Sa lahat ng laban ng ating "Pambansang Kamao" na si Rep.Manny Pacquiao, ito ang pinakakontrobersyal dahil sa resulta.Marami kasi ang naniniwala na natalo daw talaga si Manny Pacquiao doon laban nila Juan Manuel Marquez.Marami ding mga boxing analyst,mga propesyonal na boksingero, mga Boxing Hall of Famer at maging ang kampo ni Manny Pacquiao aminado na naging dominante ang kanyang katunggali sa laban na 'yun.Kung ako lang naman ang huhusga sa laban (hindi talaga ako nakapanood,nakibalita lang ako) hindi talaga kaaya-aya ang naging "performance" ni Manny Pacquiao.Sa lahat ng nakalaban kasi n'ya,dito sya nahirapan ng husto.Kilala si Marquez bilang "El dinamita" hindi dahil sa pag-inom n'ya ng kanyang sariling ihi o dahil sa amoy ng kanyang kili-kili (kadalasan lang naman).Ito ay dahil sa bihasa s'yang "counter-puncher" at may 53 panalo(39 dito knock-out),6 talo, isang draw at kasalukuyang ika-limang "pound for pound boxer in the world" ng Ring Magazine..Bagamat maraming hindi nagustuhan ang resulta ng laban, tumataliwas ito sa kung paano hinusgahan ng mga hurado ang laban.At kung pagbabasehan lang din naman ang "Compubox" lumalabas na lamang talaga sa lahat ng aspekto si Pacquiao kay Marquez.Mula sa mga suntok na dumapo sa mukha hanggang sa mga suntok na daplis lang.
Mensahe ko lang sa mga hindi nagustuhan ang resulta ng laban, alam ninyo hindi lahat ng laban ng isang tao ay nagiging dominante o malakas s'ya.Meron talagang pagkakataon na paminsan-minsan hindi talaga natin kaya ito at humahanap na lang tayo ng ibang paraan para solusyunan ito.Sa kaso ni Rep.Manny Pacquiao, dinaan n'ya ito sa score at hindi sa pagiging dominante.Kung tutuusin talaga para sa gwapo nyong author panalo talaga s'ya sa kahit anong laban n'ya.Kung tutuusin at iisipin natin, nagkaroon lang tayo ng "maliit" na espasyo sa mundo ng boxing dahil sa kanya.At habang dumadaan ang mga taon, lalo n'ya itong pinapalaki ito sa pamamagitan ng pagpapanalo sa kanyang mga laban.Isa s'yang magandang halimbawa na dapat nating tularan.Isang simpleng probinsyano na nangarap ng konting kaginhawaan sa buhay na naging isang malaking "icon" sa mundo ng boxing.At kung makulit talaga kayong mga pinoy na haters, sana 'wag n'yong ipagmalaki ang sarili n'yo sa ibang lahi na kababayan n'yo si Manny Pacquiao.At sana 'wag kayong magpaka-epal na mas alam n'yo ang lahat ng aspekto sa boxing na nasabi n'yong natalo s'ya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento