Biyernes, Oktubre 21, 2011

Respeto lang naman ang kailangan....

  Ano pa pala ang silbi ng on-going Peace Talks sa mga rebeldeng MILF kung hindi naman sinusunod ng mga ito ang tigil-putukan?Malaking kalapastanganan ang nangyari noong Martes sa Basilan dahil sa pagkamatay ng tinatayang 19 na sundalo ng AFP.Sinundan pa ito ng magkakasunod na pag-atake sa Zamboanga Zibugay na kumitil ng hindi bababa sa 5 sundalo.Ayon sa pinakabagong balita hindi daw ititigil ng pamahalaang Aquino ang Peace Talks dahil sa pangyayaring ito.Kung ako lang naman ang hihingan ng opinyon dito sa usapin na ito, hindi naman kasi nadadaan ang lahat sa hinahon at pagpapakumbaba ang ganitong mga pangyayari dahil sa merong mga buhay ang nawala.Kailangan ng "aksyon" para irespeto ng mga rebeldeng 'yun  ang Peace Talks.Mahirap magbulag-bulagan kung madaming buhay ang nasasakripisyo.Kung tutuusin sila lang din naman ang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang Mindanao.Ang lalaki nilang hangal na sinisisi nila ang gobyerno sa kanilang mga kamalasan sa buhay.

3 komento:

  1. * hindi po mabasa nang mabuti ang diyalogo. sayang naman.

    TumugonBurahin
  2. Pareng Mark i-click mo lang po ung larawan para lumaki at mabasa mo po...

    TumugonBurahin
  3. * mungkahi lang pare, magaling kang gumuhit, walang duda. Tinalo mo pa ang mga nasa diyaryo, mungkahi lamang, bakit hindi mo gawing pangulong tudling nag bawat akdang pampanitikan na ginagawa mo? Mas maganda, una kasi ikaw na ang gumawa ng editoryal, ikaw pa ang gumawa ng cartoonings. Ngunit kung gagawing editoryal ito, kulang ang iyong mga detalye. sa porma, may pagkaalanganin din. halimbawa, MILF, AFP, dapat binanggit ang kahulugan ng mga ito.

    Sa ganitong paraan, maari mong maiparating ang iyong mga hinaing. Tipong editoryal talaga. At alam ko, kaya mong paghusayan. Mungkahi lang naman itong akin. Ngayon kung interesado ko, maaring ganito ang gawin mo, http://plumaatpapel.wordpress.com/category/editoryal/

    TumugonBurahin