Miyerkules, Hunyo 29, 2011
"Anime character of the day - Uzumaki Naruto/Monkey D' Luffy (Celebrity)"
Hayaan n'yo akong mag-post ng mga gawa ko na mismong nirequest ng mga esprens ko sa facebook.Alam kong pamilyar kayo sa dalawang anime character na mga iyan.Iyang nasa kanan ay ang bida sa anime na One Piece na si Monkey D' Luffy at yan namang nasa kaliwa ay si Uzumaki Naruto ng Naruto Shippuden.Yan namang nasa gitna ay 'yung taong nag-request ng drawing na 'yan gamit ang drawing-style ng Bleach.Plano ko sanang iguhit si Ichigo Kurosaki na naka-hollow form kaso nga lang dahil sa binadtrip ako ng mga negative shits sa paligid ko,iginuhit ko na lang ang nag-request n'yan.
Lunes, Hunyo 27, 2011
"Anime character of the day-Zeneth (Non-celeb)"
"Importante ba ang TRUST RATINGS?"
Binabandera ng mga TV networks na pumangalawa lang ang ating pangulong malupit sa chicks na si Presidente Aquino.Syempre nanguna na naman ang kanyang bise na si Jejomar Binay.'Wag na kayong magtaka kung ganito ang lumabas na ratings ng ating pangulo at 'wag na rin kayong magtaka bakit nanguna tong si Binay.Wala naman akong pakialam sa Trust Ratings na yan eh.Pampagulo lang yan at nagdudulot ng kung anu-anong kabadtripan sa taumbayan.Teka nga pala,aanhin ba yang Trust Rating na yan kung madaming nagugutom?Aanhin ba yan kung wala ka pang nagagawang isang proyekto sa pakikinabangan ng mga manggagawang pilipino na naghihirap dahil sa paghahanap ng pangulo ng "SOUL MATE" shit na 'yan?
Pwedeng bumati? Binabati ko nga pala si Congress Danilo Suarez ng Quezon.Hanga ako sa kanya dahil magaling magpalusot at mangumbinse sa isang interview sa TV.At tsaka nga pala, s'ya lang naman ang nanlibre kay PGMA and friends habang nasa New York 'tong mga !@#$^&! 'to.Mura lang naman eh, aabutin lang naman ng $15,000 lahat-lahat.OK lang naman manlibre basta hindi galing sa sariling bulsa ang pera.
Linggo, Hunyo 26, 2011
"Panayam sa isang security guard ng University of Southeastern Philippines tungkol sa UNIFORM POLICY"
"Anime character of the day- Pein (NARUTO)"
Kung mahilig kayo magbasa ng manga at manood ng Hentai este Anime na NARUTO eh alam kong pamilyar kayo sa anime character na ito.Siya nga pala si Pain (Nagato) na pangunahing kalaban sa anime na tinutukoy ko.At tsaka nga pala, sya pala ang pinuno ng pinakamalakas at nakakabadtrip na grupo sa Naruto Universe dahil sa kanilang mga whatta-moves at kanilang mga shit.Mahilig din mangulekta tong mama na'to ng mga pet na madaming buntot na tinatawag na "Bijuu".Saludo ako sa kanya dahil hindi nagpapahuli ng buhay at nanaising mamatay para maiwasan ang kanyang mga kasalanan kaya napagpasyahan kong iguhit s'ya.
NOTE: Hindi ko kinuha ang larawan na iyan kung saan-saan.Ginuhit ko yan mismo.
NOTE: Hindi ko kinuha ang larawan na iyan kung saan-saan.Ginuhit ko yan mismo.
Biyernes, Hunyo 24, 2011
"Anime character of the day- Angel (Non-celeb)"
Hindi naman talaga ito isang anime character.Pampa-dagdag lang ng intro para dumami ang babasahin n'yo at para mabadtrip yung mga taong hate na hate ang pagbabasa.Teka nga pala,siya pala si "ANGEL".Isa s'ya sa mga tauhan ng gagawin ko na "Manga-inspired" na komiks (wala talaga akong planong tapusin ang komiks na 'yun kasi nga parati akong busy at sumusulyap-sulyap na mag-renta ng PC sa malapit na internet shop).At tsaka muntik ko nang makalimutan, hinango ko ang drawing na ito sa isang babae.Totoong babae at hindi katang-isip shit ko o kung sino man.Kung gusto n'yong makilala ang tinutukoy kong babae,i-click lang dito.
"KRAB MENTALITY"
Minsan na ba kayong napagtripan ng kapwa n'yo officemates o katrabaho na pagchismisan o siraan kayo habang kayo'y nakatalikod?Naranasan n'yo na bang mawalan kayo ng trabaho dahil sa mga chismoso/chismosang mga kasama mo?Isa ito sa mga pinakamasaklap at pinakanakaka-badtrip na ugaling pinoy na ilang dekada nang tumitipa sa mga taong focus na focus sa kani-kanilang mga gawain.Ewan kung saan nanggaling ang salitang "KRAB MENTALITY" na'to at kung sinong henyo ang naka-imbento ng salitang shit na ito.Wala na kong pake sa history ng salitang ito dehins din kasi makakatulong ito.Hindi naman kasi kailangan na manira ng tao para lang umangat ang estado ng buhay ng isang tao eh.Kailangan lang naman ng secret ingedients na "TIYAGA" at dagdagan na rin ng "SIPAG" para mapansin ka ng nakakataas sa'yo o ng manager mo o supervisor o kung sinu-sino mang taong magbibigay ng opportunity sa'yo.Kung trip na trip n'yo pa talagang sumarap ang timpla ng buhay n'yo, humithit lang ng isang pack ng vetsin para tumaas I.Q. n'yo o mag-DOTA na lang kayo..
Basta pakisilip na lang yang larawan na ginuhit ko at mag-iwan ng mensahe.Paki-intindi na lang ang mensahe ng larawan na yan at gudluck.
Basta pakisilip na lang yang larawan na ginuhit ko at mag-iwan ng mensahe.Paki-intindi na lang ang mensahe ng larawan na yan at gudluck.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)





