Linggo, Hunyo 10, 2012

Corruption: More fun in the Philippines




Hindi na luma sa sistema ng gobyerno dito sa bansa ang kurapsyon. Parang requirement na ata sa mga pulitiko dito sa ating bansa ang mangurakot ng at least 10,000 pesos sa kaban ng bayan depende sa anong katungkulan ang hinahawakan ng pulitiko sa pamahalaan. Dito din sa bansa natin parang normal na lang na makakarinig tayo ng mga isyu ng mga matataas na opisyal ng kumukurakot ng limpak-limpak na salapi galing sa bulsa ng mga mamamayan.

Nakaka-badtrip hindi ba?

Kung pwede pa lang na hindi tayo na magbayad ng tax eh baka ginawa na natin. Alam natin na gagamitin lang ito ng mga pulitiko sa kanilang pansariling interes. Mga sasakyan na may label na "for government use only" na ginagamit bilang panghatid-sundo sa kanilang mga anak sa eskwelahan. Mga relief goods na may nakalagay na pangalan ng mga pulitiko bilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad at bagyo. Mga basketball court na may nakasulat na "through initiative" ng kung sinu-sinong mga pulitiko. Mga business trips  na ang perang gamit eh galing sa kaban ng bayan. Pati ang americana at brip na gamit nila at marami pang iba.

Siguro isa ito sa mga rason kung bakit maraming nag-aasam na maging pulitiko at makahawak ng katungkulan sa pamahalaan. Para isang talent search ang pagtakbo sa pulitika. Una, magpapa-impress ka sa madla kung ano ba ang ibubuga mo. Pangalawa, kukumbinsihin mo sila na iboto ka nila through text. At last, kung palarin man na manalo ka eh ito na ang oppurtunity para sumikat. Parehas din yan sa pulitika. Una mangangampanya ka at ilalatag mo ang mga  "plataporma jokes" mo at gagawin mong pagbabago sa gobyerno kung ihahalal ka nila (na kadalasan hindi naman natutupad). Pangalawa, kung meron kang pera, magpapa-commercial ka sa TV ng sa gayun eh mapansin ka nila. Pwede kang gumawa ng dance number sa campaign ad o hindi kaya ipagyayabang mo na marami kang natulungan. At pangatlo at ang huli, kung mauto mo sila eh mababago mo ang buhay mo.

Mas masakit malaman na habang nagpapakasasa sa pera ng mamamayan ang mga pulitiko eh maraming pamilya ang umaasa sa kanila na sana mabigyan man sila ng konting kaginhawaan sa kanilang buhay. Habang nagche-check in sila sa isang 5 star hotel eh maraming kababayan natin ang walang sarili nilang lupa at bahay at nagtitiis na matawag na 'eskwater'. Habang ginagamit ng nila ang "government vehicles" bilang personal vehicle eh maraming kabataan na tinitiis na maglakad ng ilang kilometro para lang makapasok sa paaralan. Habang kumakain sila isang pangmayaman na restaurant eh ang iba eh walang perang pambili ng kanilang hapunan.

Hindi natin masisisi ang iba sa ating mga kababayan kung bakit kapag pulitiko ang pinag-uusapan nagiging negative ang sinasabi nila. Huwag na tayong umasa pa na mababago pa ang sistema dito sa bansa unless kung gagawa ng paraan ang kasalukuyang administrasyon na matigil na ito (na halata namang hindi). Hindi ko naman sinasabi na wala nang pag-asa ang pulitika dito sa bansa. Ang sinasabi ko eh mababago lang ito kung willing sila na mabago talaga ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento