Marami na akong nilaktawan na mga pangyayari sa buhay ni Aleng Gloria naging busy ako nitong nakaraan eh.Busy ang linya.Pero babawi ako ngayon kaso nga lang hindi si "Ale" ang nakahain sa ating topic ngayon.Mag-pokus tayo sa kanyang tuta na si Chief Justice Renato Corona.Bakit tuta?Kung titingnan natin ang buong kasaysayan ng mama na ito eh baka ma-gets n'yo na ang ibig kong sabihin.Malapit kasi 'tong si parekoy Corona kay CGMA at sa katunayan bago bumaba sa katungkulan si CGMA bilang pangulo, inapoint n'ya itong si Renato Corona na dating Presidential Chief of Staff under n'ya bilang bagong Chief Justice noong Mayo 12,2010 na binansagan ng mga kritiko ni Arroyo na "Midnight Appointee".Kung malikot ang isipan mo at purong kabalbalan ang alam mo eh maiisip mo talaga na "kaya nilagay ng walang hiyang Gloria na yan si Corona dahil naghahanda yang walang hiya na yan baka makasuhan sya sa hinaharap".At hindi nga kayo nagkamali.
Kung maggo-google kayo o magre-research ng kung anu-anong tungkol kay parekoy Corona sa mga desisyon n'ya nang Chief Justice pa s'ya eh ang record na mismo ang magsasabi sa inyo.Kung hahalungkatin n'yo kasi ang mga desisyon/records n'ya na related kay aleng Gloria eh lahat pumapabor sa ale.Mula sa mga kung anu-anong kasong sinampa sa kanya hanggang sa pagpabor nito na makalabas ng bansa para makapagpagamot ang ale.Walang palya at walang paltos, sumakay pa kayo.Dahil sa "bias" na mga desisyon na ito, maraming kumuwestiyon sa kakayahan ng Supreme Court na maging patas sa lahat ng bagay.Pati nga ako mismo parang napailing dahil sa katarantaduhan nitong mama na'to.Sige na nga hindi na katarantaduhan, kalokohan na lang para magmukhang inosente parin.
Nasa headlines ngayon sa mga pahayagan na nahaharap na 'tong si parekoy Corona sa "Impeachment complaint" na inihain ng mga haters ni Gloria na nilagdaan ng mahigit 188 na kongresista i-add pa natin ang basbas ng kalbo este palasyo.Ayon nga ng iba, mas mabilis pa sa pagprito ng itlog o mabilis pa sa alas-kwatro ang paghain ng complaint na ito at halatang minadali.Kapag merong basbas ng kalbo este palasyo mabilis talaga.Natatandaan n'yo ang nangyari kay aleng Gloria ng gumalaw ang kalbo este palasyo at gumawa ng paraan? Kung hindi n'yo naaalala bahala kayo.Problema n'yo na yun wag n'yo na akong isali.
Sa akin lang naman, kaya naman pala ng ating gobyerno na gumawa ng sapilitang hakbang para maisagawa ang mga bagay ng walang kahirap-hirap."Thumbs up" ako tungkol sa pagpapakulong sa mga Arroyo at pagsupil sa mga kaanib nito pero sana walang bastusan sa batas.Mas maganda sana kung ginamit nila ito para matugunan ang lumalalang problema ng ating bayan.Gumawa na kasi ng hakbang para sa ating mga kababayan tulad ng paglulunsad ng mga proyekto para matugunan ang kagutuman,edukasyon, ETC.Lecheng paghihiganti 'yan mas mabuti sana kung nagladlad na lang si Papa Piolo o hindi kaya itong si Atty. Midas Marquez para everybody happy.Kung wala talagang ladladan mas mabuti pang manood na lang kayo ng Carebears.Sige na nga wala na palang Carebears BATIBOT na lang huling tawad....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento