Miyerkules, Hunyo 29, 2011

"Anime character of the day - Uzumaki Naruto/Monkey D' Luffy (Celebrity)"

  Hayaan n'yo akong mag-post ng mga gawa ko na mismong nirequest ng mga esprens ko sa facebook.Alam kong pamilyar kayo sa dalawang anime character na mga iyan.Iyang nasa kanan ay ang bida sa anime na One Piece na si Monkey D' Luffy at yan namang nasa kaliwa ay si Uzumaki Naruto ng Naruto Shippuden.Yan namang nasa gitna ay 'yung taong nag-request ng drawing na 'yan gamit ang drawing-style ng Bleach.Plano ko sanang iguhit si Ichigo Kurosaki na naka-hollow form kaso nga lang dahil sa binadtrip ako ng mga negative shits sa paligid ko,iginuhit ko na lang ang nag-request n'yan.

Lunes, Hunyo 27, 2011

"Anime character of the day-Zeneth (Non-celeb)"

    
     Lilinawin ko lang mga kapatid, hindi to anime character sa isang anime series o kung anu man kung hindi isang tauhan ng aking gagawin na komiks.Parang hawig to sa isang hollow-form na Shinigami ng anime na BLEACH.Hayaan n'yong ipakilala ko s'ya sa inyo.S'ya pala si Zeneth."Under construction" pa ang manga character na yan sa komiks ko kaya wala pa akong magandang masasabi sa kanya eh.Later ko na lang sasabihin sa inyo kung babadtripin/pipilitin n'yo akong   sabihin kung anong istorya ng mama na ito.

"Importante ba ang TRUST RATINGS?"

     Binabandera ng mga TV networks na pumangalawa lang ang ating pangulong malupit sa chicks na si Presidente Aquino.Syempre nanguna na naman ang kanyang bise na si Jejomar Binay.'Wag na kayong   magtaka kung ganito ang lumabas na ratings ng ating pangulo at 'wag na rin kayong magtaka bakit nanguna tong si Binay.Wala naman akong pakialam sa Trust Ratings na yan eh.Pampagulo lang yan at nagdudulot ng kung anu-anong kabadtripan sa taumbayan.Teka nga pala,aanhin ba yang Trust Rating na yan kung madaming nagugutom?Aanhin ba yan kung wala ka pang nagagawang isang proyekto sa pakikinabangan ng mga manggagawang pilipino na naghihirap dahil sa paghahanap ng pangulo ng "SOUL MATE" shit na 'yan?

Pwedeng bumati? Binabati ko nga pala si Congress Danilo Suarez ng Quezon.Hanga ako sa kanya dahil magaling magpalusot at mangumbinse sa isang interview sa TV.At tsaka nga pala, s'ya lang naman ang nanlibre kay PGMA and friends habang nasa New York 'tong mga !@#$^&! 'to.Mura lang naman eh, aabutin lang naman ng $15,000 lahat-lahat.OK lang naman manlibre basta hindi galing sa sariling bulsa ang pera.

Linggo, Hunyo 26, 2011

"Panayam sa isang security guard ng University of Southeastern Philippines tungkol sa UNIFORM POLICY"

 
     Sa isang banda, masama ang english ng security guard na ito.Iyon ang katotohanan at hindi naman talaga kailangan na magpa-english-english eh.Nagsasayang lang s'ya ng laway at panahon ng kakaisip kung anong english word ang susunod na ilalabas niya sa kanyang bunganga.Gayunpaman, lahat ng lumalabas sa kanyang bunganga ay totoo at purong katotohanan sa mga nag-aaral sa University of Southeastern Philippines.OK lang naman hindi muna ipatupad ang UNIFORM POLICY basta 'wag lang magdulot ng kung anu-anong kabadtripan sa front gate o back gate o kung anong gate man yan na binabantayan ng mga sekyu na ito.

"Anime character of the day- Pein (NARUTO)"

    Kung mahilig kayo magbasa ng manga at manood ng Hentai este Anime na NARUTO eh alam kong pamilyar kayo sa anime character na ito.Siya nga pala si Pain (Nagato) na pangunahing kalaban sa anime na tinutukoy ko.At tsaka nga pala, sya pala ang pinuno ng pinakamalakas at nakakabadtrip na grupo sa Naruto Universe dahil sa kanilang mga whatta-moves at kanilang mga shit.Mahilig din mangulekta tong mama na'to ng mga pet na madaming buntot na tinatawag na "Bijuu".Saludo ako sa kanya dahil hindi nagpapahuli ng buhay at nanaising mamatay para maiwasan ang kanyang mga kasalanan kaya napagpasyahan kong iguhit s'ya.

NOTE: Hindi ko kinuha ang larawan na iyan kung saan-saan.Ginuhit ko yan mismo.    

Biyernes, Hunyo 24, 2011

"Anime character of the day- Angel (Non-celeb)"

      Hindi naman talaga ito isang anime character.Pampa-dagdag lang ng intro para dumami ang babasahin n'yo at para mabadtrip yung mga taong hate na hate ang pagbabasa.Teka nga pala,siya pala si "ANGEL".Isa s'ya sa mga tauhan ng gagawin ko na "Manga-inspired" na komiks (wala talaga akong planong tapusin ang komiks na 'yun kasi nga parati akong busy at sumusulyap-sulyap na mag-renta ng PC sa malapit na internet shop).At tsaka muntik ko nang makalimutan, hinango ko ang drawing na ito sa isang babae.Totoong babae at hindi katang-isip shit ko o kung sino man.Kung gusto n'yong makilala ang tinutukoy kong babae,i-click lang dito.

"KRAB MENTALITY"

     Minsan na ba kayong napagtripan ng kapwa n'yo officemates o katrabaho na pagchismisan o siraan kayo habang kayo'y nakatalikod?Naranasan n'yo na bang  mawalan kayo ng trabaho dahil sa mga chismoso/chismosang mga kasama mo?Isa ito sa mga pinakamasaklap at pinakanakaka-badtrip na ugaling pinoy na ilang dekada nang tumitipa sa mga taong focus na focus sa kani-kanilang mga gawain.Ewan kung saan nanggaling ang salitang "KRAB MENTALITY" na'to at kung sinong henyo ang naka-imbento ng salitang shit na ito.Wala na kong pake sa history ng salitang ito dehins din kasi makakatulong ito.Hindi naman kasi kailangan na manira ng tao para lang umangat ang estado ng buhay ng isang tao eh.Kailangan lang naman ng secret ingedients na "TIYAGA" at dagdagan na rin ng "SIPAG" para mapansin ka ng nakakataas sa'yo o ng manager mo o supervisor o kung sinu-sino mang taong magbibigay ng opportunity sa'yo.Kung trip na trip n'yo pa talagang sumarap ang timpla ng buhay n'yo, humithit lang ng isang pack ng vetsin para tumaas I.Q. n'yo o mag-DOTA na lang kayo..
     Basta pakisilip na lang yang larawan na ginuhit ko at mag-iwan ng mensahe.Paki-intindi na lang ang mensahe ng larawan na yan at gudluck.

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

Anime character of the day-Gin Ichimaru (BLEACH)


  At dahil ilang araw akong hindi nag-post dahil sa makailang pambabadtrip sakin ng aking mga katrabaho, babawi ako ngayon.Pamilyar ba kayo sa anime character na ito? Hulaan nyo.Sige na nga 'wag na lang baka makaihi  lang kayo at sisihin nyo pa ako bat nangyari yan sa inyo.Si Gin Ichimaru ito ng Bleach.Kung nagbabasa kayo ng Ecchi na Manga este Shounen na Manga eh alam nyo kung sino ito.Maaring hindi sila magkahawig pero ito  lang ang nagawa ko at wala na kayong pakialam.Take note likhang kamay ko lamang iyan at hindi ko ginaya kung saan man yang porn site na alam nyo.Pinagana ko lamang ang imahinasyon ko na hinubog ng makailang pambabadtrip ng mga esprens ko...

Ang mga pinoy nga naman...



   Hindi ako magaling magkwento kaya sa isang "EDITORIAL CARTOON" ko na lamang idadaan ang nasa sa loob ko.Hindi ko talaga mawari bakit ba talaga ang tigas ng ulo ng mga pinoy.Simpleng mga pang-unawa lang eh  hindi parin sinusunod.Isang halimbawa na ang nasa itaas.Mapapansin naman ninyo na meron nang nakalagay na "BAWAL UMIHI" sa pader pero doon parin talaga umihi sa bawal na lugar.
    Makailang beses ko na yang nasaksihan ang mga pangyayaring ganyan at aminado ako na paminsan-minsan kapag wala ka talagang choice doon  ko na lamang binabaling ang aking atensyon at  hinanakit ng aking pantog sa kawawang pader.Sorry na lang sa may-ari ng pader o bakuran o kung anu man yang madalas pagtripan ng ating mga kababayan na iihian.Isang halimbawa lang yan at madami pa kaso hindi nga ako pala-kwento ano ba kayo.
   Sana naman kung gusto natin ng pagbabago sa ating bayang makailang hinawakan na ng mga  banyaga sa bayag, simulan muna natin sa ating mga sarili at hindi sa kung anu-anong mga shit.

Biyernes, Hunyo 17, 2011

"Lahat tayo'y saksi (LeBron James na bersyon)"


Kamakailan lang ay nasaksihan ng dalawa nating mga dilat,galit at namumulang mga mata habang kumakain tayo ng pandesal at umiinom ng kape ang pagkatalo ng Miami Heat at pagkabigo na masungkit ang inaasam na magkampeon sa NBA.Kasabay nito ang pagkabigo din ng isa sa mga pinakasikat na manlalaro ng basketball sa NBA na si LeBron James.Kamakailan lang ay inulan ng sandamukal na pang-eepal at pambabatikos itong si pareng James dahil sa pagkabigo na ito at hindi ko mawari bakit sa kanya sinisisi ang pagkatalo an iyun eh isang team sila na binubuo ng sampu o higit pang mga manlalaro.Hindi ko talaga lubos maisip bakit ba kinaiinisan nila 'tong  player na ito.Dahil ba sa paglipat nito sa Miami Heat na maituturing na pagtratraydor sa mga die-hard fans ng Cleveland Cavaliers?Ang babaw ng rason at mga isip bata tong mga taong ito.Kahit na nabigo si pareng LeBron sa kanyang pangarap,saludo ako sayo at asahan mo babadtripin ko lahat ng sisira sa pangalan mo.Sa lahat ng mga haters ni LeBron James, MIDDLE FINGER UP para sa inyo mga kapatid!

Miyerkules, Hunyo 15, 2011

"Taon-taon na sinasagupa ng mga taga-USEP"

Isa ito sa mga masasalimuot na pinagdadaanan ng mga taga-University of the Southeastern Philippines.Sana naman gawan n'yo ito ng paraan para hindi na maulit ito taon-taon.

"Isang short-comics ng panliligaw"



Ginawa ko 'tong kalokohan na ito dalawang taon na ang nakakaraan.Kung trip nyo naman na magpagawa ng ganitong komiko,magpadala lang ng liham at i-click lang dito.