Lunes, Oktubre 31, 2011

Torture...

  Ang pagto-torture sa isang tao ay isang "makahayop" na paraan ng sapilitang pagkuha ng impormasyon sa taong 'yun o hindi kaya isang uri ng pagtritrip para makaganti.Pero mga kakosa, kung nirerespeto n'yo talaga ang buhay, hindi n'yo na pahihirapan bago mamamatay ang iyong kalaban.Makikita sa larawan kung papaano "kinukulam" ng militar ang mga kapatid nating NPA.
  Oo nga pala, MASAYANG PAGGUNITA SA ARAW NG MGA KALULUWA sa inyong lahat!

Note: Salamat sa pagtimbre kapatid na Gem Karlos Aramil, timbrehan mo ulit ako sa susunod kapag may oras ka.Kung gusto nyo talagang makita ang kahayupan ng AFP, i-click lang dito.Una sa lahat, wala akong galit sa AFP o kung kanino mang may konekta sa kanila.Hayop lang talaga ang gumawa kaya napagtripan ko...

Lunes, Oktubre 24, 2011

Hindi nadadaan ang lahat sa init ng ulo....

   Bumandera sa mga pahayagan at mga telebisyon na hindi ititigil ng pamahalaan ang on-going Peace Talks sa pagitan ng MILF at pamahalaan dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng mga MILF.Ayon sa ating pangulo, hindi nadadaan ang lahat ng bagay sa init ng ulo.Pero kung titingnan ang istatistika ng pinsala ng digmaan natin sa MILF sa mga nagdaang taon, makikita na malaki na ang nawala sa pamahalaan simula noong sumiklab ang hindi pagkakasunduan ng MILF at pamahalaan.Harapin natin ang katotohanan na kung magpapatuloy pa ang pambabadtrip ng mga MILF sa mga kapatid natin sa Mindanao, higit na mawawalan ang bansa natin.Kinakailangan na magpakita ng "pangil" at lakas ang ating pamahalaan para irespeto at katakutan tayo ng MILF.Hindi 'yung tipong pa senti-senti lang at peace-loving anthem na lang lagi tayo.Minsan kinakailangan talagang sumugal ng malaki para sa ikakabuti ng marami.

Linggo, Oktubre 23, 2011

"Juvenile Justice Law"


  Kung tumataas ang mga bilihin natin tuwing taon-taon tulad ng shampoo,toothpaste at vetsin, hindi din pahuhuli ang mga menor de edad na gumagawa ng kalokohan sa ating mga komunidad na humahantong pa sa patayan kapag hindi napagbigyan.Lumaki ang mga ulo nitong mga batang ito dahil sa  batas na tinatawag natin ngayon na "Juvenile Justice Law" na promoprotekta sa mga menor de edad sa kahit ano mang pananagutan sa batas.Ayon sa sanaysay ng senador na nagpasa sa batas na ito, maganda naman talaga ang intensyon ng batas na ito kaso nga lang maraming mga "butas" na kinakailangan mabago ayon din sa mga kakosa ng nasabing senador.Kung ako lang naman ang hihingan ng opinyon ukol sa batas na ito, kalokohan talaga itong batas na ito dahil nga sa hindi na katulad ang mga kabataan noon at ngayon at sa isang banda naiintindihan ko ang gustong sabihin at layunin ng batas na ito.Kailangang baguhin ito dahil maraming mga buhay ang nawawala at nasasayang dahil sa pagkanlong ng batas na ito sa mga "batang kriminal".

Biyernes, Oktubre 21, 2011

Isang "medalya" para sa sakripisyo...

   Nakakalungkot isipin na madaming mga inosenteng buhay ang nasasakripisyo sa walang kwentang bakbakan ng AFP at MILF sa Mindanao.Namamatay dahil sa mga walang kwentang ideolohiyang inaapi sila.Na dapat ilagay sa kanilang sariling mga kamay ang batas.Noong una't sapul ang gusto lang naman ng mga MILF ang mabigyan sila ng sarili nilang "estado" para doon sila bumuo ng sarili pamahalaan.Kung tutuusin walang kwentang ideolohiya na pinaiiral ng kagustuhang mamuno.Pero kumambyo na muna tayo sa usapin na 'yan.Nakakabadtrip lang 'yang usapin na 'yan.Pumunta naman tayo sa mga sundalong nagsakripisyo at namamatay dahil sa mga walang kwentang labanan na 'yan.Nakakalungkot nga lang at nag-aral pa ang mga kapatid nating mga sundalo para mamatay lang sa kapwa nila pilipino.Kung sa akin lang naman, hindi sapat na gawaran na lamang ng "medalya" ang mga nasawi sa bakbakan.Bagamat may benepisyo ang mga pamilyang naiwan, nakakadismaya parin para sa akin.Kaya kung meron kayong makasalubong na mga sundalo (hindi applicable sa mga tarantadong sundalo) respetuhin at saluduhan.Kung kinakailangan hangaan na rin para kumpleto.

Respeto lang naman ang kailangan....

  Ano pa pala ang silbi ng on-going Peace Talks sa mga rebeldeng MILF kung hindi naman sinusunod ng mga ito ang tigil-putukan?Malaking kalapastanganan ang nangyari noong Martes sa Basilan dahil sa pagkamatay ng tinatayang 19 na sundalo ng AFP.Sinundan pa ito ng magkakasunod na pag-atake sa Zamboanga Zibugay na kumitil ng hindi bababa sa 5 sundalo.Ayon sa pinakabagong balita hindi daw ititigil ng pamahalaang Aquino ang Peace Talks dahil sa pangyayaring ito.Kung ako lang naman ang hihingan ng opinyon dito sa usapin na ito, hindi naman kasi nadadaan ang lahat sa hinahon at pagpapakumbaba ang ganitong mga pangyayari dahil sa merong mga buhay ang nawala.Kailangan ng "aksyon" para irespeto ng mga rebeldeng 'yun  ang Peace Talks.Mahirap magbulag-bulagan kung madaming buhay ang nasasakripisyo.Kung tutuusin sila lang din naman ang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang Mindanao.Ang lalaki nilang hangal na sinisisi nila ang gobyerno sa kanilang mga kamalasan sa buhay.

Martes, Oktubre 18, 2011

Dahil sa mga hindi pinag-iisipang mga batas....

   Kaya gumugulo ang bansang ito ay dahil sa mga hindi pinag-iisipang mga batas.Parang tinitingnan na lamang ng mga mambabatas ang aspeto na "mali" kaysa sa "praktikal".Kahit na sabihin nating "mali" ang isang bagay ay hindi basta-basta na lamang tayo magpapanukala ng batas para makontra ang masamang gawain na ito.Hayaan n'yo akong magbigay ng halimbawa.Isang magandang halimbawa ang pagpapanukala ng "Anti-Planking Law" na trip gawing batas ni Rep.Winnie Castelo.Rason ng cute na kongresista na ito ay masyado daw delikado ang pagsasagawa  ng "Planking" o ang pagdapa ng banayad sa isang lugar na trip mo.Eh pano kung gumawa naman ng ibang trip ang mga kabataan?Gagawan ba ulit ng batas?Ang isyu na ito ay hinalintulad ko sa "Stone Age" na kung saan hindi pa masyadong ganap ang pag-iisip ng mga tao at syempre ang mumunting mensahe ko sa kanila.....


Linggo, Oktubre 16, 2011

CHARTER CHANGE?!

   Teka nga muna, ano ba talaga ang mapapala ng taumbayan dito sa CHARTER CHANGE?Minsan nang napagtripan ng dating administrasyon na isulong ito.Ayon sa mga nasagap kong balita kung mapapatupad daw itong trip ng mga kongresista at mga senador, mapapalawig daw ng mga nasa pwesto sa pamahalaan ang kanilang termino ayon sa kanilang gusto.Kung ako lang din naman ang tatanungin ukol dyan, mas maganda kung ipapaalam sa madla kung ano ba talaga ang "CHACHA" nang lubusang maintindihan ang dala nito sa bansa.Ibinase ko ang isyu na ito sa kwento tungkol sa maalamat na lungsod ng Troy .

Biyernes, Oktubre 7, 2011

DAANAN NG KAMALASAN..

   Ang bansa natin ay daan ng mga bagyo.Given na 'yun at hindi na natin mababago 'yan pero pwede naman tayong maghanda.Hindi na sana aabot sa punto na madaming mamatay bago pa umaksyon ang pamahalaan.Hindi naman sa sinisisi ko ang gobyerno kung bakit maraming namamatay taon-taon dahil sa mga bagyo kung hindi dahil sila lang ang may kapangyarihan na gumawa ng malalaking "hakbang" para protektahan ang mga mahihina at 'yung mga walang wala sa buhay.Sana matanto nila na gumawa sila ng malaking investment sa isang proyekto para maiubsan ang pinsala na naidudulot ng mga bagyo.Kung titingnan kasi ang istatistika ng pinsala ng mga bagyo taon-taon pwede na sana 'yung gamitin para gumawa ng isang proyekto na pipigil sa mga bagyo na kumitil ng inosenteng buhay at pagpinsala ng maraming ari-arian.


Linggo, Oktubre 2, 2011

Anime character of the day- MAGNUS (Non-celeb)

   Tulad nga ng sinabi ko nung huli akong nag-post dito sa blog ko, hindi na muna ako magtatampok ng mga paksang pang-politikal kasi may kalamidad pa doon sa hilagang bahagi ng ating bansa.Meron  na akong mga "bala" dito kaso sa susunod na mga araw ko na lamang ipo-post.Nagsasaliksik pa kasi ako doon sa paksa na iyun para walang sablay.
   Pinakikilala ko nga pala sa inyo, siya nga pala si MAGNUS.Lilinawin ko lang hindi s'ya 'yung napapanood n'yo sa IMMORTAL ha kung hindi sariling bersyon ko.Magkatukayo lang 'wag makulet.Isa sa mga "Conquistadores" ng sarili kong komiks.Kung nagtataka kayo kung ano itong tinutukoy ko na "conquistadores" ay isa silang grupo ng malalakas na indibidwal.Equivalent ito sa "13 captains" ng Bleach.Kaso nga lang sampu lang sila.Isa siyang "Alchemist".Basta sa susunod na lang ang ibang detalye busy ako eh.
  

Sabado, Oktubre 1, 2011

Anime character of the day-Maria Fritz (Non-celeb)

   Teka preno muna tayo sa pambabatikos ng mga tiwali at gahaman.Kamalian at katarantaduhan at lumingat saglit dito sa ginawa kong anime character.Na-inspire ako dahil sa nabalitaan ko na ipapalabas na ang ikatlong kabanata ng Shakugan no Shana na nagpaalab ng kagustuhan kong pagbutihin at magpakadalubhasa sa pagguhit.Huling kabanata na ito kaya aabangan ko ito.Kung gusto n'yo talagang malaman kung sino ito, pinapakilala ko sa inyo si Marria Fritz.Isa sa mga "conquistadores" ng binubuo kong komiks.Tungkol sa kaya nyang gawin, ewan undecided pa.Kung ano ang kapangyarihan n'ya undecided pa rin.Pero hayaan nyong bigyan ko kayo ng hint.Magkaugali sila ng bida ng Shakugan no Shana pero may konting lambing-effect.Basta 'wag na mangulet.
  At tsaka nga pala, kung gagawa ako ng isang komiks, iaalay ko ang malilikom na pondo sa pagbebenta nito sa pagtulong sa mga kapatid natin.Kumbaga parang fund-raising.Pagplaplanuhan pa namin ng mga katropa ko dito kung papaano namin isasagawa iyun.

"DAVAO DEATH SQUAD"

  Ang lungsod ng Davao ay isa sa mga pinaka-mauunlad na lungsod dito sa bansa.Taga-Davao ako at pinagmamalaki ko 'yun.Kaso nga lang sa bawat magandang bahagi ng isang bagay o lugar ay meron ding kaakibat na pangit at masamang bahagi.Isa na dito ang extra-judicial killings sa Davao City.Kapag natimbre ka na drug addict ka sa lungsod na 'yan at hindi mo tinitigil ang kalokohang 'yan, binibilang na lang ang araw mo.Dahil sa grupong ito lubos na bumaba ang natatalang kriminalidad sa Davao hindi gaya noon na masyadong talamak ang krimen.At ang masaklap walang ginagawang aksyon ang mga kinauukulan dito.Ang masama pa parang natural na lang sa mga tao dito na meron silang naririnig na pinatay ng mga naka-motosiklong vigilante.Sa aking opinyon, bagaman mali ang ganitong sistema mas nakakabuti ito sa nakakarami.Kung hindi ka drug addict, hindi ka matatakot na barilin o saksakin na lang bigla ng mga vigilanteng iyan.

Note:Hinango ko ang ginuhit ko sa "Shinigami" o "Death God" sa paniniwalang hapon na may halong kanluranin dahil sa maskara.