Martes, Setyembre 13, 2011

Kung anu-anong problema...

  Isa lang ang masasabi ko d'yan.MADAMING "LOLONG" SA GOBYERNO NATIN!!!!


Rason kung bakit hindi umuunlad ang Mindanao...

    Tanong ko lang bakit ba hindi umuunlad ang Mindanao?Dahil ba sa mabahong amoy ng durian?Dahil ba sa madaming mga katutubong tao dito?Dahil ba dito nagmula ang pamilyang Ampatuan na notorious sa pag-massacre sa mga katropa natin dito sa Mindanao?
   Simple lang naman ang sagot ko d'yan.Opinyon ko lang 'to huwag makulet.Huwag magpakabibo at huwag magprotesta.Dahil lang naman ito sa mga militante nating mga kapatid na CPP-NPA at ang kanilang mga katropa na MILF.Hindi yung "MILF" na napapanood natin sa mga porn site kung hindi yung mga taong nakikipagdigmaan sa gobyerno.Idagdag na rin natin ang mga terorista na Abu Sayyaf para one big happy family sila.Lagi nilang pinagsisigawan na dahil hindi umuunlad ang ating bansa ay dahil sa kurapsyon.Hindi nila napagtanto na sila din naman ang "isa" sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bayan.Kung walang pagkakaisa walang pag-unlad at wala na ding mapapagtripan.Kung gusto nila talagang umunlad ang ating bansa eh isuko na nila ang kanilang mga paputok at kwitis sa gobyerno at magbagong buhay na.Huwag na magpaka-epal.Kahit na siguro ako ay isang negosyante ay hindi din ako maglalaan ng aking pera upang mamuhunan sa isang lugar na purong violence ang alam ng mga tao.
   Maiba din ako, natanong ko sa sarili ko kung ako ay isang rebelde ano ang gagawin ko kung kami na ang mamumuno sa pamahalaan?Sana matanong ng mga epal na yan sa kanilang mga sarili ang mga bagay na 'yan.Ang pamamahala ng isang gobyerno ay hindi biro huwag naman tanga.
   Madami pa akong dinagdag dyan na mga "rason" kung bakit walang kinahihinatnan ang Mindanao bukod sa mga epal na rebelde.Pakisuri na lang mga kapatid....

NOTE:Lilinawin ko lang, hindi po ako isang loyalista ng gobyerno.Baka sabihin ninyo kinikilingan ko ang ating pamahalaan.Huwag naman mangmang.Opinyon lang yan at para sa akin iyan ang solusyon sa  problema ng  ating bayan.At tsaka nga pala,tinamad na akong mag-lecture.Bahala na kayong intindihin yan..

Sabado, Setyembre 10, 2011

Dahil ganito tayong mga PINOY.....

    Ang salitang "diskriminasyon" ay maiuukol natin sa hindi makatarungang pagtrato sa isang tao base sa kanyang lahi, kasarian, relihiyon, mukha, o kulay ng balat n'ya.Natanong ko sa sarili ko kung ganito ba talaga ang mga pinoy?Kaya napagpasyahan kong ulit na itampok ito sa aking blog.
   Meron akong mga "equations" na binuo ko ayon sa pakikihalubilo ko sa iba at panonood ng mga DVDs' at sa mga nababasa kong mga aklat na may kinalaman sa salitang diskriminasyon sa ating bansa.
  -MUSLIM=DVD O TERORISTA
  -MATABA=BABOY O MATAKAW
  -INDIAN=BUMBAY O 5-6
  -MAITIM=NEGRO O NETIBO/IGOROT
  Marami pa akong mga ginawang "equations" nalimutan ko lang sa bahay.Tanggapin nating mga pinoy na ganito tayo.Mapangmata at magaling mag-stereotyping.Wala akong intensyon na tuligsain ang mga ugaling-pinoy na minana pa natin sa ating mga ninuno.Ang sa akin lang bago tayo gumawa ng ganitong katarantaduhan sa kapwa, tingnan ang sarili sa salamin at tanungin, "Tama ba ang ginagawa ko?".
  
Ang hatol ko sa ganitong mga gawain ng pinoy :MAKIKITA SA LARAWAN



Biyernes, Setyembre 9, 2011

Ang pambansang Ibon...BOW

   Kung ang bansang Estados Unidos ay mayroong "American Bald Eagle" at ang Mexico ay mayroong "Golden Eagle" bilang mga pambansang ibon, meron din tayong "Philippine Eagle" na masasabi kong isa sa mga pinakamatikas at pinakamakapangyarihang ibon sa buong mundo.Idagdag pa natin ang kung anu-anong mga katangian ng ibong ito, "endemic" o dito lang sa bansa natin makikita ang pambihirang ibon na ito.Kaya napagpasyahan kong itampok itong ibon na ito sa mumunting blog ko.
  Dumiretso na tayo sa kalagayan ng ibong ito.Nakakatamad mag-discuss ng mala-aklat na kasaysayan ng ibon na ito.Kung Interesado talaga kayo na basahin ang kasaysayan ng ibon na ito na parang nagbabasa ka ng isang nobela pumunta sa website na ito.Tinatayang may mahigit 180 hanggang 500 na Philippine Eagle na lamang ang matatagpuan sa kagubatan idagdag na ang mga nakikita natin sa mga conservation centers sa bansa.Sa totoo lang mga 'dre kaya maliit lang ang bilang ng mga ibon na ito ay dahil sa mahina sila pagdating sa pagsaboy ng kanilang lahi sa kagubatan.Maituturing kasing "faithful" ang mga ito sa kanilang mga asawa at umaabot pa ng 2 taon ang breeding cycle nito.At paminsan-minsa kung minamalas ginagawang pulutan ang mga ito ng mga magigiting na magsasaka.Basta madaming rason huwag makulet.
   Sana naman seryosohin ng DENR ang pag-aalaga sa mga ibon na ito.'Wag naman garapal at tumanggap ng "pampadulas".Pambansang ibon ito hindi ito maya o butiki sa bahay na madaling makuha.

"MALANGIS" na problema...

   Araw-araw na lang natin napapanood sa ating mga telebisyon ang pagtaas-baba ng mga presyo ng mga produktong petrolyo sa ating merkado.Ang masamang epekto nito ay habang tumataas ang presyo ng krudo ay sumusunod ding tumataas ang ibang bilihin tulad ng gulay ,karne ,manok ,bigas pati na ang load na pang-text natin sa ating mga syota.Nagtataka ako kung bakit sumasabay ang mga ito sa pagtaas eh hindi naman tayo kumakain ng gulay na may halong gasolina o pagsasaing ng bigas na gamit ang diesel bilang panlinis ng bigas.Himutok ng mga butchi ng mga negosyante dahil daw ito sa "transportasyon" sa mga kalakal ng mga pagkain.Tama nga naman sila, hindi naman kasi pwedeng gumamit ka ng kariton sa pagde-deliver ng gulay.Pwede siguro kung malapit lang.Pero paano kung galing ka sa Benguet patungong Maynila gamit lang ang kariton.Malaking hassle 'yan bukod pa sa kakaining oras niyan sa pagbibiyahe.Idagdag pa ang pagka-badtrip sa panahon at kung anu-anong pang mga balakid.Hindi rin pwedeng gumamit ng kalabaw o kabayo dahil parehas lang din ang kinalalabasan nyan.
   Higit na naapektuhan sa pambabadtrip ng mga OIL COMPANIES ang mga nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan.Kapansin-pansin kasi ang mas napapadalas na "price increase" ng produktong-petrolyo kaysa sa rollback.Oo nga at meron silang tinatawag na "Bigtime Rollback" pero mantakin niyo naman   masyadong "rare" ito dahil minsan lang sa isang buwan ginagawa ng mga OIL COMPANIES ito.
   Kaya napagpasyahan kong magbigay ng ilang  mga suhestiyon para malunasan ang problemang ito.Huwag mag-alala suhestiyon lang ito base sa maigi kong paghahalukay-ube sa mga aklat at mga websites at pati narin sa aking pananaw ukol dito.

1.Simulan natin sa usapin tungkol sa Spratlys Islands.Nagtataka ba kayo kung bakit pinag-aagawan ng ibat-   ibang bansa sa timog-silangan Asya ang maliit na tumpok ng mga isla na ito?Simple lang naman ang sagot dyan.Dahil ito sa nadiskubreng vast oil reserves sa nasabing isla.Tinatayang may 17.7 billion tons (1.60 × 1010 kg) oil reserves dito pang-apat sa pinakamalaking oil reserves sa buong mundo.Sa totoo lang ang bansang Tsina lang naman ang maituturing natin na malaking balakid upang maangkin ang mga nasabing isla.Sa aking pananaw imbes na magdeklara ng digmaan sa mga bansang umaangkin sa Spratlys Island ay dapat magkaroon na lang sila ng "JOINT PROJECT" upang linangin ang natatagong yaman ng isla.Sa hatian naman sabihin na lang nating 50/50 para walang bias.Sa Tsina lang applicable ang nasabing suhestiyon 'wag na isali ang iba.
2. Mag-invest ang ating gobyerno na palitan ang mga makina ng ating mga pampublikong sasakyan.Pwede din naman na gamitan natin ng elektrisidad bilang alternatibong pinagkukunang lakas para mapatakbo ang mga sasakyan.Kaso nga lang sa hakbang na ito gagasta talaga ng malaki-laking halaga ang gobyerno pero bawi din naman maghintay lang.
3.Pwede ding gumawa na lamang ang gobyerno ng madaming MRT at LRT sa buong bansa.Ibaklas na lahat ng kalsada at palitan lahat ng riles ng tren.Masosolusyunan na ang problema sa gas, mababawasan pa ang mga kolorum sa lansangan.
4.Kunin ang 12% VAT sa mga produktong petrolyo.Kaso nga lang higit na matatamaan ang kaban ng bayan sa hakbang na ito dahil mabaawasan ang nakukurakot este nakokolektang buwis.
5.Maglakad na lang at gamitin ang bisekleta bilang transportasyon.Makaka-exercise ka na wala pang polusyon.

  Oh ayan ha iyan ang ilang mga suhestiyon ko upang masolusyunan ang lumalalang problema natin sa krudo.'Yung iba trip lang at yun naman iba pinaglaanan ko talaga ng effort.Wag tanga suhestyon lang yan.. 

Sabado, Hulyo 9, 2011

"Free wheels..."

     Ginimbal tayo ng sunod-sunod na mga isyu tungkol sa 'di umanoy kurapsyon at mga anomalya sa nagdaang administrasyon ng dating pangulo at ngayo'y kongresman ng Pampanga na si Rep. Gloria Macapagal Arroyo.Para ka lang nagbukas ng regalo sa birthday na puno ng surprises.Kung mamalasin ka at maitapat n'yo ang inyong mga telebisyon sa mga sikat na networks ngayon tulad ng GMA o sa ABS-CBN o sa TV5 o kung anu man yang TV networks na nagpapalabas ng mga balita eh ito ang tatambad sa mga pagmumukha ninyo.Maging sa mga sikat na mga dyaryo nakafeature 'tong mga walang katapusan na diskusyunan sa mga isyung nakaukol sa anomalya sa pamahalaan.Simula sa anomalya sa AFP na nauwi sa pagpapatiwakal ng dating heneral nito na si Angelo Reyes at panghohostage ng nasibak sa pwesto na si Rolando Mendoza sa mga turistang intsik sa Quirino Grandstand hanggang sa pangungutya ni Aling Dionisia sa mga bakla dahil sa pag-inom 'di umano ng mga "enhancing pills".Mas masaklap pa ito sa pagta-tag sayo ng mga esprens at mga katropa mo sa Facebook ng mga walang kwentang larawan at pagpo-post mo sa sarili mong wall mo ng "Gusto kong kumain ng BURGERSSS!!..HUHUHUHU!!" o hindi kaya "Excited to go to C.R....Hihihihi!" at ang pinakalatest,ang pagkaksangkot ng mga obispo sa "FREE WHEELS" courtesy syempre ng dating pangulo na si Rep.Gloria Macapagal-Arroyo.
   Hindi na bago ang mga isyung ito tungkol sa simbahan.Meron nang nauna dito tulad ng "pending request" ng mga bakla at tibo sa Same Sex Marriage at pagsasabatas ng RH BILL.Kahit na ang ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal naitampok sa kanyang mga nobela ang mga katarantaduhan ng mga pari sa mga pilipino noon noong hawak pa at sinakop pa tayo ng Espanya.Maraming mga benefits ang pagiging pari sa kapanahunan ni Rizal.Bukod sa hindi ka sakop ng batas kapag gumagawa ka kahalayan sa mga alila ng simbahan, obligado din ang mga maralitang pilipino noon na magbigay ng mga regalo kung saang parokya sila nasasakop.
    Baka magtaka kayo bakit tayo makikialam sa ganitong mga isyu eh busy na busy tayo sa paglalaro ng  DOTA o hindi kaya pagrereply o pagtext natin sa mga syota natin ng "Gudmorning..jejejeje" o "Gudnight..hihihi!" o pagiging abala natin sa mga thesis at projects na bigay ng mga masusungit na propesor natin sa kolehiyo.Ano ba ang mapapala natin?
     Halos 80% ng populasyon  ng Pilipinas ay mga katoliko at itinuturo din sa ating mga simbahan ang pakikipagkapwa natin sa mga taong nakapaligid sa atin at pagpapakita ng mabuting asal na nagbibigay ng malaking impluwensya sa ating mga buhay.Idagdag pa ang pagtuturo ng pagmamahal sa kapwa at pagbibigay importansiya sa pagdadasal.Hinigitan pa nito ang pag-inom natin ng 3-in-1 na kape at panonood natin ng Care Bears o Barney and friends.Gayun lang din naman eh bakit pa tayo nakakaranas ng pambabasted sa mga cute na chikas at pagmumura kapag badtrip na badtrip tayo?O hindi kaya ang pagsagot-sagot natin sa ating mga magulang at pag-ihi sa mga lugar na bawal ihian?
     Tama nga naman ang mga obispo.Hindi naman masama kung magre-request ka sa ating pangulo ng mamahaling SUV para gawing service sa kanilang parokya.Turo ng simbahan na dapat mapagbigay tayo at  tama lang naman ang ginawa ni Arroyo kahit na kunin mo ang pondo ng  PCSO.Nasa 21st century na tayo  at hindi na uso ang paglalakad ng ilang kilometro para makapagmisa ka sa malalayong lugar.Pwede namang magrequest ka ng "free wheels" kasi nga hindi 'yun kasalanan.Napakalinis nga at sana sa susunod na mga sermon ng mga pari eh i-feature naman nila ang pagiging mapagbigay sa kapwa.

Huwebes, Hulyo 7, 2011

"Anime character of the day- Ichigo Kurosaki (BLEACH-Celeb)"

   Pasensya na mga troll,esprens o kung sino man yan wala talaga akong mapost na matino ngayong araw na ito eh.Gusto ko sanang talakayin ang usapin tungkol sa anomalya na pinaggagawa ng dating administrasyon  sa PCSO kaso nga lang gumagawa pa kasi ako ng resume dahil kaka-resign ko lang.Maiba ako, ang mukhang nakikita nyo sa larawan ay ang bida sa anime na BLEACH na si Ichigo Kurosaki.Kung hindi man sila magkahawig o ang pangit ng pagkakaguhit ko ng facial expression nitong mama na ito, eh problema n'yo na yan magtiis kayo.Baka magtaka kayo bakit walang background ang ginuhit kong ito ay dahil nawili ako sa panonood ng Power Puff Girls sa TV5 at nakaligtaan ko ng lagyan ng flowers-flowers ang paligid.