Nabasa ko lang ito sa isang post minsan. Actually itsinismis lang ito ng katropa sa akin noong minsan akong nagawi sa kanilang tambayan. Nagtataka nga ako eh kung anong pumasok sa utak ng mga lokong 'yun at nagtatalo sila tungkol sa takbo ng pulitika dito sa bansa. Isa sa naging topic nila e tungkol daw sa bagong mining policy dito sa bansa.
Ano ba 'tong bagong E.O. 79 na inilabas ng pamahalaan at bakit maraming mga progresibong grupo na tutol dito?
Ang bagong patakaran sa pagmimina o also known as E.O. 79 ay inilabas ng pamahalaan noong Lunes na naglalayon na taasan ang kasalukuyang royalty tax sa pagmimina ng 2% to 5%. Sa bisa din ng batas na ito, hanggang hindi napapasa ang patakaran na ito eh hindi na muna pahihintulutan ang mga mining firms na magmina sa mga lugar dito sa bansa na angkop na pagminahan hanggat hindi ito napapasa sa kongreso.
Kung susuriin at titingnan ang bawat anggulo ng bagong patakaran na ito eh masasabi nating maganda ang hangarin nito. Isa na dito ang kagustuhan nitong mapataas ang nakukuhang tax galing sa mga minerals na nakukuha ng mga mining firms sa pagmimina. Pero mukhang "kulang" ata sa rekado ang patakaran na ito.
'Yan kasing 5% add na excise tax eh parang kakarampot lang sa mga malalaking mga mining firms dito sa bansa at kung tutuusin kulang pa. Ang pagmimina kasi ay isang napakalaking industriya sa bansa na kumikita ng daan-daang milyon bawat taon. Bukod pa dito eh ang permanenteng pinsala na iniiwan nito sa kalikasan at kabuhayan mismo ng mga tao sa kung saan ginagawa ang pagmimina. Kung titingnang mabuti eh 'yang kakarampot na nakukuhang tax ng gobyerno sa mga mining firms na yan eh kulang pa sa pagsasaayos ng mga pinsala na dulot ng pagmimina. Para na rin silang galit sa mga malalaking mining firms pero joke lang pala.