Miyerkules, Enero 25, 2012

"DAVAO REGIONAL STATE UNIVERSITY SYSTEM"

   

  Kamakailan lang eh pumutok na naman ang haka-haka at kwentong mala-fairy tales na pagsasanibin daw ang apat na state universities at state colleges na kilalang-kilala dito sa Davao del Sur.Noong una parang wala lang sa akin 'tong balita na ito kasi nga wala talagang direktang impact ito sa buhay ko pero noong nalaman ko na kasali daw ang aking pinapasukan na pamantasan na UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINES eh parang naging curious ako bigla kung ano ba talaga 'tong batas na ito.Maraming tanong ang agad na pumasok sa isipan ko at pati na rin sa mga kakilala ko kung ano ba ang mga posibleng mangyari kung maisabatas ito.Hayaan n'yo akong magkwento ala Lola Basyang kung ano ang batas na ito nang maliwanagan kayo konti...
  Ang DAVAO REGIONAL STATE UNIVERSITY SYSTEM o kung tamad ka eh simply  "DRSUS" eh isang batas na pinanday para pag-isahin ang apat na pamantasan at kolehiyo na matatagpuan dito sa Davao Del Sur na kung saan kasali ang pinapasukan kong pamantasan na University of Southeastern Philippines.Napapansin kasi ng CHED na habang tumataas o dumadami ang kolehiyo at pamantasan dito sa Pilipinas eh bumababa  ang kalidad at antas ng edukasyon na itinuturo ng mga ito.Layunin din ng batas na ito na paliitin ang bilang ng state colleges at universities hanggang 10 percent bilang bahagi ng kanilang mahabaang estratehiya para tumaas ulit ang kalidad ng edukasyon dito sa Pilipinas.Matagal na itong napag-usapan at napagkasunduan ng mga heads ng mga nasabing pamantasan at kolehiyo na involved sa plano at noong 2008 eh nag-commit na sila ng kanilang pangako na makikipagtulungan sila sa CHED and friends para maisagawa ito at lilinawin ko lang, i-prinopose ito mismo ng CHED ilang taon na ng nakakaraan. Hindi ko talaga lubos na maiisip bakit ngayon lang sumulpot ang mga protesta na at mga hate sh*ts laban sa planong ito.Kung babasahin mo ang nilalaman ng batas at ang mga napapaloob dito eh maganda naman pala ang layunin nito.Masasabi nating isa ito sa "sagot" para malutas ang mababaw na kalidad ng edukasyon sa bansa.
   Maraming tutol sa batas na ito at kasali na dito ang mga mag-aaral ng University of Southeastern Philippines.Maraming mga protesta na nagsulputan bigla na huwag na daw isabatas ito.Isa sa mga rason nila eh bakit nga naman makikipagsanib-pwersa ang University of Southeastern Philippines sa ibang tatlong kolehiyo eh ang taas daw ng kalidad ng edukasyon nila.Marami ng surveys at mga kwento-kwento na napatunayan na isa nga ang USEP sa pinakamataas kung pagbabasehan ang kalidad at itinuturo nito.Bakit hindi kaya natin gamitin ang dahilan na ito para matulungan ang ibang colleges para mapataas din ang kanilang pagtuturo at kalidad?Noong una at huli eh wala naman talagang intensyon ang batas na ito para kunin ang tinatamasang karangalan ng USEP bilang isa sa mga pinakamagaling na pamantasan sa bansa.Ayaw kong magmarunong pero nagka-ideya na ba kayo kung ano ang mangyayari kung lahat tayo eh nagtutulungan para makamit ang isang layunin para sa ikakabuti ng lahat? Parehas lang din 'yan sa eleksyon.Kaya natin binoboto ang isang pulitiko dahil naniniwala tayong siya ang tutupad sa ating mga minimithing mangyari sa bayan natin.Hindi na baleng mawala ang dinadalang karangalan natin na tayo ay nag-aral sa USEP basta matulungan din natin ang ibang kolehiyo na mapataas ang antas ng kanilang edukasyon.Wala akong pakialam kung tinatake advantage nila ang ating mga resources o hindi basta natulungan natin sila at 'yun naman ang importante.Masarap kaya ang feeling na  tumulong ka sa kapwa at sure na sure pa akong mapupunta kayo sa heaven pwera na lang kung gumawa ka ng kalokohan sa kapwa.Hindi ito kwentuhan ng mga lasenggo kung hindi tungkol sa layunin mismo ng batas.Hindi ako die-hard supporter ng batas na ito at lilinawin ko lang hindi ako naniniwalang merong unicorns o wala pero naniniwala ako na sa kailalim-laliman ng singit n'yo este puso n'yo eh gusto n'yo ring tumulong sa kapwa.Huwag nang maniwala sa mga haka-haka na pinupulitika lang daw ang batas na ito.Mas mabuting magsaliksik kayo at ng makita ninyo kung ano ang katotohanan (hindi totoo ang mga unicorns).
  Kung nagtataka kayo sa drawing sa taas eh wala talagang kinalaman 'yan sa pinag-uusapan natin.Kung hahayaan ninyong mauto kayo ng maling paniniwala at haka-haka eh baka magiging magkamukha na kayo ng drinowing ko sa taas.Sige kayo....

1 komento:

  1. sori sir if you really want to help the others why not helping our own first.
    usep has alot of branches specially usep-bislig and that is the aim of our administration to uplift the education all over the "southestern philippines" not just davao region. was it not a selfish way also???????

    TumugonBurahin