Lunes, Hunyo 11, 2012

"Kontraktwalisasyon"


Nakakalungkot mang isipin pero ang drawing sa taas eh pinapakita kung ano ba ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa dito sa ating bansa. Bukod sa pagtitiis na mapasailalim sa pagiging kontrakwal na manggagawa tinitiis din nila ang hindi makatarungang pagbibigay ng sahod. Kung tutuusin ang mga kumpanya na nagbibigay sa kanila ng trabaho ay may kakayahang magbigay ng naaayon na sahod sa kanilang mga manggagawa pero hindi nila ito ginagawa. Mas trip nilang kumita ng malaki. Masasabing tanda ng panlalamang sa kapwa.

Hindi na uso ang ganitong isyu dito sa bansa. Nagsimula ito ng hinayaan ng gobyerno na ipatupad ang 'kontraktwalisasyon' dito sa Pilipinas long long time ago. Maraming binibigay na ginhawa at benifits sa mga employers ang pagiging kontraktwal ng mga manggagawa sa kanilang kumpanya. Eto ang sumusunod....

1. Maiiwasan ang pagsasagawa ng mga unyon o samahan at mga strikes dahil hindi sila lehitimong mangagawa ng kumpanya.
2. Mapapalitan din ng mga kontrakwal na manggagawa ng panandalian ang mga regular workers na na-retrenched o makatipid sa pagbibigay ng mga benipisyo o sa sahod mismo.
3. Kadalasan, hindi nabibigyan ng naaayon na benipisyo ang mga contractual workers tulad ng PhilHealth at SSS.
4. Ang mga contractual workers eh hindi nakakakuha ng sapat ng sahod. Bukod pa dito, alam n'yo bang pagkatapos ng kanilang kontrata nila sa kumpanya eh kukuha sila ulit ng mga requirements depende sa anong kinakailangan na requirements sa bagong inaaplayan?
5. Ang mga contractual workers eh hindi hindi nakakatanggi kung pinapatrabaho sila ng kanilang employers ng overtime kahit na labag ito sa batas.
6. Kadalasan, mababa ang tingin ng mga lehitimong manggagawa sa kumpanya sa mga contractual workers. Ang masaklap pa eh parang normal na kalakaran na ito sa mga manggagawang mapapasailalim sa ganitong sistema.

Ang nakakalungkot lang sa ganitong sistema ay parang walang choice ang mga tao kung hindi yakapin ang hindi cute na sistemang ito. Sa totoo lang minsan na din akong naging contractual worker ng higit sa tatlong taon. Isa lang ang masasabi ko, MAHIRAP talaga. Tinitiis mo 'yung hindi magandang treatment sayo ng mga boss mo. Minumura ka na parang wala kang pinag-aralan at kung minsan tinatakot ka na tanggalin ka sa trabaho. Pinagtratrabaho ka din ng higit sa binigay na oras sa'yo o overtime. Sigurado din akong nararanasan din ito ng mga kababayan natin na nasa ilalim ng kontraktwalisasyon. Bukod sa hindi makatarungang tingin sayo eh nababahala ka na pagkatapos ng lima o anim na buwan eh wala ka na namang trabaho. Mas masaklap ito kung meron kang binubuhay o meron kang pamilyang umaasa sayo.

Walang kasiguruhan.

Ang nakakabadtrip lang eh hinahayaan ng gobyerno ang ganito. Na magtiis ang mga pilipino sa ganitong sistema. Ngayon sa kasalukuyang administrasyon ni Aquino na nangangako ng "tuwid na daan", parang ang sarap batuhin ng talong at kamatis ang shiny na bumbunan ng pangulo. Kung gusto talaga ng ating pangulo na umangat ang kabuhayan ng mga pilipino, mas magandang tutukan n'ya ang problemang ito. Hind 'yung nagpopokus lang s'ya kay Grace Lee o kung sino man 'yang mga chika babes n'ya o pagganti sa dating pangulo at kanyang mga minions. Later na 'yan tangina naman oh!

May link ako dito ng mas malalimang pag-intindi sa kontraktwalisasyon dito sa bansa. Click mo lang dito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento