Martes, Nobyembre 29, 2011
Anime character of the Day: Zeekat Alvarez (Non-Celeb)
Oo alam ko luma na'to pero wala kayong magagawa.Sa mga friend ko sa Facebook parang nauumay na kayo dito.Post ko na lang din tong mga luma kong gawa kaysa sa wala.Maiba ako, s'ya nga pala si "ZeeKat Alvarez".Isa sa mga "Conquistadores" ng hindi matapos-tapos kong komiks(wala talaga akong oras tapusin 'yun, busy ako eh).Hayaan n'yo babawi ako sa mga darating na araw.Basta 'wag na mangulet....
Lunes, Nobyembre 28, 2011
"Golden Moves" para sa mga taong nabu-bully..
Kahit na sa palaruan ka ng mga bata, sa paaralan o hindi kaya sa trabaho natatagpuan mo na lang ang sarili mo na nagiging target ng mga ungas na tinatawag nating mga "Bully".Isa itong pandaigdigang problema na mapahanggang sa ngayon, walang lunas.Alam n'yo mga pare, hindi lang yan problema ng mga weirdo at mga nerds kung hindi problema din yang mga taong sabihin na lang natin na "hindi normal" sa paningin nating mga malulusog at ordinaryong tao.Kadalasan, ang mga taong mahihina ang loob at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili ang peborit target ng mga bully.Kahit na ang pogi n'yong author naranasan na ang ganyang pambabanas noong bata pa ako at dumidede pa sa nanay.Basta mahaba at masalimuot na kwento wag n'yo nang ungkatin.Sigurado ako na kahit ang lolo ng lolo ng lolo ng lolo n'yo sa gilagid naranasan na 'yan.Kahit na ang mga katutubong friends natin sa kabundukan na-bully na din at biktima nito.Mabuti na lang at nandito ako at mapapahuyan ko kayo ng mga nararapat na mga hakbang para ma-counter ang ganitong katarantaduhan.
Sundan lang ang mga epektib at "golden moves" ng hindi ka ulit ma-bully o bubulihin o vice-versa....
1.Una, 'wag pansinin ang pambabanas ng mga bully.Gusto lang kasi ng mga yan na mag-react ka kaya wag na patusin.Kumbaga KSP lang ang mga yan.Inererekomenda ko na mag-aral ng pag-arte para magmukhang kapani-paniwala ang pang-iisnab sa mga bully.
2.Pangalawa, wag magpapa-uto sa katarantaduhan ng mga bully tulad ng hithitin mo ang utot ko, dilaan mo ang kanyang pwet, buhatin mo ang limang bloke ng semento ETC.Kung susundin mo kasi sila, magtri-trigger lang yan sa mga utak nila na kaya ka nilang utus-utusan.Kinakailangan mo na magmatapang at magpakaepal kung gaganituhin ka ng mga bully.Kadalasan kasi 'yung mga taong walang lakas ng loob at walang abs ang biktima ng bully.
3.Maituturing ding bully ang mga lasenggo sa kanto.Kadalasan, pinipilit kang papainumin ng serbesa at tanduay na gamit ang mga nilawayan nilang baso.Mahirap na baka mahawa ka ng TB, Hepatitis Z ng dahil sa basong iyan.Dapat magbaon ng patalim o ice pick kung hindi talaga maiiwasan.Nagsisilbing mabisang panakot sa mga lokong lasenggo ang matutulis na bagay.Kung wala namang sharp objects, dumampot ng kahit anong uri ng pamalo na malapit sayo pang selp depens.
4.Dapat mabilis kang tumakbo.Epektib yan kung merong mas malakas na sandata ang mga lasenggo tulad ng baril, granada, masingan, AK-47 ETC.Walang laban ang ice pick o patalim dyan (pati na ang pamalo).Maituturing parin na advantage ang pagiging lasing ng mga yan.Dagdag evasion para hindi ka matamaan.Pagdasal mo na lang boy..
5.'Wag na 'wag gaganti sa mga pambabanas ng mga bully tulad ng paninipa ng bayag, pagsigaw o pagmumura, pagtalon sa building, ETC.Tandaan na ang hinahangad ng mga bully ay mag-react ka sa pambabanas nila at dahil doon masa-satisfy mo ang mga ungas.Mas mabuti na sumama sa mga matatanda o hindi kaya magsama ng katropa para meron kang pangresbak kung eepal man sila.
6.Huwag magpakita ng emosyon sa isang bully na para ka nang bato.Kahit kilitiin ka man nila o sampalin dapat walang reaksyon na nanggagaling sa iyong mukha.Wala as in walang wala.Ang pagpapakita kasi ng emosyon sa isang bully ang nangangahulugang ineenjoy mo ang mga sandali na kapiling mo sila.Dapat ding mag-busy-busihan kunware para akalain nila na wala ka talagang pake sa kanila.
7.Ang huli, dapat meron kang taong masasabihan ng sama ng loob mo na na-bully ka o pinatripan ka tulad ni nanay, tatay, ate, kuya, bunso, si Pedrong mangtataho, si Aleng Gloria na naka-house arrest, ETC.Basta meron kang mapagkwekwentuhan na ginanito ka ni ganyan tapos ganyan ka ni ganito.Nakakatulong kasi sa isang tao na meron syang taong "labasan" ng kanyang sama ng loob at para pahuyan din sya ng mga "golden moves".Kung sa trabaho ka binubully, magpasipsip sa manager/supervisor na binubully ka.Kung sa paaralan naman, pinapayuhan ko kayo na magsumbong kay manong guard o sa titser para maparusahan.Bottomline, magsumbong sa nakatataas at ipagdasal ang kaluluwa nila....
Alam ninyo, kung hindi nyo pa alam ang alam ko, malalaman n'yo dahil sasabihin ko sa inyo ang "sekretong moves" talaga dyan.Nasa mindset kasi yan mismo.Kung hahayaan mo na lang na aapakan ka ng ibang tao wala talagang mangyayari sayo.Na-bully ako makailanga ulit na pero alam n'yo ginawa ko(hindi kasali ang hindi nagtatanong, dapat talaga magtanong)? Inisip ko na may mapapala ako dahil sa binubully nila ako.Na dahil sa nabubully ako ngayon, mas lalo akong tatatag sa hinaharap at magagamit ko ito para payuhan ang mga taong nahaharap sa ganitong problema.At dahil dito matututo akong lumaban kahit na malaking tao man yan o maliit.Basta sundin na lang ang mga "Golden Moves" para hindi maligaw....

Biyernes, Nobyembre 25, 2011
Mabuhay mga magsasaka!
Sa dinami-dami ng mga pambabadtrip at masasamang balita na naririnig natin sa telebisyon (sige na nga napapanood na din) ay meron ding mga magagandang balita na sumusulpot bigla na dapat nating ikasiya.Napabalita kasi kamakailan na nagdesisyon ang Supreme Court na ipamahagi sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang ekta-ektaryang lupa na pagmamay-ari ng mga Cojuangco sa boto na 14 para sa "Oo" at itlog para sa hindi na pumapabor sa mga magsasaka.Ilang dekada na ipinaglalaban ng mga magsasakang ito ang kanilang karapatan upang maangkin ang lupa sa bisa ng batas na tinatawag natin na "Comprehensive Agrarian Reform Program of 1988" na nagtatakda sa karapatan ng mga magsasaka sa kanilang sinasaka na lupa.
Pero tingnan natin ang positibo at negatibong epekto ng desisyon na ito.Isa sa mga positibong epekto nito ay ang pagmamay-ari sa lupa mismo na kanilang pinaglalaban.Given na yan kaya nga nagbubunyi 'wag tanga.Ang masamang epekto naman nito ay ang paghahati.Tinataya lamang kasi na 3/4 sa mahigit 6200 magsasaka ang makakatanggap ng lupa.Mahigit isang libo dito ang maiichapwera at hindi mabibigyan ng lupa at syempre mawawalan ng pangkabuhayan.Ewan ko ba napaisip ako bigla kung dapat bang ikasaya o ikalungkot ng pogi nyong author ang pangyayaring ito.Para kasing babalik sa dating gawi ang mga hindi nabigyan ng lupa sa kanilang paghihirap na dinanas noon.Maswerte ang pangyayaring ito para sa mga nabigyan ng lupa pero sa mga hindi parang pinagsakluban sila ng langit at lupa dahil dito.Maaring "option" ng mga kawawang magsasaka ang magtrabaho ulit sa mga Cojuangco na may hindi makatarungan sahod o hindi kaya magtrabaho sa mga bagong may-ari ng lupa.Pero ang mas masaklap, malapit nang maubos ang mga signpens na gamit ko sa pagguhit....
"Medical Adventures of Rep.Gloria Macapagal-Arroyo" version 2
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at ito na ngayon ang kasalukuyang kalagayan ng dating pangulo na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.Nakapiit sa malamig, de-aircon at puno ng mga alalay sa hospital.Ayon sa balita, masyado daw malubha ang kalagayan ng dating pangulo para ipiit ito sa kulungan.Sa totoo lang mga pare, wala pa talaga akong nakikitang matataas na opisyal ng ating pamahalaan na nagkasala at nakulong kasama ng mga sangganong kriminal sa isang selda.Kadalasan, naka-house arrest ang mga ito o hindi kaya naka-hospital arrest kung merong sakit o nagsasakit-sakitan.Masyado daw napakabilis ng pangyayari ayon sa kampo ng dating pangulo.Ayon sa aking pananaliksik, aabutin ng tatlong buwan ang isang kaso para mabigyan ng isang Judge ang kanyang hatol sa isang kaso(gusto ko pa sanang manaliksik para lubos na maintindihan ang pagproproseso ng isang kaso kaya lang tinamad ako).Sa kaso ni CGMA, inabot lamang ng dalawang araw ang pagproproseso para makapagpalabas ng warrant of arrest para maikulong ang dating pangulo.Mali na mali at hindi patas na pamamaraan.Ayon din daw sa kanila, masyado daw pini-personal ng gobyerno ang kampanya nila laban sa dating pangulo.Na sa darating na pasko o mas maaga pa, hinihimas na ni CGMA ang malamig na rehas.Kung tutuusin, nagsimula talaga itong lumala ng binalak ni CGMA na magpagamot sa ibang bansa.Isa kasi sa mga pwedeng mangyari kung matuloy mang makalabas ng bansa ang dating pangulo ay hindi na ito mapapanagot sa kanyang mga katarantaduhan na ginawa sa mga pilipino.Gusto n'yo ng sampol? Isa na dito ang "Fertilzer Fund Scam",ZTE-Broadband deal, "Hello Garci Controversy", Blah Blah Blah kunwari nakikinig kayo at kunwari dumadaldal ako.Basta madami.Wag na kayong mangulet.
Sa totoo lang, ayos na ayos para sa inyong pugee na author ang mga nangyayari sa kaso ni CGMA.Ayos dahil dapat managot ang may sala.Na dapat lahat tayo ay kayang papanagutin sa pambabadtrip o paggawa ng katarantaduhan sa kapwa.Na kahit na makapangyarihan ang nasasakdal kaya paring kilitiin ng kamay ng batas.Kiliti lang kasi hindi talaga napapagbayaran lahat-lahat ng nasasakdal ang kanyang kasalanan.Natural kasi sa ating mga pinoy na madaling makalimot sa mga atraso ng isang tao kung hindi man ito personal at kinalaunan pinapatawad.Pustahan hindi aabutin ng limang taon yang si CGMA sa kulungan at mabibigyan na yan ng "Pardon" ni Pnoy o hindi kaya 'yung susunod na magiging pangulo ng ating bansa.Basta subaybayan n'yo na lang ang adventures ng ale na to.
ITUTULOY.....
Linggo, Nobyembre 20, 2011
Gusto n'yo ng wallpaper?
Gusto n'yo ng wallpaper?Naalala ko pa 'tong gawa ko na to mga ilang taon na ang nakakaraan na ginawa ko sa cover ng notebook ko.Ito sana ang balak kong gawing coverpage ng ginagawa kong komiks.Kaso habang dumadaan ang mga araw, hindi ko na na-develop ang mga character na nasa larawan.'Yung natira na lang ay tong nasa gitna na bida sa komiks ko, si "Knight Zaparto".
Pasensya na at wala pa akong ma-post na matino dito sa blog na tungkol sa mga nangyayari sa pulitika.Isipin nyo na lang na busy ang pogi nyong author at may inihahandang mga "likha" sa dadating na araw.Basta subaybayan nyo na lang ang mga mumunti kong blog para sa karagdagang updates...
Biyernes, Nobyembre 18, 2011
Miyerkules, Nobyembre 16, 2011
Epal ba kayo?
Sa lahat ng taong nagpapadala at nagpapakalat sa epal na chart na ito, kayo na ang magaling! Kayo na din maging mga Judge sa kaso.Kayo na din ang maging mga witness sa kaso ng mga kalokohan ni Rep.Arroyo.Kayo na din ang maging lahat!
Bottomline, may nasampa na bang "malakas na kaso" kay Gloria?Aanhin n'yo ba itong cute na chart na ito kung kayo mismo magpapadala dito?Sa totoo lang walang silbi itong kumakalat na larawan na ito kung kayo mismo dito lang makikiprotesta.Kung desedido talaga ang mga haters ni Rep.Arroyo edi sana nagsampa na lang sila ng kaso sa Supreme Court.Syempre dapat "credible" ang mga nakahain na ebidensya na sa gayon hindi mabasura.At sa mga nagpapakalat ng ganitong katangahan, sana inisip ninyo na hindi lahat ng emosyon ng galit nakakabuti.Kadalasan nagmumukha ka lang tanga.

"Medical Adventures of Rep.Gloria Macapagal-Arroyo" version 1
Hindi na bago sa ating pandinig ang kaliwa't-kanang kaso na isinasampa sa dating pangulo at ngayong kongreswoman na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.Makailang ulit na din tinangka ng mga kritiko at haters nitong ale na to na ipa-impeach s'ya dahil sa kanyang mga kalokohan noong siya pa ang ating pangulo.Isa na dito ang maalamat na "Fertilizer Fund Scam" na naging daan para mapondohan ang pagtakbo ulit nitong ale na to sa sumunod na eleksyon.Pero dahil din sa kanyang mga kalokohan, ito ang naging isa sa mga naging balakid kung bakit hindi n'ya magawang makalabas ng bansa para makapagpagamot sa kanyang karamdaman sa likod(joke-joke n'ya lang ata 'yun).
Sa totoo lang mga kumare at kumpadre, ayon sa aking pananaliksik wala talagang karapatan na pigilan ng kung sino man 'yan na magpagamot si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo mapa-presidente ka man ng bansa o taong tambay sa kanto.Hayaan n'yong magpaliwanag ako ukol dito.Nasasaad sa Artikulo 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas Section 6 na walang sinumang kayang pumigil sa isang pilipino na maglakbay maliban na lang kung...
1. Banta siya sa seguridad ng ating bansa.
2.Meron s'yang nakakahawang sakit(sa kaso ni Rep.Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nakakahawa ang kanyang karamdaman).
3.Meron s'yang nakabinbin na kaso sa Supreme Court(tungkol nga pala sa kaso n'ya sa Department of Justice, hindi ito opisyal at madedeklara lamang na isang "charge" sa naturang tao.Kinakailangan na isang "Judge" ang humawak sa kaso para mapasama s'ya dito o sa madaling salita dapat ang Supreme Court ang humawak ng kaso.Ang DOJ ay kinabibilangan lamang ng mga Prosecutors).
4.Banta sa kapakanan ng mga taong nakatira sa bansa.
Hindi kanais-nais sa mata ng mga pilipino na mismo ang pangulo ng ating bansa and friends ang lumalabag dito.Ganito lang yan kasimple.Huwag na huwag ninyo isisiksik ang kagustuhang mapanagot ang isang tao sa kanyang kasalanan kapalit ang paglabag sa batas.Isang napakalaking kalapastangan sa itinakdang batas ng ating bansa ang mga kalokohan ng ating pangulo.Papaano kung nangyari ito sa isang ordinaryong mamamayan ng ating bansa?Hindi naman sa kinakampihan ko ang kagaguhan ng dating pangulo bagkus isa ako sa maituturing na kritiko n'ya ngunit papaano ba magkakaroon ng kaayusan kung mismo ang mga taong nakatira sa bansa ay nagpapadala sa emosyon at galit?Maraming paraan para mapigilan ang natatakdang pag-alis ng dating pangulo.Hindi sa nagmamarunong ako tungkol sa batas ngunit impleng "common sense" lang naman ang kinakailangan.Kung tatanungin n'yo naman ako kung ano 'yun.Secret......
Pacquiao vs. Marquez on controversy III..
Sa lahat ng laban ng ating "Pambansang Kamao" na si Rep.Manny Pacquiao, ito ang pinakakontrobersyal dahil sa resulta.Marami kasi ang naniniwala na natalo daw talaga si Manny Pacquiao doon laban nila Juan Manuel Marquez.Marami ding mga boxing analyst,mga propesyonal na boksingero, mga Boxing Hall of Famer at maging ang kampo ni Manny Pacquiao aminado na naging dominante ang kanyang katunggali sa laban na 'yun.Kung ako lang naman ang huhusga sa laban (hindi talaga ako nakapanood,nakibalita lang ako) hindi talaga kaaya-aya ang naging "performance" ni Manny Pacquiao.Sa lahat ng nakalaban kasi n'ya,dito sya nahirapan ng husto.Kilala si Marquez bilang "El dinamita" hindi dahil sa pag-inom n'ya ng kanyang sariling ihi o dahil sa amoy ng kanyang kili-kili (kadalasan lang naman).Ito ay dahil sa bihasa s'yang "counter-puncher" at may 53 panalo(39 dito knock-out),6 talo, isang draw at kasalukuyang ika-limang "pound for pound boxer in the world" ng Ring Magazine..Bagamat maraming hindi nagustuhan ang resulta ng laban, tumataliwas ito sa kung paano hinusgahan ng mga hurado ang laban.At kung pagbabasehan lang din naman ang "Compubox" lumalabas na lamang talaga sa lahat ng aspekto si Pacquiao kay Marquez.Mula sa mga suntok na dumapo sa mukha hanggang sa mga suntok na daplis lang.
Mensahe ko lang sa mga hindi nagustuhan ang resulta ng laban, alam ninyo hindi lahat ng laban ng isang tao ay nagiging dominante o malakas s'ya.Meron talagang pagkakataon na paminsan-minsan hindi talaga natin kaya ito at humahanap na lang tayo ng ibang paraan para solusyunan ito.Sa kaso ni Rep.Manny Pacquiao, dinaan n'ya ito sa score at hindi sa pagiging dominante.Kung tutuusin talaga para sa gwapo nyong author panalo talaga s'ya sa kahit anong laban n'ya.Kung tutuusin at iisipin natin, nagkaroon lang tayo ng "maliit" na espasyo sa mundo ng boxing dahil sa kanya.At habang dumadaan ang mga taon, lalo n'ya itong pinapalaki ito sa pamamagitan ng pagpapanalo sa kanyang mga laban.Isa s'yang magandang halimbawa na dapat nating tularan.Isang simpleng probinsyano na nangarap ng konting kaginhawaan sa buhay na naging isang malaking "icon" sa mundo ng boxing.At kung makulit talaga kayong mga pinoy na haters, sana 'wag n'yong ipagmalaki ang sarili n'yo sa ibang lahi na kababayan n'yo si Manny Pacquiao.At sana 'wag kayong magpaka-epal na mas alam n'yo ang lahat ng aspekto sa boxing na nasabi n'yong natalo s'ya.
Biyernes, Nobyembre 11, 2011
Anime character of the day- Ra Amun (Non-celeb)
Mga kakosa na taga-sunod at sa mga napadaan lang sa blog na ito, ngayong linggo hindi na muna ako magpo-post ng mga "likha" na may kinalaman sa isyung pangpolitikal na nababalitaan natin sa ating bansa.Busy pa kasi ako at meron pa akong tinatapos na isang proyekto para sa blog na ito.Hayaan n'yo at babalitaan ko kayo sa mga updates tungkol sa sinasabi kong proyekto.
Maiba ako, hayaan n'yo akong ipakilala sa inyo ang isa sa nilikha kong anime character.Matagal ko nang nagawa ito kaso nga lang ngayon ko lang ipuputok.Siya nga pala si RA AMUN.Sa totoo lang mga pare wala pa talaga akong maisip kung ano ang kapangyarihan n'ya at ano ang ginagampanan niya sa ginagawa kong komiks.Tulad ng mga nauna kong statements sa mga fini-feature kong anime character na sarili kong likha, update ko na lang kayo....
Martes, Nobyembre 8, 2011
"PUERTO PRINSESA UNDERGROUND RIVER"
Malaki ang mapapala natin kung magiging isa sa "7 wonders of nature" ang Puerto Princesa Underground River.Isipin ninyo maraming taga-ibang bansa ang pupunta dito para lang makita ang ilog na to at syempre ang pinaka-importante madaming chikas na cute na mala-poselana ang balat na sisilip dito.Minsan akong nag-imagine na lumalangoy ako sa ilog na yan.Ginawa kong pulutan ang mga paniking naninirahan d'yan kasabay ang pag-inom sa isang bote ng Emperador Light na may piktyur ni Marian Rivera.Swabe kong nilulunok ang bawat patak ng alak na ini-endorso ni Marian Rivera(Oo na die hard fan ako ni Marian Rivera.Sana syota ko na lang siya)habang pasimpleng nakahiga sa isang madamong parte ng ilog.At pagkatapos, nanghunting ako ng mga bayawak sa malapit dahil kulang ang mga paniki kong nakain ng naka-underwear lang.Dahil sa naka-underwear lang ako, pinagbabato ako ng mga taga-doon dahil isa daw akong magandang halimbawa ng kagwapuhan.Oo na conceited ako minsan kaya hayaan n'yo na .Paminsan-minsan lang naman eh.
Makakaboto parin kayo, hanggang November 10 matatapos ang botohan.Simpleng i-text sa inyong mga cellphone:
PPUR to 2861
Or go to www.new7wonders.com
Hindi ninyo ikakamatay ang isang pisong text na 'yan kaya no worries.Hindi ko din kayo inoobliga na bomoto.Simple lang man ang layunin ko eh.Hinahangad ko na sana tayong mga pilipino magtulungan kahit lang sa bagay na ito.Kalimutan na muna ang awayan at murahan.Magkaisa na muna...

Anime character of the day: Jet Zoldyeck (Non-Celeb)
Makailang ulit ko nang nabanggit sa mga tagahanga ko at pati sa mga katropa ko na gagawa ako ng isang komiks na magkahawig sa komiks na katulad sa mga komiks sa Japan.Kaya dito sa aking blog, fini-feature ko isa-isa ang mga tauhan sa niluluto kong proyekto.Sa totoo lang mga kakosa hindi pa talaga malinaw kung ano ba talaga ang gusto kong buod sa komiks ko.Meron akong kaibigan na tinimbrehan ako na lagyan ko daw ng mga "love stories" ang komiks ko na 'yun para daw astig.Meron ding nag-tip na haluan ko daw 'yun ng "horror" para daw cute.Sa totoo lang hindi naman talaga "cute" ang mga aswang, kapre, at tyanak kung tutuusin eh pero pinatos ko na din ang kanyang request.Pumasok din sa isipan ko na lagyan ng mga aliens na EMO ang komiks ko para maka-relate ang mga EMO pero of course walang ulan.Baka nga naman ma-erase ang kanilang mga make-up kung magsimulang magbakbakan ang mga aliens na EMO sa lahi ng mga aswang.Naguguluhan pa talaga ako kung ano ba talaga ang gagawin ko (mga isang taon na kong naguguluhan tungkol sa komiks ko) doon.Kung plano n'yo naman akong timbrehan o concern kayo dahil under state of depression ang pogi n'yong author, libre n'yo na lang ako ng isang bote ng cobra o hindi kaya isang "Chippy" sa kanto na may bubble gum flavor.Tumatanggap din ako ng libreng hug...
Oo nga pala,napahaba ang usapan ha.Hayaan n'yong ipakilala ko sa inyo ang isa sa mga tauhan ng on-going komiks ko na si JET ZOLDYECK.Kung susumbatan n'yo na naman ako kung bakit meron siyang kahawig na character sa Bleach eh problema n'yo na 'yun.Basta dyan na lang muna, hindi na muna ako magdadaldal kung anong meron sa kanya o kung sino ba talaga siya para hindi mawala ang pagka-curious ninyo at mangulet kayo ng mangulet sakin.
Lunes, Nobyembre 7, 2011
"BARANGGAY FACEBOOK"!
Hindi makakaila na tayong mga pinoy mapa-bata man o matanda, tibo o bakla, may bigote man o wala ay nahuhumaling sa pinakausong "social site" ngayon, ang Facebook.Kahit na siguro ang mga mangtataho sa kanto at pati mga tindera ng ulam sa karenderya eh meron din Facebook Account.Kasi tayong mga pinoy mahilig makiuso at kung ano ang bago, pinapatos.May negative at positive effects ang pagkahumaling natin sa "social site" na ito.
Unahin natin ang negatibong bagay para astig.Ang negatibo ay hindi tayo makakapag-focus sa dapat nating gawin.Kung meron ka kasing Facebook account pagkatapos nakikipag-chat ka sa crush mo o kung sino man 'yang "friend" mo sa Facebook at gumagawa ka ng research tungkol sa assignments n'yo, natural na hindi mo matatapos 'yun kasi nga sa pangungulet ng ka-chat mo.Pangalawa, dahil sa mga walang kwentang applications na featured sa Facebook.Isa na dito ang FARMVILLE na walang ginawa kung hindi magtanim ng magtanim.OK lang sana magtanim kaso hindi mo din kasi makakain ang tinatanim mo dyan at higit sa lahat walang educational value na mapapala sa kakalaro mo n'yan.Isang halimbawa lang ang FARMVILLE na masasabi kong walang kwentang applications sa Facebook.At ang huli, nagca-cause din ng depression ang Facebook.Sa anong paraan? Simple lang sa pamamagitan ng panunuksong "pangit" ng profile picture mo at kung matatalo ka sa Tetris Battle na application sa Facebook.Kung sa tingin n'yo mababaw na depression lang ang mga binanggit ko, pwes hindi ko tinatanong.
Sa positibong epekto naman, makaka-chat mo ang mga crush mo sa eskwelahan o hindi kaya sa trabaho.Isang tip lang mga pare kung makikipag-chat, banatan n'yo ng mga "pick-up lines" para mauto n'yo ang mga chikas na trip n'yo.Kahit na siguro magunaw na ang buong mundo o hindi kaya nasusunog na ang sinaing ninyo wala kayong pakialam basta maka-chat lang si "CRUSH".Pangalawa, updated ka sa mga walang kwentang post(sabihin na nating may kwenta na rin) ng mga "friends" mo sa Facebook.Sa totoo lang, ang Facebook ay isang mabisang paraan para magpahayag ng iyong saloobin.Mapanegatibo man yan o positibo.At sa huli, malalayo ka sa tinatawag na "depression"(parang inulit ko lang ha).Nakakapagpasaya kasi ang mga "social sites" at matatawag na din nating stress-reliever dahil sa pakikipag-chat.Meron kasi tayong mga bagay na hindi natin masabi ng personal kaya minsan dinadaan natin sa sulat o "message".
Kayo na ang humusga kung maganda ba ang dulot ng Facebook o hindi.Kayo ang may hawak ng manibelang hugis-talong ng buhay n'yo.Kumbaga, kayo ang "master" ng sarili ninyong kapalaran.Kung nagtataka kayo kung bakit "hugis-talong" na manibela ang ginamit kong termino...No comment....
Note:Sir Macky, salamat sa pagtimbre este request ha.Tinatapos ko na po 'yung isa mo pa pong request sa blog mo....
ANTI-EPAL BILL?
Hindi kami sigurado kung si Senator Miriam Defensor-Santiago mismo ang nag-isip ng pangalan para sa bill na yan o binigyan lang ng "nickname" ng mga tao. Sa bill na yan, ipagbabawal na yung pagpapabida ng mga public officials sa mga projects na ginagawa nila. Sa madaling salita, bawal na magbalandra ng profile pic nila sa bawat pinagawa nilang kalsada, sa mga dino-donate nilang tanod-mobile, sa mga pinatayo nilang bus stops at kung ano-ano pang proyekto na ginagawa nila para maging pogi sila sa mata ng mga tao. Sabi nga ni Miriam, hindi nila dapat angkinin ang papuri sa bagay na galing naman sa tax na binayad ng mga Pilipino.
Pag naaprubahan yang "Anti-Epal bill", may positive, pero may negative din na epekto yan. Positive dahil hindi na magkakaron ng free "advance campaign sign" ang mga politiko. Yung iba kasi, ginagawa lang yang mga projects na yan para nga mapromote ang sariling pangalan nila, para pag dating ng next election familiar sa tao ang muka at pangalan nila. Sa negative side naman, kokonti ang projects na uumpisahan, itutuloy, at matatapos. Mas hindi kikilos ang ibang politiko dahil nga hindi naman sila mas sisikat o mas babango.
Note: Hinugot ko lang yan sa post ng mga idol ko.Salamat mga authors ng mgaepal.com at pinayagan nyo akong mahiram ang post na'to.Syempre akin ang drawing at kanila ang artikulo.Salamat talaga at sana timbrehan n'yo ko sa niluluto ninyong proyekto sa susunod....
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)