Huwebes, Hulyo 12, 2012

NEW MINING POLICY: E.O. 79


Nabasa ko lang ito sa isang post minsan. Actually itsinismis lang ito ng katropa sa akin noong minsan akong nagawi sa kanilang tambayan. Nagtataka nga ako eh kung anong pumasok sa utak ng mga lokong 'yun at nagtatalo sila tungkol sa takbo ng pulitika dito sa bansa.  Isa sa naging topic nila e tungkol daw sa bagong mining policy dito sa bansa.

Ano ba 'tong bagong E.O. 79 na inilabas ng pamahalaan at bakit maraming mga progresibong grupo na tutol dito?

Ang bagong patakaran sa pagmimina o also known as E.O. 79 ay inilabas ng pamahalaan noong Lunes na naglalayon na taasan ang kasalukuyang royalty tax sa pagmimina ng 2% to 5%. Sa bisa din ng batas na ito, hanggang hindi napapasa ang patakaran na ito eh hindi na muna pahihintulutan ang mga mining firms na magmina sa mga lugar dito sa bansa na angkop na pagminahan hanggat hindi ito napapasa sa kongreso. 

Kung susuriin at titingnan ang bawat anggulo ng bagong patakaran na ito eh masasabi nating maganda ang hangarin nito. Isa na dito ang kagustuhan nitong mapataas ang nakukuhang tax galing sa mga minerals na nakukuha ng mga mining firms sa pagmimina. Pero mukhang "kulang" ata sa rekado ang patakaran na ito.

'Yan kasing 5% add na excise tax eh parang kakarampot lang sa mga malalaking mga mining firms dito sa bansa at kung tutuusin kulang pa. Ang pagmimina kasi ay isang napakalaking industriya sa bansa na kumikita ng daan-daang milyon bawat taon. Bukod pa dito eh ang permanenteng pinsala na iniiwan nito sa kalikasan at kabuhayan mismo ng mga tao sa kung saan ginagawa ang pagmimina. Kung titingnang mabuti eh 'yang kakarampot na nakukuhang tax ng gobyerno sa mga mining firms na yan eh kulang pa sa pagsasaayos ng mga pinsala na dulot ng pagmimina. Para na rin silang galit sa mga malalaking mining firms pero joke lang pala.

Biyernes, Hulyo 6, 2012

"PILIPINO PRIDE RICE"



Manny Pacquaio, Charice Pempengco, Nonito Donaire Jr., Lea Salonga at ang pinakalatest, si Jessica Sanchez ay iilan lang sa mga pilipinong sumikat sa ibang bansa dahil na rin sa kanilang angking talento na angat sa iba. Ang mga tao ding ito ang masasabi din natin na nagbigay ng hindi mapaliwanag na karangalan sa ating bansa.

Kapag nababanggit naman ang pangalan ng mga celebrities na ito eh tayong mga pinoy eh nakakaramdam ng konting galak sa ating mga sarili dahil na rin sa kanilang achievements na nakamit sa larangan na kung saan sila napapabilang.

Pero ang tanong, bakit ba tayo magiging "proud" sa kanila?

Close ba natin ang mga taong ito?
Syota mo ba ang isa sa kanila?
May utang ba sila sayo kaya masayang-masaya ka dahil masisingil mo na sila?
Dahil ba sa pilipino sila?

Ang babaw naman masyado kung pagbabasehan lang natin ang katotohanan na dugong pinoy ang dumadaloy sa bloodstreams nila. Hindi lahat ng mga pilipino eh lahat may talento, 'Yung iba katarantaduhan ang kabobohan lang ang alam. Paano ang mga kongresman at mga mayor dito sa bansa na parang nagiging livelihood ang panunungkulan nila sa pwesto sa pamahalaan? Eh paano 'yung mga pulis na may bilugang tiyan na panay ang pag-abuso sa kanilang kapangyarihan na animoy meron silang hawak na 'extraordinary powers'? Eh paano 'yung mga batang idol si Justin Bieber? Paano 'yung mga pinoy na kung saan-saan nagtatapon ng kanilang basura? Paano 'yung mga politikong naglalagay ng pangalan sa kanilang pangalan sa mga proyekto na pera ng taumbayan ang ginamit?

Ang nakakabadtrip lang dito sa bansa natin eh nagiging sukatan natin ang pagpansin ng mga banyaga sa ating mga talento sa kung papaano maging sikat ang kapwa natin mga pinoy. Hanggang ngayon hindi parin tayo nakaka-move on sa ilang taon na paghawak satin ng mga banyaga sa ating mga yagbols kaya marami parin tayong nakikitang mga pilipino na nagiging basehan ng "social status" sa lipunan sa kung ano ang ginagamit mong linggwahe sa pakikipag-usap. Kahit na kapwa pilipino ang kausap gagamitan ka ng english. Pati ang isang subject na itinuturo sa ating paaralan (ENGLISH) eh tatak-banyaga. Kaya hanggang ngayon marami paring mga nagkalat na OFW sa buong mundo at tinitiis na maging punching bag ng kanilang mga amo. Bukod pa dito eh ang lakas nating magyabang. Oo, mayabang talaga ang mga pinoy kapag binigyan ng pagkakataong magyabang.

Sa tingin n'yo ba kapag binanggit natin ang salitang "Filipino" sa mga taga-ibang bansa eh 'yang mga celebrities na ipinagmamalaki ninyo ang pumapasok sa kanilang mga utak?

Hmmmmm....Mukhang malabo. Mukhang eto ata....


O hindi kaya eto...



Pero bumalik tayo sa topic. Maliit lang ang pinagkaiba ng sinasabi ninyong "Pilipino pride" sa kayabangan. Maliit lang din ang pinagkaiba ng katangahang umintindi na magkaiba ang dalawang salita na yan. Baka epekto na ito ng walang tigil na kaka-order ng extra rice sa mga restaurants. Baka epekto na to ng pakikinig natin ng mga kanta ni Justin Bieber at kung sino-sinong mga singer na wala naman talagang talent sa pagkanta.

At tsaka nga pala, nagmumukha kayong tanga dahil sa "Pilipino pride blah blah blah" na 'yan.

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Anime character of the day: Walang pamagat/ pangalan/ endearment/ baduy na japanese names at kung anu-anong aliases, ETC.


Matagal-tagal ko na din itong ginawa. 

Sa sobrang tagal muntik ko ng makalimutan na ako pala ang gumawa nito at naibaling ko ang oras ko sa pakikinig ng mga kanta ni Justin Bieber.

Isang araw sa boring namin na bahay, naisipan kong humanap ng gagawin. Pang-gabi kasi ang klase namin at sa kasalukuyan tuwing umaga bakanteng bakante ako. Nakakabadtrip nga dahil para na rin akong bumalik sa pagkabata dahil sa panonood ko ng mga anime na ipinalalabas tuwing umaga sa T.V. Bumalik 'yung mga alaala na adik na adik ako sa pagguhit ng mga paborito kong mga anime characters sa likod ng bago kong notebook. 

Hindi ko na muna siya bibigyan ng pangalan. Busy pa kasi ako. Oo sa sobrang busy ko sa kakatihaya sa kama eh hindi ko nga mabigyan ng pangalan ang drawing kong ito. 

Biyernes, Hunyo 15, 2012

Sylk's Words of wisdom: Fathers Day



Nagsimula ito kahapon.....

Actually nagsimula talaga ito ng sumakit ang aking tiyan habang nanonood ako ng mga palabas sa T.V. dahil sa kinain  kong panis na kanin. Nagfe-feature at nagre-reward sila sa mga tatay na malaki ang naitulong sa kani-kanilang mga pamilya. 'Yung mga ama na masasabi nating mga responsable at gagawin ang lahat para lang masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Maraming klase ng ama, tatay, papa, paping o kung anu-anong mang endearment n'yo sa haligi ng tahanan n'yo. Kapag marami, natural iba-iba 'yung ugali at pagkatao.' Yung iba mabait. 'Yung iba naman kulang na lang gawin kang human punching bag. Ang iba binibigay lahat ng gusto mo na umaabot sa punto na nagiging spoiled ka. Ang iba naman, kuripot pa sa mga tindera sa palengke. Tulad nga ng sinabi ko iba-iba.

Pero ito ang point ko, pareho silang ama na tinatanggap ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Sa totoo lang mga babs iilan lang 'yung may yagbols na tanggapin ang ganyang responsibilidad. Nabibilang lang din sa daliri 'yung mga kabataan na kapag naka-aksidenteng nakabuntis ng isang chikas eh tinatanggap ang ganyang kapalaran. Na nagiging instant daddy sila dahil sa mataas na lebel ng curiosity dahil na rin sa kakanood ng porn.

Ang tatay natin ang nagsisilbing haligi ng bahay (hindi 'yung poste wag tanga). Siya ang gumagabay sa atin para hindi tayo maging tanga paglaki natin. Parati silang nandyan para alalayan tayo kung meron man tayong kamalian na gagawin. Kung hindi man natin sila nakakasama araw-araw dahil masyado silang busy sa kanilang trabaho, hahanap sila ng paraan para kahit papaano mabigyan nila kayo ng pagkakataong magkasama kahit sa konting oras lang.

Kung hindi n'yo man feel na mahal n'ya kayo, huwag ng magtaka. Alam n'yo mga babs lalake 'yang mga tatay n'yo. Hindi nature sa kanila 'yung kina-cuddle nila kayo o kung anu-anong mga kabaduyan na ginagawa ng mga nanay n'yo sa inyo. Tulad ng sinabi ko, magkakaiba sila at meron silang kanya-kanyang paraan para ipakita sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa kanya. May kanya-kanyang estilo at da moves. Parang T.V. commercials ng mga pulitiko na pinapamukha sa atin kung ano ang mga achievements na ginagawa nila habang nasa katungkulan sila. Magkakaiba pero iisa ang layunin.

Maswerte 'yung mga kabataan na meron pang mga tatay. Minsan n'yo na bang naisip papaano kung wala kayong tatay? Siguro hindi tayo makakakita ng mga successful na mga tao sa kapanahunan natin. Mga taong masasabi natin na nasa pinakamataas na potential nila ngayon.

Ano ba ang punto ko dito?

Wala naman. Noong una ko ding naisip ito eh siguro epekto na ito ng sumakit ang aking tyan dahil sa panis na kanin na kinain ko noong nakaraang araw. Sa totoo lang trip ko lang gumawa ng post para sa kanila dahil bukas na ang Fathers Day. Hindi ako nakiki-uso mga babs. Gusto ko ding  ipamukha sa inyo kung bakit ba mahalaga ang ating tatay sa buhay natin. Ayaw kong magmukha kayong tanga dahil sa hindi n'yo na realize kung gaano sila kaimportante sa buhay natin. Malay n'yo baka mamatay ang tatay n'yo bukas edi sayang. Kaya kung ako sa inyo, kahit bukas lang eh ipadama n'yo sa kanya na mahalaga s'ya sa inyo. Makipag-bonding. Bilhan ng music videos ni Justin Bieber o hindi kaya bigyan n'yo sila FHM magazine latest issue. Kahit na anong means na magpapasaya sa kanila.

Note: Hindi ako ang nag-drawing ng larawan sa taas. Galing 'yan dito.

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Sylk's Words of wisdom: INDEPENDENCE DAY


Alam kong late na ito eh pero sige ihahabol ko ito. Tutal araw-araw naman nating pinapakinabangan ang ginhawang dulot ng pagiging 'independent' natin kuno sa mga dayuhan. 

Ipinagdiriwang ang "INDEPENDENCE DAY" sa ating bansa tuwing June 12 at taon-taon na itong pinagdiriwang sa ating bansa tanda na rin ng ating pagiging malaya sa mga bansang minsang sumakop sa atin. Sa ilang taon na hinawakan tayo sa bayag ng mga dayuhan. Sa totoo lang mga babs eh ang iba sa ating mga kababayan eh hindi alam kung gaano ba kahalaga ang araw na ito. Naaalala lamang nila ang araw na ito sa kadahilanang walang klase o hindi kaya may double pay sa sahod ng mga manggagawa sa araw na ito. 'Yung iba inaalala ng araw na ito dahil alam nilang makakapaglaro sila ng DOTA buong araw at meron silang excuse para hindi tumulong sa mga gawain sa bahay. 

Ang "INDEPENDENCE DAY" eh importante sa ating mga buhay. Naisip n'yo ba kung saan tayo ngayon kung wala ang araw na ito? 

At dahil lab ko kayo mga babs gumawa ako ng konting listahan kung bakit kinakailangan tayong magpasalamat sa mga bayaning nagpakamatay para maging malaya tayo aside sa mga binigay kong mga naunang rason sa taas. Eto ang mga sumusunod....

1. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang alila at muchacha tayo ng mga amerikanong may mahahabang *tuuut* *tuuut*. 
2. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi kayo makakapag-facebook dahil malamang alila tayo ng mga amerikanong may mahahabang *tuuut* *tuuut* at ipagkakait nila sa atin ito.
3. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi ka nakaka-ihi kung saan-saan, nakakatapon ng basura kung saan-saan, hindi ka makakatae sa estero, at kung anu-anong mga kagag*han na pwedeng maisip ng isang tao na alam na hindi siya mapaparusahan sa kagag*hang ginawa niya na labag sa batas.
4. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang hindi tayo nakakapanood ng mga koreanovela at telenovelang pa-ulit-ulit ang takbo ng story.
5. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi tayo makakapanood ng mga pelikulang pinoy na may temang lovestory na paulit-ulit din ang kwento.
6. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang walang Papa Piolo, walang Papa Jericho at walang Papa Coco na pagjajakulan ng mga bakla sa kanto.
7. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", wala tayong makikitang mga pulitikong may malalaking tiyan.
8. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi makakakurakot ng limpak-limpak na salapi ang mga pulitikong may bilog na tiyan. Malamang din hindi natin makikita ang gwapo nilang mga mukha sa malalaking streamers at karatula na pinopondohan ng pera ng taumbayan.
9. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", walang Mang Kanor video scandal. Walang Hayden Kho 'dancing' video scandal at walang lalabas na mga video scandals na nagkakaroon ng nationwide attention dahil sa media.
10. At ang huli, kung walang "INDEPENDENCE DAY" hindi ko sa inyo mashi-share ang ginhawang dulot ng araw na ito para sa ating lahat.

Importanteng isadiwa natin ang araw na ito hindi dahil sa binigay kong mga dahilan sa taas kung hindi dahil sa naging malaya tayo. 'Yan naman ang bottomline eh. Eh wala naman sigurong tao na hindi naghahangad na maging malaya hindi ba?

Lunes, Hunyo 11, 2012

Sketches

Matagal na 'tong drawing na ito siguro mga tatlo hanggang apat na linggo na ang nakakaraan. Epekto ng walang magawa sa bahay. Basta-basta na lang itong pumasok sa utak ko. Ito 'yung mga panahon na nagde-daydream ako habang dilat ang mata ko. 'Yung mga pagkakataon na nagtitiis ako sa isang tasang kape as breakfast at lunch. 

Kung tatanungin n'yo ako ano ba ang story ng sketch na ito eh na-inspire kasi ako pagkakaibigan at "walang iwanan motto" na napapanood ko sa mga anime. Dyan sa drawing matalik sila na magkaibigan. 'Yung isa na sumusunod at ang isa na gumagabay. Matagal na akong nagpaplanong gumawa ng komiks pero parang wala ako sa mood para gumawa. Maraming nagsu-suggest sa akin pero hindi ko kinakagat. Nakukuntento na ako sa paggawa ng sarili kong mga characters. Mga tauhan sa komiks na walang story at tanging utak ko lang ang nakaka-intindi. Nakakatawa nga eh. Para akong tangang naniniwala na merong Santa Claus o umaasang magpapakalbo na ang ating pangulo.

"Kontraktwalisasyon"


Nakakalungkot mang isipin pero ang drawing sa taas eh pinapakita kung ano ba ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa dito sa ating bansa. Bukod sa pagtitiis na mapasailalim sa pagiging kontrakwal na manggagawa tinitiis din nila ang hindi makatarungang pagbibigay ng sahod. Kung tutuusin ang mga kumpanya na nagbibigay sa kanila ng trabaho ay may kakayahang magbigay ng naaayon na sahod sa kanilang mga manggagawa pero hindi nila ito ginagawa. Mas trip nilang kumita ng malaki. Masasabing tanda ng panlalamang sa kapwa.

Hindi na uso ang ganitong isyu dito sa bansa. Nagsimula ito ng hinayaan ng gobyerno na ipatupad ang 'kontraktwalisasyon' dito sa Pilipinas long long time ago. Maraming binibigay na ginhawa at benifits sa mga employers ang pagiging kontraktwal ng mga manggagawa sa kanilang kumpanya. Eto ang sumusunod....

1. Maiiwasan ang pagsasagawa ng mga unyon o samahan at mga strikes dahil hindi sila lehitimong mangagawa ng kumpanya.
2. Mapapalitan din ng mga kontrakwal na manggagawa ng panandalian ang mga regular workers na na-retrenched o makatipid sa pagbibigay ng mga benipisyo o sa sahod mismo.
3. Kadalasan, hindi nabibigyan ng naaayon na benipisyo ang mga contractual workers tulad ng PhilHealth at SSS.
4. Ang mga contractual workers eh hindi nakakakuha ng sapat ng sahod. Bukod pa dito, alam n'yo bang pagkatapos ng kanilang kontrata nila sa kumpanya eh kukuha sila ulit ng mga requirements depende sa anong kinakailangan na requirements sa bagong inaaplayan?
5. Ang mga contractual workers eh hindi hindi nakakatanggi kung pinapatrabaho sila ng kanilang employers ng overtime kahit na labag ito sa batas.
6. Kadalasan, mababa ang tingin ng mga lehitimong manggagawa sa kumpanya sa mga contractual workers. Ang masaklap pa eh parang normal na kalakaran na ito sa mga manggagawang mapapasailalim sa ganitong sistema.

Ang nakakalungkot lang sa ganitong sistema ay parang walang choice ang mga tao kung hindi yakapin ang hindi cute na sistemang ito. Sa totoo lang minsan na din akong naging contractual worker ng higit sa tatlong taon. Isa lang ang masasabi ko, MAHIRAP talaga. Tinitiis mo 'yung hindi magandang treatment sayo ng mga boss mo. Minumura ka na parang wala kang pinag-aralan at kung minsan tinatakot ka na tanggalin ka sa trabaho. Pinagtratrabaho ka din ng higit sa binigay na oras sa'yo o overtime. Sigurado din akong nararanasan din ito ng mga kababayan natin na nasa ilalim ng kontraktwalisasyon. Bukod sa hindi makatarungang tingin sayo eh nababahala ka na pagkatapos ng lima o anim na buwan eh wala ka na namang trabaho. Mas masaklap ito kung meron kang binubuhay o meron kang pamilyang umaasa sayo.

Walang kasiguruhan.

Ang nakakabadtrip lang eh hinahayaan ng gobyerno ang ganito. Na magtiis ang mga pilipino sa ganitong sistema. Ngayon sa kasalukuyang administrasyon ni Aquino na nangangako ng "tuwid na daan", parang ang sarap batuhin ng talong at kamatis ang shiny na bumbunan ng pangulo. Kung gusto talaga ng ating pangulo na umangat ang kabuhayan ng mga pilipino, mas magandang tutukan n'ya ang problemang ito. Hind 'yung nagpopokus lang s'ya kay Grace Lee o kung sino man 'yang mga chika babes n'ya o pagganti sa dating pangulo at kanyang mga minions. Later na 'yan tangina naman oh!

May link ako dito ng mas malalimang pag-intindi sa kontraktwalisasyon dito sa bansa. Click mo lang dito.

Linggo, Hunyo 10, 2012

Corruption: More fun in the Philippines




Hindi na luma sa sistema ng gobyerno dito sa bansa ang kurapsyon. Parang requirement na ata sa mga pulitiko dito sa ating bansa ang mangurakot ng at least 10,000 pesos sa kaban ng bayan depende sa anong katungkulan ang hinahawakan ng pulitiko sa pamahalaan. Dito din sa bansa natin parang normal na lang na makakarinig tayo ng mga isyu ng mga matataas na opisyal ng kumukurakot ng limpak-limpak na salapi galing sa bulsa ng mga mamamayan.

Nakaka-badtrip hindi ba?

Kung pwede pa lang na hindi tayo na magbayad ng tax eh baka ginawa na natin. Alam natin na gagamitin lang ito ng mga pulitiko sa kanilang pansariling interes. Mga sasakyan na may label na "for government use only" na ginagamit bilang panghatid-sundo sa kanilang mga anak sa eskwelahan. Mga relief goods na may nakalagay na pangalan ng mga pulitiko bilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad at bagyo. Mga basketball court na may nakasulat na "through initiative" ng kung sinu-sinong mga pulitiko. Mga business trips  na ang perang gamit eh galing sa kaban ng bayan. Pati ang americana at brip na gamit nila at marami pang iba.

Siguro isa ito sa mga rason kung bakit maraming nag-aasam na maging pulitiko at makahawak ng katungkulan sa pamahalaan. Para isang talent search ang pagtakbo sa pulitika. Una, magpapa-impress ka sa madla kung ano ba ang ibubuga mo. Pangalawa, kukumbinsihin mo sila na iboto ka nila through text. At last, kung palarin man na manalo ka eh ito na ang oppurtunity para sumikat. Parehas din yan sa pulitika. Una mangangampanya ka at ilalatag mo ang mga  "plataporma jokes" mo at gagawin mong pagbabago sa gobyerno kung ihahalal ka nila (na kadalasan hindi naman natutupad). Pangalawa, kung meron kang pera, magpapa-commercial ka sa TV ng sa gayun eh mapansin ka nila. Pwede kang gumawa ng dance number sa campaign ad o hindi kaya ipagyayabang mo na marami kang natulungan. At pangatlo at ang huli, kung mauto mo sila eh mababago mo ang buhay mo.

Mas masakit malaman na habang nagpapakasasa sa pera ng mamamayan ang mga pulitiko eh maraming pamilya ang umaasa sa kanila na sana mabigyan man sila ng konting kaginhawaan sa kanilang buhay. Habang nagche-check in sila sa isang 5 star hotel eh maraming kababayan natin ang walang sarili nilang lupa at bahay at nagtitiis na matawag na 'eskwater'. Habang ginagamit ng nila ang "government vehicles" bilang personal vehicle eh maraming kabataan na tinitiis na maglakad ng ilang kilometro para lang makapasok sa paaralan. Habang kumakain sila isang pangmayaman na restaurant eh ang iba eh walang perang pambili ng kanilang hapunan.

Hindi natin masisisi ang iba sa ating mga kababayan kung bakit kapag pulitiko ang pinag-uusapan nagiging negative ang sinasabi nila. Huwag na tayong umasa pa na mababago pa ang sistema dito sa bansa unless kung gagawa ng paraan ang kasalukuyang administrasyon na matigil na ito (na halata namang hindi). Hindi ko naman sinasabi na wala nang pag-asa ang pulitika dito sa bansa. Ang sinasabi ko eh mababago lang ito kung willing sila na mabago talaga ito.

Lunes, Hunyo 4, 2012

Same old blues: Edukesyun sistem in da Pelipins


Bawat isa sa atin ay may karapatang magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral. Nakasaad ito sa batas at walang sino man ang dapat na magkait sa atin ng karapatang ito.

Ang edukasyon ay isang karapatan.

Pero masasabi mo parin ba ito kung ang sinasabi kong karapatan na ito ay animoy parang isa pang dagdag pahirap sa atin?

Kamakailan lang eh ipinatupad ng gobyerno ang "K-to-12 Program" na naglalayon na dagdagan ng dalawang school year ang education system sa ating bansa upang mapataas ang antas ng edukasyon dito sa bansa. Naglalayon din ito na bukod sa pagpapataas ng antas ng edukasyon dito sa bansa eh layon din nito na maihanay ang ating bansa sa itinakdang 'Global Standards' ng pagbibigay ng edukasyon sa bawat isa sa atin. 

Maganda ang layunin ng programang ito kahit na saang anggulo man natin ito tingnan. Siguro nga masasabi natin na isa ito sa 'solusyon' na hinahanap ng ating gobyerno sa naghihingalong kalagayan ng edukasyon sa ating bansa. Isang solusyon na permanente at pangmatagalan. Solusyon na tatapos sa kawalan ng 'quality'
at 'quantity' sa sistema ng edukasyon ng bansa. 

Pero ang tanong eh kaya ba ng Pilipinas na ipatupad ito?

Hindi lingid sa atin na isang malaking problema ang sistema ng edukasyon dito sa bansa. Hindi ito dahil sa kulang ang lebel o school year na dinadaan ng mag-aaral kaya maraming grumagradweyt na 'kulang' ang kakahayan kung hindi dahil ito sa budget na nakalaan ng gobyerno para sa edukasyon dito sa bansa. Nadagdagan pa ito ng kamakailan lang eh tinapyasan ng ating gobyerno ang nakalaang budget para sa dito at dinagdagan ang budget para sa pagpapa-unlad ng mga kagamitan ng Militar dito sa bansa. 

Parang nakakawala ng trip ang trip ng gobyerno sa pagpapatupad ng programang ito. Alam naman nilang hindi pa natutugunan ang ilang taon nang problema ng kung anu-anong kakulangan na kaugnay sa edukasyon dito sa bansa. Sa totoo lang hindi naman ang gobyerno ang unang maproproblema kung maipatupad na ito kung hindi ang ating mga magulang. Ang dalawang school year na idinagdag sa bisa ng programang gustong ipatupad ng gobyerno eh nangangahulugan ng dagdag gastos para sa mga magulang kaya hindi ko masisisi ang maraming progresibong grupo na magprotesta ukol dito ay dahil alam nilang ganito ang mangyayari. Na dagdag paghihirap na naman ito. Mas maganda sana na bago nila ito ipatupad eh pinag-aralan nila ang posibleng epekto at resulta ng programang ito. Hindi lang ilang buwan ang igugol dito kung hindi dapat ilang taon na pag-aaral ng sa gayun eh masigurong hindi ito isang malaking 'katangahan' sa parte ng gobyerno.  Sa tingin ko kasi minadali lang ito ng gobyerno ng sa gayun eh makasabay tayo kuno sa education system ng ibang bansa. Tatanungin ko kayo, aanhin ba ang paggawa ng programa kung hindi mo naman kayang suportahan ang pangangailangan nito? 

Ang edukasyon ay karapatan sa bawat isa sa atin. Hindi dapat ito nangangahulugan ng paghihirap at dagdag utang sa kapitbahay o lending company o kung anu man yang mga pautang dyan sa tabi-tabi.

Biyernes, Pebrero 3, 2012

Obserbasyon

  Hindi talaga malinaw kung saan mapupunta ang nangyayaring Impeachment sa Senado.Para kasing ang labong kausap ng mga abugado at mga sitting 'pretty members' ng Prosecution Team.Nagmumukha silang mga walang alam sa kada-session na ginagawa sa Senado.Sa huling panonood ko ng balita, sinabon sila at pinagalitan dahil sa mali at hindi accurate na pagbibigay ng ebidensya na tungkol sa 'hidden wealth' si Chief Justice Corona.Sabihin na nating meron talagang tinatagong baul ng kayamanan 'yang si Corona pero wala din naman silbi kung hindi naman ma-explain ng maayos ng Prosecution Team ang pinagmulan.
  Ang obserbasyon ko lang naman sa nangyayaring Impeachment ngayon sa Senado, lumalabas na halatang 'minadali' ng mga haters ni Arroyo ang paghahain ng mga akusasyon kay Corona na dumadating sa punto na nagmumukha silang ewan.Simula sa pagpapasa, pagpapapirma para ma-impeach 'yung mama, pagtatalo na nangyayari sa Kamara hanggang sa makarating ito sa Senado, halatang hindi pa 'luto' ang inihain nila.Parang naglalaro sa isipan ko ang aspeto na pinapasama lang nila ang iniingatang "image" ni Corona (kung meron man) na matagal n'yang pinaghirapan.
  Saludo ako sa Defense Team dahil masyado silang maingat sa paglalabas ng impormasyon tungkol sa Impeachment Trial at sa bawat hakbang na ginagawa nila eh pinag-aaralan talaga.Ang Impeachment trial naman talaga eh labasan ng baho sa lahat ng ginawang katarantaduhan ng nasasakdal at syempre pagalingan din ng mga palusot kung guilty man.Para naman sa Prosecution Team, 'wag dumaldal ng dumaldal ng kung anu-anong mga kabalbalan o tsismis sa madla.May MEDIA na magaling mag-translate kung ano ba talaga ang nangyayari na 'friendly sa mga viewers.Bias masyado ang Prosecution.Parang pinalalabas nila na ang sama-sama talaga ni Corona eh joke lang pala.

Biyernes, Enero 27, 2012

Mga pagkakataon....

  Ito 'yung mga pagkakataon na masarap pagtripan ang mga taong may malalim na pananampalataya sa itaas.Hindi sa kisame 'wag tanga.'Yung mga pagkakataon na masusubok kung hanggang saan ang kanilang nalalaman sa itaas.Sinabing hindi kisame 'wag tanga.Saludo ako sa'yo idol Lourd De Veyra!

"NASAAN KA JOVITO?!"

 
  Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang makipagtaguan.Paminsan-minsan eh nakaka-badtrip na at umaabot sa punto na nagkwekwentuhan na kayo ng mga bagay na imposibleng mangyari sa totoong buhay tulad bakit kalbo si P-Noy o totoo ba ang mga unicorns o bakit nakipag-break up si KC Concepcion kay Papa Piolo?Basta magulo lalo na kung matanda ka na at feeling bagets ka parin at nakikipaglaro sa mga pamangkin mo na nanonood pa ng Barney and friends o Dora the Explorer.OK lang sana kung chicks(hindi 'yung sisiw 'wag tanga) ang taya.Oo na ititigil ko na 'tong magulong intro ko.
  Napabalita kamakailan lang na pinaghahanap daw ang isang retired army general dahil sa mga akusasyon na kinidnap daw n'ya 'yung dalawang babaeng cute na aktibista na nag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas.Hindi naman talaga 'yun akusasyon kung hindi pormal na pag-aresto na inilabas ng Kagawaran ng Hustisya mismo laban sa kanya.Nahalal din siya bilang representative ng isang partylist sa Pilipinas.Minsan na din siyang pinuri ng dating Pangulong Arroyo dahil sa kanyang pakikibaka laban sa mga rebeldeng gustong isulong ang komunismo sa bansa.Isa pang clue? Wala na kayong maisip? Suko na ba kayo? Sige na nga at dahil maawain ako sasabihin ko na sa inyo kung sino siya.Talaga bang wala na kayong maisip? Walang iba kung hindi si Jovito Palparan Jr. Tinagurian siyang "Berdugo" dahil sa mga akusasyon sa kanya na siya ang pasimuno ng manaka-nakang pagkawala ng mga aktibista na kalaban ng gobyerno.
  Marami akong artikulo na nabasa sa paggala ko sa internet na noong mga panahon na nanunungkulan pa siya bilang isang heneral ng AFP eh maraming naitalang manaka-nakang pagkawala ng mga aktibista at mga taong sabihin na lang natin eh mga "Nice People Around" na kung saan siya naka-aasign na lugar lalo na sa Mindoro at Samar.Milagro niyang napababa ang problema ng pagrerebelde sa mga nasabing lugar ng mahigit sa 80 percent at siniguro pa n'ya na kung magtatagal pa siya sa serbisyo eh baka tuluyan na niyang ubusin ang mga rebeldeng nagtatangka na baguhin ang sistema ng pamahalaan..Naisip n'yo 'yun? Wala pang heneral na nangkulan sa AFP na nakagawa ng ganyang accomplishments sa tanang buhay nila.Dahil sa kanyang pinagpalang pamamaraan na galing sa mga anito sa kabundukan pinuri siya ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang SONA noong 2006.Natigil lang itong happy moments n'ya na ito nang napagpasyahan niyang mag-resign sa ika-56th birthday niya.Natigil man ang bloody adventures ni pareng Jovito may bumulong ata sa kanya na bakit hindi kaya tumakbo siya bilang isang representative ng isang Partylist.At dahil sa mala-tukong kapit ni Jovito kay Aleng Gloria eh hindi nga siya nabigo pero hindi na siya ulit nahalal dahil sa paninira sh*ts laban sa kanya.At ang huling balita sa kanya eh pinaghahanap na s'ya ng batas.
   Talagang nakakapagtaka at nakakapangduda ang ginamit n'yang pamamaraan para masupil ang mga rebeldeng komunista at mga kalaban ng gobyerno.Maraming nagsabing ginamit n'ya ang superpowers ng kanyang mga ninuno at anito.Marami ding kwento-kwento na meron daw malaking nunal sa pwet si pareng Jovito kaya masyado syang swerte sa lahat ng larangan na gusto niyang pasukan.Meron ding nagsabi na dahil daw 'yun sa malalim n'yang paniniwala sa diyos.Pero kung literal at realidad na aspeto mismo ang titingnan eh papasok talaga sa isipan mo ang mga bagay na tumatapak sa karapatang-pantao tulad ng pag-torture o paggamit ng dahas.Kung ako lang naman ang tatanungin eh isa lang siyang halimbawa ng isang taong may paniniwala bagamat baluktot eh siyang nakitang sulosyon para mapigil ang mga makakaliwa.Hindi sa pinapanigan ko ang tao na ito o kung ano pa man pero humahanga ako hindi dahil sa kanyang katarantaduhan kung hindi ang paniniwala n'ya mismo.Paniniwala na kinakailangan na masupil ang "masama" para makamit ang kapayapaan.Tulad nga ng mga nauna ko nang mga kwento sa inyo, mas maiging magsaliksik kayo kung ano ba talaga ang history ng taong nasa "limelight" o sa isyu.Ang nakakainis lang eh masyado tayong mapanghusga base sa ano ang naririnig o nakikita natin at ang masaklap pa eh mas binibigyan pa natin ng malaking importansya ang tsismis o mga kwento-kwento kaysa sa kung ano ang katotohanan.Hindi ko kayo pinapagalitan.Baka magdamdam kayo mga pepz at baka ayaw n'yo nang basahin ang mga susunod kong mga artikulo lalong lalo na 'yung mga kakosa kong pinapanigan ang mga makakaliwa.Pero kung may kasalanan talaga ang taong ito eh dapat n'ya itong harapin.Ika nga sa isang kasabihan, "face your fears, live your dreams".Eh ang nakikita ko lang na fear ng taong ito eh ang harapin ang mga pagkakautang n'ya.Hindi utang-pera 'wag tanga.Utang-buhay ang ibig kong sabihin.Oo alam kong magdo-DOTA pa kayo o mag-u-update ng Facebook kaya hanggang dito na lang muna.Hanggang sa uulitin! Paalam! 

Miyerkules, Enero 25, 2012

"DAVAO REGIONAL STATE UNIVERSITY SYSTEM"

   

  Kamakailan lang eh pumutok na naman ang haka-haka at kwentong mala-fairy tales na pagsasanibin daw ang apat na state universities at state colleges na kilalang-kilala dito sa Davao del Sur.Noong una parang wala lang sa akin 'tong balita na ito kasi nga wala talagang direktang impact ito sa buhay ko pero noong nalaman ko na kasali daw ang aking pinapasukan na pamantasan na UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINES eh parang naging curious ako bigla kung ano ba talaga 'tong batas na ito.Maraming tanong ang agad na pumasok sa isipan ko at pati na rin sa mga kakilala ko kung ano ba ang mga posibleng mangyari kung maisabatas ito.Hayaan n'yo akong magkwento ala Lola Basyang kung ano ang batas na ito nang maliwanagan kayo konti...
  Ang DAVAO REGIONAL STATE UNIVERSITY SYSTEM o kung tamad ka eh simply  "DRSUS" eh isang batas na pinanday para pag-isahin ang apat na pamantasan at kolehiyo na matatagpuan dito sa Davao Del Sur na kung saan kasali ang pinapasukan kong pamantasan na University of Southeastern Philippines.Napapansin kasi ng CHED na habang tumataas o dumadami ang kolehiyo at pamantasan dito sa Pilipinas eh bumababa  ang kalidad at antas ng edukasyon na itinuturo ng mga ito.Layunin din ng batas na ito na paliitin ang bilang ng state colleges at universities hanggang 10 percent bilang bahagi ng kanilang mahabaang estratehiya para tumaas ulit ang kalidad ng edukasyon dito sa Pilipinas.Matagal na itong napag-usapan at napagkasunduan ng mga heads ng mga nasabing pamantasan at kolehiyo na involved sa plano at noong 2008 eh nag-commit na sila ng kanilang pangako na makikipagtulungan sila sa CHED and friends para maisagawa ito at lilinawin ko lang, i-prinopose ito mismo ng CHED ilang taon na ng nakakaraan. Hindi ko talaga lubos na maiisip bakit ngayon lang sumulpot ang mga protesta na at mga hate sh*ts laban sa planong ito.Kung babasahin mo ang nilalaman ng batas at ang mga napapaloob dito eh maganda naman pala ang layunin nito.Masasabi nating isa ito sa "sagot" para malutas ang mababaw na kalidad ng edukasyon sa bansa.
   Maraming tutol sa batas na ito at kasali na dito ang mga mag-aaral ng University of Southeastern Philippines.Maraming mga protesta na nagsulputan bigla na huwag na daw isabatas ito.Isa sa mga rason nila eh bakit nga naman makikipagsanib-pwersa ang University of Southeastern Philippines sa ibang tatlong kolehiyo eh ang taas daw ng kalidad ng edukasyon nila.Marami ng surveys at mga kwento-kwento na napatunayan na isa nga ang USEP sa pinakamataas kung pagbabasehan ang kalidad at itinuturo nito.Bakit hindi kaya natin gamitin ang dahilan na ito para matulungan ang ibang colleges para mapataas din ang kanilang pagtuturo at kalidad?Noong una at huli eh wala naman talagang intensyon ang batas na ito para kunin ang tinatamasang karangalan ng USEP bilang isa sa mga pinakamagaling na pamantasan sa bansa.Ayaw kong magmarunong pero nagka-ideya na ba kayo kung ano ang mangyayari kung lahat tayo eh nagtutulungan para makamit ang isang layunin para sa ikakabuti ng lahat? Parehas lang din 'yan sa eleksyon.Kaya natin binoboto ang isang pulitiko dahil naniniwala tayong siya ang tutupad sa ating mga minimithing mangyari sa bayan natin.Hindi na baleng mawala ang dinadalang karangalan natin na tayo ay nag-aral sa USEP basta matulungan din natin ang ibang kolehiyo na mapataas ang antas ng kanilang edukasyon.Wala akong pakialam kung tinatake advantage nila ang ating mga resources o hindi basta natulungan natin sila at 'yun naman ang importante.Masarap kaya ang feeling na  tumulong ka sa kapwa at sure na sure pa akong mapupunta kayo sa heaven pwera na lang kung gumawa ka ng kalokohan sa kapwa.Hindi ito kwentuhan ng mga lasenggo kung hindi tungkol sa layunin mismo ng batas.Hindi ako die-hard supporter ng batas na ito at lilinawin ko lang hindi ako naniniwalang merong unicorns o wala pero naniniwala ako na sa kailalim-laliman ng singit n'yo este puso n'yo eh gusto n'yo ring tumulong sa kapwa.Huwag nang maniwala sa mga haka-haka na pinupulitika lang daw ang batas na ito.Mas mabuting magsaliksik kayo at ng makita ninyo kung ano ang katotohanan (hindi totoo ang mga unicorns).
  Kung nagtataka kayo sa drawing sa taas eh wala talagang kinalaman 'yan sa pinag-uusapan natin.Kung hahayaan ninyong mauto kayo ng maling paniniwala at haka-haka eh baka magiging magkamukha na kayo ng drinowing ko sa taas.Sige kayo....

Huwebes, Enero 19, 2012

"BREASTFEED MAN"!

   
  Simula ng lumabas tayo o isinilang sa mundo na ito, ang unang pinapagawa ng ating mga magulang sa atin kahit hindi natin namamalayan kung anong nangyayari sa paligid  ang dumede sa ating mga ina o sa ingles pa eh ang pag-"breasfeeding".Paalala ko lang hindi kasali ang mga nagkukunwaring sanggol edad 18 pataas.Nagsisilbi itong paunang pagkain para sa mga sanggol.Hindi pa kasi pwedeng kumain ng matitigas na pagkain ang mga sanggol kaya swak na swak ito para sa kanila.Ayon sa mga pag-aaral, maraming benefits ang mapapala ng sanggol kapag dumede s'ya sa kanyang nanay.Isa na dito eh ang malakas na immunity sa mga sakit na kinalaunan magiging isang malaking parte ng kanyang paglaki.Bababa din ang tyansa ng sanggol na magka-impeksyon, magkasakit ng diabetes at pagkakaroon ng abnormalidad na tinatawag na "obesity" kaya meron na kayong ideya kung bakit maraming nagkaka-diabetes o matatabang bata sa panahon ito maliban na lang kung abusado talaga sa katawan ang mga tinamaan ng sakit na 'yan.Sinasabi din nilang nakakapagpatalino ang pag-dede sa mga nanay habang sanggol pa.
  Kung inaakala ninyong ang mga babies lang ang maraming napapala sa pagsipsip sa gatas ng kanilang ina, nagkakamali kayo.Syempre meron ding mga benefits ang pagpapadede ng mga nanay sa mga sanggol (inuulit ko hindi kasali ang "feeling babies" 18 pataas) at isa na dito ang lower risk na magkaroon ng sakit sa puso.Nakakapagpababa din ng tyansa na madapuan ng breast cancer, ovarian cancer at endometrial cancer at kung anu-ano pang mga cancer sh*ts ang mga lactating mothers.Kaya sa mga tinamad na mga nanay na ayaw padedehen ang kanilang mga sanggol, mag-isip-isip kayo kung gusto n'yo pang magtagal sa mundong ito.Basta ang bottomline, maraming mapapala kapag dumede o magpapadede ang mga nanay sa kanilang mga sanggol.
  Simple lang naman ang punto ng post na ito, na sana ang mga nanay eh magkaroon ng konting konsensya na padedehin ang kanilang mga anak na sanggol pa lamang.Napapansin ko kasi sa panahon na ito eh parang hindi na uso sa mga nanay ang mag-lactate para sa kanilang mga babies dahil maraming mga alternatibong gatas na pwedeng pamalit sa kanilang sariling gatas (maliban na lang kung mahirap ka at hindi mo kayang bumili ng sinasabi kong "alternatibong gatas").Kung makikita lang ng mga nanay ang magandang epekto ng pagbre-breastfeed sa kanilang anak eh sigurado akong baka sila pa mismo ang magrekomenda sa kanilang mga asawa na magkaroon sila ng bagong anak para padedehin nila ito.Tungkol naman sa cartoon sa taas, kalimutan n'yo na lang 'yan.Oo alam kong parang ang weirdo ng cartoon sa taas dahil bakit ba merong "boobs" ang lalaking may kapa eh lalaki naman sya? Bakit may kalbo sa drawing? Bakit ang saya ng mga tao na nasa paligid ni BREASTFEED MAN? Dahil ba sa kanyang boobs o dahil sa kanyang shiny na costume? Basta 'wag nang madaming tanong.Huwag nang mangulit ng mangulit...

Martes, Enero 10, 2012

"ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES"!


  Kamakailan lang ay pinalabas na ng Department of Tourism ang kanilang bagong logo at slogan para sa taon na ito para mapalago pa at maakit ang mga dayuhan na pumunta dito sa Pilipinas.Importante sa turismo ng isang bansa ang kanilang slogan dahil sa pamamaraan na ito eh madaling matandaan ng mga turista ang partikular na bansa.Kaya importante na dapat "unique" at "original" ang slogan.Hindi 'yung tipong ginaya lang at pinaglumaan ng ibang bansa.
  Pumutok na naman ang kontrobersya na ginaya na naman daw ng Department of Tourism ang slogan na ito at sa pagkakataon na ito ayon sa kasalukuyang namumuno ng DOT eh "coincidence" lang daw ito.Ayon sa mga tsismis-tsismis eh ginaya daw nila ang pinaglumaang brip (slogan) ng bansang Switzerland na "ITS MORE FUN IN THE SWITZERLAND" na pinutok noong 1951.Hindi ko nga matanto kung nagkataon lang ba ito o ginaya talaga.Kung ginaya man ang slogan na 'yan eh ang lupet pala ng mga researchers ng DOT para manghalukay ng mga gamit na slogans ng ibang bansa.Lumabas na din ang ganitong mga paratang noong nakaraang taon na nanggaya daw sila pero noon eh hindi 'yung slogan ang ginaya kung hindi 'yung logo mismo.Ang masaklap pa eh umabot pa sa punto na nag-resign na ang DOT secretary na in-charge sa panahon na 'yun dahil sa kagaguhan ng mga kritiko.Teka matanong ko lang, ano ba talaga ang impact kung nanggaya ka ng isang bagay para lang ma-promote ang layunin ninyo para sa nakakarami? Hindi naman importante kung ginaya man 'yan o hindi basta mapapalago at maaakit ang mga turista na pumunta dito sa ating bansa.Masamang manggaya? Oo masama nga at aminado naman ako doon. Kahit na nga ako mismo eh gumagaya ng estilo ng ibang artist na mas magaling pa sa aking gumuhit pero alam n'yo anong ikinaganda noon? Noong mga panahon na ginagaya ko pa ang mga estilo ng iba eh 'yun 'yung ang mga panahon na nagsisimula pa lang akong linangin ang kakayahan kong gumuhit. Para sa akin,  ang gumaya eh "stepping stone" lang para gumaling pa ako lalo hanggang dumating na ang panahon na madiskubre ko ang sarili kong estilo na matatawag kong sa akin lamang.Napahaba ata ang pangle-lecture ko pero applicable lang 'yan kung ginaya nga ng Department of Tourism ang slogan.Kung hindi congrats (share ko lang ang experience ko).
  Naging topic din ang bagong slogan ng Department of Tourism sa kagaguhan ng mga taong walang magawa sa buhay sa social networking site.Kung ako lang ang hihingan ng opinyon tungkol sa mga nakikita ko at nababasa  sa Facebook(Facebook lang kasi ang kadalasan kong ginagamit na site), lahat kagaguhan at katangahan.Sabihin n'yo nang masyado akong marahas sa mga pinagsasabi ko pero totoo lahat ang sinasabi ko.Ni minsan wala pa akong nakitang post na "positibo" tungkol sa bagong slogan ng Department of Tourism lahat panggagago at kawalang-hiyaan.Ganito ba talaga kagago at katanga ang mga pinoy para ang bagong slogan ng Department of Tourism eh pagtritripan? Ganyan ba katanga ang mga pinoy na imbes suportahan ang bagong slogan para sa ikabubuti ng nakakarami eh hinihila pa natin ito pababa? Ganyan na ba tayo kagago na lahat na lang bagay na may magandang hangarin eh ita-tag natin sa masama at pangit na anggulo ng ating bansa?Ang layunin lang naman ng slogan na 'yan eh ma-promote ang turismo ng bansa kaya wala tayong dahilan para batikusin ng batikusin ang DOT. Wala namang international law na nagbabawal na gumaya ng slogan ng ibang bansa at isa pa 60 years ago na pinaglumaan ng Switzerland 'yan(kung ginaya man).Oo ang katotohanan ay masakit pero mag-isip bago gumawa ng katangahan.Ginagamit ang slogan para mag-promote hindi para magkalat ng katangahan sa internet. Kung walang utak, 'wag magpromote ng katangahan sa kapwa tanga dahil nanganganak 'yan sige kayo....

NOTE: Wala na munang Editorial Cartoon na tribute sa post na ito.Busy pa ako masyado at meron pang inaasikasong mga mahahalagang bagay (pero nakakapag-internet ng mahigit limang oras araw-araw).Hayaan n'yo at ipo-post ko din ito agad-agad sa blog na ito pero recap na lang kung meron bang improvement sa mga post sa mga blogs at sites.Sana sa susunod na post ko eh may magandang balita tungkol sa slogan na 'yan para everybody hapi!

Linggo, Enero 8, 2012

"Kakarampot na ginto"

  Siguro nga tama ang kasabihan na "OK ng mamatay sa masamang paraan na busog  kaysa mamatay na kumakalam ang sikmura dahil walang trabaho".Biro lang gawa-gawa ko lang 'yang kasabihan na 'yan.Maiba ako, nabalitaan n'yo na ba ang nangyari kamakailan lang sa Compostela Valley at ang landslide doon? Kumitil ang landslide na 'yun ng higit 25 katao, higit 16 ang sugatan at  meron pang nawawalang mahigit 100 katao.
   Maraming lumalabas na kwento-kwento at mga tsismis na kaya nagkaroon ng landslide sa ComVal eh dahil sa illegal logging at pagmimina idagdag pa ang mga small-scale miners na walang permit para mag-operate na magmina sa nasabing pinangyarihan ng insidente.Masasabi natin na "contributing factors" ang mga nasabing dahilan at hindi yan kwento-kwento lang.Pero bukod pa dito, tingnan na muna natin ang dahilan kung bakit dumami ang mga ilegal na small-scale miners sa ComVal. Dahil ito sa "kakapiranggot na ginto"at KAHIRAPAN..Teka, bakit ba ibubuwis ng tao ang kanyang buhay sa isang bagay na siguradong ikakamatay n'ya kung meron namang ibang mas madaling trabaho? Ang Compostela Valley ay maikokonsedera natin sa estado na "developing" at hindi pa masyadong umaangat.Bagamat hitik sa yamang-mineral at likas na yaman ang lugar, madami paring mahihirap sa lugar kaya ang iba napipilitan sa mga delikadong trabaho tulad ng pagmimina.
  Hindi natin masisisi ang mga mamamayan sa ComVal (small scale miners)  kung bakit ganyan ang sinapit nila.Kung ako din ang nasa lugar nila eh ita-take ko na lang ang risk para mabuhay kaysa mamatay ng kumakalam ang sikmura.Oo maraming paraan pero papaano naman sa mga taong nais lang eh ang kumita ng pera na hindi pa nila nahawakan sa tanang buhay nila?Meron tayong kanya-kanyang pangarap at para sa mga minero na biktima ng landslide pangarap lang naman nilang makakain ng isang kapirasong letson ng manok o adobo para sa hapunan na minsan lang mahahapag sa kanilang lamesa. Imbes na sisihin ng sisihin natin ang mga small-scale miners sa lugar kaya nagka-landslide eh mas mabuting makiramay na lang tayo sa namatayan. Maba-badtrip lang tayo at stressful ang manisi ng manisi kaya 'wag na lang baka tayo pa ang mamatay dahil sa atake sa puso. At ang huli, "wake-up call" ito para sa lokal na gobyerno na sumasakop dyan. Mas maganda na higpitan pa lalo ng local government ang proseso ng pagmimina at maghanap ng alternatibong pagkakakitaan para sa mga mamamayan tulad ng turismo. Kung meron mang "ITS MORE FUN" dito sa Pilipinas, ito 'yung nakikisimpatya tayo sa mga namatayan at humahanap tayo ng paraan para tumulong sa kapwa."ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES" nga!

Huwebes, Enero 5, 2012

"YEAR OF THE DRAGON" at kapalaran ng mga katropa..


  Ngayong dadating na January 23, 2012 idadaos ng mga intsik ang kanilang bersyon ng pagsalubong sa bagong taon.Meron kasi ang mga intsik ng sarili nilang kalendaryo na kung saan binabase nila ang pagsimula o pagtapos ng taon.Unique ang ganitong pamamaraan ng mga chinese (bagamat pinapraktis ito sa ibang bansa sa asya) dahil ang kalendaryo nilang gamit eh bumabase sa galaw ng buwan at pag-ikot ng araw hindi tulad sa atin na binabase lamang ng ating gamit na kalendaryo ang pag-ikot ng ating mundo sa araw.Tanda din ang pagdiriwang ng mga intsik sa "Chinese New Year" nila bilang pagtatapos ng panahon ng taglamig.Dahil ang chinese calendar ay bumabase galaw o ikot ng buwan at araw, nire-refer din ng iba ito bilang "Lunar New Year".At dahil sa bagong taon na para sa mga singkit at magagandang chinita baby, gumawa ako ng munting forecast ng kapalaran ng mga zodiac signs na coincide sa kapanganakan ninyo.Hindi 'to birong gawin dahil inabot  ako ng  ilang oras para matapos ang pag-analyze sa tulong ng all-around buddy na google at mga porn sites este source sites.Eto ang mga sumusunod...

Year of the MONKEY:
  Para sa mga pinanganak ng taon ng mga unggoy mong magulang, magiging masagana ang kabuuan ng taon na ito para sa'yo.Dahil taon ito ng maitim na shining butiking-tubig (Year of the black water dragon), maganda itong taon para matuto ng mga bagong bagay.Natural sa mga unggoy na maging maabilidad at tuso kaya swabeng swabe ang mga palusot mo ngayong mga taon.Magiging maganda ang pakikitungo mo o relasyon mo sa mga katrabaho mo at mapro-promote ka  ngayong taon kaya magpasipsip na! Huwag lang landian baka mapansin na sumisipsip ka sa mga boss mo.Gamitin ang "da-moves" na istilo para hindi mabuking na sipsip ka.Tungkol naman sa lovelife, dahil magiging busy ka ngayong taon dahil sa trabaho mo kaya pagtuunan ng pansin ang aspeto na ito para hindi kayo mag-break ng syota mo.Gamitin parin ang "da-moves" na istilo para dito.

Year of the RAT:
  Magiging swabe ang taon para sa mga taong pinanganak sa taon ng daga.Madaming kung anu-anong problema ang dadating para sa iyo kaya kung ayaw mong malasin buong taon dapat bigyan mo agad ng solusyon ang mga problema mong ito.Maganda din itong taon para sa trabaho mo kaya sipsipan na! Mahalaga din na hindi ka magpaapekto o magpadala sa opinyon o pananaw ng iba na labag sa paniniwala mo."Make all the things clear" ika nga sa side mo para hindi ka magkaproblema sa mga katrabaho mo.Sa lovelife, hmmmm.... busy ka eh kaya pagtuunan din ng pansin ito.Bandang katapusan na ng mundo este taon magiging maganda daw ang kapalaran mo sa pag-ibig kaya konting tiis na muna.

Year of the OX:
  Magiging mahirap ang taon na ito para sa'yo kalabaw kaya magpakatatag ka.Dapat maging maabilidad ka buong taon para hindi ka higit na malasin.Ang taon na din na ito ay angkop para magbago ng trabaho o propesyon kaya magkalat na ng resume kung saan-saang kumpanya.Dapat din huwag makalimot sa mga nangangailangan at tulungan sila sa abot ng makakakaya (hindi kasali 'yung mga taong tinamad magtrabaho kaya walang makain) dahil pinapaburan ng malaking shiny na maitim na butiking matubig (Year of the black water dragon) ang mga maaawain at nagbibigay simpatya sa mga nangangailangan kaya tumulong sa mga nasalanta sa Mindanao now na! Tungkol naman sa lovelife, magiging maganda ang kapalaran mo dito kung hindi ka busy.Good time para mangromansa ng kalabaw tulad ng napabalitang lolo na nang-rape ng kalabaw.Oo, romansahan na ng kalabaw!

Year of the TIGER:
  Para naman sa mga pinanganak ng taon ng mga tigre, 'wag maging pabaya at tamad ngayong taon kung ayaw mo ng kamalasan.Dahil sa mahirap ang kabuuan ng nakaraang taon, kinakailangan ng konting adjustments ng tigre para sa taon na ito.Dapat ding maging active ka at pagandahin ang komunikasyon sa mga kasama mo para swabe ang trabaho mo.Dapat ding pakinggan ang saloobin ng iba at 'wag maging tanga.Sa lovelife naman swerte itong taon para sa romansahan.Kung magkakaroon ng konting problema, romansa sa kama lang ang katapat n'yan.Kung hindi pa kasal eh magtimpi na muna at hintayin na makasal muna kayo.Huwag gumawa ng katarantaduhan sa syota mo mahirap na baka may "mens" eh gulpi pa ang aabutin mo..

Year of the RABBIT:
   Dahil sa paborito ka ng malaki at shiny na butiki, magiging maganda ang kapalaran mo ngayong taon.Maganda itong taon na ito para ayusin ang mga kalokohan mo sa nagdaang taon at gumawa ng amendments para mabago ito.Overall magiging swerte ka kaya magpasalamat ka sa shiny at malaking bulas na butiki para sa magandang kapalaran mo ngayong taon.Dahil sa favorite ka ng butiki (dragon), bibigyan ka n'ya ng trials sa pamamagitan ng pagkakaroon mo ng problema sa syota mo.Dahil love ka n'ya at hindi n'ya hahayaan na mapariwara kang kuneho ka dapat pagtuunan ng pansin ang lovelife.Huwag gumawa ng katarantaduhan sa ka-syota mo para hindi makama este ma-karma...

Year of the DRAGON:
  Dahil sa taon ito ng mga shiny at malaking butiki, maganda ang kapalaran mo ngayong taon pero dapat paghirapan mo muna ito.Dahil sa ikaw ang "host" ng taon na ito, dapat maging responsable sa mga bagay-bagay sa paligid at pati na rin mismo ang buhay mo.Makaka-attract ka ng mga hindi mapagkakatiwalaan at walang kwentang mga tao kaya i-check ang phonebook sa samsung galaxy mo o sa 3310 na nokia mo.Magkaroon ng pangmatagalan na plano sa hinaharap para swertehin.Sa lovelife, maganda naman kaso nga lang sa mga mag-asawa lang.Sa mag-syota, ewan sana palarin kayo ngayong taon.

Year of the SNAKE:
  Swerte ang mga ahas sa taon na ito except sa literal na "nang-ahas" ng kasama, syota, asawa o kalaro mo sa DOTA.Mamalasin ka talaga kung gagawin mo 'yan.Overall swerte itong taon na ito para sayo mapa-trabaho man o sa lovelife.Kung magkakaroon ka ng problema, huwag talikuran bagkus harapin mo ito baka meron kang mapalang magagandang "benefits".Kung maahas ka man, tuklawin mo na lang baby...

Year of the HORSE:
  Para naman sa pinanganak ng taon ng mga kabayo, tulad ng ahas, dapat mong harapin ang mga problema mo dahil meron yang kaakibat na magagandang "benefits".Dapat aware ka din sa mga nangyayari sa paligid mo at piliin ang mga sitwasyon na meron kang mapapala.Ang mga unang buwan mo eh hindi masyadong maswerte pero kinalaunan dadating din ang mga magagandang bagay sa buhay mo.Dapat maging mabusisi sa pagsolusyon sa mga problema at tingnan sa magkaibang anggulo dahil nga baka may mapala kang magagandang "benefits".Sa trabaho naman, may "benefits" din at papalarin magiging productive ang taon na ito para sa'yo dahil sa "benefits" na sinasabi ko.Sa lovelife, may "benefits" din.Maswerte itong taon na ito sa pag-ibig dahil nga sa "benefits" na mapapala mo.Sige! Benefits na lang lahat !@#$%%!!!
 MORAL LESSON: "BENEFITS"...

Year of the SHEEP:
  Para naman sa pinanganak ng taon ng kambing o tupa o kanding o kung anu pa man 'yan, magiging kalmado ang buong taon na ito para sa iyo pero meron paring mga problema pero "light" lang at hindi masyadong malala.Magiging swerte ka ngayong taon kung pag-uusapan ang kalagayan mo sa trabaho pero dapat huwag matakot sa mga consequences kaakibat ng magandang kapalaran na 'yan.Balita ko magiging "stressful" daw ang mga kambing ngayon taon kung magpapaapekto sa katarantaduhan ng iba kaya magpakatatag at panindigan ang mga bagay na ginagawa mo.Sa lovelife, ang pagiging makasarili at self-centered ng kambing ang magdadala ng problema sa relasyon n'ya kaya 'wag maging syelpish.Mag-selfcheck ng ugali para maging swabe sa syota mo ngayong taon at para maka-score sa syota mo.

 Year of  ROOSTER:
 Magiging maswerte ang mga taong pinanganak sa taon ng tandang ngayon taon.Kung isa kang simpleng empleyado sa isang simpleng kumpanya na may simpleng trabaho na may simpleng sweldo eh taon ito ng "promotion" kaya magpasipsip na agad sa mga boss mo.Ay tama nga pala hindi pala sumisipsip ang manok, sige tukain mo na lang baby.Dapat pagtuunan ng mabuti ang trabaho mo para maging maganda ang posisyon mo sa pinapasukan mo na kumpanya.Ang taon na ito para sa mga tandang eh trabaho ng trabaho.Tukaan ng tukaan baby! Sa lovelife naman eh hindi maganda ang aspeto na ito para sa'yo pero kaya mo naman solusyunan 'yang mga problema na 'yan.Tukain mo na lang baby!

Year of DOG:
  Para naman sa mga pinanganak ng taon ng mga aso, magiging smooth ang buong taon na ito para sa'yo.Dapat maging diretso sa mga desisyon na ginagawa mo sa buhay mo.Huwag magdalawang-isip dahil ayon sa posisyon ng mga planeta sa solar system ng milky way galaxy, magiging daan pa ito para maging matagumpay ka sa buhay mo ngayong taon.Kung iihi ka tapos naglalaro ka ng DOTA, 'wag magdalawang-isip at umihi agad.Kung gutom ka at tinatamad ka, 'wag magdalawang-isip na kumain dahil gutom ka 'wag tanga.Kung inaantok ka na kaso meron kang tinatapos na mga assignments, 'wag na tapusin ang assignments at matulog agad.Inaantok ka eh mapipigil ba ang bugso ng damdamin mong matulog? Bahala na si batman kinabukasan.Dapat ding mag-focus ka sa ginagawa mo kung ayaw mong maging pangit ang kinalabasan ng ginagawa mo.Kahit na wala kang gawin sa career mo, uusbong ang mga oportunidad para sa ikagaganda ng trabaho mo kaya 'wag magpa-sipsip ng magpa-sipsip sa boss baka ikapahamak mo pa 'yan.Sa lovelife, dapat maging faithful sa syota mo at huwag ng humanap ng iba.Instincts na ng mga aso ang maghanap ng kung sinu-sinong mga kapareha para maromansa kaya pigilan ang ugali na ito.Bad ito sige kayo at 'wag maging ulol baka malasin kayo sa taon na ito.Sige kayo...

Year of PIG:
   Maswerte ang kabuuan ng taon para sa mga pinanganak sa taon ng baboy.Ang magiging generous at cheerful ang magbibigay ng magagandang bagay para sa'yo  ngayong taon.Merong konting mga pagkakaiba tungkol sa trabaho pero smooth parin ang daloy.Dahil sa paborito ka ng butiki (dragon), hindi ka n'ya bibigyan ng kung anu-anong pagsubok na hindi mo naman kaya.Sa lovelife, may konting aberya pero parte na 'yan ng relasyon.Kailangan lamang na unawain mo ang pagkakaiba at presto OK na.Kung kinakailangan ng romansang-dahas, no choice ka boy....

  Sa akin, hindi naman talaga ako naniniwala sa mga zodiac signs o horoscope o alien sightings ng mga singkit.Para sa akin isa lamang 'yang kathang-isip ng mga singkit na nilagyan ng konting imagination para magkakulay ang kwento na makailang siglo na nilang ginagawa.Eh aanhin mo ba 'yan horoscope mong 'yan kung nakatunganga ka lang at tamad kang magtrabaho? Ang buhay ay parang isang malawak at mahabang daan at hindi maiiwasan ang mga aberya habang naglalakbay ka.Nasa tao na 'yan mismo kung magpapa-apekto ka sa mga problema at magtatago sa isang sulok o haharapin mo 'yan at hahanapan mo ng solusyon na magiging isang malaking hakbang para sa tumatag ka sa dadating pa na mga panahon.Tulad ng sinabi ko, ikaw ang nagmamaneho at pipili ng daan na tatahakin mo sa buhay mo.Mapamasama man 'yan o mapabuti ikaw ang bahala.Buhay mo 'yan parekoy kaya choose wisely....