Biyernes, Hulyo 6, 2012

"PILIPINO PRIDE RICE"



Manny Pacquaio, Charice Pempengco, Nonito Donaire Jr., Lea Salonga at ang pinakalatest, si Jessica Sanchez ay iilan lang sa mga pilipinong sumikat sa ibang bansa dahil na rin sa kanilang angking talento na angat sa iba. Ang mga tao ding ito ang masasabi din natin na nagbigay ng hindi mapaliwanag na karangalan sa ating bansa.

Kapag nababanggit naman ang pangalan ng mga celebrities na ito eh tayong mga pinoy eh nakakaramdam ng konting galak sa ating mga sarili dahil na rin sa kanilang achievements na nakamit sa larangan na kung saan sila napapabilang.

Pero ang tanong, bakit ba tayo magiging "proud" sa kanila?

Close ba natin ang mga taong ito?
Syota mo ba ang isa sa kanila?
May utang ba sila sayo kaya masayang-masaya ka dahil masisingil mo na sila?
Dahil ba sa pilipino sila?

Ang babaw naman masyado kung pagbabasehan lang natin ang katotohanan na dugong pinoy ang dumadaloy sa bloodstreams nila. Hindi lahat ng mga pilipino eh lahat may talento, 'Yung iba katarantaduhan ang kabobohan lang ang alam. Paano ang mga kongresman at mga mayor dito sa bansa na parang nagiging livelihood ang panunungkulan nila sa pwesto sa pamahalaan? Eh paano 'yung mga pulis na may bilugang tiyan na panay ang pag-abuso sa kanilang kapangyarihan na animoy meron silang hawak na 'extraordinary powers'? Eh paano 'yung mga batang idol si Justin Bieber? Paano 'yung mga pinoy na kung saan-saan nagtatapon ng kanilang basura? Paano 'yung mga politikong naglalagay ng pangalan sa kanilang pangalan sa mga proyekto na pera ng taumbayan ang ginamit?

Ang nakakabadtrip lang dito sa bansa natin eh nagiging sukatan natin ang pagpansin ng mga banyaga sa ating mga talento sa kung papaano maging sikat ang kapwa natin mga pinoy. Hanggang ngayon hindi parin tayo nakaka-move on sa ilang taon na paghawak satin ng mga banyaga sa ating mga yagbols kaya marami parin tayong nakikitang mga pilipino na nagiging basehan ng "social status" sa lipunan sa kung ano ang ginagamit mong linggwahe sa pakikipag-usap. Kahit na kapwa pilipino ang kausap gagamitan ka ng english. Pati ang isang subject na itinuturo sa ating paaralan (ENGLISH) eh tatak-banyaga. Kaya hanggang ngayon marami paring mga nagkalat na OFW sa buong mundo at tinitiis na maging punching bag ng kanilang mga amo. Bukod pa dito eh ang lakas nating magyabang. Oo, mayabang talaga ang mga pinoy kapag binigyan ng pagkakataong magyabang.

Sa tingin n'yo ba kapag binanggit natin ang salitang "Filipino" sa mga taga-ibang bansa eh 'yang mga celebrities na ipinagmamalaki ninyo ang pumapasok sa kanilang mga utak?

Hmmmmm....Mukhang malabo. Mukhang eto ata....


O hindi kaya eto...



Pero bumalik tayo sa topic. Maliit lang ang pinagkaiba ng sinasabi ninyong "Pilipino pride" sa kayabangan. Maliit lang din ang pinagkaiba ng katangahang umintindi na magkaiba ang dalawang salita na yan. Baka epekto na ito ng walang tigil na kaka-order ng extra rice sa mga restaurants. Baka epekto na to ng pakikinig natin ng mga kanta ni Justin Bieber at kung sino-sinong mga singer na wala naman talagang talent sa pagkanta.

At tsaka nga pala, nagmumukha kayong tanga dahil sa "Pilipino pride blah blah blah" na 'yan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento