Araw-araw na lang natin napapanood sa ating mga telebisyon ang pagtaas-baba ng mga presyo ng mga produktong petrolyo sa ating merkado.Ang masamang epekto nito ay habang tumataas ang presyo ng krudo ay sumusunod ding tumataas ang ibang bilihin tulad ng gulay ,karne ,manok ,bigas pati na ang load na pang-text natin sa ating mga syota.Nagtataka ako kung bakit sumasabay ang mga ito sa pagtaas eh hindi naman tayo kumakain ng gulay na may halong gasolina o pagsasaing ng bigas na gamit ang diesel bilang panlinis ng bigas.Himutok ng mga butchi ng mga negosyante dahil daw ito sa "transportasyon" sa mga kalakal ng mga pagkain.Tama nga naman sila, hindi naman kasi pwedeng gumamit ka ng kariton sa pagde-deliver ng gulay.Pwede siguro kung malapit lang.Pero paano kung galing ka sa Benguet patungong Maynila gamit lang ang kariton.Malaking hassle 'yan bukod pa sa kakaining oras niyan sa pagbibiyahe.Idagdag pa ang pagka-badtrip sa panahon at kung anu-anong pang mga balakid.Hindi rin pwedeng gumamit ng kalabaw o kabayo dahil parehas lang din ang kinalalabasan nyan.
Higit na naapektuhan sa pambabadtrip ng mga OIL COMPANIES ang mga nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan.Kapansin-pansin kasi ang mas napapadalas na "price increase" ng produktong-petrolyo kaysa sa rollback.Oo nga at meron silang tinatawag na "Bigtime Rollback" pero mantakin niyo naman masyadong "rare" ito dahil minsan lang sa isang buwan ginagawa ng mga OIL COMPANIES ito.
Kaya napagpasyahan kong magbigay ng ilang mga suhestiyon para malunasan ang problemang ito.Huwag mag-alala suhestiyon lang ito base sa maigi kong paghahalukay-ube sa mga aklat at mga websites at pati narin sa aking pananaw ukol dito.
1.Simulan natin sa usapin tungkol sa Spratlys Islands.Nagtataka ba kayo kung bakit pinag-aagawan ng ibat- ibang bansa sa timog-silangan Asya ang maliit na tumpok ng mga isla na ito?Simple lang naman ang sagot dyan.Dahil ito sa nadiskubreng vast oil reserves sa nasabing isla.Tinatayang may 17.7 billion tons (1.60 × 1010 kg) oil reserves dito pang-apat sa pinakamalaking oil reserves sa buong mundo.Sa totoo lang ang bansang Tsina lang naman ang maituturing natin na malaking balakid upang maangkin ang mga nasabing isla.Sa aking pananaw imbes na magdeklara ng digmaan sa mga bansang umaangkin sa Spratlys Island ay dapat magkaroon na lang sila ng "JOINT PROJECT" upang linangin ang natatagong yaman ng isla.Sa hatian naman sabihin na lang nating 50/50 para walang bias.Sa Tsina lang applicable ang nasabing suhestiyon 'wag na isali ang iba.
2. Mag-invest ang ating gobyerno na palitan ang mga makina ng ating mga pampublikong sasakyan.Pwede din naman na gamitan natin ng elektrisidad bilang alternatibong pinagkukunang lakas para mapatakbo ang mga sasakyan.Kaso nga lang sa hakbang na ito gagasta talaga ng malaki-laking halaga ang gobyerno pero bawi din naman maghintay lang.
3.Pwede ding gumawa na lamang ang gobyerno ng madaming MRT at LRT sa buong bansa.Ibaklas na lahat ng kalsada at palitan lahat ng riles ng tren.Masosolusyunan na ang problema sa gas, mababawasan pa ang mga kolorum sa lansangan.
4.Kunin ang 12% VAT sa mga produktong petrolyo.Kaso nga lang higit na matatamaan ang kaban ng bayan sa hakbang na ito dahil mabaawasan ang nakukurakot este nakokolektang buwis.
5.Maglakad na lang at gamitin ang bisekleta bilang transportasyon.Makaka-exercise ka na wala pang polusyon.
Oh ayan ha iyan ang ilang mga suhestiyon ko upang masolusyunan ang lumalalang problema natin sa krudo.'Yung iba trip lang at yun naman iba pinaglaanan ko talaga ng effort.Wag tanga suhestyon lang yan..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento