Biyernes, Enero 27, 2012

"NASAAN KA JOVITO?!"

 
  Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang makipagtaguan.Paminsan-minsan eh nakaka-badtrip na at umaabot sa punto na nagkwekwentuhan na kayo ng mga bagay na imposibleng mangyari sa totoong buhay tulad bakit kalbo si P-Noy o totoo ba ang mga unicorns o bakit nakipag-break up si KC Concepcion kay Papa Piolo?Basta magulo lalo na kung matanda ka na at feeling bagets ka parin at nakikipaglaro sa mga pamangkin mo na nanonood pa ng Barney and friends o Dora the Explorer.OK lang sana kung chicks(hindi 'yung sisiw 'wag tanga) ang taya.Oo na ititigil ko na 'tong magulong intro ko.
  Napabalita kamakailan lang na pinaghahanap daw ang isang retired army general dahil sa mga akusasyon na kinidnap daw n'ya 'yung dalawang babaeng cute na aktibista na nag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas.Hindi naman talaga 'yun akusasyon kung hindi pormal na pag-aresto na inilabas ng Kagawaran ng Hustisya mismo laban sa kanya.Nahalal din siya bilang representative ng isang partylist sa Pilipinas.Minsan na din siyang pinuri ng dating Pangulong Arroyo dahil sa kanyang pakikibaka laban sa mga rebeldeng gustong isulong ang komunismo sa bansa.Isa pang clue? Wala na kayong maisip? Suko na ba kayo? Sige na nga at dahil maawain ako sasabihin ko na sa inyo kung sino siya.Talaga bang wala na kayong maisip? Walang iba kung hindi si Jovito Palparan Jr. Tinagurian siyang "Berdugo" dahil sa mga akusasyon sa kanya na siya ang pasimuno ng manaka-nakang pagkawala ng mga aktibista na kalaban ng gobyerno.
  Marami akong artikulo na nabasa sa paggala ko sa internet na noong mga panahon na nanunungkulan pa siya bilang isang heneral ng AFP eh maraming naitalang manaka-nakang pagkawala ng mga aktibista at mga taong sabihin na lang natin eh mga "Nice People Around" na kung saan siya naka-aasign na lugar lalo na sa Mindoro at Samar.Milagro niyang napababa ang problema ng pagrerebelde sa mga nasabing lugar ng mahigit sa 80 percent at siniguro pa n'ya na kung magtatagal pa siya sa serbisyo eh baka tuluyan na niyang ubusin ang mga rebeldeng nagtatangka na baguhin ang sistema ng pamahalaan..Naisip n'yo 'yun? Wala pang heneral na nangkulan sa AFP na nakagawa ng ganyang accomplishments sa tanang buhay nila.Dahil sa kanyang pinagpalang pamamaraan na galing sa mga anito sa kabundukan pinuri siya ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang SONA noong 2006.Natigil lang itong happy moments n'ya na ito nang napagpasyahan niyang mag-resign sa ika-56th birthday niya.Natigil man ang bloody adventures ni pareng Jovito may bumulong ata sa kanya na bakit hindi kaya tumakbo siya bilang isang representative ng isang Partylist.At dahil sa mala-tukong kapit ni Jovito kay Aleng Gloria eh hindi nga siya nabigo pero hindi na siya ulit nahalal dahil sa paninira sh*ts laban sa kanya.At ang huling balita sa kanya eh pinaghahanap na s'ya ng batas.
   Talagang nakakapagtaka at nakakapangduda ang ginamit n'yang pamamaraan para masupil ang mga rebeldeng komunista at mga kalaban ng gobyerno.Maraming nagsabing ginamit n'ya ang superpowers ng kanyang mga ninuno at anito.Marami ding kwento-kwento na meron daw malaking nunal sa pwet si pareng Jovito kaya masyado syang swerte sa lahat ng larangan na gusto niyang pasukan.Meron ding nagsabi na dahil daw 'yun sa malalim n'yang paniniwala sa diyos.Pero kung literal at realidad na aspeto mismo ang titingnan eh papasok talaga sa isipan mo ang mga bagay na tumatapak sa karapatang-pantao tulad ng pag-torture o paggamit ng dahas.Kung ako lang naman ang tatanungin eh isa lang siyang halimbawa ng isang taong may paniniwala bagamat baluktot eh siyang nakitang sulosyon para mapigil ang mga makakaliwa.Hindi sa pinapanigan ko ang tao na ito o kung ano pa man pero humahanga ako hindi dahil sa kanyang katarantaduhan kung hindi ang paniniwala n'ya mismo.Paniniwala na kinakailangan na masupil ang "masama" para makamit ang kapayapaan.Tulad nga ng mga nauna ko nang mga kwento sa inyo, mas maiging magsaliksik kayo kung ano ba talaga ang history ng taong nasa "limelight" o sa isyu.Ang nakakainis lang eh masyado tayong mapanghusga base sa ano ang naririnig o nakikita natin at ang masaklap pa eh mas binibigyan pa natin ng malaking importansya ang tsismis o mga kwento-kwento kaysa sa kung ano ang katotohanan.Hindi ko kayo pinapagalitan.Baka magdamdam kayo mga pepz at baka ayaw n'yo nang basahin ang mga susunod kong mga artikulo lalong lalo na 'yung mga kakosa kong pinapanigan ang mga makakaliwa.Pero kung may kasalanan talaga ang taong ito eh dapat n'ya itong harapin.Ika nga sa isang kasabihan, "face your fears, live your dreams".Eh ang nakikita ko lang na fear ng taong ito eh ang harapin ang mga pagkakautang n'ya.Hindi utang-pera 'wag tanga.Utang-buhay ang ibig kong sabihin.Oo alam kong magdo-DOTA pa kayo o mag-u-update ng Facebook kaya hanggang dito na lang muna.Hanggang sa uulitin! Paalam! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento