin ngayon na "Juvenile Justice Law" na promoprotekta sa mga menor de edad sa kahit ano mang pananagutan sa batas.Ayon sa sanaysay ng senador na nagpasa sa batas na ito, maganda naman talaga ang intensyon ng batas na ito kaso nga lang maraming mga "butas" na kinakailangan mabago ayon din sa mga kakosa ng nasabing senador.Kung ako lang naman ang hihingan ng opinyon ukol sa batas na ito, kalokohan talaga itong batas na ito dahil nga sa hindi na katulad ang mga kabataan noon at ngayon at sa isang banda naiintindihan ko ang gustong sabihin at layunin ng batas na ito.Kailangang baguhin ito dahil maraming mga buhay ang nawawala at nasasayang dahil sa pagkanlong ng batas na ito sa mga "batang kriminal".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento