Sabado, Hulyo 9, 2011

"Free wheels..."

     Ginimbal tayo ng sunod-sunod na mga isyu tungkol sa 'di umanoy kurapsyon at mga anomalya sa nagdaang administrasyon ng dating pangulo at ngayo'y kongresman ng Pampanga na si Rep. Gloria Macapagal Arroyo.Para ka lang nagbukas ng regalo sa birthday na puno ng surprises.Kung mamalasin ka at maitapat n'yo ang inyong mga telebisyon sa mga sikat na networks ngayon tulad ng GMA o sa ABS-CBN o sa TV5 o kung anu man yang TV networks na nagpapalabas ng mga balita eh ito ang tatambad sa mga pagmumukha ninyo.Maging sa mga sikat na mga dyaryo nakafeature 'tong mga walang katapusan na diskusyunan sa mga isyung nakaukol sa anomalya sa pamahalaan.Simula sa anomalya sa AFP na nauwi sa pagpapatiwakal ng dating heneral nito na si Angelo Reyes at panghohostage ng nasibak sa pwesto na si Rolando Mendoza sa mga turistang intsik sa Quirino Grandstand hanggang sa pangungutya ni Aling Dionisia sa mga bakla dahil sa pag-inom 'di umano ng mga "enhancing pills".Mas masaklap pa ito sa pagta-tag sayo ng mga esprens at mga katropa mo sa Facebook ng mga walang kwentang larawan at pagpo-post mo sa sarili mong wall mo ng "Gusto kong kumain ng BURGERSSS!!..HUHUHUHU!!" o hindi kaya "Excited to go to C.R....Hihihihi!" at ang pinakalatest,ang pagkaksangkot ng mga obispo sa "FREE WHEELS" courtesy syempre ng dating pangulo na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.
   Hindi na bago ang mga isyung ito tungkol sa simbahan.Meron nang nauna dito tulad ng "pending request" ng mga bakla at tibo sa Same Sex Marriage at pagsasabatas ng RH BILL.Kahit na ang ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal naitampok sa kanyang mga nobela ang mga katarantaduhan ng mga pari sa mga pilipino noon noong hawak pa at sinakop pa tayo ng Espanya.Maraming mga benefits ang pagiging pari sa kapanahunan ni Rizal.Bukod sa hindi ka sakop ng batas kapag gumagawa ka kahalayan sa mga alila ng simbahan, obligado din ang mga maralitang pilipino noon na magbigay ng mga regalo kung saang parokya sila nasasakop.
    Baka magtaka kayo bakit tayo makikialam sa ganitong mga isyu eh busy na busy tayo sa paglalaro ng  DOTA o hindi kaya pagrereply o pagtext natin sa mga syota natin ng "Gudmorning..jejejeje" o "Gudnight..hihihi!" o pagiging abala natin sa mga thesis at projects na bigay ng mga masusungit na propesor natin sa kolehiyo.Ano ba ang mapapala natin?
     Halos 80% ng populasyon  ng Pilipinas ay mga katoliko at itinuturo din sa ating mga simbahan ang pakikipagkapwa natin sa mga taong nakapaligid sa atin at pagpapakita ng mabuting asal na nagbibigay ng malaking impluwensya sa ating mga buhay.Idagdag pa ang pagtuturo ng pagmamahal sa kapwa at pagbibigay importansiya sa pagdadasal.Hinigitan pa nito ang pag-inom natin ng 3-in-1 na kape at panonood natin ng Care Bears o Barney and friends.Gayun lang din naman eh bakit pa tayo nakakaranas ng pambabasted sa mga cute na chikas at pagmumura kapag badtrip na badtrip tayo?O hindi kaya ang pagsagot-sagot natin sa ating mga magulang at pag-ihi sa mga lugar na bawal ihian?
     Tama nga naman ang mga obispo.Hindi naman masama kung magre-request ka sa ating pangulo ng mamahaling SUV para gawing service sa kanilang parokya.Turo ng simbahan na dapat mapagbigay tayo at  tama lang naman ang ginawa ni Arroyo kahit na kunin mo ang pondo ng  PCSO.Nasa 21st century na tayo  at hindi na uso ang paglalakad ng ilang kilometro para makapagmisa ka sa malalayong lugar.Pwede namang magrequest ka ng "free wheels" kasi nga hindi 'yun kasalanan.Napakalinis nga at sana sa susunod na mga sermon ng mga pari eh i-feature naman nila ang pagiging mapagbigay sa kapwa.

1 komento:

  1. pwede namang ibang wheels eh. ung mumurahin lang. Mahirap kaya ang lugar na yon. Sana binigay na lang sa mahihirap o nagpatayo sa lugar ng kung anu anong shit para makatulong sa walang trabaho.

    TumugonBurahin