Pumutok na naman ang kontrobersya na ginaya na naman daw ng Department of Tourism ang slogan na ito at sa pagkakataon na ito ayon sa kasalukuyang namumuno ng DOT eh "coincidence" lang daw ito.Ayon sa mga tsismis-tsismis eh ginaya daw nila ang pinaglumaang brip (slogan) ng bansang Switzerland na "ITS MORE FUN IN THE SWITZERLAND" na pinutok noong 1951.Hindi ko nga matanto kung nagkataon lang ba ito o ginaya talaga.Kung ginaya man ang slogan na 'yan eh ang lupet pala ng mga researchers ng DOT para manghalukay ng mga gamit na slogans ng ibang bansa.Lumabas na din ang ganitong mga paratang noong nakaraang taon na nanggaya daw sila pero noon eh hindi 'yung slogan ang ginaya kung hindi 'yung logo mismo.Ang masaklap pa eh umabot pa sa punto na nag-resign na ang DOT secretary na in-charge sa panahon na 'yun dahil sa kagaguhan ng mga kritiko.Teka matanong ko lang, ano ba talaga ang impact kung nanggaya ka ng isang bagay para lang ma-promote ang layunin ninyo para sa nakakarami? Hindi naman importante kung ginaya man 'yan o hindi basta mapapalago at maaakit ang mga turista na pumunta dito sa ating bansa.Masamang manggaya? Oo masama nga at aminado naman ako doon. Kahit na nga ako mismo eh gumagaya ng estilo ng ibang artist na mas magaling pa sa aking gumuhit pero alam n'yo anong ikinaganda noon? Noong mga panahon na ginagaya ko pa ang mga estilo ng iba eh 'yun 'yung ang mga panahon na nagsisimula pa lang akong linangin ang kakayahan kong gumuhit. Para sa akin, ang gumaya eh "stepping stone" lang para gumaling pa ako lalo hanggang dumating na ang panahon na madiskubre ko ang sarili kong estilo na matatawag kong sa akin lamang.Napahaba ata ang pangle-lecture ko pero applicable lang 'yan kung ginaya nga ng Department of Tourism ang slogan.Kung hindi congrats (share ko lang ang experience ko).
Naging topic din ang bagong slogan ng Department of Tourism sa kagaguhan ng mga taong walang magawa sa buhay sa social networking site.Kung ako lang ang hihingan ng opinyon tungkol sa mga nakikita ko at nababasa sa Facebook(Facebook lang kasi ang kadalasan kong ginagamit na site), lahat kagaguhan at katangahan.Sabihin n'yo nang masyado akong marahas sa mga pinagsasabi ko pero totoo lahat ang sinasabi ko.Ni minsan wala pa akong nakitang post na "positibo" tungkol sa bagong slogan ng Department of Tourism lahat panggagago at kawalang-hiyaan.Ganito ba talaga kagago at katanga ang mga pinoy para ang bagong slogan ng Department of Tourism eh pagtritripan? Ganyan ba katanga ang mga pinoy na imbes suportahan ang bagong slogan para sa ikabubuti ng nakakarami eh hinihila pa natin ito pababa? Ganyan na ba tayo kagago na lahat na lang bagay na may magandang hangarin eh ita-tag natin sa masama at pangit na anggulo ng ating bansa?Ang layunin lang naman ng slogan na 'yan eh ma-promote ang turismo ng bansa kaya wala tayong dahilan para batikusin ng batikusin ang DOT. Wala namang international law na nagbabawal na gumaya ng slogan ng ibang bansa at isa pa 60 years ago na pinaglumaan ng Switzerland 'yan(kung ginaya man).Oo ang katotohanan ay masakit pero mag-isip bago gumawa ng katangahan.Ginagamit ang slogan para mag-promote hindi para magkalat ng katangahan sa internet. Kung walang utak, 'wag magpromote ng katangahan sa kapwa tanga dahil nanganganak 'yan sige kayo....
NOTE: Wala na munang Editorial Cartoon na tribute sa post na ito.Busy pa ako masyado at meron pang inaasikasong mga mahahalagang bagay (pero nakakapag-internet ng mahigit limang oras araw-araw).Hayaan n'yo at ipo-post ko din ito agad-agad sa blog na ito pero recap na lang kung meron bang improvement sa mga post sa mga blogs at sites.Sana sa susunod na post ko eh may magandang balita tungkol sa slogan na 'yan para everybody hapi!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento