Biyernes, Pebrero 3, 2012

Obserbasyon

  Hindi talaga malinaw kung saan mapupunta ang nangyayaring Impeachment sa Senado.Para kasing ang labong kausap ng mga abugado at mga sitting 'pretty members' ng Prosecution Team.Nagmumukha silang mga walang alam sa kada-session na ginagawa sa Senado.Sa huling panonood ko ng balita, sinabon sila at pinagalitan dahil sa mali at hindi accurate na pagbibigay ng ebidensya na tungkol sa 'hidden wealth' si Chief Justice Corona.Sabihin na nating meron talagang tinatagong baul ng kayamanan 'yang si Corona pero wala din naman silbi kung hindi naman ma-explain ng maayos ng Prosecution Team ang pinagmulan.
  Ang obserbasyon ko lang naman sa nangyayaring Impeachment ngayon sa Senado, lumalabas na halatang 'minadali' ng mga haters ni Arroyo ang paghahain ng mga akusasyon kay Corona na dumadating sa punto na nagmumukha silang ewan.Simula sa pagpapasa, pagpapapirma para ma-impeach 'yung mama, pagtatalo na nangyayari sa Kamara hanggang sa makarating ito sa Senado, halatang hindi pa 'luto' ang inihain nila.Parang naglalaro sa isipan ko ang aspeto na pinapasama lang nila ang iniingatang "image" ni Corona (kung meron man) na matagal n'yang pinaghirapan.
  Saludo ako sa Defense Team dahil masyado silang maingat sa paglalabas ng impormasyon tungkol sa Impeachment Trial at sa bawat hakbang na ginagawa nila eh pinag-aaralan talaga.Ang Impeachment trial naman talaga eh labasan ng baho sa lahat ng ginawang katarantaduhan ng nasasakdal at syempre pagalingan din ng mga palusot kung guilty man.Para naman sa Prosecution Team, 'wag dumaldal ng dumaldal ng kung anu-anong mga kabalbalan o tsismis sa madla.May MEDIA na magaling mag-translate kung ano ba talaga ang nangyayari na 'friendly sa mga viewers.Bias masyado ang Prosecution.Parang pinalalabas nila na ang sama-sama talaga ni Corona eh joke lang pala.

Biyernes, Enero 27, 2012

Mga pagkakataon....

  Ito 'yung mga pagkakataon na masarap pagtripan ang mga taong may malalim na pananampalataya sa itaas.Hindi sa kisame 'wag tanga.'Yung mga pagkakataon na masusubok kung hanggang saan ang kanilang nalalaman sa itaas.Sinabing hindi kisame 'wag tanga.Saludo ako sa'yo idol Lourd De Veyra!

"NASAAN KA JOVITO?!"

 
  Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang makipagtaguan.Paminsan-minsan eh nakaka-badtrip na at umaabot sa punto na nagkwekwentuhan na kayo ng mga bagay na imposibleng mangyari sa totoong buhay tulad bakit kalbo si P-Noy o totoo ba ang mga unicorns o bakit nakipag-break up si KC Concepcion kay Papa Piolo?Basta magulo lalo na kung matanda ka na at feeling bagets ka parin at nakikipaglaro sa mga pamangkin mo na nanonood pa ng Barney and friends o Dora the Explorer.OK lang sana kung chicks(hindi 'yung sisiw 'wag tanga) ang taya.Oo na ititigil ko na 'tong magulong intro ko.
  Napabalita kamakailan lang na pinaghahanap daw ang isang retired army general dahil sa mga akusasyon na kinidnap daw n'ya 'yung dalawang babaeng cute na aktibista na nag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas.Hindi naman talaga 'yun akusasyon kung hindi pormal na pag-aresto na inilabas ng Kagawaran ng Hustisya mismo laban sa kanya.Nahalal din siya bilang representative ng isang partylist sa Pilipinas.Minsan na din siyang pinuri ng dating Pangulong Arroyo dahil sa kanyang pakikibaka laban sa mga rebeldeng gustong isulong ang komunismo sa bansa.Isa pang clue? Wala na kayong maisip? Suko na ba kayo? Sige na nga at dahil maawain ako sasabihin ko na sa inyo kung sino siya.Talaga bang wala na kayong maisip? Walang iba kung hindi si Jovito Palparan Jr. Tinagurian siyang "Berdugo" dahil sa mga akusasyon sa kanya na siya ang pasimuno ng manaka-nakang pagkawala ng mga aktibista na kalaban ng gobyerno.
  Marami akong artikulo na nabasa sa paggala ko sa internet na noong mga panahon na nanunungkulan pa siya bilang isang heneral ng AFP eh maraming naitalang manaka-nakang pagkawala ng mga aktibista at mga taong sabihin na lang natin eh mga "Nice People Around" na kung saan siya naka-aasign na lugar lalo na sa Mindoro at Samar.Milagro niyang napababa ang problema ng pagrerebelde sa mga nasabing lugar ng mahigit sa 80 percent at siniguro pa n'ya na kung magtatagal pa siya sa serbisyo eh baka tuluyan na niyang ubusin ang mga rebeldeng nagtatangka na baguhin ang sistema ng pamahalaan..Naisip n'yo 'yun? Wala pang heneral na nangkulan sa AFP na nakagawa ng ganyang accomplishments sa tanang buhay nila.Dahil sa kanyang pinagpalang pamamaraan na galing sa mga anito sa kabundukan pinuri siya ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang SONA noong 2006.Natigil lang itong happy moments n'ya na ito nang napagpasyahan niyang mag-resign sa ika-56th birthday niya.Natigil man ang bloody adventures ni pareng Jovito may bumulong ata sa kanya na bakit hindi kaya tumakbo siya bilang isang representative ng isang Partylist.At dahil sa mala-tukong kapit ni Jovito kay Aleng Gloria eh hindi nga siya nabigo pero hindi na siya ulit nahalal dahil sa paninira sh*ts laban sa kanya.At ang huling balita sa kanya eh pinaghahanap na s'ya ng batas.
   Talagang nakakapagtaka at nakakapangduda ang ginamit n'yang pamamaraan para masupil ang mga rebeldeng komunista at mga kalaban ng gobyerno.Maraming nagsabing ginamit n'ya ang superpowers ng kanyang mga ninuno at anito.Marami ding kwento-kwento na meron daw malaking nunal sa pwet si pareng Jovito kaya masyado syang swerte sa lahat ng larangan na gusto niyang pasukan.Meron ding nagsabi na dahil daw 'yun sa malalim n'yang paniniwala sa diyos.Pero kung literal at realidad na aspeto mismo ang titingnan eh papasok talaga sa isipan mo ang mga bagay na tumatapak sa karapatang-pantao tulad ng pag-torture o paggamit ng dahas.Kung ako lang naman ang tatanungin eh isa lang siyang halimbawa ng isang taong may paniniwala bagamat baluktot eh siyang nakitang sulosyon para mapigil ang mga makakaliwa.Hindi sa pinapanigan ko ang tao na ito o kung ano pa man pero humahanga ako hindi dahil sa kanyang katarantaduhan kung hindi ang paniniwala n'ya mismo.Paniniwala na kinakailangan na masupil ang "masama" para makamit ang kapayapaan.Tulad nga ng mga nauna ko nang mga kwento sa inyo, mas maiging magsaliksik kayo kung ano ba talaga ang history ng taong nasa "limelight" o sa isyu.Ang nakakainis lang eh masyado tayong mapanghusga base sa ano ang naririnig o nakikita natin at ang masaklap pa eh mas binibigyan pa natin ng malaking importansya ang tsismis o mga kwento-kwento kaysa sa kung ano ang katotohanan.Hindi ko kayo pinapagalitan.Baka magdamdam kayo mga pepz at baka ayaw n'yo nang basahin ang mga susunod kong mga artikulo lalong lalo na 'yung mga kakosa kong pinapanigan ang mga makakaliwa.Pero kung may kasalanan talaga ang taong ito eh dapat n'ya itong harapin.Ika nga sa isang kasabihan, "face your fears, live your dreams".Eh ang nakikita ko lang na fear ng taong ito eh ang harapin ang mga pagkakautang n'ya.Hindi utang-pera 'wag tanga.Utang-buhay ang ibig kong sabihin.Oo alam kong magdo-DOTA pa kayo o mag-u-update ng Facebook kaya hanggang dito na lang muna.Hanggang sa uulitin! Paalam! 

Miyerkules, Enero 25, 2012

"DAVAO REGIONAL STATE UNIVERSITY SYSTEM"

   

  Kamakailan lang eh pumutok na naman ang haka-haka at kwentong mala-fairy tales na pagsasanibin daw ang apat na state universities at state colleges na kilalang-kilala dito sa Davao del Sur.Noong una parang wala lang sa akin 'tong balita na ito kasi nga wala talagang direktang impact ito sa buhay ko pero noong nalaman ko na kasali daw ang aking pinapasukan na pamantasan na UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINES eh parang naging curious ako bigla kung ano ba talaga 'tong batas na ito.Maraming tanong ang agad na pumasok sa isipan ko at pati na rin sa mga kakilala ko kung ano ba ang mga posibleng mangyari kung maisabatas ito.Hayaan n'yo akong magkwento ala Lola Basyang kung ano ang batas na ito nang maliwanagan kayo konti...
  Ang DAVAO REGIONAL STATE UNIVERSITY SYSTEM o kung tamad ka eh simply  "DRSUS" eh isang batas na pinanday para pag-isahin ang apat na pamantasan at kolehiyo na matatagpuan dito sa Davao Del Sur na kung saan kasali ang pinapasukan kong pamantasan na University of Southeastern Philippines.Napapansin kasi ng CHED na habang tumataas o dumadami ang kolehiyo at pamantasan dito sa Pilipinas eh bumababa  ang kalidad at antas ng edukasyon na itinuturo ng mga ito.Layunin din ng batas na ito na paliitin ang bilang ng state colleges at universities hanggang 10 percent bilang bahagi ng kanilang mahabaang estratehiya para tumaas ulit ang kalidad ng edukasyon dito sa Pilipinas.Matagal na itong napag-usapan at napagkasunduan ng mga heads ng mga nasabing pamantasan at kolehiyo na involved sa plano at noong 2008 eh nag-commit na sila ng kanilang pangako na makikipagtulungan sila sa CHED and friends para maisagawa ito at lilinawin ko lang, i-prinopose ito mismo ng CHED ilang taon na ng nakakaraan. Hindi ko talaga lubos na maiisip bakit ngayon lang sumulpot ang mga protesta na at mga hate sh*ts laban sa planong ito.Kung babasahin mo ang nilalaman ng batas at ang mga napapaloob dito eh maganda naman pala ang layunin nito.Masasabi nating isa ito sa "sagot" para malutas ang mababaw na kalidad ng edukasyon sa bansa.
   Maraming tutol sa batas na ito at kasali na dito ang mga mag-aaral ng University of Southeastern Philippines.Maraming mga protesta na nagsulputan bigla na huwag na daw isabatas ito.Isa sa mga rason nila eh bakit nga naman makikipagsanib-pwersa ang University of Southeastern Philippines sa ibang tatlong kolehiyo eh ang taas daw ng kalidad ng edukasyon nila.Marami ng surveys at mga kwento-kwento na napatunayan na isa nga ang USEP sa pinakamataas kung pagbabasehan ang kalidad at itinuturo nito.Bakit hindi kaya natin gamitin ang dahilan na ito para matulungan ang ibang colleges para mapataas din ang kanilang pagtuturo at kalidad?Noong una at huli eh wala naman talagang intensyon ang batas na ito para kunin ang tinatamasang karangalan ng USEP bilang isa sa mga pinakamagaling na pamantasan sa bansa.Ayaw kong magmarunong pero nagka-ideya na ba kayo kung ano ang mangyayari kung lahat tayo eh nagtutulungan para makamit ang isang layunin para sa ikakabuti ng lahat? Parehas lang din 'yan sa eleksyon.Kaya natin binoboto ang isang pulitiko dahil naniniwala tayong siya ang tutupad sa ating mga minimithing mangyari sa bayan natin.Hindi na baleng mawala ang dinadalang karangalan natin na tayo ay nag-aral sa USEP basta matulungan din natin ang ibang kolehiyo na mapataas ang antas ng kanilang edukasyon.Wala akong pakialam kung tinatake advantage nila ang ating mga resources o hindi basta natulungan natin sila at 'yun naman ang importante.Masarap kaya ang feeling na  tumulong ka sa kapwa at sure na sure pa akong mapupunta kayo sa heaven pwera na lang kung gumawa ka ng kalokohan sa kapwa.Hindi ito kwentuhan ng mga lasenggo kung hindi tungkol sa layunin mismo ng batas.Hindi ako die-hard supporter ng batas na ito at lilinawin ko lang hindi ako naniniwalang merong unicorns o wala pero naniniwala ako na sa kailalim-laliman ng singit n'yo este puso n'yo eh gusto n'yo ring tumulong sa kapwa.Huwag nang maniwala sa mga haka-haka na pinupulitika lang daw ang batas na ito.Mas mabuting magsaliksik kayo at ng makita ninyo kung ano ang katotohanan (hindi totoo ang mga unicorns).
  Kung nagtataka kayo sa drawing sa taas eh wala talagang kinalaman 'yan sa pinag-uusapan natin.Kung hahayaan ninyong mauto kayo ng maling paniniwala at haka-haka eh baka magiging magkamukha na kayo ng drinowing ko sa taas.Sige kayo....

Huwebes, Enero 19, 2012

"BREASTFEED MAN"!

   
  Simula ng lumabas tayo o isinilang sa mundo na ito, ang unang pinapagawa ng ating mga magulang sa atin kahit hindi natin namamalayan kung anong nangyayari sa paligid  ang dumede sa ating mga ina o sa ingles pa eh ang pag-"breasfeeding".Paalala ko lang hindi kasali ang mga nagkukunwaring sanggol edad 18 pataas.Nagsisilbi itong paunang pagkain para sa mga sanggol.Hindi pa kasi pwedeng kumain ng matitigas na pagkain ang mga sanggol kaya swak na swak ito para sa kanila.Ayon sa mga pag-aaral, maraming benefits ang mapapala ng sanggol kapag dumede s'ya sa kanyang nanay.Isa na dito eh ang malakas na immunity sa mga sakit na kinalaunan magiging isang malaking parte ng kanyang paglaki.Bababa din ang tyansa ng sanggol na magka-impeksyon, magkasakit ng diabetes at pagkakaroon ng abnormalidad na tinatawag na "obesity" kaya meron na kayong ideya kung bakit maraming nagkaka-diabetes o matatabang bata sa panahon ito maliban na lang kung abusado talaga sa katawan ang mga tinamaan ng sakit na 'yan.Sinasabi din nilang nakakapagpatalino ang pag-dede sa mga nanay habang sanggol pa.
  Kung inaakala ninyong ang mga babies lang ang maraming napapala sa pagsipsip sa gatas ng kanilang ina, nagkakamali kayo.Syempre meron ding mga benefits ang pagpapadede ng mga nanay sa mga sanggol (inuulit ko hindi kasali ang "feeling babies" 18 pataas) at isa na dito ang lower risk na magkaroon ng sakit sa puso.Nakakapagpababa din ng tyansa na madapuan ng breast cancer, ovarian cancer at endometrial cancer at kung anu-ano pang mga cancer sh*ts ang mga lactating mothers.Kaya sa mga tinamad na mga nanay na ayaw padedehen ang kanilang mga sanggol, mag-isip-isip kayo kung gusto n'yo pang magtagal sa mundong ito.Basta ang bottomline, maraming mapapala kapag dumede o magpapadede ang mga nanay sa kanilang mga sanggol.
  Simple lang naman ang punto ng post na ito, na sana ang mga nanay eh magkaroon ng konting konsensya na padedehin ang kanilang mga anak na sanggol pa lamang.Napapansin ko kasi sa panahon na ito eh parang hindi na uso sa mga nanay ang mag-lactate para sa kanilang mga babies dahil maraming mga alternatibong gatas na pwedeng pamalit sa kanilang sariling gatas (maliban na lang kung mahirap ka at hindi mo kayang bumili ng sinasabi kong "alternatibong gatas").Kung makikita lang ng mga nanay ang magandang epekto ng pagbre-breastfeed sa kanilang anak eh sigurado akong baka sila pa mismo ang magrekomenda sa kanilang mga asawa na magkaroon sila ng bagong anak para padedehin nila ito.Tungkol naman sa cartoon sa taas, kalimutan n'yo na lang 'yan.Oo alam kong parang ang weirdo ng cartoon sa taas dahil bakit ba merong "boobs" ang lalaking may kapa eh lalaki naman sya? Bakit may kalbo sa drawing? Bakit ang saya ng mga tao na nasa paligid ni BREASTFEED MAN? Dahil ba sa kanyang boobs o dahil sa kanyang shiny na costume? Basta 'wag nang madaming tanong.Huwag nang mangulit ng mangulit...

Martes, Enero 10, 2012

"ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES"!


  Kamakailan lang ay pinalabas na ng Department of Tourism ang kanilang bagong logo at slogan para sa taon na ito para mapalago pa at maakit ang mga dayuhan na pumunta dito sa Pilipinas.Importante sa turismo ng isang bansa ang kanilang slogan dahil sa pamamaraan na ito eh madaling matandaan ng mga turista ang partikular na bansa.Kaya importante na dapat "unique" at "original" ang slogan.Hindi 'yung tipong ginaya lang at pinaglumaan ng ibang bansa.
  Pumutok na naman ang kontrobersya na ginaya na naman daw ng Department of Tourism ang slogan na ito at sa pagkakataon na ito ayon sa kasalukuyang namumuno ng DOT eh "coincidence" lang daw ito.Ayon sa mga tsismis-tsismis eh ginaya daw nila ang pinaglumaang brip (slogan) ng bansang Switzerland na "ITS MORE FUN IN THE SWITZERLAND" na pinutok noong 1951.Hindi ko nga matanto kung nagkataon lang ba ito o ginaya talaga.Kung ginaya man ang slogan na 'yan eh ang lupet pala ng mga researchers ng DOT para manghalukay ng mga gamit na slogans ng ibang bansa.Lumabas na din ang ganitong mga paratang noong nakaraang taon na nanggaya daw sila pero noon eh hindi 'yung slogan ang ginaya kung hindi 'yung logo mismo.Ang masaklap pa eh umabot pa sa punto na nag-resign na ang DOT secretary na in-charge sa panahon na 'yun dahil sa kagaguhan ng mga kritiko.Teka matanong ko lang, ano ba talaga ang impact kung nanggaya ka ng isang bagay para lang ma-promote ang layunin ninyo para sa nakakarami? Hindi naman importante kung ginaya man 'yan o hindi basta mapapalago at maaakit ang mga turista na pumunta dito sa ating bansa.Masamang manggaya? Oo masama nga at aminado naman ako doon. Kahit na nga ako mismo eh gumagaya ng estilo ng ibang artist na mas magaling pa sa aking gumuhit pero alam n'yo anong ikinaganda noon? Noong mga panahon na ginagaya ko pa ang mga estilo ng iba eh 'yun 'yung ang mga panahon na nagsisimula pa lang akong linangin ang kakayahan kong gumuhit. Para sa akin,  ang gumaya eh "stepping stone" lang para gumaling pa ako lalo hanggang dumating na ang panahon na madiskubre ko ang sarili kong estilo na matatawag kong sa akin lamang.Napahaba ata ang pangle-lecture ko pero applicable lang 'yan kung ginaya nga ng Department of Tourism ang slogan.Kung hindi congrats (share ko lang ang experience ko).
  Naging topic din ang bagong slogan ng Department of Tourism sa kagaguhan ng mga taong walang magawa sa buhay sa social networking site.Kung ako lang ang hihingan ng opinyon tungkol sa mga nakikita ko at nababasa  sa Facebook(Facebook lang kasi ang kadalasan kong ginagamit na site), lahat kagaguhan at katangahan.Sabihin n'yo nang masyado akong marahas sa mga pinagsasabi ko pero totoo lahat ang sinasabi ko.Ni minsan wala pa akong nakitang post na "positibo" tungkol sa bagong slogan ng Department of Tourism lahat panggagago at kawalang-hiyaan.Ganito ba talaga kagago at katanga ang mga pinoy para ang bagong slogan ng Department of Tourism eh pagtritripan? Ganyan ba katanga ang mga pinoy na imbes suportahan ang bagong slogan para sa ikabubuti ng nakakarami eh hinihila pa natin ito pababa? Ganyan na ba tayo kagago na lahat na lang bagay na may magandang hangarin eh ita-tag natin sa masama at pangit na anggulo ng ating bansa?Ang layunin lang naman ng slogan na 'yan eh ma-promote ang turismo ng bansa kaya wala tayong dahilan para batikusin ng batikusin ang DOT. Wala namang international law na nagbabawal na gumaya ng slogan ng ibang bansa at isa pa 60 years ago na pinaglumaan ng Switzerland 'yan(kung ginaya man).Oo ang katotohanan ay masakit pero mag-isip bago gumawa ng katangahan.Ginagamit ang slogan para mag-promote hindi para magkalat ng katangahan sa internet. Kung walang utak, 'wag magpromote ng katangahan sa kapwa tanga dahil nanganganak 'yan sige kayo....

NOTE: Wala na munang Editorial Cartoon na tribute sa post na ito.Busy pa ako masyado at meron pang inaasikasong mga mahahalagang bagay (pero nakakapag-internet ng mahigit limang oras araw-araw).Hayaan n'yo at ipo-post ko din ito agad-agad sa blog na ito pero recap na lang kung meron bang improvement sa mga post sa mga blogs at sites.Sana sa susunod na post ko eh may magandang balita tungkol sa slogan na 'yan para everybody hapi!

Linggo, Enero 8, 2012

"Kakarampot na ginto"

  Siguro nga tama ang kasabihan na "OK ng mamatay sa masamang paraan na busog  kaysa mamatay na kumakalam ang sikmura dahil walang trabaho".Biro lang gawa-gawa ko lang 'yang kasabihan na 'yan.Maiba ako, nabalitaan n'yo na ba ang nangyari kamakailan lang sa Compostela Valley at ang landslide doon? Kumitil ang landslide na 'yun ng higit 25 katao, higit 16 ang sugatan at  meron pang nawawalang mahigit 100 katao.
   Maraming lumalabas na kwento-kwento at mga tsismis na kaya nagkaroon ng landslide sa ComVal eh dahil sa illegal logging at pagmimina idagdag pa ang mga small-scale miners na walang permit para mag-operate na magmina sa nasabing pinangyarihan ng insidente.Masasabi natin na "contributing factors" ang mga nasabing dahilan at hindi yan kwento-kwento lang.Pero bukod pa dito, tingnan na muna natin ang dahilan kung bakit dumami ang mga ilegal na small-scale miners sa ComVal. Dahil ito sa "kakapiranggot na ginto"at KAHIRAPAN..Teka, bakit ba ibubuwis ng tao ang kanyang buhay sa isang bagay na siguradong ikakamatay n'ya kung meron namang ibang mas madaling trabaho? Ang Compostela Valley ay maikokonsedera natin sa estado na "developing" at hindi pa masyadong umaangat.Bagamat hitik sa yamang-mineral at likas na yaman ang lugar, madami paring mahihirap sa lugar kaya ang iba napipilitan sa mga delikadong trabaho tulad ng pagmimina.
  Hindi natin masisisi ang mga mamamayan sa ComVal (small scale miners)  kung bakit ganyan ang sinapit nila.Kung ako din ang nasa lugar nila eh ita-take ko na lang ang risk para mabuhay kaysa mamatay ng kumakalam ang sikmura.Oo maraming paraan pero papaano naman sa mga taong nais lang eh ang kumita ng pera na hindi pa nila nahawakan sa tanang buhay nila?Meron tayong kanya-kanyang pangarap at para sa mga minero na biktima ng landslide pangarap lang naman nilang makakain ng isang kapirasong letson ng manok o adobo para sa hapunan na minsan lang mahahapag sa kanilang lamesa. Imbes na sisihin ng sisihin natin ang mga small-scale miners sa lugar kaya nagka-landslide eh mas mabuting makiramay na lang tayo sa namatayan. Maba-badtrip lang tayo at stressful ang manisi ng manisi kaya 'wag na lang baka tayo pa ang mamatay dahil sa atake sa puso. At ang huli, "wake-up call" ito para sa lokal na gobyerno na sumasakop dyan. Mas maganda na higpitan pa lalo ng local government ang proseso ng pagmimina at maghanap ng alternatibong pagkakakitaan para sa mga mamamayan tulad ng turismo. Kung meron mang "ITS MORE FUN" dito sa Pilipinas, ito 'yung nakikisimpatya tayo sa mga namatayan at humahanap tayo ng paraan para tumulong sa kapwa."ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES" nga!