Miyerkules, Nobyembre 16, 2011

"Medical Adventures of Rep.Gloria Macapagal-Arroyo" version 1

  Hindi na bago sa ating pandinig ang kaliwa't-kanang kaso na isinasampa sa dating pangulo at ngayong kongreswoman na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.Makailang ulit na din tinangka ng mga kritiko at haters nitong ale na to na ipa-impeach s'ya dahil sa kanyang mga kalokohan noong siya pa ang ating pangulo.Isa na dito ang maalamat na "Fertilizer Fund Scam" na naging daan para mapondohan ang pagtakbo ulit nitong ale na to sa sumunod na eleksyon.Pero dahil din sa kanyang mga kalokohan, ito ang naging isa sa mga naging balakid kung bakit hindi n'ya magawang makalabas ng bansa para makapagpagamot  sa kanyang karamdaman sa likod(joke-joke n'ya lang ata 'yun).
  Sa totoo lang mga kumare at kumpadre, ayon sa aking pananaliksik wala talagang karapatan na pigilan ng kung sino man 'yan na magpagamot si  Rep.Gloria Macapagal-Arroyo mapa-presidente ka man ng bansa o taong tambay sa kanto.Hayaan n'yong magpaliwanag ako ukol dito.Nasasaad sa Artikulo 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas Section 6  na walang sinumang kayang pumigil sa isang pilipino na maglakbay maliban na lang kung...

1. Banta siya sa seguridad ng ating bansa.
2.Meron s'yang nakakahawang sakit(sa kaso ni  Rep.Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nakakahawa ang kanyang karamdaman).
3.Meron s'yang nakabinbin na kaso sa Supreme Court(tungkol nga pala sa kaso n'ya sa Department of Justice, hindi ito opisyal at madedeklara lamang na isang "charge" sa naturang tao.Kinakailangan na isang "Judge" ang humawak sa kaso para mapasama s'ya dito o sa madaling salita dapat ang Supreme Court ang humawak ng kaso.Ang DOJ ay kinabibilangan lamang ng mga Prosecutors).
4.Banta sa kapakanan ng mga taong nakatira sa bansa.
   
   Hindi kanais-nais sa mata ng mga pilipino na mismo ang pangulo ng ating bansa and friends ang lumalabag dito.Ganito lang yan kasimple.Huwag na huwag ninyo isisiksik ang kagustuhang mapanagot ang isang tao sa kanyang kasalanan kapalit ang paglabag sa batas.Isang napakalaking kalapastangan sa itinakdang batas ng ating bansa ang mga kalokohan ng ating pangulo.Papaano kung nangyari ito sa isang ordinaryong mamamayan ng ating bansa?Hindi naman sa kinakampihan ko ang kagaguhan ng dating pangulo bagkus isa ako sa maituturing na kritiko n'ya ngunit papaano ba magkakaroon ng kaayusan kung mismo ang mga taong nakatira sa bansa ay nagpapadala sa emosyon at galit?Maraming paraan para mapigilan ang natatakdang pag-alis ng dating pangulo.Hindi sa nagmamarunong ako tungkol sa batas ngunit impleng "common sense" lang naman ang kinakailangan.Kung tatanungin n'yo naman ako kung ano 'yun.Secret......


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento