Second episode ng "Sabwatang Sawndtsek at Sylk" featuring bagong kakosa na si "Totoy Bato".Ang topic na'to ay tungkol sa usapin sa "Anti-Planking Law".Kung ako lang naman ang papapasyahin tungkol dyan sa panukala ni Rep.Winston "Winnie" Castelo, walang kwentang batas 'yan.At walang matinong tao na gustong tawagin sya sa palayaw na "Winnie".Parang nalito ako sa kasarian ng kongresman na yan.Anyway, malaking katarantaduhan 'yan kapag napasa 'yang batas na 'yan.Sa totoo lang mga 'dre, hobby lang yang "Planking" ng mga kakosa natin.Pati ba yang libangan na 'yan ipagbabawal pa?
Sabado, Setyembre 24, 2011
Miyerkules, Setyembre 21, 2011
Dear Hacienda Luisita...
Sa totoo lang mga kakosa, wala talaga akong alam tungkol sa usapin na ito.Pero dahil sa apela ng mga kapwa ko kakosa na itampok ito sa mumunting blog ko kaya kinagat ko na.Ang "Hacienda Lusita" ay isang magandang halimbawa ng malaking pagkakaiba ng mahihirap sa mayayaman sa lipunan natin.Ang mahihirap at ang mga walang kapangyarihan ay parating natatapakan at ang makakapangyarihan na pamilya ang tumatapak sa mga kawawang mga katropa natin.Ang mumunting hiling lang naman ng mga magsasaka na ito na ipamahagi na ang kakarampot na lupa para makapagsimula sila sa kani-kanilang mga buhay.Hindi ko talaga maisip bakit ba humantong na meron pang mamatay para pakialam ng gobyerno ang usapin na ito.Sana naman pagbigyan sila at huwag nang magpakaganid.
NOTE: Wala talaga akong planong itampok ito dahil walang talaga akong planong talakayin ang sensitibong usapin na ito.Ayaw kong magpa-cute na ipagsigawan na ang katarantaduhan ng mga nagmamay-ari ng Hacienda Luisita.Sabihin na lang natin na "mali" ito kaya napag-tripan kong i-post.
"WIKANG BANYAGA SA UTAK-KOLONYAL NA BANSA"
Ang bansa natin ay hitik sa ibat-ibang wika.Hindi na nakakapagtaka ito dahil nga sa pagkawatak-watak ng mga isla sa bayan na ito.Pero natanong n'yo ba sa mga sarili ninyo bakit sa tuwing nakakrining tayo ng mga pilipino na magaling mag-ingles bakit parang ang tingin natin sa taong iyon ay napakatalino niya?Sa bansa na ito isa nang "simbolo" ang wikang ingles sa pagiging matalino.Sa isang bansa na makailang ulit nang sinakop ng mga banyaga hindi na nakakapagtak ang mga ganitong pag-iisip.Tingin kasi ng mga kapatid natin na kapag nakakapag-ingles ka, matalino ka.Kapag nagbi-bisaya ka sa isang lugar na walang gumagamit ng wika na ito, nagpapatawa ka dahil nga sa kakaibang tono ng pananalita kapag ginamit mo ang wikang bisaya.At kung nagta-tagalog ka, parang ang bobo mo at tanga.
Balikan natin ang kasaysayan.Sinakop tayo ng mga kastila ng mahigit 300 taon.Kapag hindi ka nakakapag-espanyol sa mga panahon na iyun, alila ang tingin sayo.Walang kahihinatnan ang buhay mo at kadalasan sasali ka sa pagkakabibo ng mga ninuno ng mga "New People's Army" na KKK na kung saan miyembro ang mga dakilang bayani natin.Ang sumunod ay ang mga hapones at ang huli mga amerikano na magpakasa-hanggang ngayon, hawak parin tayo sa bayag.Sabi nga ni Dr.Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas malansa pa sa mabahong isda".Pero sa panahon na ito, hindi na applicable ang ganitong salawikain.Ang bersyon ng mga pinoy sa panahon na ito, "Ang hindi magmahal sa sariling wika, aasenso sa buhay at hindi magmumukhang tanga".Pero hayan nating tingnan sa malawak na pananaw at aspeto ang usapin na ito.Bakit pal hindi umaasenso ang bansa natin?Hindi dahil sa hindi tayo marunong mag-ingles.Dahil ito sa wala tayong bilib at paniniwala sa sariling wika natin.Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagkakaisa ang magkaka-ibang grupo ay dahil sa wika.Huwag na nating isali ang mga rebeldeng NPA at MILF dahil sadyang malalabong kausap ang mga 'yun.Mahilig magpa-cute at magpapansin.Isa-isip natin sa ating mga sarili na ang ating wika ay isa sa mga susi para umasenso ang bansa natin.
Kaya sa susunod na may magpakabibo na kaibigan mo na mag-iingles, sabihin nang harapan na huwag mag-iingles at ipagmalaki na gamitin ang sariling wika.Murahin kung kinakailangan at kung hindi madala sa santong dasalan, Yayain na lang na manood ng Care Bears o hindi kaya Barney and friends.
"FREQUENTLY ASKED QUESTIONS" tungkol sa akin....
(SA ISANG KARENDERYA MALAPIT SA PALENGKE, ALAS-TRES NG HAPON)
Popoy:: Matanong ko lang bakit "Sylk" ang napili mong palayaw?
Sylk: Teka nga muna sino ka ba?!
Popoy:: Ako nga pala si Popoy da boy wander.Nakaka-agaw pansin kasi ang mga ginuguhit mo sa blog mo eh.Sapul na sapul mo ang mga paksa dito sa lipunan natin.
Sylk: Ano?Sapul na sapul?
Popoy: Oo.Napapansin ko kasi na kadalasan sa mga ginuguhit mo patama lahat sa gobyerno o sa mga masasamang kaugalian ng pinoy.
Sylk: Ehem! Sa totoo lang wala naman talaga akong pinapatamaan.Nabasa ko lang lahat yan sa aklat tungkol sa mga fairy tales.Paborito ko 'yung Handsome and Grated.
Popoy: Ha?! Wala namang ganyan na fairy tale.Niloloko mo lang ata ako eh.Baka Hansel and Gretel.
Sylk: Alin? 'Yung biskwit? Skyflakes paborito ko eh.
Popoy: Teka! Ang gulo mo ha!
Sylk: Gulo ba ako? Hindi naman ha!Tao ako.
Popoy: Grrrrhhh!! Sagutin mo na lang ang tinatanong ko.
Sylk: Saan doon?Tungkol sa Skyflakes?
Popoy:: Hindi! 'Yung tungkol sa mga ginuguhit mo.
Sylk: Ah.Natural.Mas maganda kasi na patamaan mo sila kung saan ka magaling.Ang ibig kong sabihin ay magaling ako sa pagguhit kaya ginagamit ko 'yun para mamulat sila sa katotohanan.
Popoy: Tama ka nga naman.Tungkol naman sa unang tanong.Bakit "Sylk" ang napili mong pangalan?
Sylk: Bakit pala?Pangit bang pakinggan?
Popoy: Sa totoo lang, para kasing pang-babae ang palayaw na napili mo.Chiks ka ba?
Sylk: Gusto mong masapak?
Popoy: Sige nga!!
Sylk: Pasalamat ka may injury ako.
Popoy: Wala ka namang injury!
Sylk: Sa totoo lang kapatid, hinango ko lang ang salitang "Sylk" sa paborito kong kulay.
Popoy: Ha?
Sylk: Silver kasi ang paborito kong kulay.Pinaliit ko na lang sa "Sil" at pinalitan ko ng letrang "Y" ang "I" para astig pakinggan at may artsy-fartsy.Dinagdagan ko na lang ng letrang "K" sa dulo para maguluhan sila sa kasarian ko.Para maintriga sila at mamatay sa panghuhula.
Popoy: Waw! Ang lalim.Teka bakit kulay pilak ang paborito mong kulay?
Sylk: 'Yan kasi ang malapit-lapit na kulay sa itim.Ang advantage nga lang ng kulay silver sa kulay black ay mas madaming titik ang silver sa black.Bukod pa ito sa shiny ang kulay na ito.Basta mahabang kwento.
Popoy: Sabi nila mahilig ka daw sa walnuts at cheesecake?
Sylk: Teka nga muna saan mo ba napupulot 'yang mga tanong na yan?!
Popoy: Seryoso ako.Totoo ba?
Sylk: Next question....
Popoy: Hoy sagutin mo muna.
Sylk: Hmmmm...Pang-mayaman yang mga pagkain na 'yan.Isa lang akong mangguguhit na bisyo ang umibig.
Popoy: Alam mo wala sa pagmumukha mo ang magseseryoso sa buhay.Next question.Mahilig ka daw manood ng Care Bears?Totoo ba 'yun?
Sylk: Paminsan-minsan kung wala talagang magawa pero kadalasan nanonood at adik talaga ako sa "Barney and Friends".
Popoy: Hindi ka ba naaasiwa sa mga pinapanood mo?
Sylk: Ewan.'Yun na kasi ang kinagisnan kong mga palabas.
Popoy: Meron ka bang gustong batiin?
Sylk: Ang nanay mo na nagkamaling isilang ka sa mundo.At tsaka mga kaibigan mo na sobrang supportive sayo.
Popoy: Ano ang talent mo?
Sylk: Kuya Willie kaw ba yan? Aalis na ako.Pinagloloko mo lang ako eh.
Popoy: Sige last na to Sylk.Kung sakali mang gustong magpagawa ng mga dakila mong fans ng mga drawings san ka pwedeng ma-kontak?
Sylk: Mag-send na lang kayo dito sa likhangsiningnisylk@yahoo.com.Hayaan n'yo at pagsisikapan ko na isingit sa skedyul ko ang mga request n'yo.Bisyo ko din kasi ang gumuhit kaya OK lang.Wala yang bayad huwag mag-alala.
Popoy: Salamat sa pagpayag mo na magpa-interview Sylk.Pwedeng pa-kiss?
Sylk: Tara, manood na lang tayo ng Care Bears..
Popoy: DIGS!! Tara!!
Martes, Setyembre 13, 2011
Rason kung bakit hindi umuunlad ang Mindanao...
Tanong ko lang bakit ba hindi umuunlad ang Mindanao?Dahil ba sa mabahong amoy ng durian?Dahil ba sa madaming mga katutubong tao dito?Dahil ba dito nagmula ang pamilyang Ampatuan na notorious sa pag-massacre sa mga katropa natin dito sa Mindanao?
Simple lang naman ang sagot ko d'yan.Opinyon ko lang 'to huwag makulet.Huwag magpakabibo at huwag magprotesta.Dahil lang naman ito sa mga militante nating mga kapatid na CPP-NPA at ang kanilang mga katropa na MILF.Hindi yung "MILF" na napapanood natin sa mga porn site kung hindi yung mga taong nakikipagdigmaan sa gobyerno.Idagdag na rin natin ang mga terorista na Abu Sayyaf para one big happy family sila.Lagi nilang pinagsisigawan na dahil hindi umuunlad ang ating bansa ay dahil sa kurapsyon.Hindi nila napagtanto na sila din naman ang "isa" sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bayan.Kung walang pagkakaisa walang pag-unlad at wala na ding mapapagtripan.Kung gusto nila talagang umunlad ang ating bansa eh isuko na nila ang kanilang mga paputok at kwitis sa gobyerno at magbagong buhay na.Huwag na magpaka-epal.Kahit na siguro ako ay isang negosyante ay hindi din ako maglalaan ng aking pera upang mamuhunan sa isang lugar na purong violence ang alam ng mga tao.
Maiba din ako, natanong ko sa sarili ko kung ako ay isang rebelde ano ang gagawin ko kung kami na ang mamumuno sa pamahalaan?Sana matanong ng mga epal na yan sa kanilang mga sarili ang mga bagay na 'yan.Ang pamamahala ng isang gobyerno ay hindi biro huwag naman tanga.
Madami pa akong dinagdag dyan na mga "rason" kung bakit walang kinahihinatnan ang Mindanao bukod sa mga epal na rebelde.Pakisuri na lang mga kapatid....
NOTE:Lilinawin ko lang, hindi po ako isang loyalista ng gobyerno.Baka sabihin ninyo kinikilingan ko ang ating pamahalaan.Huwag naman mangmang.Opinyon lang yan at para sa akin iyan ang solusyon sa problema ng ating bayan.At tsaka nga pala,tinamad na akong mag-lecture.Bahala na kayong intindihin yan..
Sabado, Setyembre 10, 2011
Dahil ganito tayong mga PINOY.....
Ang salitang "diskriminasyon" ay maiuukol natin sa hindi makatarungang pagtrato sa isang tao base sa kanyang lahi, kasarian, relihiyon, mukha, o kulay ng balat n'ya.Natanong ko sa sarili ko kung ganito ba talaga ang mga pinoy?Kaya napagpasyahan kong ulit na itampok ito sa aking blog.
Meron akong mga "equations" na binuo ko ayon sa pakikihalubilo ko sa iba at panonood ng mga DVDs' at sa mga nababasa kong mga aklat na may kinalaman sa salitang diskriminasyon sa ating bansa.
-MUSLIM=DVD O TERORISTA
-MATABA=BABOY O MATAKAW
-INDIAN=BUMBAY O 5-6
-MAITIM=NEGRO O NETIBO/IGOROT
Marami pa akong mga ginawang "equations" nalimutan ko lang sa bahay.Tanggapin nating mga pinoy na ganito tayo.Mapangmata at magaling mag-stereotyping.Wala akong intensyon na tuligsain ang mga ugaling-pinoy na minana pa natin sa ating mga ninuno.Ang sa akin lang bago tayo gumawa ng ganitong katarantaduhan sa kapwa, tingnan ang sarili sa salamin at tanungin, "Tama ba ang ginagawa ko?".
Ang hatol ko sa ganitong mga gawain ng pinoy :MAKIKITA SA LARAWAN
Biyernes, Setyembre 9, 2011
Ang pambansang Ibon...BOW
Kung ang bansang Estados Unidos ay mayroong "American Bald Eagle" at ang Mexico ay mayroong "Golden Eagle" bilang mga pambansang ibon, meron din tayong "Philippine Eagle" na masasabi kong isa sa mga pinakamatikas at pinakamakapangyarihang ibon sa buong mundo.Idagdag pa natin ang kung anu-anong mga katangian ng ibong ito, "endemic" o dito lang sa bansa natin makikita ang pambihirang ibon na ito.Kaya napagpasyahan kong itampok itong ibon na ito sa mumunting blog ko.
Dumiretso na tayo sa kalagayan ng ibong ito.Nakakatamad mag-discuss ng mala-aklat na kasaysayan ng ibon na ito.Kung Interesado talaga kayo na basahin ang kasaysayan ng ibon na ito na parang nagbabasa ka ng isang nobela pumunta sa website na ito.Tinatayang may mahigit 180 hanggang 500 na Philippine Eagle na lamang ang matatagpuan sa kagubatan idagdag na ang mga nakikita natin sa mga conservation centers sa bansa.Sa totoo lang mga 'dre kaya maliit lang ang bilang ng mga ibon na ito ay dahil sa mahina sila pagdating sa pagsaboy ng kanilang lahi sa kagubatan.Maituturing kasing "faithful" ang mga ito sa kanilang mga asawa at umaabot pa ng 2 taon ang breeding cycle nito.At paminsan-minsa kung minamalas ginagawang pulutan ang mga ito ng mga magigiting na magsasaka.Basta madaming rason huwag makulet.
Sana naman seryosohin ng DENR ang pag-aalaga sa mga ibon na ito.'Wag naman garapal at tumanggap ng "pampadulas".Pambansang ibon ito hindi ito maya o butiki sa bahay na madaling makuha.
"MALANGIS" na problema...
Araw-araw na lang natin napapanood sa ating mga telebisyon ang pagtaas-baba ng mga presyo ng mga produktong petrolyo sa ating merkado.Ang masamang epekto nito ay habang tumataas ang presyo ng krudo ay sumusunod ding tumataas ang ibang bilihin tulad ng gulay ,karne ,manok ,bigas pati na ang load na pang-text natin sa ating mga syota.Nagtataka ako kung bakit sumasabay ang mga ito sa pagtaas eh hindi naman tayo kumakain ng gulay na may halong gasolina o pagsasaing ng bigas na gamit ang diesel bilang panlinis ng bigas.Himutok ng mga butchi ng mga negosyante dahil daw ito sa "transportasyon" sa mga kalakal ng mga pagkain.Tama nga naman sila, hindi naman kasi pwedeng gumamit ka ng kariton sa pagde-deliver ng gulay.Pwede siguro kung malapit lang.Pero paano kung galing ka sa Benguet patungong Maynila gamit lang ang kariton.Malaking hassle 'yan bukod pa sa kakaining oras niyan sa pagbibiyahe.Idagdag pa ang pagka-badtrip sa panahon at kung anu-anong pang mga balakid.Hindi rin pwedeng gumamit ng kalabaw o kabayo dahil parehas lang din ang kinalalabasan nyan.
Higit na naapektuhan sa pambabadtrip ng mga OIL COMPANIES ang mga nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan.Kapansin-pansin kasi ang mas napapadalas na "price increase" ng produktong-petrolyo kaysa sa rollback.Oo nga at meron silang tinatawag na "Bigtime Rollback" pero mantakin niyo naman masyadong "rare" ito dahil minsan lang sa isang buwan ginagawa ng mga OIL COMPANIES ito.
Kaya napagpasyahan kong magbigay ng ilang mga suhestiyon para malunasan ang problemang ito.Huwag mag-alala suhestiyon lang ito base sa maigi kong paghahalukay-ube sa mga aklat at mga websites at pati narin sa aking pananaw ukol dito.
1.Simulan natin sa usapin tungkol sa Spratlys Islands.Nagtataka ba kayo kung bakit pinag-aagawan ng ibat- ibang bansa sa timog-silangan Asya ang maliit na tumpok ng mga isla na ito?Simple lang naman ang sagot dyan.Dahil ito sa nadiskubreng vast oil reserves sa nasabing isla.Tinatayang may 17.7 billion tons (1.60 × 1010 kg) oil reserves dito pang-apat sa pinakamalaking oil reserves sa buong mundo.Sa totoo lang ang bansang Tsina lang naman ang maituturing natin na malaking balakid upang maangkin ang mga nasabing isla.Sa aking pananaw imbes na magdeklara ng digmaan sa mga bansang umaangkin sa Spratlys Island ay dapat magkaroon na lang sila ng "JOINT PROJECT" upang linangin ang natatagong yaman ng isla.Sa hatian naman sabihin na lang nating 50/50 para walang bias.Sa Tsina lang applicable ang nasabing suhestiyon 'wag na isali ang iba.
2. Mag-invest ang ating gobyerno na palitan ang mga makina ng ating mga pampublikong sasakyan.Pwede din naman na gamitan natin ng elektrisidad bilang alternatibong pinagkukunang lakas para mapatakbo ang mga sasakyan.Kaso nga lang sa hakbang na ito gagasta talaga ng malaki-laking halaga ang gobyerno pero bawi din naman maghintay lang.
3.Pwede ding gumawa na lamang ang gobyerno ng madaming MRT at LRT sa buong bansa.Ibaklas na lahat ng kalsada at palitan lahat ng riles ng tren.Masosolusyunan na ang problema sa gas, mababawasan pa ang mga kolorum sa lansangan.
4.Kunin ang 12% VAT sa mga produktong petrolyo.Kaso nga lang higit na matatamaan ang kaban ng bayan sa hakbang na ito dahil mabaawasan ang nakukurakot este nakokolektang buwis.
5.Maglakad na lang at gamitin ang bisekleta bilang transportasyon.Makaka-exercise ka na wala pang polusyon.
Oh ayan ha iyan ang ilang mga suhestiyon ko upang masolusyunan ang lumalalang problema natin sa krudo.'Yung iba trip lang at yun naman iba pinaglaanan ko talaga ng effort.Wag tanga suhestyon lang yan..
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)