Ano pa pala ang silbi ng on-going Peace Talks sa mga rebeldeng MILF kung hindi naman sinusunod ng mga ito ang tigil-putukan?Malaking kalapastanganan ang nangyari noong Martes sa Basilan dahil sa pagkamatay ng tinatayang 19 na sundalo ng AFP.Sinundan pa ito ng magkakasunod na pag-atake sa Zamboanga Zibugay na kumitil ng hindi bababa sa 5 sundalo.Ayon sa pinakabagong balita hindi daw ititigil ng pamahalaang Aquino ang Peace Talks dahil sa pangyayaring ito.Kung ako lang naman ang hihingan ng opinyon dito sa usapin na ito, hindi naman kasi nadadaan ang lahat sa hinahon at pagpapakumbaba ang ganitong mga pangyayari dahil sa merong mga buhay ang nawala.Kailangan ng "aksyon" para irespeto ng mga rebeldeng 'yun ang Peace Talks.Mahirap magbulag-bulagan kung madaming buhay ang nasasakripisyo.Kung tutuusin sila lang din naman ang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang Mindanao.Ang lalaki nilang hangal na sinisisi nila ang gobyerno sa kanilang mga kamalasan sa buhay.
Biyernes, Oktubre 21, 2011
Martes, Oktubre 18, 2011
Dahil sa mga hindi pinag-iisipang mga batas....
Kaya gumugulo ang bansang ito ay dahil sa mga hindi pinag-iisipang mga batas.Parang tinitingnan na lamang ng mga mambabatas ang aspeto na "mali" kaysa sa "praktikal".Kahit na sabihin nating "mali" ang isang bagay ay hindi basta-basta na lamang tayo magpapanukala ng batas para makontra ang masamang gawain na ito.Hayaan n'yo akong magbigay ng halimbawa.Isang magandang halimbawa ang pagpapanukala ng "Anti-Planking Law" na trip gawing batas ni Rep.Winnie Castelo.Rason ng cute na kongresista na ito ay masyado daw delikado ang pagsasagawa ng "Planking" o ang pagdapa ng banayad sa isang lugar na trip mo.Eh pano kung gumawa naman ng ibang trip ang mga kabataan?Gagawan ba ulit ng batas?Ang isyu na ito ay hinalintulad ko sa "Stone Age" na kung saan hindi pa masyadong ganap ang pag-iisip ng mga tao at syempre ang mumunting mensahe ko sa kanila.....
Linggo, Oktubre 16, 2011
CHARTER CHANGE?!
Teka nga muna, ano ba talaga ang mapapala ng taumbayan dito sa CHARTER CHANGE?Minsan nang napagtripan ng dating administrasyon na isulong ito.Ayon sa mga nasagap kong balita kung mapapatupad daw itong trip ng mga kongresista at mga senador, mapapalawig daw ng mga nasa pwesto sa pamahalaan ang kanilang termino ayon sa kanilang gusto.Kung ako lang din naman ang tatanungin ukol dyan, mas maganda kung ipapaalam sa madla kung ano ba talaga ang "CHACHA" nang lubusang maintindihan ang dala nito sa bansa.Ibinase ko ang isyu na ito sa kwento tungkol sa maalamat na lungsod ng Troy .
Biyernes, Oktubre 7, 2011
DAANAN NG KAMALASAN..
Ang bansa natin ay daan ng mga bagyo.Given na 'yun at hindi na natin mababago 'yan pero pwede naman tayong maghanda.Hindi na sana aabot sa punto na madaming mamatay bago pa umaksyon ang pamahalaan.Hindi naman sa sinisisi ko ang gobyerno kung bakit maraming namamatay taon-taon dahil sa mga bagyo kung hindi dahil sila lang ang may kapangyarihan na gumawa ng malalaking "hakbang" para protektahan ang mga mahihina at 'yung mga walang wala sa buhay.Sana matanto nila na gumawa sila ng malaking investment sa isang proyekto para maiubsan ang pinsala na naidudulot ng mga bagyo.Kung titingnan kasi ang istatistika ng pinsala ng mga bagyo taon-taon pwede na sana 'yung gamitin para gumawa ng isang proyekto na pipigil sa mga bagyo na kumitil ng inosenteng buhay at pagpinsala ng maraming ari-arian.
Linggo, Oktubre 2, 2011
Anime character of the day- MAGNUS (Non-celeb)
Tulad nga ng sinabi ko nung huli akong nag-post dito sa blog ko, hindi na muna ako magtatampok ng mga paksang pang-politikal kasi may kalamidad pa doon sa hilagang bahagi ng ating bansa.Meron na akong mga "bala" dito kaso sa susunod na mga araw ko na lamang ipo-post.Nagsasaliksik pa kasi ako doon sa paksa na iyun para walang sablay.
Pinakikilala ko nga pala sa inyo, siya nga pala si MAGNUS.Lilinawin ko lang hindi s'ya 'yung napapanood n'yo sa IMMORTAL ha kung hindi sariling bersyon ko.Magkatukayo lang 'wag makulet.Isa sa mga "Conquistadores" ng sarili kong komiks.Kung nagtataka kayo kung ano itong tinutukoy ko na "conquistadores" ay isa silang grupo ng malalakas na indibidwal.Equivalent ito sa "13 captains" ng Bleach.Kaso nga lang sampu lang sila.Isa siyang "Alchemist".Basta sa susunod na lang ang ibang detalye busy ako eh.
Sabado, Oktubre 1, 2011
Anime character of the day-Maria Fritz (Non-celeb)
Teka preno muna tayo sa pambabatikos ng mga tiwali at gahaman.Kamalian at katarantaduhan at lumingat saglit dito sa ginawa kong anime character.Na-inspire ako dahil sa nabalitaan ko na ipapalabas na ang ikatlong kabanata ng Shakugan no Shana na nagpaalab ng kagustuhan kong pagbutihin at magpakadalubhasa sa pagguhit.Huling kabanata na ito kaya aabangan ko ito.Kung gusto n'yo talagang malaman kung sino ito, pinapakilala ko sa inyo si Marria Fritz.Isa sa mga "conquistadores" ng binubuo kong komiks.Tungkol sa kaya nyang gawin, ewan undecided pa.Kung ano ang kapangyarihan n'ya undecided pa rin.Pero hayaan nyong bigyan ko kayo ng hint.Magkaugali sila ng bida ng Shakugan no Shana pero may konting lambing-effect.Basta 'wag na mangulet.
At tsaka nga pala, kung gagawa ako ng isang komiks, iaalay ko ang malilikom na pondo sa pagbebenta nito sa pagtulong sa mga kapatid natin.Kumbaga parang fund-raising.Pagplaplanuhan pa namin ng mga katropa ko dito kung papaano namin isasagawa iyun.
"DAVAO DEATH SQUAD"
Ang lungsod ng Davao ay isa sa mga pinaka-mauunlad na lungsod dito sa bansa.Taga-Davao ako at pinagmamalaki ko 'yun.Kaso nga lang sa bawat magandang bahagi ng isang bagay o lugar ay meron ding kaakibat na pangit at masamang bahagi.Isa na dito ang extra-judicial killings sa Davao City.Kapag natimbre ka na drug addict ka sa lungsod na 'yan at hindi mo tinitigil ang kalokohang 'yan, binibilang na lang ang araw mo.Dahil sa grupong ito lubos na bumaba ang natatalang kriminalidad sa Davao hindi gaya noon na masyadong talamak ang krimen.At ang masaklap walang ginagawang aksyon ang mga kinauukulan dito.Ang masama pa parang natural na lang sa mga tao dito na meron silang naririnig na pinatay ng mga naka-motosiklong vigilante.Sa aking opinyon, bagaman mali ang ganitong sistema mas nakakabuti ito sa nakakarami.Kung hindi ka drug addict, hindi ka matatakot na barilin o saksakin na lang bigla ng mga vigilanteng iyan.
Note:Hinango ko ang ginuhit ko sa "Shinigami" o "Death God" sa paniniwalang hapon na may halong kanluranin dahil sa maskara.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)