Siguro nga tama ang kasabihan na "OK ng mamatay sa masamang paraan na busog kaysa mamatay na kumakalam ang sikmura dahil walang trabaho".Biro lang gawa-gawa ko lang 'yang kasabihan na 'yan.Maiba ako, nabalitaan n'yo na ba ang nangyari kamakailan lang sa Compostela Valley at ang landslide doon? Kumitil ang landslide na 'yun ng higit 25 katao, higit 16 ang sugatan at meron pang nawawalang mahigit 100 katao.
Maraming lumalabas na kwento-kwento at mga tsismis na kaya nagkaroon ng landslide sa ComVal eh dahil sa illegal logging at pagmimina idagdag pa ang mga small-scale miners na walang permit para mag-operate na magmina sa nasabing pinangyarihan ng insidente.Masasabi natin na "contributing factors" ang mga nasabing dahilan at hindi yan kwento-kwento lang.Pero bukod pa dito, tingnan na muna natin ang dahilan kung bakit dumami ang mga ilegal na small-scale miners sa ComVal. Dahil ito sa "kakapiranggot na ginto"at KAHIRAPAN..Teka, bakit ba ibubuwis ng tao ang kanyang buhay sa isang bagay na siguradong ikakamatay n'ya kung meron namang ibang mas madaling trabaho? Ang Compostela Valley ay maikokonsedera natin sa estado na "developing" at hindi pa masyadong umaangat.Bagamat hitik sa yamang-mineral at likas na yaman ang lugar, madami paring mahihirap sa lugar kaya ang iba napipilitan sa mga delikadong trabaho tulad ng pagmimina.
Hindi natin masisisi ang mga mamamayan sa ComVal (small scale miners) kung bakit ganyan ang sinapit nila.Kung ako din ang nasa lugar nila eh ita-take ko na lang ang risk para mabuhay kaysa mamatay ng kumakalam ang sikmura.Oo maraming paraan pero papaano naman sa mga taong nais lang eh ang kumita ng pera na hindi pa nila nahawakan sa tanang buhay nila?Meron tayong kanya-kanyang pangarap at para sa mga minero na biktima ng landslide pangarap lang naman nilang makakain ng isang kapirasong letson ng manok o adobo para sa hapunan na minsan lang mahahapag sa kanilang lamesa. Imbes na sisihin ng sisihin natin ang mga small-scale miners sa lugar kaya nagka-landslide eh mas mabuting makiramay na lang tayo sa namatayan. Maba-badtrip lang tayo at stressful ang manisi ng manisi kaya 'wag na lang baka tayo pa ang mamatay dahil sa atake sa puso. At ang huli, "wake-up call" ito para sa lokal na gobyerno na sumasakop dyan. Mas maganda na higpitan pa lalo ng local government ang proseso ng pagmimina at maghanap ng alternatibong pagkakakitaan para sa mga mamamayan tulad ng turismo. Kung meron mang "ITS MORE FUN" dito sa Pilipinas, ito 'yung nakikisimpatya tayo sa mga namatayan at humahanap tayo ng paraan para tumulong sa kapwa."ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES" nga!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento