Sabado, Disyembre 31, 2011

HAPPY NEW YEAR!!!


  Isang bagong taon na naman.Panibagong simulain at bagong pag-asa.Kaugalian na ng mga pinoy na dapat gawing "enggrande" ang bawat pagsalubong sa dadating na taon.Present dyan ang kung masasarap na putahe ng pagkain tulad ng lechon, adobong baboy/manok, sinigang, tinola at mga desserts tulad ng bibingka, "biko", mango float,ETC. at kung anu-ano pang mga pagkain na makakapagpataas ng cholesterol level ng isang tao.At kapag nasobrahan magsasanhi  kung anu-anong mga sakit na related sa ma-kolesterol na pagkain.Present din ang mga taong matitigas ang kokote na walang sawang magpapaputok para daw mawala ang malas (na kadalasan sila pa ang minamalas dahil sa naputukan) at mga lasenggong may dala-dalang baril para barilin kung sino mang pipigil sa kanyang pag-aamok.Present din ang mga "new year's resolution" na kinalaunan hindi naman matutupad dahil sa kung anu-anong mga rason.At ang huli, ubos lahat ng naipon ng buong taon dahil sa walang habas na paggasta para sa panghanda at mga regalo na ipamimigay sa mga inaanak na bigla na lang susulpot kapag bagong taon.Ang 2011 ay isang masalimuot na taon at sa iba maganda at masaganang taon.Maraming kalamidad ang tumama sa ating bansa pero nandito parin tayo nilalabanan ang agos ng buhay.
   Sana naman sa susunod na taon, magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas.Pero bago 'yan, dapat magsimula mismo sa mga pinoy.Sabi nila magugunaw daw ang mundo kaya gawing motivation 'yang kalokohan na 'yan para magbago.At para naman sa mga militanteng grupo at NPA, andami 'nyong shit ngayong taon.Kung nararamdaman nyo talaga ang paghihirap ng masa, imbes na magprotesta at gumawa ng katarantaduhan tulungan nyo ang mga mahihirap tulad ng pagsasagawa ng proyekto para ikabubuti ng nakakarami tulad ng feeding programs at kung anu-ano pang mga proyekto na mag-i-empower sa esteem ng mamamayan.Gusto n'yo ng pagbabago? 'wag gumawa ng shit ngayong taon at 'wag gamitin ang paghihirap ng iba para isulong ang kalokohang paniniwala ninyo.At para sa kapwa ko manggagawa, (kung tutuusin estudyante pa talaga ako) magsikap tayo mga pare.Ika nga sa isang blog na nabasa ko, hanggat may oportunidad, may pag-asa.Tulad ng iba marami din akong plano sa taon na ito.Ngayong taon wala akong "new year's resolution" tulad ng iba.Simple lang naman ang gusto ko eh hindi na kinakailangan maglista-lista para kuno isakatuparan ang resolutions na nilista sa kapiraso ng papel.Na sana maging mapayapa ang taon na ito para sa iba at mga taong malalapit sa akin.Basta mga parekoy HAPPY NEW YEAR!

Linggo, Disyembre 25, 2011

"Malungkot na pamasko"

  Isang pangit at masamang pamasko ang mga nangyari sa Cagayan De Oro at Iligan City ngayong taon.Kamakailan lang nanalasa ang bagyong "Sendong" na kumitil ng libu-libong buhay at nagdulot ng milyon-milyong pinsala.Pero tulad ng dati ko nang mga na-feature na mga isyu, (hindi naman talaga isyu ito eh mas angkop ang kalamidad) tingnan natin ang positibong bagay dahil sa pangyayaring ito at pati na rin ang negatibo.Meron akong ginawang mga listahan kaya natagalan akong nakapagpasya na i-post ito sa blog ko.Jowk lang busy talaga ako.Eto ang mga sumusunod...

 1.Dahil sa bagyo, naging "aware" kuno ang mga tangang opisyal ng mga pamahalaan na ganito ang mangyayari sa kanilang katarantaduhan.Matagal nang problema  ito eh kaso parang nagbubulag-bulagan lang ang mga nasa gobyerno.Hindi ko mawari kung bakit hindi nila ito mabigyan ng lunas.Baka tinamad lang sila.Busy ata sa pangungurakot.
2.Mas nakita ang "bayanihan" nating mga pilipino.Marami ang nagpaabot ng tulong mapa-pagkain man o mapadamit.Lahat ng pwedeng i-imagine ninyong pwedeng itulong sa mga nasalanta nandoon na.Magandang senyales ito na meron paring pag-asa ang bayan natin.Na kapag merong nangangailangan handa tayo para magpaabot ng konting tulong.Hindi kasali 'yung mga pumupunta ng McDonalds at nagla-latte sa mga pangmayamang kapehan at walang pake sa mga namatayan.
3.Dahil sa kalamidad, nakita ang masamang epekto ng patuloy na pagputol ng daan-daang puno sa kagubatan at pagka-kalbo ng kabundukan at malawakang pagmimina sa mga matinding nasalanta na lugar.Matagal ng na-lecture ng ating mga guro sa elementarya na kapag walang puno, walang sisipsip sa tubig-ulan na nagdudulot ng pagbaha.Pero sa totoo lang hindi naman talaga natin masisisi yan na "kalbo" na ang pangulo este kabundukan.Sabihin na lang natin isa ito sa epekto ng "Global Warming".Hindi naman kasi normal 'yang bagyo na magbubuhos  ng pang-isang buwan na ulan.
4.Matagal nang nag-warning ang lokal na gobyerno na hindi angkop tirahan ang mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo.Sinasabi kasi nila na "flood prone area" daw talaga 'yung mga nabanggit na lugar pero dahil sa matigas ang  kokote ng iba, maraming namatay.Hindi sa sinasabi ko na sila ang may kasalanan pero kung na-warningan na sila tungkol doon bakit pa ba nila ibubuwis ang kanilang buhay para tumira sa delikadong lugar na 'yun? Matigas lang talaga ang ulo nila at marami silang natutunan dahil sa kalamidad.
5.Nakita din dito kung gaano tinamad ang gobyerno na paghandaan ang mga kalamidad na tulad nito.Busy ata sa pag-aasikaso sa kaso ng mga Arroyo.Ilang buhay pa ba ang kailangan para gumalaw sila?

   Sa akin lang naman, hindi natin maituturo kung sino ba talaga ang may kasalanan.Tanggapin natin na both parties eh merong kasalanan.Sa parte ng mga namatayan, hindi kasi sila sumunod sa warning ng local government na malapit sa aksidente ang kanilang tinitirhan.Kung titingnan ang heograpiya ng lugar na kung saan tumama ang bagyong "Sendong", makikita talaga na delikado itong tirahan dahil malapit sila sa mga ilog.At sa parte ng gobyerno, Pu!@#4%$^ nila bakit nila hinigpitan ang pagpapatupad ng "total log ban" at hinayaan nila na magkaroon ng minahan sa mga nasabing lugar.Konting pakain sa mga utak, walang mapapalang maganda ang gobyerno at mga mamamayan (except na ang nabigyan ng trabaho) sa pagmimina.Bakit? Sa pagmimina, ang binabayaran lang ng mga kompanyang mga yan ang buwis-permiso at iba pang chechebureche sa tax.Sa mga namimina mismo tulad ng ginto, pilak, ETC. walang napapataw na buwis kaya parang lugi na sa parte ng gobyerno.Milyon-milyong industriya yang pagmimina parekoy kaya kung papayagan man nila ang pagmimina sa specific na lugar, dapat higpitan pa nila at syempre magpataw sila ng naaangkop na "kabayaran".Pero higit sa lahat, kahit maraming namatay, masayang ipinagdiwang ng iba sa Cagayan De Oro at Iligan City ang pasko kahit kakarampot na canned goods at konting rasyon na pagkain lang ang kanilang pinagsaluhan sa kabila ng masaklap na pangyayaring 'yun.Ang pasko naman talaga ang nangangahulugan ng pagbibigayan sa kapwa at masaya sa parte ko na makitang kahit naghihirap sila, ipinagdiwang parin nila ang pasko at naniniwala parin sila sa Panginoon na nasa "itaas".Hindi sa kisame 'wag tanga...

  

Linggo, Disyembre 18, 2011

Relationship status: "Desaparecidos"

   Oo alam kong hindi ito facebook relationship status pero hayaan n'yong i-tackle ko ang isyu na 'to.Kung ganado kang magresearch kung ano itong sinasabi ko na "Desaparecidos" ito 'yung mga tao na biktima ng sneaky na pag-abduct sa kanila ng isang political organization o estado.Kadalasan ginagawa nila ito para hindi na masasaklaw ng mga biktima ang karapatang-pantao na dapat tinatamasa nila o hindi  mayari ang mga suspect sa batas.Ayon sa  Rome Statute of the International Criminal Court, maikokonsedera na itong "crimes againts humanity" at walang pyansa o pampalubag-loob ang kalokohang ito.Kadalasan ang mga biktima nito ay mga aktibista na lumalaban at naninindigan sa katotohanan.
   Tulad ng pagluto ng itlog na may mga procedures, meron ding mga sinusunod na procedures ang mga tarantadong suspect na guilty sa kawalang-hiyaan na ito.Ito ang mga sumusunod...
1.Una, magtitipon-tipon na muna ang mga suspect para makapagplano sila kung papaano nila gagawin ang operasyon.Kadalasan venue nito eh 'yung mga lugar na wala masyadong tao.Kabobohan kung ang venue nyo ay fast-food chains, parke, o palengke.
2.Kung meron nang napagkasunduan at plano, kukuha ng resources at gagamitin syempre.Hindi problema yan kasi nga under sila ng isang malaking political organization o gobyerno.
3.Susundan ng ilang linggo o buwan ang napiling target.Kinakailangan dito na maging ninja ka mismo.
4.At ang huli susulpot bigla sa harapan ng mga biktima ang rumaragasang sasakyan na magsisilbing huling "joy ride" n'ya kasama ang mga bagong esprens.Mabilis lang ito nangyayari hindi inaabot ng ilang minuto.
    Kadalasan inaabot ng mga biktima ang walang katapusang pagpapahirap o torture.Ginagawa nila ito para makapaghiganti o kung meron silang gustong pigain na konting impormasyon sa biktima.At ang last step, papatayin at ililibing sa isang malayong lugar para walang ebidensya.Ang mga pinaghihinalaan na gumawa ng kalokohan eh may "deniability" o pagtanggi sa pagpatay kasi nga walang ebidensyang nakita.Kung tutuusin isa itong malaking problema sa ating bansa na dapat hindi binabalewala lang ng gobyerno.Kung seryoso talaga ang kalbo este gobyerno na magkaroon ng "tuwid na daan" ang bansa na ito dapat isa ito sa dapat n'yang pinaglalaanan ng pansin.Rampant kasi ito noon sa dating administrasyon ni Aleng Gloria.Nagbubulag-bulag lang ang ale dahil pabor din yan sa parte nila o baka nga sila pa mismo ang nag-uutos na gawin ito.Hindi sana maulit ito sa administrasyon ni P-Noy.Malaking kahihiyan kasi ito sa umiiral kuno na "demokrasya" sa ating bansa.

Martes, Disyembre 13, 2011

"Medical Adventures of Rep.Gloria Macapagal Arroyo" version 3

   Marami na akong nilaktawan na mga pangyayari sa buhay ni Aleng Gloria naging busy ako nitong nakaraan eh.Busy ang linya.Pero babawi ako ngayon kaso nga lang hindi si "Ale" ang nakahain sa ating topic ngayon.Mag-pokus tayo sa kanyang tuta na si Chief Justice Renato Corona.Bakit tuta?Kung titingnan natin ang buong kasaysayan ng mama na ito eh baka ma-gets n'yo na ang ibig kong sabihin.Malapit kasi 'tong si parekoy Corona kay CGMA at sa katunayan bago bumaba sa katungkulan si CGMA bilang pangulo, inapoint n'ya itong si  Renato Corona na dating Presidential Chief of Staff under n'ya bilang bagong Chief Justice noong Mayo 12,2010 na binansagan ng mga kritiko ni Arroyo na "Midnight Appointee".Kung malikot ang isipan mo at purong kabalbalan ang alam mo eh maiisip mo talaga na "kaya nilagay ng walang hiyang Gloria na yan si Corona dahil naghahanda yang walang hiya na yan baka makasuhan sya sa hinaharap".At hindi nga kayo nagkamali.
   Kung maggo-google kayo o magre-research ng kung anu-anong tungkol kay parekoy Corona sa mga desisyon n'ya nang Chief Justice pa s'ya eh ang record na mismo ang magsasabi sa inyo.Kung hahalungkatin n'yo kasi ang mga desisyon/records n'ya na related kay aleng Gloria eh lahat pumapabor sa ale.Mula sa mga kung anu-anong kasong sinampa sa kanya hanggang sa pagpabor nito na makalabas ng bansa para makapagpagamot ang ale.Walang palya at walang paltos, sumakay pa kayo.Dahil sa "bias" na mga desisyon na ito, maraming kumuwestiyon sa kakayahan ng Supreme Court na maging patas sa lahat ng bagay.Pati nga ako mismo parang napailing dahil sa katarantaduhan nitong mama na'to.Sige na nga hindi na katarantaduhan, kalokohan na lang para magmukhang inosente parin.
   Nasa headlines ngayon sa mga pahayagan  na nahaharap na 'tong si parekoy Corona sa  "Impeachment complaint" na inihain ng mga haters ni Gloria na nilagdaan ng mahigit 188 na kongresista i-add pa natin ang basbas ng kalbo este palasyo.Ayon nga ng iba, mas mabilis pa sa pagprito ng itlog o mabilis pa sa alas-kwatro ang paghain ng complaint na ito at halatang minadali.Kapag merong basbas ng kalbo este palasyo mabilis talaga.Natatandaan n'yo ang nangyari kay aleng Gloria ng gumalaw ang kalbo este palasyo at gumawa ng paraan? Kung hindi n'yo naaalala bahala kayo.Problema n'yo na yun wag n'yo na akong isali.
    Sa akin lang naman, kaya naman pala ng ating gobyerno na gumawa ng sapilitang hakbang para maisagawa ang mga bagay ng walang kahirap-hirap."Thumbs up" ako tungkol sa pagpapakulong sa mga Arroyo at pagsupil sa mga kaanib nito pero sana walang bastusan sa batas.Mas maganda sana kung ginamit nila ito para matugunan ang lumalalang problema ng ating bayan.Gumawa na kasi ng hakbang para sa ating mga kababayan tulad ng paglulunsad ng mga proyekto para matugunan ang kagutuman,edukasyon, ETC.Lecheng paghihiganti 'yan mas mabuti sana kung nagladlad na lang si Papa Piolo o hindi kaya itong si Atty. Midas Marquez para everybody happy.Kung wala talagang ladladan mas mabuti pang manood na lang kayo ng Carebears.Sige na nga wala na palang Carebears BATIBOT na lang huling tawad....
  

Lunes, Disyembre 12, 2011

"Usapang AZKALS"

  Kung maiisip n'yo ba ang salitang "askal" ano ang papasok sa kokote ninyo? Asong ulol na naglalaway at sabik na sabik mangagat ng kung sino mang tao ang makita n'ya? Mali kayo.Sigurado akong kapag ang salitang "askal" ang naiisip ninyo tumutukoy 'yun sa ating pambansang kupunan natin sa football na "Philippine Azkals".Nagsimulang sumikat itong "Philippine Azkals" noong tinalo nila ang Sri Lanka sa score na at umusbong sa 2nd round ng "World Cup".Sinasabi ng iba na ang "Philippine Azkals" ang dahilan kung bakit umuusbong at sumisikat ang larong football sa bansa.Noong kapanahunan din na 'yun umuusbong din at gumagawa ng pangalan ang "Dragon Boat Team"(matagal nang sumusungkit ng gintong medalya tong grupo na'to).Kung tutuusin matagal nang isang malaking pangalan ang "Dragon Boat Team" sa larangan nila.Marami nang na-break na records ang grupo na ito at higit sa lahat, madaming ginto na ang nauwi ng samahan na ito.Teka bakit ba ako napunta sa Dragon Boat Team?Balik tayo sa "Philippine Azkals".
  Naging isang malaking "Media Hype" ang pagkapanalo ng mga Azkals laban sa mga Sri Lanka.Makikita mo kahit saang channel at usap-usapan ng mga tambay sa kanto ang kanilang achievement na ito.Nagkaroon sila ng sangkatutak na mga endorsements at advertisements dahil doon.Hindi ako sigurado kung dahil ba 'yun sa pagkapanalo nila o talagang pogi ang mga players ng Philippines Azkals.Kalahati kasi sa mga miyembro ng kupunan na ito, kalahating banyaga kalahating pinoy.Pero sa kapanahunan din na 'yun nagkaroon din naman ng achievement ang "Philippine Dragon Boat Team" pero nagtataka talaga ako kung bakit ni isang endorsement o advertisement walang nag-offer sa kanila.Ang masakit pa napabalitang nanghiram pa ng sagwan ang "Philippine Dragon Boat Team" sa kalabang kupunan para makapag-compete sa kompetisyon.Kahit na hindi nag-qualify ang "Philippine Azkals sa "World Cup" nakatatamasa parin sila ng malaking atensyon hindi tulad ng "Philippine Dragon Boat Team" na kahit nanalo sa isang prestihiyosong kompetisyon nakalimutan na lamang.Siguro hindi lang talaga sila gwapo.Ewan ko ba napapa-isip talaga ako kung talaga bang ang mga pinoy sadyang magaling lang mang-stereotype o binabase sa panlabas na anyo ang paghusga sa tao.Oo alam kong walang kinalaman ang ginuhit ko sa sinusulat ko ngayon pero ano magagawa ninyo 'yan ang pumapasok sa isipan ko tuwing napapag-usapan naming magkakatropa ang Philippine Azkals. Teka bakit ba napunta na naman ako sa isyu ng Dragon Boat-Azkals? Balik tayo sa Philippine Azkals.
   Kung pagtutuunan natin ng pansin ang kakayahan ng "Philippine Azkals" laban sa mga bigating mga kupunan ng ibang bansa, masyado pang "bata" ang team natin.Madami pang kakaining bigas ang mga Azkals bago nila mapantayan ang mga bigating team tulad ng Brazil, Argentina, Italy at Spain na kasalukuyang kampeon sa "World Cup".Pero malaking improvement na ito sa kasalukuyang estado ng Azkals sa larangan ng football.Pero mas maganda talaga kung purong pinoy ang nasa hanay ng national team natin para matawag natin talagang "Pinoy Pride".Nanonood lang kasi ang mga chikas hindi dahil sa "pinoy pride" kung hindi dahil sa gwapo lang talaga ang naglalaro.Kung gayun lang din naman mas mabuting matulog na lang kayo baka mapanaginipan nyo pa si Papa Piolo...
 

Martes, Disyembre 6, 2011

Kuro-kuro ni SYLK: Episode 2


Pangalawang episode ng "Kuro-kuro ni Sylk" featuring "Hayecent"...

Sabado, Disyembre 3, 2011

"THE GREAT LAW OF CHINA"

  Kung meron kang nilabag na batas, dapat mong pagbayaran.Nabalitaan na naman natin kamakailan lang na meron na naman daw bibitayin na mga pinoy sa Tsina dahil sa kasong "Drug Trafficking".Ayon sa nakalap kong impormasyon, tinatayang merong mahigit 220 na pinoy sa Tsina na nahaharap sa ganitong sitwasyon.Ang mas masaklap pa, karamihan dito ay mga babae, edad 20 hanggang 40, na naghahangad lang na makapagtrabaho sa ibang bansa para sa kani-kanilang mga pamilya.Masaklap na kapalaran dahil sa katarantaduhan ng iba.Ginagawang "courier" ng mga sindikato ang mga pinoy na nabibiktima ng illegal recruiters dito sa ating bansa.Kung tutuusin naman talaga, dito pa lang mismo sa ating bansa nagsisimula na ang problema.Ang iba kasi, atat na atat na makapagtrabaho sa ibang bansa na hindi nagsasaliksik ng maigi kung anung klaseng "Agency" ang kanilang pinapasukan.Nakakalungkot mang isipin, kasalanan din naman ng kapwa natin pinoy kung bakit nahuhulog sila sa ganitong patibong.
   Sa akin lang naman, hindi na dapat nagpapadala ng sugo o kinatawan ang ating gobyerno para magmakaawa o umapela na ibaba na lamang ang sentensya ng mga pinoy na nahaharap sa death penalty sa Tsina.Hassle na kasi kung gagawin natin 'yan.Bakit? Ito ang mga rason ko...

1.Una, gagasta na naman ang pamahalaan ng pamasahe para papuntahin ang kinatawan sa Tsina.Pera ng bayan iyan iho hindi pera ng kung sino man 'yan.Imbes na gumasta ng pamasahe para magpadala ng kinatawan sa Tsina, gumawa na lamang ng isang malaking proyekto ang gobyerno na may malaking kickback.
2.Halatang nagpapabango si pareng Jejomar Binay.Pwede namang hindi na s'ya ang pumunta doon mismo para magmakaawa o umapela sa gobyerno ng Tsina (hindi ko matanto kung bakit s'ya ang nagrerepresenta mismo na umapela kapag merong mabibitay sa ibang bansa).Matanong ko lang, ano pala ang silbi ng Consul doon natin sa Tsina? Sitting pretty lang?Tatakbo ata sa susunod na eleksyon si parekoy.
3.Hindi sa wala tayong pakialam pero alam naman ng mga pinoy na nahaharap sa Death Penalty sa Tsina ang mga "risk" kung gagawin nila ang ganyan o ganito.At isa pa, dapat nating respetuhin ang batas ng ibang bansa.Magkaiba ang demokrasya(Pilipinas) sa komunismo(Tsina).Ang tanging maitutulong na lamang ng gobyerno natin sa mga pinoy na death convict sa Tsina eh siguraduhin na magkakaroon ng magandang buhay ang mga naiwang pamilya ng mga naturang pinoy tulad ng pagbibigay ng house and lot, scholarship, kotse, mamahaling iPad/iPod,buwanang-sustento pang-DOTA, ETC.Doon pa lamang, makakahinga na ng maluwag ang mga kapwa natin pinoy na nahaharap sa Death Penalty dahil sa assurance ng gobyerno sa kanila.
4.Marami pang mga bagay na dapat mas tuunan ng pansin ng ating pangulo.Isa na dito ang sinasabi n'yang "tuwid na daan".Ewan ko ba parang applicable lang ito sa ordinaryong mamamayan ng ating bansa at hindi sa mga matataas na opisyal ng ating gobyerno.Basta kwento ko na lang sa inyo sa susunod ang tungkol sa "KKK" sa administrasyon ni PNoy...

  Bottomline, ang batas ay batas.Dapat tayong sumunod dito para magkaroon ng kaayusan sa isang bansa (maliban na lang kung tinatarantado na tayo).Ang batas ay nagsisilbing "matibay na haligi" o "pundasyon" para sa kabutihan ng nakakarami.Kaya 'wag na makulet mga bata.'Wag na sanang sumawsaw ang mga makakaliwa dito dahil lalong gumugulo ang sitwasyon.

 

Huwebes, Disyembre 1, 2011

Coverpage: "SILVER"


Sa wakas na scan ko na din 'yung coverpage at ilang mga pahina ng ginagawa kong komiks.Ang iba sa susunod ko na lamang ii-scan hindi ko pa kasi natapos tintaan.Gusto n'yo ng sampol?Sige eto ang ilan..


PAGE 1


PAGE 2

PAGE 3

Maiba ako, baka aabutin pa ng ilang araw ang pagpo-post ko ulit ng mga "political cartoon".Meron pa kasi akong inaasikaso.Baka sa susunod na lang.Busy ang linya....