Ginimbal tayo ng sunod-sunod na mga isyu tungkol sa 'di umanoy kurapsyon at mga anomalya sa nagdaang administrasyon ng dating pangulo at ngayo'y kongresman ng Pampanga na si Rep. Gloria Macapagal Arroyo.Para ka lang nagbukas ng regalo sa birthday na puno ng surprises.Kung mamalasin ka at maitapat n'yo ang inyong mga telebisyon sa mga sikat na networks ngayon tulad ng GMA o sa ABS-CBN o sa TV5 o kung anu man yang TV networks na nagpapalabas ng mga balita eh ito ang tatambad sa mga pagmumukha ninyo.Maging sa mga sikat na mga dyaryo nakafeature 'tong mga walang katapusan na diskusyunan sa mga isyung nakaukol sa anomalya sa pamahalaan.Simula sa anomalya sa AFP na nauwi sa pagpapatiwakal ng dating heneral nito na si Angelo Reyes at panghohostage ng nasibak sa pwesto na si Rolando Mendoza sa mga turistang intsik sa Quirino Grandstand hanggang sa pangungutya ni Aling Dionisia sa mga bakla dahil sa pag-inom 'di umano ng mga "enhancing pills".Mas masaklap pa ito sa pagta-tag sayo ng mga esprens at mga katropa mo sa Facebook ng mga walang kwentang larawan at pagpo-post mo sa sarili mong wall mo ng "Gusto kong kumain ng BURGERSSS!!..HUHUHUHU!!" o hindi kaya "Excited to go to C.R....Hihihihi!" at ang pinakalatest,ang pagkaksangkot ng mga obispo sa "FREE WHEELS" courtesy syempre ng dating pangulo na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.
Hindi na bago ang mga isyung ito tungkol sa simbahan.Meron nang nauna dito tulad ng "pending request" ng mga bakla at tibo sa Same Sex Marriage at pagsasabatas ng RH BILL.Kahit na ang ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal naitampok sa kanyang mga nobela ang mga katarantaduhan ng mga pari sa mga pilipino noon noong hawak pa at sinakop pa tayo ng Espanya.Maraming mga benefits ang pagiging pari sa kapanahunan ni Rizal.Bukod sa hindi ka sakop ng batas kapag gumagawa ka kahalayan sa mga alila ng simbahan, obligado din ang mga maralitang pilipino noon na magbigay ng mga regalo kung saang parokya sila nasasakop.
Baka magtaka kayo bakit tayo makikialam sa ganitong mga isyu eh busy na busy tayo sa paglalaro ng DOTA o hindi kaya pagrereply o pagtext natin sa mga syota natin ng "Gudmorning..jejejeje" o "Gudnight..hihihi!" o pagiging abala natin sa mga thesis at projects na bigay ng mga masusungit na propesor natin sa kolehiyo.Ano ba ang mapapala natin?
Halos 80% ng populasyon ng Pilipinas ay mga katoliko at itinuturo din sa ating mga simbahan ang pakikipagkapwa natin sa mga taong nakapaligid sa atin at pagpapakita ng mabuting asal na nagbibigay ng malaking impluwensya sa ating mga buhay.Idagdag pa ang pagtuturo ng pagmamahal sa kapwa at pagbibigay importansiya sa pagdadasal.Hinigitan pa nito ang pag-inom natin ng 3-in-1 na kape at panonood natin ng Care Bears o Barney and friends.Gayun lang din naman eh bakit pa tayo nakakaranas ng pambabasted sa mga cute na chikas at pagmumura kapag badtrip na badtrip tayo?O hindi kaya ang pagsagot-sagot natin sa ating mga magulang at pag-ihi sa mga lugar na bawal ihian?
Tama nga naman ang mga obispo.Hindi naman masama kung magre-request ka sa ating pangulo ng mamahaling SUV para gawing service sa kanilang parokya.Turo ng simbahan na dapat mapagbigay tayo at tama lang naman ang ginawa ni Arroyo kahit na kunin mo ang pondo ng PCSO.Nasa 21st century na tayo at hindi na uso ang paglalakad ng ilang kilometro para makapagmisa ka sa malalayong lugar.Pwede namang magrequest ka ng "free wheels" kasi nga hindi 'yun kasalanan.Napakalinis nga at sana sa susunod na mga sermon ng mga pari eh i-feature naman nila ang pagiging mapagbigay sa kapwa.
Sabado, Hulyo 9, 2011
Huwebes, Hulyo 7, 2011
"Anime character of the day- Ichigo Kurosaki (BLEACH-Celeb)"
Pasensya na mga troll,esprens o kung sino man yan wala talaga akong mapost na matino ngayong araw na ito eh.Gusto ko sanang talakayin ang usapin tungkol sa anomalya na pinaggagawa ng dating administrasyon sa PCSO kaso nga lang gumagawa pa kasi ako ng resume dahil kaka-resign ko lang.Maiba ako, ang mukhang nakikita nyo sa larawan ay ang bida sa anime na BLEACH na si Ichigo Kurosaki.Kung hindi man sila magkahawig o ang pangit ng pagkakaguhit ko ng facial expression nitong mama na ito, eh problema n'yo na yan magtiis kayo.Baka magtaka kayo bakit walang background ang ginuhit kong ito ay dahil nawili ako sa panonood ng Power Puff Girls sa TV5 at nakaligtaan ko ng lagyan ng flowers-flowers ang paligid.
Miyerkules, Hulyo 6, 2011
"Usapin tungkol sa SPRATLYS (Sabwatang Sawndtsek at Sylk)"
Wala nang kung anu-anong kwentuhan sessions at paliwanagan.Kahit na kaming mga matitino na mahilig sa basagan ng mukha at mambabae eh may malasakit din sa usapin tungkol sa SPRATLYS.Basahin na ang mumunting komiks.
Martes, Hulyo 5, 2011
"Isa sa mga kahihiyan ko..."
Itong larawan na nakikita n'yo ay isa sa mga pinakamasaklap at pinagsisisihan kong drawing na nagawa ko sa buong buhay ko.Eto yung mga panahon lulong ako sa pambababae at umasa ako sa isang babae.Tama nga naman ang sabi ng mga matatanda, laging nasa huli ang pagsisisi.Pero OK na din at nangyari 'yung mga panahon na 'yun dahil marami din naman akong napulot na mga gintong aral.Basta 'wag na 'wag n'yong gagayahin ang mga pagkakamali ko.Ang gumawa ng ganitong shit para sa babae.
Pasensya na mga esprens wala akong ma-post na bago eh sira 'yung scanner namin.Hayaan n'yo basta babawi na lang ako kapag dumilat na 'yung mga mata ng scanner namin.
Linggo, Hulyo 3, 2011
"Request ng bago kong katropa"
At dahil sa may nag-request sa sakin na gumawa ako ng isang mumunting komiks ng sabwatan, hayaan n'yong ipakilala ko sa inyo ang bagong sabwatan na may kaartehan sa katawan at purong kabalbalan ang dala.Ang sabwatang "SAWNDTSEK AT SYLK".Kakagawa ko lang ng isang ito pero meron na kaming mga dialogues na ilalabas courtesy of my bagong kasabwat ma si "SAWNDTSEK".Sana subaybayan n'yo ang mga adventures ng dalawang mga bibo na ito at mag-iwan na din ng mga matatamis na komento para ganahan kaming gumawa ng mga shit.
Sabado, Hulyo 2, 2011
"Anime character/s of the day-Cast ng Naruto/One piece"
Hayaan nýong ipost ko 'tong gawa ko na ito.Sigurado ako at sure na sure +1000000 na kilalang-kilala nýo ang mga pagmumukha ng mga taong nasa larawan na ginuhit ko.Sikat na sikat nga sila eh hindi na kailangan i-mention ang mga pangalan nila.Kung wala na naman kayong ideya kung sino ang mga taong ito eh hayaan nýong magbigay ako ng listahan.Pakibasa na lang mga troll...
1.Uzumaki Naruto ng Naruto Shippuden (sa kaliwang bahagi ng larawan).
2.Ronoroa Zoro ng One Piece (sa likod ni pareng Naruto).
3.Momochi Zabuza ng Naruto walang Shippuden (Nasa center.Take note hanggang first season lang sýa dahil tinipa ni pareng Kakashi pero may special appearance sa Season 2 dahil binuhay ni Kabuto and friends).
4.Monkey D Luffy ng One Piece (nasa kanan).
Kung gusto nýong magrequest na magpagawa at magfeature ako ng paborito nýong mga anime character,mag-iwan lang ng mensahe dito.Wala yang bayad 'wag kayong mag-alala basta 'wag kayong magpromote ng hate shit sa kapwa.
1.Uzumaki Naruto ng Naruto Shippuden (sa kaliwang bahagi ng larawan).
2.Ronoroa Zoro ng One Piece (sa likod ni pareng Naruto).
3.Momochi Zabuza ng Naruto walang Shippuden (Nasa center.Take note hanggang first season lang sýa dahil tinipa ni pareng Kakashi pero may special appearance sa Season 2 dahil binuhay ni Kabuto and friends).
4.Monkey D Luffy ng One Piece (nasa kanan).
Kung gusto nýong magrequest na magpagawa at magfeature ako ng paborito nýong mga anime character,mag-iwan lang ng mensahe dito.Wala yang bayad 'wag kayong mag-alala basta 'wag kayong magpromote ng hate shit sa kapwa.
"Ganito ba talaga ang lipunan sa mga MUSLIM"?
Hindi maikakaila at huwag n'yo nang ipagkaila ang mga pinag-iisip n'yo sa mga kapatid natin na mga Muslim kapag napapadaan kayo sa palengke o makasalubong n'yo ang mga taong ito.Hindi naman kasi lahat ng muslim eh masama at purong violence lang ang alam.Sarap talaga pagsisipain ang mga taong animoy makatingin lang sa mga kapatid natin na mga muslim eh parang tingin nila ay terorista na o mahilig sa karahasan o magdudulot ng kung anu-anong kaguluhan o kung anung mga negative shits.Kung gayun na lang din naman eh lilipat na ako sa kanilang pananampalataya kesa sa katolikong mapangmata at animoy parang ang taas ng kanilang katayuan sa buhay.Hayaan n'yong purihin ko ang alkalde at bise-alkalde dito sa Davao City na si Vice-Mayor Rody Duterte at ang kanyang anak na si Mayor Inday Sara Duterte.Fair lang ang trato sa mga kapatid na muslim at walang pangmamata na nangyayari.
MIDDLE FINGER UP PARA SA MGA DISCRIMINATION SHIT NA PINAGGAGAWA NG LIPUNAN SA MGA MUSLIM!!
"Anime character of the day- Jet (Non-celeb)"
Kung nagtataka na naman kayo kung sino 'tong mama na ito, uulitin ko at uulitin kong muli hindi s'ya isang anime character kahit meron s'yang kamukhang superhero o kung sino man yan.Napagdiskitahan kung iguhit s'ya habang nanonood ako ng Care Bears sa bahay galing sa trabaho.Kung gusto n'yo talagang magka-ideya kung sino s'ya eh panoorin itong video na ito...
Maiba ako lang ako, magaling sa akyatan ang mama na nasa video.Miyembro ata ng Akyat Bahay Gang at malupit ang "SEERING" abilities ng taong ito idagdag pa ang pagkakaligtas n'ya sa isang mag-ina.Dagdag pogi points na naman dahil malupet sa chicks.
"Sapakan sessions"
Sa isang banda, uulanin ng kung anu-anong kabadtripan ang mayor ng Davao City na si Mayor Inday Sara Duterte dahil sa pananapak ng epal na demoliton sheriff.Gayunpaman, saludo parin ako sa kanya dahil napigilan niya ang demolition sa makalalakeng paraan.Aanhin pa ang kwentuhan sessions o paliwanagan kung purong lakas at sapakan ang tanging mabisa at mabilis na sandata para matapos ang isang sigalot.Dadagdag pa 'tong epal na sheriff sa aalahanin eh nagka-flashflood na sa isang dako ng Davao City.Muntik pa akong hindi makauwi dahil sa bahang 'yun.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)