Biyernes, Hunyo 15, 2012
Sylk's Words of wisdom: Fathers Day
Nagsimula ito kahapon.....
Actually nagsimula talaga ito ng sumakit ang aking tiyan habang nanonood ako ng mga palabas sa T.V. dahil sa kinain kong panis na kanin. Nagfe-feature at nagre-reward sila sa mga tatay na malaki ang naitulong sa kani-kanilang mga pamilya. 'Yung mga ama na masasabi nating mga responsable at gagawin ang lahat para lang masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Maraming klase ng ama, tatay, papa, paping o kung anu-anong mang endearment n'yo sa haligi ng tahanan n'yo. Kapag marami, natural iba-iba 'yung ugali at pagkatao.' Yung iba mabait. 'Yung iba naman kulang na lang gawin kang human punching bag. Ang iba binibigay lahat ng gusto mo na umaabot sa punto na nagiging spoiled ka. Ang iba naman, kuripot pa sa mga tindera sa palengke. Tulad nga ng sinabi ko iba-iba.
Pero ito ang point ko, pareho silang ama na tinatanggap ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.
Sa totoo lang mga babs iilan lang 'yung may yagbols na tanggapin ang ganyang responsibilidad. Nabibilang lang din sa daliri 'yung mga kabataan na kapag naka-aksidenteng nakabuntis ng isang chikas eh tinatanggap ang ganyang kapalaran. Na nagiging instant daddy sila dahil sa mataas na lebel ng curiosity dahil na rin sa kakanood ng porn.
Ang tatay natin ang nagsisilbing haligi ng bahay (hindi 'yung poste wag tanga). Siya ang gumagabay sa atin para hindi tayo maging tanga paglaki natin. Parati silang nandyan para alalayan tayo kung meron man tayong kamalian na gagawin. Kung hindi man natin sila nakakasama araw-araw dahil masyado silang busy sa kanilang trabaho, hahanap sila ng paraan para kahit papaano mabigyan nila kayo ng pagkakataong magkasama kahit sa konting oras lang.
Kung hindi n'yo man feel na mahal n'ya kayo, huwag ng magtaka. Alam n'yo mga babs lalake 'yang mga tatay n'yo. Hindi nature sa kanila 'yung kina-cuddle nila kayo o kung anu-anong mga kabaduyan na ginagawa ng mga nanay n'yo sa inyo. Tulad ng sinabi ko, magkakaiba sila at meron silang kanya-kanyang paraan para ipakita sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa kanya. May kanya-kanyang estilo at da moves. Parang T.V. commercials ng mga pulitiko na pinapamukha sa atin kung ano ang mga achievements na ginagawa nila habang nasa katungkulan sila. Magkakaiba pero iisa ang layunin.
Maswerte 'yung mga kabataan na meron pang mga tatay. Minsan n'yo na bang naisip papaano kung wala kayong tatay? Siguro hindi tayo makakakita ng mga successful na mga tao sa kapanahunan natin. Mga taong masasabi natin na nasa pinakamataas na potential nila ngayon.
Ano ba ang punto ko dito?
Wala naman. Noong una ko ding naisip ito eh siguro epekto na ito ng sumakit ang aking tyan dahil sa panis na kanin na kinain ko noong nakaraang araw. Sa totoo lang trip ko lang gumawa ng post para sa kanila dahil bukas na ang Fathers Day. Hindi ako nakiki-uso mga babs. Gusto ko ding ipamukha sa inyo kung bakit ba mahalaga ang ating tatay sa buhay natin. Ayaw kong magmukha kayong tanga dahil sa hindi n'yo na realize kung gaano sila kaimportante sa buhay natin. Malay n'yo baka mamatay ang tatay n'yo bukas edi sayang. Kaya kung ako sa inyo, kahit bukas lang eh ipadama n'yo sa kanya na mahalaga s'ya sa inyo. Makipag-bonding. Bilhan ng music videos ni Justin Bieber o hindi kaya bigyan n'yo sila FHM magazine latest issue. Kahit na anong means na magpapasaya sa kanila.
Note: Hindi ako ang nag-drawing ng larawan sa taas. Galing 'yan dito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento