Linggo, Abril 7, 2013

South Korea, U.S.A. versus North Korea


Hindi ko mapagtanto ano ba ang nakain ng North Korea at hinamon n'ya ng digmaan 'yung dalawang bansa. Ewan. Malabong kausap naman talaga ang Supreme Leader nila e.

Miyerkules, Enero 30, 2013

Limang bagay na madalas kong gawin kapag nasa klasrum ako.


1.Katahimikan

Minsan, kapag pumasok ako sa klasrum tapos mag-aantay kung meron bang klase uupo lang ako sa upuan. Uupo lang mehn.

Hihinga lang ako ng malalim tapos hihinga ulit. Hihinga ulit ng malalim tapos hihinga ulit tapos sasabihin sa sarili kong kailangan kong magpokus sa klase at itigil muna ang pag-iisip sa ibang bagay na nagpapa-pressure sayo. Titigil muna saglit sa pag-iisip sa mga responsibilidad at problema. 

2. Hindi ako nakikinig

Madalas, madalas lang ha, hindi ako nakikinig kapag boring ang lesson na itinuturo ng titser namin o hindi kaya alam ko sa sarili kong hindi mababago ng lesson ng instructor sa subject ang buhay ko o magpapa-report lang ang titser namin. Mga ganung kadramahan. Minsan, ang ginagawa ko tinititigan ko lang 'yung likod ng taong nasa harap ko. Iniisip 'yung mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan, kung pareho ba kami ng iniisip na mehn ang malas naman namin boring 'tong subject nato o OK magtitiis ako dahil mabait at mabuti siyang guro. Minsan din, tinitingnan ko lang din 'yung kapwa ko kaklase na pinipiling umupo sa likod dahil busy s'ya sa kaka-text sa taong ayaw ko namang alamin kung sino, mga tilian at "prayer meetings" ng mga miyembro ng El Shaddai dahil sa ingay na ginagawa nila, mga gumagawa ng assignments at project na hindi natapos dahil busy sila sa ibang bagay at 'yung mga taong napipilitang pumasok sa klase dahil kailangan. Minsan, sumasabay ako sa trip nila. Minsan, ginagaya ko sila.

3."Irregular"

Ewan ko lang ha kung ako lang ang ganito. Gusto mong kausapin 'yung magandang chik na irregular na kaklase mo pero natatakot kang baka wala siya sa mood o dinudugo siya. O kunware magtatanong ka ng mga bagay na wala namang kinalaman sa klase ninyo base lang sa kilos o galaw niya. Sa semester na ito, irregular student ako. Sa klase namin, may 5 hanggang 7 irregular na nahalo sa amin na madalas mas mataas pa ang year level sa amin. Gusto ko silang batiin ng "wazzup mehn!" kahit babae 'yung kausap ko. Kamustahin sila kung OK lang ba sila na nandito sila. Tanungin kung kamusta christmas break nila. Kung bakit meron pa silang mga behind subjects at kung bakit mas pinipili nilang umupo sa likod. Gusto kong makipaghalubilo sa kanila pero natatakot akong baka mailang lang sila. Na kapag kinausap ko sila, isipin nilang manghihingi lang ako ng papel o meron akong kailangang bagay sa kanila.

4."The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams."

Isa sa mga rason kung bakit ganado akong pumasok araw-araw kahit tinatamad ako ay dahil gusto kong makita ang mga kaklase ko lalo na sa Language. Araw-araw, kahit wala namang importante bagay na mangyayari pupunta parin ako sa klase. Ayaw kong magpakasentimental ano pero masaya lang akong nakikita sila na busy sa mga bagay na may kinalaman sa mga subject na na-enroll nila ngayong semester. 'Yung mga tawanan nila at pagpopokus sa paggawa ng mga assignments o projects bago ang klase na deadline ngayon. Mga bagay na hindi ko na nagagawa ngayon.

Madalas, naiisip kong ano kaya mangyayari sa kanila sa mga susunod na taon. Kung makakahanap kaya sila ng trabaho kapag grumadweyt sila sa kursong ito o magshi-shift sila sa ibang kurso dahil napagtanto nilang hindi naman talaga nila gusto ang kurso nila ngayon. Napapaisip ako kung ano kaya ang mangyayari sa kanila sa hinaharap, kung anong mangyayari kay Nicgemgrace na walang pakialam kung tamaan ng bulalakaw ang USEP o kay Ladygrace na active at may kaaya-ayang interes sa mga nangyayari sa bansa. Kay Dale na masaya sa buhay niya ngayon o kay C.c. na mahilig magbasa ng libro. Gusto kong malaman kung anong mangyayari sa kanila sa mga susunod na taon. Alam ko, alam nila at alam ng iba na magiging maganda ang kinabukasan nila kapag nagsumikap sila. 

5. 

Kapag problemado ako at parang feeling ko papatayin ako ng stress dahil sa mga responsibilidad ko, tinititigan ko lang 'yung cute na babaeng irregular na kakilala ni Maybelene. Iniisip ko sa sarili ko na magiging OK ang lahat. Magiging OK ang lahat.

Huwebes, Hulyo 12, 2012

NEW MINING POLICY: E.O. 79


Nabasa ko lang ito sa isang post minsan. Actually itsinismis lang ito ng katropa sa akin noong minsan akong nagawi sa kanilang tambayan. Nagtataka nga ako eh kung anong pumasok sa utak ng mga lokong 'yun at nagtatalo sila tungkol sa takbo ng pulitika dito sa bansa.  Isa sa naging topic nila e tungkol daw sa bagong mining policy dito sa bansa.

Ano ba 'tong bagong E.O. 79 na inilabas ng pamahalaan at bakit maraming mga progresibong grupo na tutol dito?

Ang bagong patakaran sa pagmimina o also known as E.O. 79 ay inilabas ng pamahalaan noong Lunes na naglalayon na taasan ang kasalukuyang royalty tax sa pagmimina ng 2% to 5%. Sa bisa din ng batas na ito, hanggang hindi napapasa ang patakaran na ito eh hindi na muna pahihintulutan ang mga mining firms na magmina sa mga lugar dito sa bansa na angkop na pagminahan hanggat hindi ito napapasa sa kongreso. 

Kung susuriin at titingnan ang bawat anggulo ng bagong patakaran na ito eh masasabi nating maganda ang hangarin nito. Isa na dito ang kagustuhan nitong mapataas ang nakukuhang tax galing sa mga minerals na nakukuha ng mga mining firms sa pagmimina. Pero mukhang "kulang" ata sa rekado ang patakaran na ito.

'Yan kasing 5% add na excise tax eh parang kakarampot lang sa mga malalaking mga mining firms dito sa bansa at kung tutuusin kulang pa. Ang pagmimina kasi ay isang napakalaking industriya sa bansa na kumikita ng daan-daang milyon bawat taon. Bukod pa dito eh ang permanenteng pinsala na iniiwan nito sa kalikasan at kabuhayan mismo ng mga tao sa kung saan ginagawa ang pagmimina. Kung titingnang mabuti eh 'yang kakarampot na nakukuhang tax ng gobyerno sa mga mining firms na yan eh kulang pa sa pagsasaayos ng mga pinsala na dulot ng pagmimina. Para na rin silang galit sa mga malalaking mining firms pero joke lang pala.

Biyernes, Hulyo 6, 2012

"PILIPINO PRIDE RICE"



Manny Pacquaio, Charice Pempengco, Nonito Donaire Jr., Lea Salonga at ang pinakalatest, si Jessica Sanchez ay iilan lang sa mga pilipinong sumikat sa ibang bansa dahil na rin sa kanilang angking talento na angat sa iba. Ang mga tao ding ito ang masasabi din natin na nagbigay ng hindi mapaliwanag na karangalan sa ating bansa.

Kapag nababanggit naman ang pangalan ng mga celebrities na ito eh tayong mga pinoy eh nakakaramdam ng konting galak sa ating mga sarili dahil na rin sa kanilang achievements na nakamit sa larangan na kung saan sila napapabilang.

Pero ang tanong, bakit ba tayo magiging "proud" sa kanila?

Close ba natin ang mga taong ito?
Syota mo ba ang isa sa kanila?
May utang ba sila sayo kaya masayang-masaya ka dahil masisingil mo na sila?
Dahil ba sa pilipino sila?

Ang babaw naman masyado kung pagbabasehan lang natin ang katotohanan na dugong pinoy ang dumadaloy sa bloodstreams nila. Hindi lahat ng mga pilipino eh lahat may talento, 'Yung iba katarantaduhan ang kabobohan lang ang alam. Paano ang mga kongresman at mga mayor dito sa bansa na parang nagiging livelihood ang panunungkulan nila sa pwesto sa pamahalaan? Eh paano 'yung mga pulis na may bilugang tiyan na panay ang pag-abuso sa kanilang kapangyarihan na animoy meron silang hawak na 'extraordinary powers'? Eh paano 'yung mga batang idol si Justin Bieber? Paano 'yung mga pinoy na kung saan-saan nagtatapon ng kanilang basura? Paano 'yung mga politikong naglalagay ng pangalan sa kanilang pangalan sa mga proyekto na pera ng taumbayan ang ginamit?

Ang nakakabadtrip lang dito sa bansa natin eh nagiging sukatan natin ang pagpansin ng mga banyaga sa ating mga talento sa kung papaano maging sikat ang kapwa natin mga pinoy. Hanggang ngayon hindi parin tayo nakaka-move on sa ilang taon na paghawak satin ng mga banyaga sa ating mga yagbols kaya marami parin tayong nakikitang mga pilipino na nagiging basehan ng "social status" sa lipunan sa kung ano ang ginagamit mong linggwahe sa pakikipag-usap. Kahit na kapwa pilipino ang kausap gagamitan ka ng english. Pati ang isang subject na itinuturo sa ating paaralan (ENGLISH) eh tatak-banyaga. Kaya hanggang ngayon marami paring mga nagkalat na OFW sa buong mundo at tinitiis na maging punching bag ng kanilang mga amo. Bukod pa dito eh ang lakas nating magyabang. Oo, mayabang talaga ang mga pinoy kapag binigyan ng pagkakataong magyabang.

Sa tingin n'yo ba kapag binanggit natin ang salitang "Filipino" sa mga taga-ibang bansa eh 'yang mga celebrities na ipinagmamalaki ninyo ang pumapasok sa kanilang mga utak?

Hmmmmm....Mukhang malabo. Mukhang eto ata....


O hindi kaya eto...



Pero bumalik tayo sa topic. Maliit lang ang pinagkaiba ng sinasabi ninyong "Pilipino pride" sa kayabangan. Maliit lang din ang pinagkaiba ng katangahang umintindi na magkaiba ang dalawang salita na yan. Baka epekto na ito ng walang tigil na kaka-order ng extra rice sa mga restaurants. Baka epekto na to ng pakikinig natin ng mga kanta ni Justin Bieber at kung sino-sinong mga singer na wala naman talagang talent sa pagkanta.

At tsaka nga pala, nagmumukha kayong tanga dahil sa "Pilipino pride blah blah blah" na 'yan.

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Anime character of the day: Walang pamagat/ pangalan/ endearment/ baduy na japanese names at kung anu-anong aliases, ETC.


Matagal-tagal ko na din itong ginawa. 

Sa sobrang tagal muntik ko ng makalimutan na ako pala ang gumawa nito at naibaling ko ang oras ko sa pakikinig ng mga kanta ni Justin Bieber.

Isang araw sa boring namin na bahay, naisipan kong humanap ng gagawin. Pang-gabi kasi ang klase namin at sa kasalukuyan tuwing umaga bakanteng bakante ako. Nakakabadtrip nga dahil para na rin akong bumalik sa pagkabata dahil sa panonood ko ng mga anime na ipinalalabas tuwing umaga sa T.V. Bumalik 'yung mga alaala na adik na adik ako sa pagguhit ng mga paborito kong mga anime characters sa likod ng bago kong notebook. 

Hindi ko na muna siya bibigyan ng pangalan. Busy pa kasi ako. Oo sa sobrang busy ko sa kakatihaya sa kama eh hindi ko nga mabigyan ng pangalan ang drawing kong ito. 

Biyernes, Hunyo 15, 2012

Sylk's Words of wisdom: Fathers Day



Nagsimula ito kahapon.....

Actually nagsimula talaga ito ng sumakit ang aking tiyan habang nanonood ako ng mga palabas sa T.V. dahil sa kinain  kong panis na kanin. Nagfe-feature at nagre-reward sila sa mga tatay na malaki ang naitulong sa kani-kanilang mga pamilya. 'Yung mga ama na masasabi nating mga responsable at gagawin ang lahat para lang masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Maraming klase ng ama, tatay, papa, paping o kung anu-anong mang endearment n'yo sa haligi ng tahanan n'yo. Kapag marami, natural iba-iba 'yung ugali at pagkatao.' Yung iba mabait. 'Yung iba naman kulang na lang gawin kang human punching bag. Ang iba binibigay lahat ng gusto mo na umaabot sa punto na nagiging spoiled ka. Ang iba naman, kuripot pa sa mga tindera sa palengke. Tulad nga ng sinabi ko iba-iba.

Pero ito ang point ko, pareho silang ama na tinatanggap ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Sa totoo lang mga babs iilan lang 'yung may yagbols na tanggapin ang ganyang responsibilidad. Nabibilang lang din sa daliri 'yung mga kabataan na kapag naka-aksidenteng nakabuntis ng isang chikas eh tinatanggap ang ganyang kapalaran. Na nagiging instant daddy sila dahil sa mataas na lebel ng curiosity dahil na rin sa kakanood ng porn.

Ang tatay natin ang nagsisilbing haligi ng bahay (hindi 'yung poste wag tanga). Siya ang gumagabay sa atin para hindi tayo maging tanga paglaki natin. Parati silang nandyan para alalayan tayo kung meron man tayong kamalian na gagawin. Kung hindi man natin sila nakakasama araw-araw dahil masyado silang busy sa kanilang trabaho, hahanap sila ng paraan para kahit papaano mabigyan nila kayo ng pagkakataong magkasama kahit sa konting oras lang.

Kung hindi n'yo man feel na mahal n'ya kayo, huwag ng magtaka. Alam n'yo mga babs lalake 'yang mga tatay n'yo. Hindi nature sa kanila 'yung kina-cuddle nila kayo o kung anu-anong mga kabaduyan na ginagawa ng mga nanay n'yo sa inyo. Tulad ng sinabi ko, magkakaiba sila at meron silang kanya-kanyang paraan para ipakita sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa kanya. May kanya-kanyang estilo at da moves. Parang T.V. commercials ng mga pulitiko na pinapamukha sa atin kung ano ang mga achievements na ginagawa nila habang nasa katungkulan sila. Magkakaiba pero iisa ang layunin.

Maswerte 'yung mga kabataan na meron pang mga tatay. Minsan n'yo na bang naisip papaano kung wala kayong tatay? Siguro hindi tayo makakakita ng mga successful na mga tao sa kapanahunan natin. Mga taong masasabi natin na nasa pinakamataas na potential nila ngayon.

Ano ba ang punto ko dito?

Wala naman. Noong una ko ding naisip ito eh siguro epekto na ito ng sumakit ang aking tyan dahil sa panis na kanin na kinain ko noong nakaraang araw. Sa totoo lang trip ko lang gumawa ng post para sa kanila dahil bukas na ang Fathers Day. Hindi ako nakiki-uso mga babs. Gusto ko ding  ipamukha sa inyo kung bakit ba mahalaga ang ating tatay sa buhay natin. Ayaw kong magmukha kayong tanga dahil sa hindi n'yo na realize kung gaano sila kaimportante sa buhay natin. Malay n'yo baka mamatay ang tatay n'yo bukas edi sayang. Kaya kung ako sa inyo, kahit bukas lang eh ipadama n'yo sa kanya na mahalaga s'ya sa inyo. Makipag-bonding. Bilhan ng music videos ni Justin Bieber o hindi kaya bigyan n'yo sila FHM magazine latest issue. Kahit na anong means na magpapasaya sa kanila.

Note: Hindi ako ang nag-drawing ng larawan sa taas. Galing 'yan dito.

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Sylk's Words of wisdom: INDEPENDENCE DAY


Alam kong late na ito eh pero sige ihahabol ko ito. Tutal araw-araw naman nating pinapakinabangan ang ginhawang dulot ng pagiging 'independent' natin kuno sa mga dayuhan. 

Ipinagdiriwang ang "INDEPENDENCE DAY" sa ating bansa tuwing June 12 at taon-taon na itong pinagdiriwang sa ating bansa tanda na rin ng ating pagiging malaya sa mga bansang minsang sumakop sa atin. Sa ilang taon na hinawakan tayo sa bayag ng mga dayuhan. Sa totoo lang mga babs eh ang iba sa ating mga kababayan eh hindi alam kung gaano ba kahalaga ang araw na ito. Naaalala lamang nila ang araw na ito sa kadahilanang walang klase o hindi kaya may double pay sa sahod ng mga manggagawa sa araw na ito. 'Yung iba inaalala ng araw na ito dahil alam nilang makakapaglaro sila ng DOTA buong araw at meron silang excuse para hindi tumulong sa mga gawain sa bahay. 

Ang "INDEPENDENCE DAY" eh importante sa ating mga buhay. Naisip n'yo ba kung saan tayo ngayon kung wala ang araw na ito? 

At dahil lab ko kayo mga babs gumawa ako ng konting listahan kung bakit kinakailangan tayong magpasalamat sa mga bayaning nagpakamatay para maging malaya tayo aside sa mga binigay kong mga naunang rason sa taas. Eto ang mga sumusunod....

1. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang alila at muchacha tayo ng mga amerikanong may mahahabang *tuuut* *tuuut*. 
2. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi kayo makakapag-facebook dahil malamang alila tayo ng mga amerikanong may mahahabang *tuuut* *tuuut* at ipagkakait nila sa atin ito.
3. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi ka nakaka-ihi kung saan-saan, nakakatapon ng basura kung saan-saan, hindi ka makakatae sa estero, at kung anu-anong mga kagag*han na pwedeng maisip ng isang tao na alam na hindi siya mapaparusahan sa kagag*hang ginawa niya na labag sa batas.
4. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang hindi tayo nakakapanood ng mga koreanovela at telenovelang pa-ulit-ulit ang takbo ng story.
5. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi tayo makakapanood ng mga pelikulang pinoy na may temang lovestory na paulit-ulit din ang kwento.
6. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", malamang walang Papa Piolo, walang Papa Jericho at walang Papa Coco na pagjajakulan ng mga bakla sa kanto.
7. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", wala tayong makikitang mga pulitikong may malalaking tiyan.
8. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", hindi makakakurakot ng limpak-limpak na salapi ang mga pulitikong may bilog na tiyan. Malamang din hindi natin makikita ang gwapo nilang mga mukha sa malalaking streamers at karatula na pinopondohan ng pera ng taumbayan.
9. Kung walang "INDEPENDENCE DAY", walang Mang Kanor video scandal. Walang Hayden Kho 'dancing' video scandal at walang lalabas na mga video scandals na nagkakaroon ng nationwide attention dahil sa media.
10. At ang huli, kung walang "INDEPENDENCE DAY" hindi ko sa inyo mashi-share ang ginhawang dulot ng araw na ito para sa ating lahat.

Importanteng isadiwa natin ang araw na ito hindi dahil sa binigay kong mga dahilan sa taas kung hindi dahil sa naging malaya tayo. 'Yan naman ang bottomline eh. Eh wala naman sigurong tao na hindi naghahangad na maging malaya hindi ba?